Se connecter“Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?”
Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng malaking hotel kung saan gaganapin ang taunang Business Excellence Gala ang kauna-unahang pagpapakita nila bilang mag-asawa sa harap ng buong lipunan at mga kasamahan sa industriya. Nakaupo si Zabeth sa kabilang panig, suot ang isang mahabang pulang damit na humahalik sa sahig, ang buhok ay maayos na nakapusod, at puno ng mamahaling alahas na galing pa mismo sa pera ni Claudio. Tiningnan niya ang repleksyon nito sa salamin, puno ng pagkayamot pero pinipilit na maging kalmado. “Alam ko naman ang trabaho ko, Claudio,” sagot niya nang matigas habang inaayos ang kanyang hikaw. “Hindi mo kailangang paalalahanan ako nang paulit-ulit. Sanay akong humarap sa tao. Sanay akong magpanggap.” Lumapit si Claudio sa kanya at humawak nang mahigpit sa kanyang bewang, hinila ito palapit hanggang sa magdikit ang kanilang mga katawan sa loob ng sasakyan. Nanlaki ang mata ni Zabeth at akmang itutulak ito, pero mas lalo lang humigpit ang hawak ng lalaki. “Hindi lang ito basta pagpapanggap, Zabeth,” bulong nito sa tabi ng kanyang tainga, mahinahon at puno ng babala. “Ngayong gabi, kailangan mong maging ang pinakamamahal kong asawa. Kailangan nilang makita na tayo ang pinakamatibay na pwersa. Isang mali mong galaw, isang pagkakamaling salita, at matatapos ang lahat ng pinaghirapan natin kasama na ang kumpanya mo.” Napakuyom ang kamao ni Zabeth sa gilid ng kanyang damit. Alam niyang tama ito. Ang gabing ito ang magpapasya kung tatanggapin ba sila ng mga investors bilang seryosong magkasama, o ituring na lamang na isang panandaliang istratehiya. “Huwag kang mag-alala,” sagot niya nang may diin, nakatitig nang diretso sa mga mata nito. “Mas magaling pa akong umarte kaysa sa inaakala mo. At hinding-hindi ko hahayaang sirain mo ang lahat para lang sa iyong ego.” Ngumisi si Claudio, isang ngiting puno ng hamon at paghanga. “Maganda iyan. Dahil kapag nagsimula na ang gabi, kahit ako… baka mahirapan nang tukuyin kung alin ang totoo at alin ang hindi.” Bago pa makasagot si Zabeth, bumukas na ang pinto ng sasakyan. Ang maliwanag na ilaw at malakas na sigawan ng mga tagapamahayag ang sumalubong sa kanila. Inalalayan siya ni Claudio na bumaba, at sa bawat hakbang niya sa pulang karpet, naramdaman niya ang bigat ng mga tingin at pag-uusap ng lahat. ‘Siya na ba ang asawa ni Claudio?’ ‘Akala ko ba magkaaway sila noon?’ ‘Tingnan mo naman, bagay sila…’ Ang mga bulong na iyon ay parang karayom, at the same time ay para palakasin ang kanyang loob. Nakayakap nang mahigpit si Claudio sa kanyang bewang habang naglalakad sila, kumakaway at ngumingiti sa lahat, parang isang perpektong mag-asawang puno ng pagmamahalan. Pero alam ni Zabeth na sa likod ng mga ngiting iyon ay dalawang taong nagbabantay sa isa’t isa, handang sumalakay sa unang pagkakataong magkamali ang kapareha. Pagpasok nila sa malaking bulwagan, agad silang pinalibutan ng mga kilalang tao sa industriya mga may-ari ng kumpanya, mga investors, at mga kaibigan at kaaway na matagal na nilang nakakaharap. “Congratulations, Claudio! Ikaw na talaga ang panalo, nakuha mo pa ang pinakamagandang babae sa industriya!” bati ng isang matandang negosyante habang nakikipagkamay kay Claudio, seryoso ang tingin kay Zabeth. “At ikaw naman, Zabeth, sino ba naman ang mag-aakala na ang matinding tunggalian noon ay mauuwi sa kasalan ngayon? Napakagandang kwento.” Ngumiti si Zabeth, ang ngiting sanay na sanay na siyang gamitin sa harap ng publiko. “Tama po kayo. Minsan po, ang pinakamatinding kaaway ay siya ring nagiging pinakamalakas na kakampi. At sa kaso namin ni Claudio… naging higit pa doon.” Napansin niya ang bahagyang paghigpit ng yakap ni Claudio sa kanyang bewang habang nagsasalita siya. Hindi niya alam kung pagsang-ayon ba iyon o babala. Sa buong gabing iyon, hindi sila naghiwalay. Nasa tabi lang siya ni Claudio habang nakikipag-usap ito sa iba’t ibang grupo, nagpapakita ng pagkakaisa at lakas. Sa bawat sandaling tinitingnan siya ng lalaki, sa bawat halik na inilalagay nito sa kanyang kamay o noo, sa bawat malalambot na salitang ibinubulong nito na parang mga sumpa at pangako… mas lalong nalilito si Zabeth. Ang dating galit at poot ay napapalitan ng isang kakaibang kuryente na tila dumadaloy sa bawat pagdikit ng kanilang balat. Ang dating pang-uuyam ay nagiging mga tingin na puno ng hindi masabing damdamin. Nagsisimula nang matunaw ang pader na matagal na niyang itinayo sa paligid ng kanyang puso, at kinakatakutan niyang sa huli, siya ang matutumba rito. Habang abala si Claudio sa pakikipag-usap sa isang grupo ng mga dayuhang mamumuhunan, dahan-dahang lumayo si Zabeth upang kumuha ng inumin at huminga nang maluwag. Nakaramdam siya ng pagod sa kaka-ngiti at pagpapanggap. Akala niya ay makakapagpahinga siya kahit sandali, ngunit may isang aninong lumapit sa kanya mula sa likuran. “Magaling kang umarte, Zabeth. Halos maniwala na rin ako na mahal mo talaga siya.” Lumingon siya at nakita si Mr. Rogelio isang matandang negosyante na kilala sa pagiging marahas at walang sinasanto sa negosyo. Matagal na itong may interes hindi lang sa kumpanya kundi pati na rin sa kanya, bagay na matagal na niyang iniiwasan. “Mr. Rogelio,” bati niya nang malamig, akmang aalis na sana pero hinarangan siya nito. “Bakit ka naman aalis agad? Wala bang oras ang bago kong kaibigan para sa akin?” ngisi nito, at naramdaman ni Zabeth ang panlalamig ng kanyang katawan habang dahan-dahang inilalapit ng matanda ang kanyang kamay sa kanyang braso, hinihagod ito nang marahas at hindi kanais-nais. “Alam mo, mas maganda ka pa rin kapag wala ka sa piling ni Sanchez. Sayang naman ang ganda mong iyan sa isang lalaking puro lang negosyo ang alam. Kung ako sana ang napili mo… mas mapapaligaya kita, at mas mapapayaman pa kita.” Sinubukan niyang hilahin ang kanyang braso palayo, ngunit mas lalo lang humigpit ang hawak nito. Ang mga mata ng matanda ay puno ng masamang hangarin, at naramdaman ni Zabeth ang takot na matagal na niyang hindi naramdaman. “Bitawan niyo ako, Mr. Rogelio,” madiin at mahinahong utos niya, pilit na itinatago ang takot. “Hindi po tama ang ginagawa niyo. Asawa na po ako.” “Asawa lang sa papel, alam ko ‘yan,” bulong nito nang malapit sa kanyang tainga, nakakadiri ang hininga. “At bukod pa rito… ano bang magagawa niya? Abala siya sa kanyang mga bisita. Wala namang makakaalam kung ano ang gagawin ko sa’yo ngayon…” Higit pa sanang lumapit ang matanda at akmang hahawakan na ang kanyang bewang nang biglang humampas ng malakas ang isang kamay sa mesa sa tabi nila. Sa isang iglap, naramdaman ni Zabeth ang pagkawala ng hawak ng matanda at ang paghatak sa kanya palikod. Pagtingin niya sa gilid, nakita niya si Claudio. Ngunit hindi na ito ang Claudio na nakangiti at maamo kanina. Ang mga mata nito ay kulay itim at puno ng matinding galit isang uri ng galit na hindi pa nakita ni Zabeth noon, isang uri na parang handang pumatay para sa kanya. Ang buong katawan nito ay naninigas sa poot, at ang hangin sa paligid ay tila bumigat dahil sa matinding presensya nito. “Alisin mo ang marumi mong kamay sa asawa ko.” Malamig, at nakakapanginig ang boses ni Claudio. Napalunok si Mr. Rogelio at akmang magsasalita, ngunit bago pa ito makabuka ng bibig, mahigpit na hinawakan ni Claudio ang kwelyo nito at hinila ito palapit sa kanyang mukha. “Sa tingin mo ba ay hindi ko nakikita ang bawat galaw mo?” bulong ni Claudio, pero sapat ang lakas nito para marinig ng lahat ng nakapaligid na nagsimula nang tumahimik. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kong hawakan o lapitan mo man lang siya kahit sa dulo ng kuko mo habang ako ay naririto? Siya ay akin. At sinumang magtatangkang manakit o magmura sa kanya… ay haharap sa akin. At sinisiguro ko sa’yo, Mr. Rogelio, hindi mo magugustuhan ang mangyayari kapag nagalit ako.” Nanginginig ang buong katawan ni Zabeth habang nakatingin sa likuran ni Claudio. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ito. Akala niya ay para lang sa imahe ang lahat, akala niya ay wala itong pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya… pero sa sandaling ito, nakita niya ang ibang panig nito ang panig na handang ipagtanggol siya kahit na buhay pa ang itaya. Binitawan ni Claudio ang kwelyo ng matanda at itinulak ito palayo na may sapat na lakas. “Umalis ka. At huwag na huwag mong hahayaang makita pa kita sa paligid niya, o kahit sa kumpanya ko. Tapos na ang lahat para sa’yo.” Natataranta at puno ng hiya, mabilis na umalis si Mr. Rogelio habang tinitingnan ng lahat. Pagkawala nito, agad na humarap si Claudio kay Zabeth. Ang galit sa mga mata nito ay napalitan agad ng pag-aalala at kaba. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tiningnan mula ulo hanggang paa. “Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?” mabilis at puno ng pag-aalalang tanong nito. Napatingin si Zabeth sa paligid. Lahat ng mata ay nakatuon sa kanila. Lahat ay nakikinig, lahat ay naghihintay ng susunod na mangyayari. Pero bago pa siya makasagot, biglang hinila siya ni Claudio palapit at niyakap nang mahigpit hindi ang yakap na pang-publiko lamang, kundi isang yakap na puno ng init, proteksyon, at damdamin na tila ayaw nang pakawalan pa siya nito. Bumulong ito sa kanyang tainga, sapat lang para siya lang ang makarinig, habang ang mga kamay nito ay hinahaplos nang banayad ang kanyang likuran na parang pinapakalma siya. “Patawad… patawad kung nawala ako sandali. Hinding-hindi na mauulit ‘to. Habang ako ay naririto… walang makasasakit sa’yo. Wala.” Napapikit si Zabeth at dahan-dahang ipinatong ang kanyang kamay sa dibdib ni Claudio. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso nito kasing bilis ng kanya. Sa sandaling iyon, sa gitna ng ingay at kislap ng mga ilaw, naramdaman ni Zabeth ang isang bagay na matagal na niyang itinatanggi sa sarili. Ang linya sa pagitan ng pagpapanggap at katotohanan… ay unti-unti nang naglalaho.“Hindi sapat ang mga salita at halik sa harap ng kamera, Claudio. Dahil narito na ako… at ngayon, makikita na natin kung sino talaga ang pipiliin mo sa huli.” Nanigas ang buong katawan ni Zabeth habang nakatayo sa may pasukan ng malaking silid-tulugan ni Claudio. Sa kanyang harapan, sa pagitan niya at ng lalaking itinuturing niyang asawa, ay nakatayo ang isang babae maganda, maputi, at may mga matang puno ng pamilyar na ningning na matagal na niyang nakikita lamang sa mga lumang litrato. Si Ciara. Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang babaeng akala niya ay bahagi na lang ng nakaraan, pero narito ngayon, nakatayo nang may kumpiyansa at hawak ang bawat hibla ng damdamin ni Claudio. Galing sila pareho sa press conference kanina, kung saan ipinakita ni Claudio ang matinding pagmamahal at debosyon sa kanya. Ipinagmalaki siya nito sa buong mundo. Hinalikan siya nito na parang siya lang ang tanging babae sa buhay nito. Pero sa sandaling bumukas ang pinto at tumambad ang babaeng ito… parang g
“Hindi lang tayo ang may problema ngayon, Zabeth. Mukhang ang mga alon na dulot ng pagbabalik ni Ciara ay umabot na hanggang sa mismong pundasyon ng negosyo natin.” Mabilis ang hakbang ni Claudio habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng opisina, nakakuyom ang mga kamao at puno ng matinding tensyon ang buong katawan. Kinabukasan na iyon matapos ang gabing puno ng lihim, sakit, at pag-amin. Bagama’t mabigat pa rin ang damdamin nila sa isa’t isa, napilitan silang ibaling muna ang atensyon sa mas mahalagang bagay ang negosyo. Nagmamadali silang pumasok sa pinakamalaking conference room kung saan naghihintay na ang kanilang mga abugado at matataas na opisyal. Nakakalat sa ibabaw ng mahabang mesa ang mga dokumento, ulat, at mga pahayag na tila naglalarawan ng isang paparating na sakuna. “Anong ibig mong sabihin?” mabilis na tanong ni Zabeth habang umuupo sa tabi ni Claudio. Ang puso niya ay nanginginig hindi lang dahil sa kanya-kanyang damdamin nila kundi dahil na rin sa nakikita ni
“Bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa kwarto mo matapos mong makita at marinig ang lahat? Hindi ba’t sapat na ang alam mo? Hindi ba’t dapat ay masaya ka na dahil napatunayan mong tama ako na ang nakaraan ko ay laging babalik para saktan ako?” Mahina ngunit puno ng bigat ang boses ni Claudio habang nakatalikod kay Zabeth. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa pader ng mahabang pasilyo, matapos ang tawag na yumanig sa buong pagkatao niya. Ang tawag na mula sa babaeng akala niya ay hindi na muling makakausap pa kailanman si Ciara. Nakatayo si Zabeth ilang hakbang ang layo, nanginginig ang mga tuhod at puno ng sakit ang dibdib. Hindi siya umalis. Kahit na alam niyang wala siyang karapatang makialam, kahit na alam niyang masasaktan lang siya lalo sa bawat sandaling mananatili siya… hindi niya nagawang umalis. Hindi niya nagawang iwanan ang lalaking ito na sa kabila ng lahat ng yaman at kapangyarihan, ay mukhang napakaiisa at napakahina sa sandaling ito. “Dahil hindi ko kayang umali
“Ang babae sa litrato… siya ang dahilan kung bakit ako natutong maging ganyan kalupit, Zabeth. Siya ang dahilan kung bakit wala nang puwang ang pagmamahal sa buhay ko.” Napahinto si Zabeth sa paghakbang. Sa halip na umakyat patungo sa kanyang sariling silid, napapunta ang mga paa niya sa paanan ng hagdan kung saan nakatayo pa rin si Claudio. Kahit nakatalikod ito, ramdam ni Zabeth ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Ang boses nito ay hindi na puno ng galit gaya ng kanina, kundi puno ng isang kirot na matagal na nitong kinikimkim sa loob ng mahabang panahon. Dahan-dahang lumingon si Claudio. Ang mukha nito ay seryoso, walang bahid ng dating pang-aasar o kayabangan. Sa halip, nakita ni Zabeth ang lalaking nakatago sa likod ng matibay na pader na matagal na nitong itinatayo isang lalaking sugatan, nag-iisa, at puno ng pangungulila. “Sinabi ko sa’yo kanina na huwag mong himayin ang nakaraan ko,” panimula nito, mababa at paos ang boses habang dahan-dahang patungo pabalik sa kina
“Huwag mong isiping may ibang kahulugan ang ginawa ko kanina, Zabeth. Ginawa ko lang ‘yun para hindi masira ang imahe natin. Huwag kang mag-ilusyon na may ibang ibig sabihin ‘yon.” Bumukas nang malakas ang pinto ng penthouse at sabay na pumasok sina Claudio at Zabeth. Tumunog nang malakas ang takong ng sapatos ni Zabeth sa makintab na sahig habang naglalakad siya nang mabilis papunta sa gitna ng sala. Puno ng galit at pagkayamot ang bawat kilos niya. Ang mga salitang binitiwan ni Claudio pagkarating lang nila ay parang tubig na ibinuhos sa apoy ng damdaming nabubuo sa kanya kanina pa. Humarap siya rito, nanginginig ang mga kamay at nagniningning ang mga mata dahil sa halo-halong emosyon galit, pagkadismaya, at isang kirot na hindi niya maipaliwanag. “Imahe lang ba talaga?” balik niya, mataas ang tono, hindi na nagpipigil ng damdamin. “Iyon lang ba talaga, Claudio? Ang lahat ng sinabi mo, ang lahat ng ginawa mo kanina sa harap ng mga tao… proteksyon lang ba para sa kontrata natin?”
“Ngayon, asawa mo na ako sa mata ng lahat, kaya huwag ka magkakamali na aalis sa tabi ko kahit isang hakbang lang. Naiintindihan mo ba, Zabeth?” Madiin at walang pasubaling ang boses ni Claudio habang inaayos ang kwelyo ng kanyang suit sa harap ng malaking salamin sa loob ng sasakyan. Nasa tapat na sila ng malaking hotel kung saan gaganapin ang taunang Business Excellence Gala ang kauna-unahang pagpapakita nila bilang mag-asawa sa harap ng buong lipunan at mga kasamahan sa industriya. Nakaupo si Zabeth sa kabilang panig, suot ang isang mahabang pulang damit na humahalik sa sahig, ang buhok ay maayos na nakapusod, at puno ng mamahaling alahas na galing pa mismo sa pera ni Claudio. Tiningnan niya ang repleksyon nito sa salamin, puno ng pagkayamot pero pinipilit na maging kalmado. “Alam ko naman ang trabaho ko, Claudio,” sagot niya nang matigas habang inaayos ang kanyang hikaw. “Hindi mo kailangang paalalahanan ako nang paulit-ulit. Sanay akong humarap sa tao. Sanay akong magpangga







