แชร์

Chapter Seven 1.1

ผู้เขียน: B.NICOLAY/Ms.Ash
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2021-10-27 19:24:14

HINANDA ko ang sarili ko para sa pag labas ng kalaban ko. Nang matapos ang pag-ulan ng mga metal ay inalis ko na ang barrier na nakapalibot saamin. 

“Magaling!”  Mahigpit ko pa lalong kinapitan ang kamay ni Nicole dahil lumabas na ang isang lalaki na sa itsura palang ay alam ko ng balak kami nitong patayin.  “Bakit mag-kasama kayo? Hindi ba dapat patayin nyo ang isa't-isa.”  Sinamaan ko sya ng tingin dahil doon

“Hindi porket makakakitaka ng kapwa mo magicians ay kailangan mo ng patayin.”  Napataas naman ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi ko  “Naririnig mo ba ang sinasabi mo babae? Malinaw ang sabi ng council kanina na kailangang pumatay para ikaw ang makakuha ng Code.”  Napairap ako dahil doon sa sinabi niya 

“That's a shit! Talagang maniniwala ka don sa lalaking may itim na buhok? Magagawa mong makapatay ng kapwa mo magicians para lang manalo?!”  Sigaw ko sa kaniya  “Syempre! Yun ang laro!”  Mukang hindi ko na mababago ang isip ng mga kasali sa larong to 

“Hindi ako makapaniwala na ang mga High Class na nakakasalamuha ko na syang dapat na tumutulong sa iba dito sa Peridian ay ang sya pang may gusto na pumatay sa mga ito!”  Tinawanan lang ako nito  "HAHAHA nariirinig mo ba ang sinasabi mo? Nang sumali ang lahat sa laro ay una palang alam na nila na magkakalaban sila kaya para saan pa yang sinasabi mo ha?!" 

Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa alam ko na ang sasabihin niya  "Kung titignan ang pananamit mo mukang ikaw ang kaisa-isang Low Class na sumali sa larong to"  Naglakad sya palapit saamin at inikutan kami kaya mas hinigpitan ko pa ang kapit ko kay Nicole 

"Pero bakit ganon muka kang hindi taga Low Town dahil sa ganda mo? Sigurado ka bang isa kang Low Class?"  Tinignan ko sya ng deretsyo sa mga mata niya  "Ano sayo ngayon kung maganda ako? Ikaw nga ang panget ng ugali mo pinakailaman ko ba? Paano kung sabihin ko sayo na muka kang hindi High Class dahil mas bagay ka sa Low Class" 

Sumama ang itsura niya dahil sa sinabi ko  "Hindi mo ako kilala babae! Kaya wag mo akong galitin!"  Napatawa naman ako sa sinabi niya  "Bakit ba kailangan palaging kilala mo ang nakakalaban mo gayong wala naman akong pake-alam!"   Mukang sumobra ang sinabi ko dahil naramdaman ko ang pagtaas ng aura niya at ngayon sigurado akong di na niya kami titgilan

"Nicole humanda kana pag sumigaw ako maliwanag?"  Tumango sya saakin habang ako naman ay nakatingin lang sa lalaking nasa harap namin na nagiipon na ng lakas na maari naming ikamatay 

Hinanda ko na ang sarili ko  "NOW! TAKBO NA NICOLE!"  pag kasabi ko nun ay agad din naman syang tumakbo habang ako eh pinatamaan ang kapangyarihang inilabas ng lalaking ito. 

Lumikha ng malakas na pagsabog sa pagitan naming dalawa ang pagtatama ng kapangyarihan namin. Noong una ay nagawa ko pang sanggain ang malakas na impact pero kalaunan ay napatalsik ako dahil sa sobrang lakas nun

"Arghh"  Napadaing ako dahil sa sakit ng pagkakatama ko sa puno lalo na at tumama ang likod ko na merong sugat pa dahil sa pagkakabagsak naming dalawa ni Nicole

Nang makabawi ako ng lakas ay tumayo ako at tinignan kung asaan na yung lalaking yun. Wala akong makitang bakas ng lalaking  kalaban ko kaya ang ginawa ko ay lumapit ako sa pwesto niya kanina  "Nasaan na yu—Argghhh!"  Napatalsik ako ng merong malamig na bagay ang humampas sa batok ko

Nanlabo ang paningin ko dahil doon at hindi makagalaw. Parang umiikot ang paligid ko.  "Sa tingin mo ba matatalo mo ako ng dahil lang doon? Mas mautak parin ako sayong babae ka!" 

Hindi ko sya magawang tignan dahil sa pagkahilo ko  "AHHH!!"  Napasigaw ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko paitaas   "Saan galing ang hangin mong kapangyarihan ha!"  diin niyang sabi saakin  "Paano ka nagkaroon ng elemental power gayong isa ka lang namang Low Class?!"  Idinilat ko ang mga mata ko at unti unti ay nawala na ang panlalabo niyon at nakita ko ang muka niyang malapit lang saakin.

"H-hindi porket isa akong Low Class ay mahina na ang kapangyarihan ko. K-karamihan sa mga Low Class ay takot sa mgatulad nyo pero ibahin mo ako!"  Nagpakawala ako ng malakas na air power na ikinatalsik niya. Pareho na kami ngayong sugatan siguro dahil narin sa unang tagpo ng kapangyarihan namin.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kaniya. Nakita ko syang papatayo na kaya inilabas ko muli ang hangin ko at ginawa iyong tali, ipinalibot ko iyon sa kaniya at pinalutang sya  "Ngayon sabihin mo saakin paano mo na ako matatalo ngayon?" Nakangisi kong sabi ang kaso ay agad ko rin syang nabitawan ng biglang may  tumama nanaman na matulis na metal sa balikat ko 

"B-baka nakakalimutan mo na isa akong metal summoner kayang magpalabas ng kahit na anong metal kung gugustuhin ko"  Tumayo ako ng deretsyo at tinignan lang sya  "Alam ko"  Napakunot ang noo niya dahil sanabi ko  "Alam kong metal ang kapangyarihan mo at ngayon ay alam ko na kung paano ka tatalunin" 

Nagteleport ako sa likod niya pinalibot ko ang braso ko sa leeg niya  "Patutulugin lang kita lalake. Tandaan mo to pag nagkita tayo ulit tumakbo kana"  Pagkasabi ko non ay agad kong pinilipit ang leeg niya na ikinabagsak nito 

Nakahiga na ngayon ang walang malay niyang katawan nagyon. Napangiti ako dahil sa wakas ay natalo ko na sya ang kaso ay humangin sa paligid na ikinahawak ko sa braso ko na mayroong malaking sugat.

Kailangan kong mahanap si Nicole diko pa naman alam kung saan sya tumakbo paano  kung mayroong kalaban sya na makasalubong mahirap na.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   CODE SERIES 2: Introduction

    ILANG araw ang lumipas at nakabalik na sa dati ang lahat. Bukas na ang pasok namin sa paaralan. Sila ate Jean ay nakabalik na sa tahanan nila at bumalik narin ito sa pagiging healer n'ya. Maraming natuwa dahil doon lalo na at ang ginawa ko para hindi sila manghinala at malaman na may kapangyarihan akong ganito ay inalis ko sa isip nilang namatay sila ate Jean. “Anong iniisip mo baby?” Napangiti ako dahil doon, niyakap ako mula sa likuran ni Third dahil nasa terrace

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.3

    Hindi ko na sila hinintay na sumagot pa dahil nagteleport na ako habang hawak ang kamay ni Third. Mahalaga ang paguusapang namin nila Austin.Pagkalitaw namin sa palasyo ay andito kami sa may sala at nakaupo sa kabilang sofa ang kambal.“Maupo kayo”“Teka bat kasama ako?”Tanong ni Third saamin. “Kasama ka dahil ikaw ang tinadhana para kay Katanaya natural na aalagaan mo siya diba?” napatahimik naman si Third sa sinabi ni Keir kaya naupo nalang kami sa sofa sa&

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty 1.2

    Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Austin. Anong position?“At alam nating lahat kung sino ang nagtagumpay na makuha ang koronang ito. Ang isang babaeng nilalait-lait ng LAHAT dahil sa kaniyang pinagmulan. Isang babaeng nagmula sa pinakang mababang uri sa Enchanted World pero my puso, isip at tapang sa lahi ng pamilyang mahuhusay. Walang iba kung'di si Katanaya!”Nagpalakpakan ang lahat matapos sabihin iyon ni Austin habang ako ay napangiwi naman dahil ayoko ng masiyadong center of attraction. Tinignan ako ng&nb

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Fifty

    NATAHIMIK ang buong paligid dahil sa ginawa ko, habang ang mga council naman ay hindi makatingin saakin ng deretsyo. Binigyan ko ng matatalim na tingin sina Austin at Keir, nakatayo na si Austin mula sa pagkakaupo n'ya sa pwesto n'ya sa tabi ng ibang council samantalang si Keir naman ay ang s'yang host ng larong to.“Ano?!”Sigaw ko sa kanila at halos hingalin na ako dahil sa sobrang galit ko, alam kong pwede kong buhayin sila Third pero hindi parin magbabago ang katoto

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.2

    “T-TEKA”Nasabi ko na lamang ng makitang wala na s'ya saaking harapan habang andodoon parin naman ako sa lugar na yun?Lumingon ako sa likuran at natigilan ako ng may makita akong isang magicians na matagal ko ng hindi nakikita.“N-nicole...”“Bakit bumalik kapa”Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi n'ya.“Bakit bumalik kapa?! Mamamatay ka lang!”Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.“Umalis kana! Mamamatay ka lang Katanaya!”Sigaw n'ya saakin kaya agad akong

  • CODE SERIES 1: Hero(TAGALOG)   Chapter Forty-Nine 1.1

    NAKIKITA ko lang ang madilim na loob ng kweba. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsimulang pumasok sa loob. Katulad nung naunang punta ko dito ay madilim ang paligid at wala akong makita.Pinalabas ko ang violet kong kapangyarihan para kahit papaano ay may makita ako na madadaanan. May nararamdaman akong malakas na aura dito sa loob pero ang tanong ay kanina?Yun na kaya ang Code? Ano nga ba ang itsura ng Code? Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako. Yun kapangya

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status