“This meeting is adjourned. We are sorry, Ms. Mercado, but we cannot take the risk.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagkatao ni Zabeth Mercado nang banggitin iyon ng Chairman ng Board of Investors. Ang mga salitang iyon ay ang hatol na ikababagsak ng kumpanyang na ipinundar ng kanyang ama ng mahabang panahon at alam niya na dugo't pawis ang inilaan ng kaniyang ama upang maitaguyod at makilala ang kanilang kumpanya. Habang siya ay nakatayo sa harap ng mahabang mesa, at hawak ang folder na naglalaman ng pinakahuling proposal nila. Sa loob ng dalawang oras, ibinigay niya lahat ang kanyang galing, talino, at ang huling baraha na natitira sa kanya. Ngunit kahit binuhos niya lahat ng kaniyang galing at anong gawin niya, ay tila manhid ang mga taong nakaharap sa kanya. “With all due respect, Sir,” pagsagot niya, habang pinipigilan niya ang panginginig ng kaniyang boses. Nanatiling tuwid ang kanyang tindig, matigas ang ekspresyon ng mukha. “Ipinakita ko sa inyo ang proj
Last Updated : 2026-05-02 Read more