Share

CLUMSY (Tagalog)
CLUMSY (Tagalog)
Author: Blu Berry

PROLOGUE

PROLOGUE

BATA pa lang ako ay wala na akong ibang ginusto kung hindi ang maging isang modelo. Simula elementary hanggang high school, lahat ng related sa pagmo-model ay aking sinalihan mula sa mga workshop hanggang sa mga trainings ay wala akong ng pinalampas.

Marami ang nagsabi na tama lang ang larangang aking napili. Malaki ang chance na matupad ko ang pangarap na iyon.

Ang iba naman ay pinapasali ako sa mga beauty pageants pero uunahin ko muna ang pagmo-model dahil iyon ang aking pinakamalaking pangarap.

Walang problema kay mama dahil number one fan ko siya. Lagi niya akong sinusuportahan at kahit saang event ay nandoon siya para magpakita ng suporta.

Kabaligtaran naman sa aking ama na laging sinasabi na wala akong mararating sa pagiging model.

"Paloma, just be an engineer like me. Or mag-architecture ka na lang para may katuwang ako sa mga negosyo natin." Laging ganoon ang aming usapan pero nauuwi lamang sa pagtatalo at samaan ng loob.

Hanggang sa nag-college ay pinipilit pa rin ako ni Papa sa kung ano ang dapat kong kunin na kurso.

"Iwanan mo iyang fashion designing na iyan, Paloma! Wala kang mararating diyan!" Isa na naman iyon sa mga gabi na nagtatalo kami.

"How many times do I have to tell you, Pa, na ito ang gusto ko. I want a background in fashion and after kong maka-graduate I will pursue my modeling career!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

As usual, pumagitan na naman si Mama sa amin.

"Tama na iyan, Pa, hayaan mo na lang si Paloma, it's her dream at as long na she will be responsible sa kursong pinili niya then suportahan na lang natin siya."

"Clarita, are you out of your mind? Ano na lang sasabihin ng mga kasosyo ko sa negosyo? Na walang susunod sa yapak ko? Na hindi na tayo dapat pang pagkatiwalaan dahil kahit sarili kong anak ay ayaw sa larangang pinili ko?" sagot naman ni Papa.

"Harry, babae ang anak mo of course iba ang hilig niya kaysa sa'yo."

"Anong klaseng rason iyan? Ang dami-daming mga babae riyan, engineering ang kinukuha. Minsan nga mechanical pa. Anong ipinagkaiba nila kay Paloma?" ayaw pa rin niyang magpaawat.

"Enough!" hindi ko na natagalan ang sagutan nilang dalawa at ako na mismo ang sumuway. Pumagitan na ako dahil mamaya ay iiyak na naman si Mama.

Gabi-gabi ay halos ganoon ang nangyayari. Si Papa na hindi matanggap ang larangang gusto ko, si Mama na kumakampi sa akin at ako na kailangang pumagitan sa dalawang magulang na nagtatalo.

Pero nagbago ang lahat nang tumuntong na ako ng second year college. Naaksidente ang aking mga magulang isang gabi habang bumabiyahe at tuluyan ng namaalam ang aking ina.

Iyon na ang pinakamadilim na parte ng aking buhay. Ang nag-iisang taong naniwala, sumuporta at nakakaintindi sa akin ay nawala pa. Sinisi ko ang sariling ama sa mga nangyari kaya mas lumalim pa ang galit ko para sa kanya.

Hindi ko kayang magpatawad lalo’t kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana nawala si Mama. Kung iba siguro ang nagmamaneho nong mga panahong iyon ay hindi sila maaaksidente.

Araw-araw akong umiiyak at umaasang sana ay nasa tabi ko pa ang aking ina. Hindi ko rin gustong makita ang sariling ama kahit pa makaharap man lang sa hapag-kainan dahil wala akong ibang naaalala kung hindi ang kasalanan niya at ang sakit na idinulot sa pagkawala ng pinakamahal kong mama.

Nagpasya akong bumili ng sariling condo unit gamit ang naiwang pera ni Mama.

"Paloma, you don't have to do this," sinubukan akong pigilan ni Papa.

"No, I have to do this, Pa. Masasaktan lang ako kung ikaw ang lagi kong makikita," pahayag ko sa masakit na katotohanan.

"Sige, papayagan kitang umalis pero iwanan mo na iyang pagmo-modeling," sa halip ay sagot niya sa akin. Napukaw na naman ang natutulog na galit sa aking dibdib.

"May lakas ka pa talaga ng loob na bigyan ako ng kondisyon? Kung hindi dahil sa'yo nandito pa sana si Mama! Kung hindi dahil sa'yo hindi siya mapapahamak! Sana ikaw na lang ang nawala, Pa! Sana ikaw na lang ang nam- " hindi ko na natapos pa ang sasabihin dahil tumama na ang sampal niya sa aking mukha.

Tumulo ang luha mula sa aking mata samantalang nanatiling nakatitig si Papa sa akin, hindi ito umimik saka umupo sa paanan ng kama.

"Wala kang karapatang sabihin sa akin iyan, Paloma," nanghihinang saad niya.

Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking pisngi. I hate him so much. Mas lalo lamang lumayo ang loob ko sa kanya.

"Do you think masaya ako sa nangyari? I have to endure everything, every single day. Akala mo ba madali ang buhay ko ngayon? Before I go to sleep I kept on blaming myself at paggising ko nandiyan pa rin ang pagsisisi. Kailangan kong harapin ang mga nang-uusig na tingin ng lahat. Everybody is treating me like I'm a murderer, including my own daughter." Parang tumagos sa aking pagkatao ang tinging ipinukol niya sa akin.

Itinukod niya ang siko sa kanyang tuhod at yumuko hanggang sa nabasa ng ilang patak ng luha ang suot na slacks pants.

"And maybe this is the right time that we have to part ways, Pa," lakas-loob na wika ko.

Hindi ito makatingin ng deritso sa akin at tanging malalim na paghinga lang ang naririnig ko.

"Dahil ang kasalanan mo ang lagi kong nakikita kapag kaharap ka at hindi na siguro magbabago 'yon. Hinding-hindi na rin ako babalik sa bahay na ito. Sana huwag mo na rin akong guluhin pa," huling sambit ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Simula sa araw na iyon ay kinalimutan ko’ng may tatay pa ako. Ginawa ko ang lahat para mabuhay na walang hinihingi mula sa kanya.

Malaki ang naitulong ng perang naiwan ni Mama. Dito ko kinuha ang pambayad ng tuition at nagpa-part time model na rin ako. Kaya bago pa man maka-graduate sa kolehiyo ay may pangalan na ako sa industriya.

Nang nakapagtapos na ay saka ako nag-focus sa pagmo-model at unti-unting tinupad ang pangarap namin ni Mama. May talent manager ng humahawak sa akin, malalaki at kilalang kompanya na rin ang kumukuha sa akin. Wala na siguro akong mahihiling pa, a luxurious, independent life.

Nagagawa ko na ang lahat ng gustong gawin, walang pumipigil at walang nagbabawal. Paminsan-minsan ay may naririnig pa rin akong balita tungkol sa kinamumuhiang ama pero nagsawalang-kibo na lamang ako. May kanya-kanya na kaming buhay at para sa akin ay hindi ko naman siya kailangan.

Minsan hinihiling ko na sana ay nandito pa rin si Mama at nang makita niya ang mga narating kong tagumpay. Dalawa sana kaming nagsasaya ngayon. Sabay sana naming napatunayan kay Papa na mali ang panghuhusga niya sa pagiging model ko. Malayo na ang narating ko, taliwas sa sinabi niya.

"I'm earning my own money now, Ma," mahinang bulong ko na parang nasa harapan ko lamang siya, "I'm living a perfect life," buong-pusong pagmamalaki ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
anitsirc1091
hello po kelan next chapter po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status