Share

Chapter Six 1.2

“Ang bagal mo.”  napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya “Oo aaminin ko na natalo mo ako sa labanan natin kanina pero itong kasama mo? Mahina pala.”  Lalo akong nakaramdam ng galit dahil sa sinabi niya. Hindi ko nabantayan ng maayos si Nicole kaya ngayon ay hawak na sya ng lalaking hindi ko kilala.

“Bitawan mo sya kung ayaw mong mawala sa larong to.”  Malamig kong sabi  “Wow! Pananakot ba yan? Sige sabihin na nating natatakot ako.” 

Nang dahil sa sinabi niya na iyon ay hindi ko na pintagal pa at itinaas ko ang kamay ko at pinigilan ang pahinga niya.  “A-ack! A-anong.”  Nahihirapan niyang sabi ngunit ako ay nilalamon na ng galit sa ginawa niyang pagbihag sa kaibigan ko.

“Hindi ba binalaan na kita. Bakit hindi ka nakikinig?”  Unti unti ko syang pinalapit saakin gamit parin ang hangin kong kapangyarihan  “Ang ayoko sa lahat pati ang taong iniingatan ko ay idadamay mo.” 

Kinuyom ko pa ang kamao ko sanhi ng lalong pagkahirap niya sa paghinga

“Pasalamat ka at hindi ako pumapatay ng mga kapwa ko magicians na kasali sa pesteng larong to.”  Nakikita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya pero unti unti ng sumara ang talukap ng mga mata niya at nawalan na sya ng malay.

“Katanaya!”  nabaling ang attention ko kay Nicole ng tinawag niya ako.  “Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo o nagkasugat ka ba?” Sunod sunod ko na tanong sa kaniya pero umiling lang sya.

“Ayos lang ako at dahil yun sayo.”  Napangiti naman ako dahil sa sinagot niya  “Halika na at umalis na tayo dito bago magising yang inisin na lalaking yan.”  Hinila ko na sya papalayo doon

“Buhay pa ba sya?”  tumango ako dahil sa tanong niya.  “Paano mo nagawang talunin sya? Hind mo ba alam kung sino ang lalaking yun?”  Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya  “Kailangan ba kilalanin ko sya? Wala akong pake-alam kung sino man yung lalaking yun dahil ang mahalaga mawala na sya sa landas natin baka kung ano pa ang gawin niya sayo at mapatay ko sya.” 

Tumingin tingin ako sa paligid dahil baka may makita pa akong gamit katulad nung una kong nakita sa isang puno dito.  “Pero ayaw mo ba talagang—” 

“Ayoko okay? A.Y.O.K.O.”

Inirapan ko pa sya pagkasabi ko nun. “Okay, okay to naman galit na galit. By the way ang galing mo!”  Hindi ko nalang pinansin ang papuri niya at nagpatuloy sa pagtingin sa paligid.

“So ikaw nga ang anak nila Mr. and Mrs. Sandoval?”  Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kaniya.  “Ako nga.”  Nagulat ako ng bigla syang tumili sya  “Hoy wag kang maingay baka may makakita nanaman saatin.”  Nag sorry lang sya saakin 

Lumapit sya saakin at niyakap ako kaya napahinto ako sa paglalakad  “Ang tagal tagal ka na naming hinahanp Katanaya. Nangako ako kay Ina na tutulungan ko sila na mag hanap sayo siguradong matutuwa si Ina at Ama dahil nakita na kita.”   Napangiti ako dahil sa sinabi niya, I guess I have my own family now may matatawag na akong totoong pamilya.

Pamilya ko parin naman si ate Jean pero sina Nicole o ang pamilyang Xian? Killa nila ang pamilya ko at sa kanila ako hinabilin ng mga magulang ko.

“Salamat Nicole, hindi ko alam na mangyayari ito ngayon alam mo bang akala ko puro kamalasan lang ang magaganap saakin ngayon dahil sa pagsali ko dito hindi pala dahil nakilala kita at nalaman ko pa ang tungkol sa pamilya ko.”

Kumalas naman sya mula sa pagkakayakap naming dalawa  “Alam mo ako nga ang maswerte eh kung hindi dahil sayo ay baka wala na ako ngayon.”  Wag kang mag alala hanggat kasama mo ako ay hindi kita pababayaan ako ang magliligtas sayo.” 

Ngiti kong sabi sa kaniya pero umiling sya na ikinataka ko naman  “Ako dapat ang nagliligtas sayo dahil mas bata ka saakin.”  Hinawakan ko naman sya sa balikat niya dahil sa sinabi niyang iyon  “Ano kaba Nicole wala sa edad yan ang mahalaga ay gusto kong gawin to.” 

Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad “Kamusta pala ang buhay mo sa low town? Hindi kaba nahihirapan?” Umiling naman ako dahil sa naging tanong niya napangiti nalang ako ng maalala ko ang mga nangyari saakin sa low town

“Alam mo ang pagkapunta ko sa Low Town ay isang magandang pagkakataon. Dahil siguro kung hindi ako nawala sa High Town ay baka patay narin ako.” Napatahimik naman sya dahil sa sinabi ko  “Wag kang mag alala dahil kahit na mahirap ang naging buhay ko ay yun ang nagpalakas at nagpatibay saakin.” 

“Alam mo hanga ako sa galing mo. Ako nga na lumaki sa High Class ay mahina.”   Napailing naman ako a sinabi niya  “Wag mong intindihin yan dahil alam ko na may ilalakas kapa kulang ka lang talaga sa ensayo at ako ang tutulong sayo na lumakas.” 

Napangiti naman sya sa sinabi ko at magsasalita na sana ng manlaki ang mata ko dahil may nakita akong paparating na isang Metal na kapangyarihan sa gawi namin

“Nicole tabi!” 

Hinila ko sya pababa sa lupa at napangiwi ako ng bumagsak sya saakin at may matulis na bagay sa likuran ko. Ngunit hindi ko nalang iyon ininda pa at tumayo kami agad dahil meron nanamang kalaban.

“A-ano yun?”  Kabang tanong niya saakin pero muli ko syang nahila ng may tatama nanaman saamin na isang Metal Power 

“May magicians na kasali sa Code hero ang nasa paligid Nicole maging alerto ka.”  Tumango naman sya saakin pero napamura ako ng makita ang paaparating na mas marami pang Metal Power nag mistulang umuulan ng Metal Power sa paligid.

Mabilis ako na gumawa ng barrier para saaming dalawa. Habang nasa loob kami ng barrier ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya

“Tandaan mo to Nicole pag sinabi kong tumakbo ka tumakbo ka maliwanag?”

“A-anong ibig mong sabihin katanaya?”

“Basta sundin mo nalang! Nararamdaman ko na High Class ang kumakalaban saatin.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
B.NICOLAY/Ms.Ash
Dito lang po sa goodnovel eh... sorry for so late response, ngayon ko lang po nabasa hehehe
goodnovel comment avatar
Ailasor Varona Semillano
ms a tanung kulang San pa Naka posted Yung story mo maliban dito sa goodnovel.salamat
goodnovel comment avatar
aizamae mamulang
seno madami coins
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status