Fiona’s POV
Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito. Inisip ko na kaya ko pang ayusin ang lahat. Na kung magpapakumbaba ako, kung ipapakita ko na handa akong tanggapin ang lahat ng pagkakamali niya, babalik siya sa akin. Na kung ipagpapatawad ko siya, baka isang araw magbago siya, at magkakaroon kami ng pagkakataong maging masaya. Na kahit anong mangyari, magkakasama pa kami. Akala ko kaya ko pang hawakan ang lahat ng ito. Pero nagkamali ako. Nakatayo ako sa harap ng dining table, ang mga kamay ko’y nanginginig habang mahigpit na hawak ang papel na iniabot niya—ang annulment papers. Ang mga salitang iyon, parang isang malupit na suntok sa sikmura ko. Walang tunog, pero ramdam ko ang pagkabasag ng lahat. Parang may tinatanggal sa amin, at hindi ko kayang itulak palayo. "Aries… bakit?" Mahina kong tanong, pilit binabasa ang mga mata niyang hindi kayang magbigay ng kahit kaunting sagot. Walang pagmamahal na natitira. Napabuntong-hininga siya at umiling, halatang may inis sa tono ng boses. Bakit ganoon? Wala bang natira sa mga taon namin na magkasama? "Fiona, ilang beses na nating pinag-usapan ‘to. Hindi na ako masaya." Naramdaman ko ang bigat ng bawat salitang binigkas niya. Parang may matalim na bagay na pumasok sa dibdib ko, na nagdulot ng sakit na hindi ko kayang alisin. Kailangan kong tanggapin na hindi na siya masaya. Na ang lahat ng ito, na kung saan ako nakatayo ngayon, ay natapos na. Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang mga luha. Kung may isang bagay na hindi ko kayang tanggapin, iyon ay ang mawala siya. Kahit na paulit-ulit na siyang nanakit, kahit na iniwan na niya ako ng maraming beses, patuloy akong naniniwala na babalik siya. Na may pag-asa pa, na hindi pa tapos ang lahat. "Pero… kaya ko namang ayusin. Kaya kong baguhin ang sarili ko. Kaya kong tiisin lahat, Aries. Mahal ko ang kasal natin, at mahal kita. Hindi ko kayang—" "Tama na." Malamig ang sagot niya, at para bang may tinik sa bawat salita na pumapasok sa aking katawan. "Tapos na ‘to para sa akin." Ang mga salitang iyon ay parang matalim na patalim na dumaan sa aking katawan. Umiling ako, at pilit siyang hinawakan sa braso, na parang may magagawa pa ako. "Kung may nagawa akong mali, sabihin mo. Babaguhin ko, Aries, kahit ano! Basta… ‘wag mong sirain ‘to." Muling umiling siya, at nakita ko sa kanyang mga mata ang isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi lang galit—sawa na siya. Walang pagmamahal, walang pagnanais na ayusin pa ang anumang bagay. Wala nang natira sa amin. "Fiona, hindi ikaw ang may problema. Ako." Napahawak ako sa dibdib ko, parang isang mabigat na bagay ang sumalo sa puso ko. Ang sakit, hindi ko kayang ipaliwanag. Para bang isang malaking pader na bigla na lang bumangga sa akin. "Kung hindi ako ang may problema… bakit mo ‘ko iiwan?" Napailing siya, at sa mga mata niyang iyon, nakita ko ang isang bagay na hindi ko inasahan—ang kawalang-interes, ang mga salitang hindi ko matanggap. "Kasi hindi kita mahal." Pak! Ang sakit, parang may pumunit sa aking puso. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit ba, sakit ba, o pagkatalo. Lahat ng mga taon na ginugol ko sa kanya, parang naging isang masalimuot na biro na hindi ko kayang kontrolin. Lahat ng sakripisyo, lahat ng tiyaga, iniisip ko baka isang araw magbabago siya. Minsan tinanong ko pa ang sarili ko kung kaya ko pang maghintay. Pero hindi na. At ngayon, nandito ako, hawak ang annulment papers—siya mismo ang naghain. Wala na akong magagawa kundi tanggapin na ito na ang katotohanan. Wala na kaming pagkakataon, wala na kaming magagawa pa. Ang kasal na ipinaglalaban ko—wasak na. Hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Sa bawat pagtingin ko sa paligid, naiisip ko lang kung ano ang sasabihin ng iba. Kung paano nila ako titingnan bilang isang babae na hindi na kayang iligtas ang kasal niya. Ang takot sa sasabihin ng mga tao—iyan ang pinakamabigat na pasanin. Ang reputasyon ko, ang kung anong klase ng babae ang magiging tingin nila sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na magiging kabiguan na lang ako. Hindi ko kayang tanggapin na magiging biro na lang ang lahat ng pinagdaanan namin. Ang kasal na sa unang pagkakataon ay mas mahalaga sa akin kaysa sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Aries—pero hindi ko na kayang baguhin ang lahat. Dalawang linggo matapos niyang i-file ang annulment, gusto ko lang sanang magkulong sa kwarto at hayaan ang sakit na lamunin ako. Pero hindi ako binigyan ng pagkakataon ng buhay na magdusa nang tahimik. Mabilis ang naging desisyon ng kumpanya—kailangan nila ng senior marketing coordinator para sa bagong branch sa Cebu. At walang ibang puwedeng magpunta kundi ako. "Two years, Fiona. Two years kang mananatili roon," sabi ng boss ko, walang bahid ng awa sa boses niya. "You’re the only one who can handle this transition smoothly. Alam kong marami kang pinagdadaanan, but this is your job. I expect you to be professional." At dahil wala na akong ibang pagpipilian, tumango ako. Sa loob-loob ko, baka mas okay na lumayo. Baka kung wala ako rito, mas madali kong matanggap ang nangyari. --- Pagdating sa Cebu "Alam mo, dapat magpasalamat ako sa Aries na ‘yan," natatawang sabi ni Marie habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit sa bagong apartment. "Kung hindi dahil sa kanya, hindi mo ‘ko makakasama sa Cebu!" Napabuntong-hininga ako. "Hindi ito trip, Marie. Work ‘to." "Psh. Work nga, pero at least may fresh start ka," sagot niya. "Malay mo, may gwapo kang makilala dito. Mas gwapo kaysa doon sa naka-one night stand mo." Napailing ako. Hindi ko na iniisip ang tungkol sa lalaking iyon o ang makakikilala pa ng iba at kung ano pang drama sa buhay. Gusto ko lang gawin ang trabaho ko at matapos ang dalawang taon na ito nang walang problema. At ganoon nga ang nangyari sa unang buwan ko sa Cebu. Abala ako sa trabaho—laging overtime, laging nakatutok sa marketing plans. Wala akong oras para sa sarili ko—mas gusto ko nang ganoon. Pero unti-unti, may napapansin akong kakaiba. Madali akong mapagod. Palagi akong hinihingal kahit hindi naman mabigat ang trabaho. At isang umaga, bigla akong nahilo sa opisina. "Buti na lang andito ako!" sigaw ni Marie habang inaalalayan ako paupo. "Ano bang nangyayari sa’yo, Fiona? Ilang araw ka nang mukhang pagod na pagod!" Napailing ako. "Wala ‘to, baka kulang lang ako sa tulog—" "‘Wag kang mag-deny!" putol niya. "Magpa-check-up ka na kaya?" Dahil sa pangungulit niya, napilitan akong sumama sa doktor. At sa sandaling iyon, biglang nagbago ang mundo ko. "Miss Fiona," sabi ng doktor, may halong pag-aalinlangan sa mukha. "Buntis ka." Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Buntis?" inulit ko, hindi makapaniwala. Tumingin ako kay Marie na nanlaki ang mata. "Holy sh—Fiona, seryoso?!" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin. Ang batang dinadala ko… Hindi anak ni Aries. Kung hindi si Aries, ibig sabihin… Napapikit ako, napahawak sa tiyan ko.(Fiona’s POV)Pagdating ko sa bahay, halos matunaw ang pagod ko nang marinig ang malulutong na tawa ni Lizha. Nakatayo siya sa sofa habang kinakawayan ako, hawak ang stuffed toy niyang bunny.“Mommy!” she squealed, tumatakbo papalapit sa akin.Napangiti ako at agad siyang sinalubong, binuhat at niyakap nang mahigpit. “Kamusta ang baby ko?” I asked, inhaling her sweet baby scent.“Happy!” she giggled, pinulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko. “Si Ninang Marie po naglaro with me!”“Wow, buti naman at may silbi ‘yang Ninang mo,” biro ko, palihim na sinulyapan si Marie na kasalukuyang naka-upo sa carpet, nag-aayos ng mga stuffed toys.“She’s been bullying me the whole afternoon, just so you know,” reklamo ni Marie, pero halatang hindi seryoso. “Kanina lang, tinawag akong ‘bad’ kasi ayaw kong gumamit ng pink na teddy bear sa pretend tea party namin.”Lizha gasped dramatically. “Kasi po, Ninang, pink is cute! You don’t like pink?”Marie sighed, acting defeated. “Fine, next time I’ll b
Nagi’s POV: The Moment of RecognitionI wasn’t expecting it.Walking through the hallway, I was preoccupied with my own thoughts when—BAM!A sudden impact. A small gasp. A familiar scent.My hands instinctively reached out, steadying the person who had just collided with me. Napakunot ang noo ko, handa sanang pagalitan kung sino man ang hindi nakatingin sa dinaraanan. But the moment my eyes landed on her face—Everything stopped.Fiona.The name slammed into my mind like a thunderclap.I recognized her instantly. That face. Those lips. Those damn eyes that haunted me in ways I couldn’t explain.Fiona Mendez.Ang babaeng matagal ko nang hindi nakita, pero hindi kailanman nakalimutan.She stiffened in my hold, and I felt it—that tiny flicker of recognition in her eyes before she quickly masked it. Pero hindi niya ako maloloko. I saw the way her breath hitched, the way her fingers curled slightly, as if stopping herself from trembling.So, this is why.Bigla kong naalala kung paano siya
Kaya ko ‘to.Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Gusto kong kalimutan ang nangyari sa cafeteria kanina—lalo na ‘yung paglapit niya, ‘yung bulong niya.Damn it, Fiona. Stop thinking about it!Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya dapat iniisip. Hindi ko dapat siya hinahayaan na guluhin ang buhay ko. He’s just my boss now. Nothing more.Pero sa malas ko, pagdating ko sa opisina, nandoon na siya. Nakahilig sa may desk ko, tila may hinihintay.Ako."You took your time," he said, his smirk already in place.Mabilis akong umatras at nagkunwaring may inayos sa bag ko. "Busy po kasi ako, sir."He chuckled, at hindi ko kailangang tingnan siya para malaman na nakatingin siya sa akin nang buo ang atensyon."Busy avoiding me?"Napatigil ako. Lumingon nang bahagya, at doon ko siya naabutan—that damn smirk.Hindi siya agad sumagot, pero naglakad siya palapit. Too close. Napaatras ako pero hindi naman ako makatakbo."Relax, Fiona." M
Hindi ko alam kung paano ko napagtagumpayan ang araw kahapon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko pa itutuloy ang pagpapanggap na wala akong maalala. Dahil kung ganito na naman ang magiging takbo ng araw ko, baka hindi ko na kayanin.Nagi was relentless. At ang mas nakakainis? Nag-eenjoy siya.Pagkapasok ko pa lang sa opisina, parang nakaabang na siya. Nakapangalumbaba sa desk niya, nakatingin sa direksyon ko na para bang... may hinihintay.Ako.“Good morning, Miss Mendez,” he greeted, his voice laced with amusement.Napahinto ako sa harap ng desk ko. Napaka-aga pa, pero mukhang handa na naman siyang asarin ako. I straightened my posture, pretending I didn’t care. “Good morning po, sir,” I replied flatly.Pero imbes na bumalik sa ginagawa niya, tumayo siya at lumapit. Masyadong malapit.I felt the warmth of his presence even before he spoke.“You seem... tense,” he murmured, his gaze locked on mine. “Why so stiff, Fiona? Guilty of something?”I swallowed hard. No, Fiona. Don’t
Kinaumagahan, ramdam ko na naman ang kaba na parang palaging sumasabay sa bawat galaw ko. Wala pa ring katiyakan kung anong mangyayari kapag magkasama kami ni Nagi sa office, pero alam kong hindi na ako pwedeng magtago magpakailanman. Wala na akong ibang option kundi harapin siya.Pagpasok ko sa opisina, I tried my best to look composed. Pero hindi ko kayang itago ang tensyon sa katawan ko. Kahit gaano ko man pinipilit mag-focus sa trabaho, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa hallway—yung pagkikita namin, yung titig niya, yung naramdaman ko nung hawakan niya ako. It was all too much, and I couldn’t deny it anymore—Nagi’s presence was making everything feel so different.Nasa ganitong isipin ako nang pumasok si Nagi sa opisina. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa kanya. I can feel him—his presence is like a magnet that keeps pulling me in, even when I don’t want to acknowledge it.I tried to focus on my monitor, tapping on the keyboard, pretending I was busy, but I knew... I just
Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang kabang patuloy na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko na kayang kontrolin ‘to. Para bang may kung anong kaba na hindi ko mapigilan. Alam ko, at ramdam ko na anytime, pwede ko siyang makita—si Nagi. Hindi ko siya maiiwasan, at wala akong plano na magtago pa. It’s been two years... Pinapakalma ko ang sarili ko, iniisip ko na sigurado naman na hindi na niya ako maalala. Kung naaalala man niya, sigurado, isa lang ako sa mga babaeng naikama nung mga panahon na ‘yun. Isa lang akong bahagi ng nakaraan niya na pwede niyang kalimutan. That’s what I tell myself. Pero habang papalapit ako sa corner ng hallway… BAM! Nagbanggaan kami. Para akong tinamaan ng lightning sa bilis ng pagkabigla. Kung hindi pa ako nahawakan ni Nagi, baka natumba na ako sa sahig. Sh*t. Humarap ako kay Nagi, at doon ko nakita sa mata niya ang pagtataka. Siya mismo, parang nabigla. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, at parang ang bagal ng lahat. I could feel the i