Home / Romance / CLAIMING HER / Chapter 4: Unfiltered Advice

Share

Chapter 4: Unfiltered Advice

Author: rhiettenbyme
last update Huling Na-update: 2025-02-08 20:46:39

Fiona’s POV

Nagmadali akong umalis mula sa kwarto ng lalaking iyon at halos tumakbo ako papunta sa tamang kwarto—ang kwarto na dapat ay pinuntahan ko kagabi. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Aries. Baka magalit siya. Baka tuluyan na niya akong hiwalayan. Gusto ko na lang magtago at kalimutan ang lahat ng nangyari. Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuksok ang susi sa pinto ng Room 606.

Pagbukas ko ng pinto, parang binagsakan ako ng langit.

Nandoon si Aries—nakahiga sa kama, nakatalikod sa akin. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang babaeng nakayakap sa kanya. Pareho silang walang saplot, natatakpan lang ng kumot ang kanilang katawan.

Parang may pumiga sa puso ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, hindi alam kung anong dapat maramdaman. Parang gusto kong humakbang palapit, pero sa bawat segundong lumilipas, ramdam ko ang matinding kirot na sumasakal sa dibdib ko.

"Aries..." halos isang bulong lang ang lumabas sa bibig ko.

Dahan-dahang bumaling siya sa akin, halatang nagulat. Pero imbes na pagsisisi ang makita ko sa mukha niya, isang iritable at walang pakialam na ekspresyon ang sumalubong sa akin.

"Fiona," malamig niyang sabi, parang wala lang nangyari.

Napuno ng galit ang sistema ko. Lumapit ako sa kama at tinulak siya sa dibdib. "Aries! Paano mo ‘to nagawa sa akin?! Ilang beses na kitang nahuli, pero paulit-ulit pa rin kitang pinapatawad! Tapos ngayon na naman?"

Itinulak niya ako palayo. Napaatras ako at halos matumba sa sahig.

"Huwag mong gawing ako ang masama dito, Fiona!" bulyaw niya. "Pinaghintay mo ako ng matagal! Hindi ko na kayang maghintay pa, kaya napilitan akong maghanap ng iba."

Napanganga ako sa sagot niya. Seryoso ba siya?! Ako pa ngayon ang may kasalanan?

Nanlabo ang paningin ko dahil sa luha. "Pinaghintay kita? Aries, ilang beses mo akong iniwasan! Ilang beses kitang inintindi, pero ikaw, kailan mo ako pinili?! Kailan mo ako minahal nang buo?!"

Hindi siya sumagot. Ang sagot lang niya ay isang malamig na tingin na parang nagsasabing, "Tapos na ako sa’yo."

At doon, unti-unting bumigay ang lahat sa loob ko.

Halos hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa bahay ni Marie. Ang alam ko lang, pagkarating ko doon, tuloy-tuloy akong pumasok sa maliit niyang apartment at halos bumagsak sa sofa.

"Marie..." nanginginig ang boses ko habang hinahanap siya.

Ilang segundo lang, lumabas siya mula sa kwarto niya, naka-bathrobe pa at halatang bagong gising. "Fiona?" Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura ko. "Anong nangyari sa’yo?!"

Sa halip na sumagot, tuluyan na akong napahagulgol. Niyakap ko ang sarili ko at pilit na pinipigilan ang sakit na bumalot sa akin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Girl, ano na naman ‘yan? Ano na naman ginawa ng walanghiyang asawa mo?!"

Sa gitna ng mga hikbi ko, ikinuwento ko lahat. Kung paano ko siya nahuli, kung paano niya ako tinulak, at kung paano niya sinisi ako sa sarili niyang kasalanan.

Habang nagsasalita ako, lalong nagdilim ang mukha ni Marie. Hindi lang siya galit—mukhang handa na siyang pumatay.

"Bwisit na lalaking ‘yon!" sigaw niya sabay tayo. "Seryoso ka ba, Fiona?! Sinisi ka pa niya?! Siya na nga itong hayop na nangaliwa, siya pa ang may ganang magtulak sa’yo?!"

Napayuko ako. Kahit ilang beses na akong niloko ni Aries, kahit gaano kasakit ang ginawa niya, ang totoo… asawa ko pa rin siya. Kaya kahit anong gawin niya, pinapatawad ko.

Pero ngayon? Pakiramdam ko, hindi ko na kaya.

"Ang tanga-tanga mo talaga!" sigaw ni Marie, sabay hampas ng unan sa mukha ko.

"Hoy!" reklamo ko, pero hindi ko siya mapigilan.

"Aminin mo! Fiona, ilang beses na kitang sinabihan na layuan mo na ‘yang Aries na ‘yan! Ilang beses mo na siyang pinatawad! Ilang beses mo nang pinagkatiwalaan! Pero ano?! Ulit-ulit lang!"

Napapikit ako habang umiiyak. Alam kong tama siya. Alam kong lahat ng sinasabi niya ay totoo.

Pero bakit ang hirap-hirap pa rin?

"Eh kasi asawa ko siya..." bulong ko, halos hindi marinig.

Natahimik si Marie. Ilang segundo lang, huminga siya nang malalim bago biglang hinampas ulit ako ng unan.

"Tanga ka talaga!"

Napatingin ako sa kanya, gulat sa biglaang pag-atake niya gamit ang unan.

"Fiona, kung ang pag-aasawa lang ang puhunan para sa kasiyahan, edi sana lahat ng may asawa, masaya! Pero hindi gano’n ang realidad! Ang kasal ay respeto, hindi pagsasakripisyo ng sarili mong dignidad!"

Napakagat-labi ako.

"Pero ikaw?!" Patuloy niya. "Ikaw ang nagbibigay, ikaw ang nasasaktan, ikaw ang nag-a-adjust, ikaw ang nagtitiyaga, ikaw ang nagpapakatanga! Fiona, wake up! Huwag mong ipagpilitan ang isang kasal na puro sakit lang ang ibinibigay sa’yo!"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.

Gusto kong ipagtanggol si Aries. Gusto kong sabihin na baka nagkamali lang ulit siya. Baka may chance pang magbago siya.

Pero hindi na ako makapagsalita.

Dahil alam kong wala na akong maisasagot.

Dahil alam kong sa kabila ng pagpupursigi kong ipaglaban ang kasal namin…

Nauubos na rin ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Winny
mas mahalin mo ang sarili mo fiona. kung paulit ulit ka ng niloloko at ulit ulit din ang pagpapatawad mo ay isang malaking kabaliwan yan.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • CLAIMING HER    Chapter 20

    (Fiona’s POV)Pagdating ko sa bahay, halos matunaw ang pagod ko nang marinig ang malulutong na tawa ni Lizha. Nakatayo siya sa sofa habang kinakawayan ako, hawak ang stuffed toy niyang bunny.“Mommy!” she squealed, tumatakbo papalapit sa akin.Napangiti ako at agad siyang sinalubong, binuhat at niyakap nang mahigpit. “Kamusta ang baby ko?” I asked, inhaling her sweet baby scent.“Happy!” she giggled, pinulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko. “Si Ninang Marie po naglaro with me!”“Wow, buti naman at may silbi ‘yang Ninang mo,” biro ko, palihim na sinulyapan si Marie na kasalukuyang naka-upo sa carpet, nag-aayos ng mga stuffed toys.“She’s been bullying me the whole afternoon, just so you know,” reklamo ni Marie, pero halatang hindi seryoso. “Kanina lang, tinawag akong ‘bad’ kasi ayaw kong gumamit ng pink na teddy bear sa pretend tea party namin.”Lizha gasped dramatically. “Kasi po, Ninang, pink is cute! You don’t like pink?”Marie sighed, acting defeated. “Fine, next time I’ll b

  • CLAIMING HER    Chapter 19

    Nagi’s POV: The Moment of RecognitionI wasn’t expecting it.Walking through the hallway, I was preoccupied with my own thoughts when—BAM!A sudden impact. A small gasp. A familiar scent.My hands instinctively reached out, steadying the person who had just collided with me. Napakunot ang noo ko, handa sanang pagalitan kung sino man ang hindi nakatingin sa dinaraanan. But the moment my eyes landed on her face—Everything stopped.Fiona.The name slammed into my mind like a thunderclap.I recognized her instantly. That face. Those lips. Those damn eyes that haunted me in ways I couldn’t explain.Fiona Mendez.Ang babaeng matagal ko nang hindi nakita, pero hindi kailanman nakalimutan.She stiffened in my hold, and I felt it—that tiny flicker of recognition in her eyes before she quickly masked it. Pero hindi niya ako maloloko. I saw the way her breath hitched, the way her fingers curled slightly, as if stopping herself from trembling.So, this is why.Bigla kong naalala kung paano siya

  • CLAIMING HER    Chapter 18: Breaking the Walls

    Kaya ko ‘to.Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang naglalakad pabalik sa opisina. Gusto kong kalimutan ang nangyari sa cafeteria kanina—lalo na ‘yung paglapit niya, ‘yung bulong niya.Damn it, Fiona. Stop thinking about it!Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko siya dapat iniisip. Hindi ko dapat siya hinahayaan na guluhin ang buhay ko. He’s just my boss now. Nothing more.Pero sa malas ko, pagdating ko sa opisina, nandoon na siya. Nakahilig sa may desk ko, tila may hinihintay.Ako."You took your time," he said, his smirk already in place.Mabilis akong umatras at nagkunwaring may inayos sa bag ko. "Busy po kasi ako, sir."He chuckled, at hindi ko kailangang tingnan siya para malaman na nakatingin siya sa akin nang buo ang atensyon."Busy avoiding me?"Napatigil ako. Lumingon nang bahagya, at doon ko siya naabutan—that damn smirk.Hindi siya agad sumagot, pero naglakad siya palapit. Too close. Napaatras ako pero hindi naman ako makatakbo."Relax, Fiona." M

  • CLAIMING HER    Chapter 17: Nagi’s Playful Pursuit

    Hindi ko alam kung paano ko napagtagumpayan ang araw kahapon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko pa itutuloy ang pagpapanggap na wala akong maalala. Dahil kung ganito na naman ang magiging takbo ng araw ko, baka hindi ko na kayanin.Nagi was relentless. At ang mas nakakainis? Nag-eenjoy siya.Pagkapasok ko pa lang sa opisina, parang nakaabang na siya. Nakapangalumbaba sa desk niya, nakatingin sa direksyon ko na para bang... may hinihintay.Ako.“Good morning, Miss Mendez,” he greeted, his voice laced with amusement.Napahinto ako sa harap ng desk ko. Napaka-aga pa, pero mukhang handa na naman siyang asarin ako. I straightened my posture, pretending I didn’t care. “Good morning po, sir,” I replied flatly.Pero imbes na bumalik sa ginagawa niya, tumayo siya at lumapit. Masyadong malapit.I felt the warmth of his presence even before he spoke.“You seem... tense,” he murmured, his gaze locked on mine. “Why so stiff, Fiona? Guilty of something?”I swallowed hard. No, Fiona. Don’t

  • CLAIMING HER    Chapter 16 : The Game Continues

    Kinaumagahan, ramdam ko na naman ang kaba na parang palaging sumasabay sa bawat galaw ko. Wala pa ring katiyakan kung anong mangyayari kapag magkasama kami ni Nagi sa office, pero alam kong hindi na ako pwedeng magtago magpakailanman. Wala na akong ibang option kundi harapin siya.Pagpasok ko sa opisina, I tried my best to look composed. Pero hindi ko kayang itago ang tensyon sa katawan ko. Kahit gaano ko man pinipilit mag-focus sa trabaho, naiisip ko pa rin ang mga nangyari sa hallway—yung pagkikita namin, yung titig niya, yung naramdaman ko nung hawakan niya ako. It was all too much, and I couldn’t deny it anymore—Nagi’s presence was making everything feel so different.Nasa ganitong isipin ako nang pumasok si Nagi sa opisina. Hindi ko na kailangan pang tumingin sa kanya. I can feel him—his presence is like a magnet that keeps pulling me in, even when I don’t want to acknowledge it.I tried to focus on my monitor, tapping on the keyboard, pretending I was busy, but I knew... I just

  • CLAIMING HER    Chapter 15: The Encounter

    Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang kabang patuloy na dumadaloy sa katawan ko. Hindi ko na kayang kontrolin ‘to. Para bang may kung anong kaba na hindi ko mapigilan. Alam ko, at ramdam ko na anytime, pwede ko siyang makita—si Nagi. Hindi ko siya maiiwasan, at wala akong plano na magtago pa. It’s been two years... Pinapakalma ko ang sarili ko, iniisip ko na sigurado naman na hindi na niya ako maalala. Kung naaalala man niya, sigurado, isa lang ako sa mga babaeng naikama nung mga panahon na ‘yun. Isa lang akong bahagi ng nakaraan niya na pwede niyang kalimutan. That’s what I tell myself. Pero habang papalapit ako sa corner ng hallway… BAM! Nagbanggaan kami. Para akong tinamaan ng lightning sa bilis ng pagkabigla. Kung hindi pa ako nahawakan ni Nagi, baka natumba na ako sa sahig. Sh*t. Humarap ako kay Nagi, at doon ko nakita sa mata niya ang pagtataka. Siya mismo, parang nabigla. Nagkatitigan kami ng ilang segundo, at parang ang bagal ng lahat. I could feel the i

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status