CHAPTER 1
"GUYS, Acropolis daw tayo pagkatapos nito!" sigaw ni Che-che, ang baklang organizer sa katatapos lamang naming fashion show. Ang tinutukoy nito ay ang isang sikat na high end bar.
Like the usual, isa na naman ako sa mga star of the night. Kaya hindi na halos magkasya ang mga bulaklak at regalo na nandito sa harap ng malaking salamin kung saan ako inaayusan. Ang iba ay galing sa mga madalas na guests sa ganitong klaseng event at marami rin ay mula sa mga hindi ko pa nakikilala.
Nagtatanggal ako ng make-up at halos lahat sila ay nagkakagulo dahil didiretso pa sa bar kung saan isi-celebrate ang success namin sa gabing ito.
"So are you coming with us? Please say yes," sabi sa akin ni Giesielle, ang matalik kong kaibigan. Pareho kami ng manager at tulad ko ay madalas din siyang apple of the eye.
"Hindi ba kayo napagod? Ang gusto ko lang ay mag-pajama tapos matulog ng sobrang bongga, gigising bukas ng alas-nuwebe ng umaga,” sagot ko habang binubura ang eye shadow.
"Ang kill joy talaga nito," aniya ng impit na boses. Nakita kong umupo si Mother Chelsea, ang manager namin ni Giesielle, sa katabing bakanteng upuan.
"Sige, Mommy, pilitin mo ‘yan," utos ni Gisielle sabay kuha ng isang box ng chocolate at kumain.
"Ikaw, baby ko," malambing na wika sa akin ng baklang manager, "sumama ka na sa amin. Unwind ka naman paminsan-minsan. Baka mas maraming sponsors ang makita natin doon 'di ba? Another blessing na naman sa mga ATM cards natin," maarteng saad niya.
"Palibhasa ang daming admirers kaya snob na lang 'yang iba riyan. Tapos may Steve Sy pa siyang umaaligid," tukso sa akin ni Giesielle, tinutukoy ang aking boyfriend.
Napailing na lang ako. Kahit may boyfriend na pero hindi naman ako pinagbabawalang lumabas nito. Simula nang naging kami ni Steve two years ago ay hindi pa naman siya nagalit na lumabas ako kasama ang mga co-models at manager. Pero kahit hindi siya mahigpit sa akin ay hindi ko nakakaligtaang magpaalam at mag-sent ng pictures sa kanya kung saan ako gumagala.
Hindi rin ako mahigpit sa kanya. Katulad ng ibang relasyon, dumaan din kami sa away-bati lalong-lalo na dahil sa larangan ng trabaho niya. Kapag artista ay hindi maiiwasang marami ang nakakapareha o ‘di kaya'y marami ang mga issue na lumalabas na nagiging karelasyon niya. Sa pagdaan ng taon ay nasanay na rin ako sa mga naririnig at nakikita sa telebisyon o social media. Pinapalagpas ko na lang dahil ang mahalaga ay maayos ang aming pagsasama.
Kapag hindi busy ang schedule ni Steve ay pinupuntahan niya ako sa mga lugar kung saan kami madalas na gumala at mag-bar, nakikisalamuha rin siya sa mga kasamahan ko. Having him in my life, wala na akong hahanapin pa. I love him so much at ganoon din siya sa akin.
"Napapangiti ang iba riyan ng walang dahilan. Palibhasa, in love sa fafalicious niyang boyfie," tukso ulit sa akin ni Giesielle.
"Nasaan nga pala si Steve, Paloma?" tanong ni Mother Chelsea.
"May taping po sa Singapore para doon sa pelikula niya. Parang next month pa siguro ang balik n'on," sagot ko na hindi inaalis ang mata sa salamin.
"Kaya gumala ka na, I'm sure iyang Steve mo, nasa galaan din ‘yon ngayon," nakaismid na sabi ni Mother.
"Nasa hotel lang daw po siya at nagpapahinga pero okay lang naman daw na gagala ako, regalo na rin para sa sarili dahil sa mga sunod-sunod na fashion shows," magalang kong sagot.
"Ikaw, Paloma, ha, magtapat ka nga sa akin, may plano na ba kayong mag-settle down? Mahirap mapangasawa iyang katulad ni Steve bukod sa gwapo na, artista pa at maraming mali-link diyan, kakayanin mo ba? Ngayong taon pa nga lang, ilang babae na ang nauugnay sa kanya? Nakasisiguro ka bang wala talagang pinapatulan ang jowa mo kahit isa sa mga babaeng iyon?" walang prenong tanong sa akin ng bakla habang ngumunguya ng sitsirya.
Normal na sa akin ang ganitong usapan. Napag-usapan na namin ni Steve ang tungkol dito. Wala kaming papaniwalaan o pakikinggan kung hindi kami lang dahil kaming dalawa lang naman ang involve sa relasyong ito.
"Alin po ang uunahin kong sagutin doon, Mother?" biro kong tanong sa kanya.
Sa halip na sumagot ay matinis na sigaw ni Mother ang sumunod at naramdaman ko na lang ang malamig na likido sa aking dibdib.
"Sorry, sorry, Pam," aligagang hinging paumanhin sa akin ni Angel, kasamahan kong model. Nabunggo niya ako habang may dalang isang basong malamig na tubig.
Tinulungan niya akong punasan ang nabasang dibdib.
"Me and my clumsiness. Sorry talaga, Pammy, may extra shirt naman ako, ipahihiram ko na lang sa'yo!" nagpa-panic niyang sabi.
"Diyos ko, Angelita, ingat-ingat din kapag may time. Muntik mo nang pinaliguan si Paloma ng isang basong tubig," sabi ni Mother at tumayo na.
"Mother, it's okay. Hindi naman sinasadya eh. Okay na ako, Angel, may extra shirt naman akong dala at nandoon sa sasakyan ko. Sige na bumalik ka na sa mga kaibigan mo at baka aalis na kayo," nakangiti kong sabi.
Humingi paulit ng paumanhin si Angel bago tuluyang umalis.
"Parang may itinatagong galit at gigil iyang Angel na iyan sa'yo, Paloma. Madalas kong nahuhuling nakatitig sa'yo na may kasamang irap sa huli. Ngayon hindi na nakatiis at binasa ka na talaga," komento ni Gisielle.
"Kung ano-ano talaga ‘yang mga iniisip ninyo. Aksidente lang iyong kanina na nabuhusan niya ako ng tubig. Saka mababait naman ang mga bagong recruit ni Mother kapag kasama ko sila sa mga practice or trainings at masunurin naman halos lahat. Kaya imposibleng sinasadya ‘yon ni Angel. Wala akong nakikitang dahilan para bigyan nila ako ng sakit ng ulo,” depensa ko sabay tayo mula sa upuan.
"Oh, ano? Magtititigan na lang ba tayo rito? Akala ko ba Acropolis tayo ngayon?" nakangiti kong bawi sa kanila.
Lumapad naman ang kanilang mga ngiti at sabay-sabay na kaming umalis.
Kumpulan na ang mga tao pagdating namin sa bar. Naunang pumasok si Gesielle sa loob dahil naghanap pa ako ng mapaparadahan ng dalang sasakyan. Siksikan na rin sa parking lot at pahirapan pa sa paghahanap ng bakante kaya inabot pa ako ng ilang minuto.
Nang maka-park na ay saka pa ako nakapagpalit ng pang itaas na damit. Crop top na off shoulder ang naipampalit ko dahil wala na namang ibang nandito sa aking bag.
Bumagay lang naman ito sa suot kong skinny jeggings at flat doll shoes. Ipapahinga ko na muna ang mga binti dahil ilang oras rin akong nag-high heels kanina para sa fashion show.
Sumunod kaagad ako kina Gesielle sa loob at marami na ang mga tao rito. Punong-puno ang dance floor at halos lahat ng mesa ay ukupado na.
Kung hindi ko pa alam kung saan ang madalas na pwesto ng grupo ay tiyak na mawawala ako. Ang pwesto namin kadalasan ay ang mga nakahilerang kalahating pabilog na sofa na may mesa sa gitna. Dito nila madalas gusto dahil malapit sa dance floor at madaling makita pagpasok ng mga tao. Hindi rin sila masyadong gumagamit ng VIP rooms dahil kami lang din daw ang magkikita-kita at magkukwentuhan. Mas mabuti ng dito dahil marami silang bagong makikilala.
Nagtaas kaagad ng kamay si Giesielle nang makita ako at sinenyasan akong maupo sa kanyang tabi.
Binigyan niya ako ng alak nang makaupo na at sabay na napalingon sa kabilang mesa dahil mukhang nagkakasayahan ang mga tao roon. Napuno sila ng mga hiyawan at biruan at karamihan sa kanila ay mga lalaki, mga gwapong lalaki. Akala ko ay mga kasamahan naming modelo pero hindi ako pamilyar sa mga mukhang iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay body shot ang ginagawa nila kasama ang iilang mga babae. Panay naman ang sulyap ng mga kasama ko sa kanila at nagtatagal pa ang mga tingin nito sa kabilang mesa.
"Baka matunaw," mahinang bulong sa akin ni Giesielle na may kasamang mahinang pagsiko. Hawak niya ang isang baso ng champagne.
"Grabe naman ‘to. Tinitingnan ko lang naman kasi akala ko mga kasama natin," dahilan ko sabay inom ng kaunting alak sa aking baso.
"Ang gagwapo no? Akala ko nga mga kasamaha rin natin pero hindi pala. So, sino riyan ang bet mo?" mapanuyang tanong niya.
"Lahat naman sila mga gwapo pero mga pilyo nga lang. Sa hitsura ng mga iyan, halatang left and right din ang mga girlfriends nila," sabi ko bago lumingon ulit sa kabilang mesa.
Pero sa paglingon ko ay nakasalubong ko ang dalawang pares ng malamig na mata. Dim ang mga ilaw sa gawi namin pero ramdam ko ang kanyang tumatagos at mapanuring titig. Inisang lagok ko ang alak dahil nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan.
"Mga young, succesful, hot businessmen and mga iyan. Take note, lahat sila ay mga binata, ibig sabihin kahit sino sa kanila ay pwedeng landiin," pilyang sabi ni Giesielle.
Ibinaling ko sa katabi ang atensiyon at kunot-noo ko siyang tinitigan.
"Don't look at me that way, Paloma. Lumandi ka na rin 'pag may time." May pilyang ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha.
Bumuntung-hininga na lang ako. Kahit hindi na siya lumandi marami pa rin ang magkakandarapa sa kanya dahil maganda siya.
Nagsimula na ang upbeat na music at mas nagkagulo pa sa dance floor dahil sa mga taong sumasayaw.
Inilapag ni Giesielle ang hawak niyang baso saka tumayo.
"Tara sayaw tayo, Pammy," anyaya niya sa akin sabay lingon sa kabilang mesa. Nagsitayuan na rin ang ilang mga lalaki at babae para pumunta rin sa dance floor. Hinawakan ako ni Giesielle pero umayaw ako.
"Gei, ikaw na lang, dito na lang ako. Siksikan na nga sila roon, dadagdag pa ba ako?" natatawa kong sabi. I'm not really into dancing lalo na kapag nasa bar. Kung zumba pa siguro iyan ay papatulan ko.
"Pammy, ang KJ mo talaga. Sige na wala ka rin namang gagawin dito kasi pupunta rin naman ako sa dancefloor kaya sumama ka na." Hindi pa rin siya sumuko ng kahihila sa akin.
"Go, Pammy, sige na! Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan! " sigaw naman ng mga kasamahan namin na may kasama pang palakpak.
Nakaka-agaw na kami ng atensiyon at kahit dim ang ilaw sa lugar ay tinamaan pa rin ako ng hiya.
"Paloma, sige na, dear, sumayaw ka na. Kaya nga tayo nandito para mag-enjoy. Paano ka naman mag-i-enjoy kung tutunganga ka lang dito? Kaya sige na the dance floor is waiting," pangungulit din ni Mother Chelsea.
Hinila ulit ako ni Giesielle kaya nagpatianud na lang ako.
Tumayo na ako at pinaypayan ang sarili dahil sa init na nararamdaman. Bago pa tuluyang makalayo sa aming mesa ay inisang lagok ko muna ang champagne para madagdagan ang lakas ng loob at mawala ang hiyang nararamdaman ko.
Pero pakiramdam ko’y naaasiwa ako. Sanay naman akong nasa akin ang mata ng lahat pero nakararamdam pa rin talaga ako ng ilang kapag nasa totoong mundo na at nililingon o tinititigan ng ibang tao. Dumako ang aking mata sa kabilang mesa at nakasalubong ko na naman ang mga matang iyon. Matang mapanuri na hindi mo mababasa kung ano ang nasa isip at pakiramdam niya. Parang ang bigat ng dating dahil kinabahan ako sa paraan ng pagkakatitig niya.
Naputol ang aming tinginan nang hinila na ako ni Giesielle papunta sa dance floor. Pero habang naglalakad at hindi pa kami nalulunod sa maraming tao ay muli ko siyang tinapunan ng tingin. Uminit ang aking mukha nang makasalubong ulit ang kanyang mata. Umiinom siya mula sa basong hawak habang hindi binabawi ang kanyang tingin sa akin hanggang sa unti-unti na kaming lumapit sa kumpulan ng mga tao at nakipagsiksikan sa gitna.
May kanya-kanyang mundo na ang mga tao rito sa dance floor. May normal pa ang sayaw, ang iba naman ay resulta ng alak sa kanilang sistema.
Mas nabuhay pa ang gabi nang magsalita ang DJ sa ibabaw ng entablado at ang kasunod ay ang nakaka-indak na tugtog. Feel This Moment ni Cristina Aguilera at Pitbull ang bumasag sa lugar. Kusa na rin akong napapa-indak at sumabay sa kanila.
Pagkatapos ng kanta ay hindi ko pinagsisisihan na sumama ako kay Giesielle dahil nag-enjoy naman ako. Pareho kaming humihingal habang naglalakad pabalik sa aming mesa.
"That was fun," komento ko na may ngiti sa labi.
"I told you na masaya roon, ikaw lang talaga ang nega. Babalik ulit tayo mamaya pero ngayon ay uminom na muna tayo. Nakakauhaw rin ang sumayaw."
May sarili na ring mundo ang mga tao sa mesa namin. May ibang co-models na may kanya-kanya ng kausap, ang iba namang mga babae ay nandoon na rin sa kabilang mesa kabilang na ang grupo ni Angel, ang modelong aksidenteng nakabuhos ng tubig sa akin kanina.
"Ang bibilis naman nila, Pammy, kung makalingkis doon sa mga gwapong lalaki ay parang wala ng bukas," komento ni Giesielle bago uminom ng kanyang champagne.
Napailing na lang ako. "Hayaan mo na ang mga iyan, buhay nila iyan kaya wala na tayong magagawa," natatawa kong sabi.
"Bwisit! Naunahan pa talaga ako sa kursunada ko,” pairap niyang sabi.
"Saan ba riyan ang natitipuhan mo? Sa ganda mong ‘yan? Imposibleng 'di ka magugustuhan no'n pabalik." Sabay lingon ko sa kabilang mesa.
"Iyon nga, nilingkisan na ng isang baguhang model na kasama natin. See that guy with a white long sleeves? Iyan, napansin ko na siya pagpasok pa lang natin," nakakunot noong sabi niya.
Napahagalpak ako ng tawa. I just find her cute dahil sa kanyang reaksiyon na parang bata na naagawan ng candy.
"Hayaan mo na. Malas niya dahil hindi ikaw ang pinansin niya," pang-aalo ko.
"Hey, Pammy," sambit niya kaya nilingon ko ito ulit. "See that man? Kanina pa siya nakatingin sa'yo. Panakaw pero madalas ay titig na. If I'm not mistaken that is Arken Fernandez. Gwapo sana pero parang ang seryoso, parang 'di mabiro."
Tiningnan ko ulit ang lalaking tinutukoy niya at nandiyan na naman ang tumatagos nitong tingin. Binundol ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko matagalan ang kanyang titig kaya ako na ang kusang nag-iwas ng mata.
Nakailang shots pa kami bago bumalik ulit sa dance floor. Sa dami ng alak ay nagkahalo-halo na rin ang nainom ko dahilan kung bakit umiikot na ang aking paningin. At kahit pinagpapawisan na ay sumasayaw pa rin kami na tila hindi nakararamdam ng pagod. Parang ang sarap sa pakiramdam na nagagawa ko ang aking gusto. Walang pakialam kahit anong sayaw ang gawin ko at nawala rin ang aking pagkailang pati ang hiya.
Naramdaman kong may tao sa aking likuran at humawak pa ito sa aking baywang. Nanunuot sa aking ilong ang kanyang mabangong amoy na parang ang sarap yakapin at makatabi sa pagtulog.
"Can I dance with you?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na tumama sa aking tainga at nakikiliti ako. Nawalan ako ng lakas na tumutol dala na rin siguro ng alak. Kasunod kong naramdaman ay ang kanyang yakap mula sa likod at wala akong balak na magreklamo.
Sumandal ako sa kanyang malapad na dibdib at napapikit. Upbeat ang tugtog pero pang-love song ang aming sayaw at pareho kaming walang pakialam. Ang sarap lang ng posisyon ko at inaantok ako sa mga haplos niya sa aking braso.
Sana’y ganito kami ng boyfriend ko pero dahil busy siya sa trabaho kaya bihira lang kaming lumabas at nagkaka-bonding. Pero siguro kung ang lalaking ito ang boyfriend ko ay tiyak na bantay-sarado dahil baka maagaw pa ng iba.
Tuluyan ko ng hinarap ang aking kasayaw at naglambitin sa kanyang leeg. Hindi ko maiwasang mangarap na sana ay siya na lang si Steve at kasama ko ngayon.
Hindi na malinaw ang aking paningin dala na rin ng kalasingan kaya hindi ko maaninag ng mabuti ang lalaking kaharap. Dinadaya siguro ako ng aking mata dahil ang lalaking nasa kabilang mesa na may nakakailang na titig ang nakikita ko sa kanya.
Walang sabi-sabi’y bigla kong naramdaman ang kanyang labi. Ayokong tumutol kahit alam kong mali ito.
Pero paano si Steve? Pinagkatiwalaan niya ako pero ito ang igaganti ko?
Mahina ko siyang itinulak pero hindi niya ako binitawan. Niluwagan lang niya ang pagkakayakap sa akin saka tinitigan ako na nagpanginig ng aking tuhod.
Kahit matagal na kami ni Steve ay hindi ko pa naramdaman ito sa kanya. Sobrang komportable ako kapag kasama siya at hindi ako nagdadalawang-isip na biruin siya. Pero ang isang ito ay kailangan ko muna sigurong pag-isipan ng limang-daang beses bago bumitaw ng isang salita.
"What's wrong?" tanong niya. Kahit maingay ang paligid ay para kaming may sariling mundo.
"I'm in a relationship at dapat ay hindi ako nakikipaghalikan sa'yo," mahinang sagot ko habang namumungay ang mata. Parehong dala ng alak at ng kanyang halik.
"What made you think na hindi ka niloloko ng boyfriend mo? Nandito ba siya?" tanong niya at nagpalinga-linga sa paligid.
"He's not here. He's in Singapore," maikling sagot ko.
"Then maybe he is also cheating," may kasiguraduhan niyang sabi.
Muli kong naramdaman ang kanyang nag-aalab na halik. Kinakapos ako ng hininga na lalong nagpahina ng aking tuhod pero tuluyan na akong tinakasan ng katinuan. Alam kong mali ito pero pakiramdam ko’y tama at wala akong lakas na tumutol.
"YOU MAY KISS THE BRIDE" Masigabong palakpakan ang pumutol sa malalalim na halikan namin ni Arken. Tila nakalutang ako sa alapaap at parang panaginip lang ang lahat. Isang taon pagkatapos ng marriage proposal ay tuluyan na kaming humarap sa altar at ikinasal ulit. Sa pagkakataong ito’y sa simbahan na, pinagplanuhang maigi at hindi madalian. Hinintay na muna naming manganak ako bago isinakatuparan ang aming pag-iisang dibdib. Kumaway sa amin si Ate Leanne na kalong ang bunso namin ni Arken. Kahit na lalaki pa rin ito’y masaya at buong puso naming tinanggap. Makagagawa pa naman daw kami ng baby girl rason ni Arken. Kahit panay ang iwas ni Gieselle para hindi makasalo ng bouquet pero parang nananadiya ang pagkakataon at kusang lumapit ang bulaklak sa kaniya. "Naku, Gie, humanda ka dahil ikaw na yata ang susunod na magwa-walk down the aisle. I’m so excited for you my, dear, friend," tudyo ko rito. "Naniwala ka naman sa pamahiing 'yan? Paano ako ikakasal kung kahit jowa ng
CHAPTER 46 (ARKEN’S POV 2) Akala ko ay tuloy-tuloy na ang pagbuo namin ng pamilya pero bumalik si Nicollete na naging parte ng aking nakaraan. "Arken, I want you back. I still love you and I hope iyon din ang nararamdaman mo," harap-harapan niyang pag-amin. "Nicolle, I love you as my friend and as a sister. Sinubukan ko pero hindi na hihigit pa roon 'yon. Sinubukan naman natin na magkaroon ng relasyon dahil na rin sa kagustuhan ng pamilya mo at ng daddy ko pero wala namang nangyari 'di ba?" Pilit kong pinapaintindi sa kaniya ang reyalidad. Natutunan kong pahalagahan ang ibang tao dahil kay Paloma. Dahil sa kaniyang kabaitan kaya kahit naiinis at nawawalan na ako ng pasensiya ay pinipigilan kong magalit. "I want you back, Arken. Believe me ako pa rin ang babaeng babalikan mo at ako lang ang kayang magtiis sa 'yo," isa na naman sa mga banta niya. "I love Paloma! Kahit maghubad ka pa sa harapan ko ay hinding-hindi ako papatol sa'yo! Huwag mong hintayin na mas lalo akong maga
CHAPTER 45(ARKEN’S POV)"DUDE, sige na at sasaglit lang naman tayo roon. Para naman makita ako ng kapatid ko at malaman niyang supurtado ko siya sa career niya," pamimilit sa akin ng kaibigang si Kenjie. Kasali ang collection ng kapatid niyang fashion designer sa isang fashion show ngayon. Inaasahan nito ang kaniyang pagdating pero ayaw namang pumunta ng gago kung siya lang mag-isa."How about Matt? Iyon na lang kasi ang isama mo. Like, what the hell? Fashion show? Ano ako bading?" pagtanggi ko. May usapan ngayon ang barkada na pupunta sa isang high end bar at nakikita ko na ang sariling magsasawa sa maraming magagandang babae na puwedeng ikama na walang commitment at feelings na involved."Si Matthew? Naka-off na ang cellphone ng gago siguro ay nakakita na ng puwedeng maitabi buong gabi," reklamo niya.Napabuga ako ng hangin. Kung bakit kasi nangako pa siya sa kapatid niyang pupunta roon gayung mga babae at lalaking may pusong babae lang naman ang mag-i-enjoy sa ganoon?"Arken, ngay
CHAPTER 44PALAPIT na ng palapit ang kaarawan ko pero hindi man lang namin napag-uusapan ni Arken ang tungkol dito."So may grand celebration ba, Pam?" Nanunukso ang boses ni Gieselle. Tulad ng mga monthsary dapat ay pahalagahan din ng taong nagmamahal ang birthday ng iniibig nila pero mukhang malabong mangyari ‘yon."Ayoko ng umasa, Gie, dahil alam ko namang wala," malungkot kong sagot."Ito naman masyadong matampuhin. Malay mo tatahi-tahimik lang 'yan si fafa Arken pero baka may inihanda para sa'yo."Iling ang tanging sagot ko sa kaibigan. Masasaktan lang ako kung aasa."Magdi-dinner lang siguro tayo at matutulog ng maaga."Kumunot ang noo ni Gieselle at hindi makapaniwala na ganoon lang ang gagawin."First time ko yatang narinig 'yan sa'yo na ganyan ang birthday celebration," mahinang usal niya.Nang sumunod na linggo ay hindi ko inaasahan ang pagbisita ni Ate Leanne. Nakabalik na pala siya mula sa ilang linggong bakasyon."Kumusta, Pam?" malumanay na bati sa akin habang nasa garde
CHAPTER 43HINDI ko alam kung ano ang dapat isagot kay Arken. Dapat bang umamin ako? Tatalon sa sobrang tuwa? Nabibingi ako sa sariling kabog ng dibdib."You don't need to answer. Ang gusto ko lang ay sabihin ang matagal ko ng nararamdaman. Ang hirap kasi kung araw-araw ay kailangan kong itago ang damdamin para sa'yo."May maliit na ngiti sa kaniyang labi saka inabot ang setbealt. Kinintalan niya ako ng halik sa labi at nagulat ako roon. Pinagpapawisan at nanlalamig ako dahil sa kaba."It's my welcome kiss. Wala ka kanina sa bahay pagdating ko," sabi nito na titig na titig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi dahil sa tuwang pinipigilan.Sinumbatan ko si Gieselle pag-uwi nito sa bahay. Pinaalala ko sa kanya kung paano niya ako iniwan sa ere at hindi man lang tinulungang makapagpaliwanag kay Arken."Ayoko ngang madamay sa gulo ninyong mag-asawa. Mamaya ay pagalitan din ako lalo't ako ang pasimuno ng paggala natin. Isa rin ako sa nakiusap na sumali ka sa pictorial. Mabuti ng ikaw ang
CHAPTER 42KINULIT ako ni Gieselle ngayong umaga upang samahan siyang lumabas. Ikatlong araw na ngayon ng pananatili ni Arken sa Singapore at hindi ko pa alam kung kailan ito makakauwi."Sige na, Pam, para 'di ka ma-bore dito sa kahihintay ng prinsipe mo," matamlay na saad nito."Saan na naman nanggaling 'yan?" pagkukunwari ko naman na tila walang alam sa sinasabi niya."Sos, ako pa ba ang lolokohin mo? Panay kaya ang sulyap mo riyan sa cellphone at kapag tumunog ay sobrang excited kang basahin kung sino man ang nag-chat.""Sige na, sasamahan na kita. Saan ba kasi ang gala mo?" Pumayag na ako para tumigil na ito. Nararamdaman ko ring namumula na ang aking pisngi dahil sa hiya."Maglalakad-lakad lang tayo sa tabing-dagat parang gala na wala sa plano," turan niya habang lumalabas ng bahay.Hindi maaraw ngayon dahil natatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan. Hindi ko rin masasabing uulan. Mahangin at angkop ito sa aming plano ngayong araw."May pictorial yatang nagaganap." Sabay nguso