Fiona’s POV
Napabuntong-hininga ako. Kahit gaano kagalit si Marie kay Aries, alam kong hindi pa siya tapos. Alam kong may matinding sermon pa siyang nakareserba para sa akin. "Kaya, ano na? Anong balak mo?" tanong niya, taas ang isang kilay, habang nakapamewang na parang isang ina na naghihintay ng paliwanag mula sa pasaway niyang anak. Pinisil ko ang kumot na nakatakip sa akin, hindi sigurado kung sasabihin ko ba o hindi. Pero alam kong hindi ko rin ito maitatago nang matagal. "Marie…" nilingon ko siya nang dahan-dahan. Sumalubong ang mapanuri niyang tingin. "Hala, Fiona, ano ‘yan? May nagawa ka bang krimen?" Huminga ako nang malalim at bumulong, "May… may naka-one night stand ako kagabi." Sandaling natahimik si Marie. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa bigla siyang sumigaw. "ANO?!" Napapitlag ako sa kama. "Marie, bawasan mo naman ang volume!" Pero hindi siya nagpapigil. Nanlaki ang mga mata niya, hindi pa rin makapaniwala. Pero sa halip na magalit, bigla siyang tumalon sa kama, hinampas ako ng unan, at halos mangisay sa kilig. "Omg, Fiona! Anong nangyari?!" halos nanginginig ang boses niya sa excitement. "Paano? Saan? Sinong lalaki?! Gwapo ba?! OMG, gwapo ba?!" "Marie!" tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Hoy, ‘wag mo akong pigilan! Spill the tea, girl! Jusko, sa wakas! Sa wakas, nakaganti ka rin!" Napailing ako. "Hindi ko naman ginusto, Marie." Napahinto siya, pero hindi nawala ang kislap sa mga mata niya. "Paanong hindi mo ginusto? Fiona, ilang beses ka nang niloko at sinaktan ng walanghiyang asawa mo! Compared sa dami ng babaeng ikinama niya, wala ‘yang nangyari sa’yo! At least ngayon, tabla na kayo!" Napakagat-labi ako. "Pero hindi ko alam, Marie… hindi ko matanggap ang nangyari. Hindi ako ganitong klase ng tao." Huminga siya nang malalim at hinawakan ang balikat ko. "Fiona, listen. Hindi mo ito kasalanan. Hindi mo sinadya. At higit sa lahat, hindi ikaw ang nangunang manloko." Hindi ako nakapagsalita. "Alam mo kung sino ang salarin dito? Si Aries! Dahil kung hindi ka niya trinato na parang basura, kung hindi ka niya pinagpalit sa kung sino-sinong babae, hindi ka mapupunta sa ganyang sitwasyon!" Nagpipigil ako ng luha. "Pero Marie, parang ang dumi ko na…" "Ano ka ba, Fiona?" Umupo siya nang maayos at seryosong tinitigan ako. "Ikaw pa rin ‘yung Fiona na kilala ko. Walang nagbago. Isa lang ‘to sa consequences ng pagiging tanga mo kay Aries." Napakunot ang noo ko. "Hoy!" "Aminin mo!" aniya, tumatawa. "Pero seryoso, Fiona… kung meron man akong gustong ipamulat sa’yo, ‘yon ay ang katotohanang wala kang dapat ipag-guilty." Tahimik akong nag-isip. "Ngayon," ngumisi siya, "ikwento mo nang buo. Gwapo ba?" Hindi ko napigilang mapailing, pero ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Napalunok ako at pilit kong iwasang ngumiti, pero hindi ko mapigilan ang alaala ng lalaking iyon. Matangkad… Matipuno ang katawan… Matangos ang ilong… Mapupungay ang mga mata… At ‘yung braso niya… Diyos ko! Ang tigas ng muscles! Napalunok ako. "OMG! Fiona! Bakit parang namumula ka d’yan?!" Tuwang-tuwa si Marie na parang batang kinikilig. "Wag mong sabihing gwapo siya! No—hot?! Jusko, Fiona, biglang nagbago ang ihip ng hangin!" "Nako, Marie!" tinakpan ko ang mukha ko, hindi ko alam kung paano ako makakawala sa usapang ‘to. "Kumpleto ba ang abs?!" tanong niya na may halong panggigigil. "Hindi ko alam! Hindi ko tiningnan!" mabilis kong sagot. "Aba teka, teka…" Bigla siyang napahinto at kunot-noo akong tinignan. "Pero paano ba talaga nangyari ‘yon?" Huminga ako nang malalim bago napayuko. "Marie… nagkamali ako ng pasok ng kwarto." "H-ha?" Kumurap siya, mukhang hindi agad nakuha ang ibig kong sabihin. "Laseng ako kagabi. Sobrang hilo ko. Ang room number na dapat kong puntahan, 606… Pero ang napasok ko, 609." Natigilan siya. Tahimik. Hanggang sa bigla niyang ibinuka ang bibig at sumigaw. "D**N, FIONA! AS IN NAPAGKAMALAN MO SIYA NA SI ARIES?!" Napapikit ako sa kahihiyan. "Oo…" bulong ko. Halos mapahiga si Marie sa kama sa sobrang pagkagulat. Ilang segundo siyang hindi nakaimik, pero nang makabawi… bigla siyang sumabog sa kakatawa! "HAHAHAHAHAHA! PAMBIHIRA, FIONA! THIS IS INSANE!" "Marie! Wag kang maingay!" hiyang-hiya kong pinisil ang braso niya. "Jusko, Fiona! Saan ka nakakita ng ganyang kamalas na babae pero ang ending eh jackpot?!" Pinipigilan niya ang tawa niya pero nanginginig ang balikat niya. Napaisip ako. Jackpot ba talaga ‘to? Kasi kung ako ang tatanungin… para itong bangungot na hindi ko alam kung paano babangon mula rito. Napahawak ako sa sentido ko habang nakayuko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Marie nang hindi siya masyadong mag-react, pero mukhang imposibleng mangyari ‘yon dahil sa sobrang hyper niya ngayon. "Teka lang, teka lang…" Inangat niya ang kamay niya na parang pinipigil ang sarili niyang kiligin pa lalo. "So anong edad niya? Mas matanda ba sa’yo?" Napaisip ako. Pilit kong inalala ang mukha niya. Oo, maskulado siya. Oo, matangkad siya. Pero ‘yung mukha niya… mukhang bata. "Uh…" Napakagat-labi ako. "Sa totoo lang, mukhang mas bata siya sa akin." Nanlaki ang mga mata ni Marie. "Ha?! Mas bata?!" Tumango ako. "Siguro mga… twenty-six?" "Tangina, Fiona!" Hinawakan niya ang balikat ko at marahas na niyugyog. "Dalaga ka ulit, girl! Mas bata pa sayo ang naka-one night stand mo! Shit, sana all!" "Marie!" siniko ko siya. "Tigilan mo nga ‘ko!" Pero lalo lang siyang natuwa. "Bakit ka ba kinakabahan? Kung ako sa’yo, maghanap ka na ng bata! Mas sariwa, mas exciting, mas—" Umirap ako. "Tama na, Marie." Pero hindi siya nagpapigil. "Ano ba! Anong problema kung mas bata siya? Malay mo naman, type ka rin niya!" Napailing ako at pilit na umiwas ng tingin. "Imposible." "Bakit naman?" "Marie, thirty-three na ako." Binigyang-diin ko ang edad ko. "At kung tama ang hinala ko, baka nga hindi pa siya umaabot ng twenty-seven." "So?" "So, anong rason niya para magkainteres sa isang gaya ko?!" Napahinto si Marie at sinamaan ako ng tingin. "Hoy, Fiona, kung may makakarinig sa’yo, iisipin nilang matandang dalaga ka na! Jusko, girl, hindi ‘yan issue! Thirty-three ka lang, hindi ka pa senior citizen!" Napabuntong-hininga ako. "Ang punto ko, Marie, imposible kaming magkita ulit. Imposibleng may mangyari pa ulit sa amin. And besides, hindi ko naman siya kilala." Napangisi siya. "So ibig sabihin, kung makilala mo siya, pwede pa?" Napaawang ang bibig ko. "Hindi ‘yon ang point ko!" Tumawa lang siya. "Hay nako, Fiona. Basta, kung makikita mo ulit ‘yang lalaking ‘yan… sabihin mo sa akin, ha? Kasi kung hindi mo siya gusto, baka ako na lang ang lumandi sa kanya." "Marie!" At muli siyang humagalpak sa tawa. Naisip ko uli si Aries.. Gusto kong gawin ang lahat para ma-save ang kasal namin.. Gagawin ko ang lahat. Kung kailangang ibaon ko sa limot ang nangyari noong gabi na iyon sa lalakeng hindi ko alam ang pangalan. Gagawin ko...(Fiona’s POV)Pagdating ko sa bahay, halos matunaw ang pagod ko nang marinig ang malulutong na tawa ni Lizha. Nakatayo siya sa sofa habang kinakawayan ako, hawak ang stuffed toy niyang bunny.“Mommy!” she squealed, tumatakbo papalapit sa akin.Napangiti ako at agad siyang sinalubong, binuhat at niyakap nang mahigpit. “Kamusta ang baby ko?” I asked, inhaling her sweet baby scent.“Happy!” she giggled, pinulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko. “Si Ninang Marie po naglaro with me!”“Wow, buti naman at may silbi ‘yang Ninang mo,” biro ko, palihim na sinulyapan si Marie na kasalukuyang naka-upo sa carpet, nag-aayos ng mga stuffed toys.“She’s been bullying me the whole afternoon, just so you know,” reklamo ni Marie, pero halatang hindi seryoso. “Kanina lang, tinawag akong ‘bad’ kasi ayaw kong gumamit ng pink na teddy bear sa pretend tea party namin.”Lizha gasped dramatically. “Kasi po, Ninang, pink is cute! You don’t like pink?”Marie sighed, acting defeated. “Fine, next time I’ll b
Nagi’s POV: The Moment of RecognitionI wasn’t expecting it.Walking through the hallway, I was preoccupied with my own thoughts when—BAM!A sudden impact. A small gasp. A familiar scent.My hands instinctively reached out, steadying the person who had just collided with me. Napakunot ang noo ko, handa sanang pagalitan kung sino man ang hindi nakatingin sa dinaraanan. But the moment my eyes landed on her face—Everything stopped.Fiona.The name slammed into my mind like a thunderclap.I recognized her instantly. That face. Those lips. Those damn eyes that haunted me in ways I couldn’t explain.Fiona Mendez.Ang babaeng matagal ko nang hindi nakita, pero hindi kailanman nakalimutan.She stiffened in my hold, and I felt it—that tiny flicker of recognition in her eyes before she quickly masked it. Pero hindi niya ako maloloko. I saw the way her breath hitched, the way her fingers curled slightly, as if stopping herself from trembling.So, this is why.Bigla kong naalala kung paano siya
Kaya ko ‘to.Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Gusto kong kalimutan ang nangyari sa cafeteria kanina—lalo na ‘yung paglapit niya, ‘yung bulong niya.Damn it, Fiona. Stop thinking about it!Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya dapat iniisip. Hindi ko dapat siya hinahayaan na guluhin ang buhay ko. He’s just my boss now. Nothing more.Pero sa malas ko, pagdating ko sa opisina, nandoon na siya. Nakahilig sa may desk ko, tila may hinihintay.Ako."You took your time," he said, his smirk already in place.Mabilis akong umatras at nagkunwaring may inayos sa bag ko. "Busy po kasi ako, sir."He chuckled, at hindi ko kailangang tingnan siya para malaman na nakatingin siya sa akin nang buo ang atensyon."Busy avoiding me?"Napatigil ako. Lumingon nang bahagya, at doon ko siya naabutan—that damn smirk.Hindi siya agad sumagot, pero naglakad siya palapit. Too close. Napaatras ako pero hindi naman ako makatakbo."Relax, Fiona." M
Hindi ko alam kung paano ko napagtagumpayan ang araw kahapon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko pa itutuloy ang pagpapanggap na wala akong maalala. Dahil kung ganito na naman ang magiging takbo ng araw ko, baka hindi ko na kayanin.Nagi was relentless. At ang mas nakakainis? Nag-eenjoy siya.Pagkapasok ko pa lang sa opisina, parang nakaabang na siya. Nakapangalumbaba sa desk niya, nakatingin sa direksyon ko na para bang... may hinihintay.Ako.“Good morning, Miss Mendez,” he greeted, his voice laced with amusement.Napahinto ako sa harap ng desk ko. Napaka-aga pa, pero mukhang handa na naman siyang asarin ako. I straightened my posture, pretending I didn’t care. “Good morning po, sir,” I replied flatly.Pero imbes na bumalik sa ginagawa niya, tumayo siya at lumapit. Masyadong malapit.I felt the warmth of his presence even before he spoke.“You seem... tense,” he murmured, his gaze locked on mine. “Why so stiff, Fiona? Guilty of something?”I swallowed hard. No, Fiona. Don’t
Kinaumagahan, ramdam ko na naman ang kaba na parang palaging sumasabay sa bawat galaw ko. Wala pa ring katiyakan kung anong mangyayari kapag magkasama kami ni Nagi sa office, pero alam kong hindi na ako pwedeng magtago magpakailanman. Wala na akong ibang option kundi harapin siya.Pagpasok ko sa opisina, I tried my best to look composed. Pero hindi ko kayang itago ang tensyon sa katawan ko. Kahit gaano ko man pinipilit mag-focus sa trabaho, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa hallway—yung pagkikita namin, yung titig niya, yung naramdaman ko nung hawakan niya ako. It was all too much, and I couldn’t deny it anymore—Nagi’s presence was making everything feel so different.Nasa ganitong isipin ako nang pumasok si Nagi sa opisina. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa kanya. I can feel him—his presence is like a magnet that keeps pulling me in, even when I don’t want to acknowledge it.I tried to focus on my monitor, tapping on the keyboard, pretending I was busy, but I knew... I just
Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang kabang patuloy na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko na kayang kontrolin ‘to. Para bang may kung anong kaba na hindi ko mapigilan. Alam ko, at ramdam ko na anytime, pwede ko siyang makita—si Nagi. Hindi ko siya maiiwasan, at wala akong plano na magtago pa. It’s been two years... Pinapakalma ko ang sarili ko, iniisip ko na sigurado naman na hindi na niya ako maalala. Kung naaalala man niya, sigurado, isa lang ako sa mga babaeng naikama nung mga panahon na ‘yun. Isa lang akong bahagi ng nakaraan niya na pwede niyang kalimutan. That’s what I tell myself. Pero habang papalapit ako sa corner ng hallway… BAM! Nagbanggaan kami. Para akong tinamaan ng lightning sa bilis ng pagkabigla. Kung hindi pa ako nahawakan ni Nagi, baka natumba na ako sa sahig. Sh*t. Humarap ako kay Nagi, at doon ko nakita sa mata niya ang pagtataka. Siya mismo, parang nabigla. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, at parang ang bagal ng lahat. I could feel the i