Share

Chapter 2 MRS. GLAD

Author: Lyka
last update publish date: 2026-05-11 15:20:57

Ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Glad Mansion ang gumising kay Diana. Mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag, tanaw ang malawak na garden na punong-puno ng mga guards na may bitbit na assault rifles. Hindi ito basta mansion; isa itong kuta na nakatago sa tuktok ng bundok, malayo sa ingay ng sibilisasyon.

Mabilis na nag ayos si Diana. Isinuot niya ang isang puting silk dress na mukhang simple at inosente ang perpektong disguise para sa isang mahinang asawa. Pagbaba niya sa grand staircase, ang amoy ng mamahaling kape at breakfast ang sumalubong sa kanya sa dining hall.

Doon, sa dulo ng isang mahabang mahogany table, nakaupo si Tyrone. Nakasuot na ito ng kanyang black suit vest, seryosong nagbabasa ng mga papeles.

"You're late by five minutes." malamig na sabi ni Tyrone nang hindi tumitingin sa kanya. "Sa mansion na ito, oras ko ang sinusunod."

"S-sorry, Tyrone... hindi lang ako nakatulog nang maayos," pagpapanggap ni Diana. Humila siya ng upuan, sinisiguradong mukhang nanginginig ang kamay niya habang kumukuha ng tubig.

Tumingin si Tyrone sa kanya, ang mga mata nito ay parang kutsilyong sinusuri ang bawat kilos niya. "I had my security team check the room cameras this morning. Bakit may sampung minuto na nawala ang audio feed kagabi?"

Tumibok nang mabilis ang puso ni Diana, pero nanatiling inosente ang kanyang mukha. "Audio feed? H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Baka dahil sa kapal ng pader ng mansion niyo?"

Tumayo si Tyrone at dahan-dahang lumapit sa kanya. Huminto siya sa likuran ni Diana at ipinatong ang mga kamay sa balikat ng babae. Ramdam ni Diana ang bigat at init ng mga kamay nito kamay na alam niyang pumatay na ng maraming tao.

"Don't lie to me, Diana. I hate liars," bulong ni Tyrone sa tenga niya. "Everything in this mansion the air you breathe, the floor you walk on is mine. Kapag nalaman kong may itinatago ka, sisiguraduhin kong hindi mo na nanaising makalabas pa rito."

"Wala akong itinatago..." paiyak na sagot ni Diana. Pero sa loob-loob niya, iniisip na niya ang pressure point sa leeg ni Tyrone na maaari niyang pindutin para patumbahin ito sa loob ng tatlong segundo.

THE VISITOR FROM THE PAST

Biglang bumukas ang double doors ng dining hall. Isang babaeng nakasuot ng red designer dress at matataas na heels ang pumasok si Sallee Crimson.

"Tyrone, babe! I heard the news. Is it true? Nagpakasal ka na talaga?" maarteng sabi ni Sallee habang nakatingin nang mapanglait kay Diana.

Tumigil ang paningin ni Sallee kay Diana. "So, this is the girl? She looks... fragile. Parang isang ihip lang ng hangin, tutumba na. Sigurado ka ba rito, Tyrone? ipagpapalit mo Ako sa gold digger nato

Hindi umimik si Tyrone, pero hinawakan niya ang kamay ni Diana sa ibabaw ng mesa. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi para ipakita kay Sallee na pag-aari niya ang babaeng ito. "She's a Lynch, Sallee. She has her uses."

"Whatever." pagtataray ni Sallee. Lumapit siya at sadyang itinabig ang tasa ng mainit na tsaa sa kandungan ni Diana. "Oops! My hand slipped. Bagay lang yan sa damit mo, cheap."

Napasigaw nang mahina si Diana habang nararamdaman ang init. "A-aray..."

Tumingin si Tyrone kay Diana, pero sa halip na tulungan, tinitigan lang niya ito. "Linisin mo ang sarili mo, Diana. At magpalit ka ng damit. Sallee, let's go to the study."

Nang makalayo na ang dalawa, naglaho ang takot sa mukha ni Diana. Pinunasan niya ang tsaa sa kanyang hita gamit ang table napkin. Ang kanyang mga mata ay naging kasing lamig ng yelo habang nakatingin sa likod ni Sallee. Mag ingat ka, Sallee. Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo.

THE CEREMONY

Ang kasal ay ginanap sa pribadong hardin ng mansion. Napapalibutan sila ng mga business tycoons at mga tauhan ng Mafia na nakasuot ng barong, ngunit may mga nakatagong assault rifles sa ilalim ng mga upuan.

Nang maglakad si Diana sa pasilyo, nakita niya si Tyrone na naghihintay sa altar. Napakakisig nito sa kanyang black tuxedo, ngunit ang kanyang mga mata ay kasing lamig ng yelo. Nang magtagpo ang kanilang mga kamay, naramdaman ni Diana ang higpit ng hawak ng bilyonaryo. Isang babala. Isang pag angkin.

"I, Tyrone Zyrtec Glad, take you to be my wife." panimula ni Tyrone. Ang boses niya ay malalim at dominante, umaalingawngaw sa katahimikan ng hardin. "To have and to hold, to protect... and to own. Mula sa araw na ito, ang buhay mo ay sa akin na."

"I, Diana Ross Lynch, take you to be my husband," sagot ni Diana sa isang maliit at nanginginig na boses, saktong-sakto para sa kanyang mahinang persona. "To obey and to stay by your side... hanggang sa huli."

Hanggang sa huling hininga mo, Tyrone, dagdag niya sa kanyang isip.

Nang matapos ang seremonya, dinala sila sa reception hall. Walang bakas ng pagdududa si Tyrone. Sa tingin niya, si Diana ay isang ibon na pumasok sa gintong hawla nang kusa. Habang ang lahat ay nagsasaya at umiinom ng mamahaling champagne, si Diana ay abala sa pag-aaral ng shift ng mga guards at ang blind spots ng mga security cameras sa labas.

Sa gitna ng marangyang reception sa loob ng main hall ng Glad Mansion, hindi maalis ang titig ni Sallee Crimson kay Tyrone. Para sa kanya, ang kasal na ito ay isang hadlang lamang na dapat niyang wasakin. Kinuha niya ang dalawang baso ng mamahaling wine mula sa waiter at palihim na naglagay ng isang maliit na tableta sa isa sa mga ito isang pampasigla na sisiguradong mawawala sa kontrol si Tyrone.

"Babe, let's have a toast." nakangiting sabi ni Sallee habang lumalapit kay Tyrone. Inabot niya ang baso na may gamot. "Para sa bagong kabanata ng buhay mo."

Tinitigan lang siya ni Tyrone bago kinuha ang baso. Pero bago pa niya ito mainom, biglang lumapit si Diana na may dalang tray ng appetizers, nagpapanggap pa rin na isang masunuring asawa.

"Tyrone... uhm, pinatatawag po kayo ni Marco sa kabilang table. May mahalaga raw pong bisita." mahinhin na sabi ni Diana.

Dahil sa abala, inilapag muna ni Tyrone ang kanyang baso sa gilid ng mesa. "Wait here, Diana. Don't go anywhere."

Nang makaalis si Tyrone, naiwang mag-isa si Diana sa tabi ni Sallee. Tuyong-tuyo ang lalamunan ni Diana dahil sa matinding tensyon ng pagmamanman sa mga guards. Nang hindi tinitingnan ang baso, kinuha niya ang inumin na nasa tapat niya ang baso na dapat ay para kay Tyrone at mabilis itong ininom para maibsan ang kanyang pagod.

Nanlaki ang mga mata ni Sallee. "You... you drank it!"

"Bakit? Masama bang uminom ng wine ng asawa ko?" malamig na tanong ni Diana, pero bigla siyang nakaramdam ng matinding hilo. Ang kanyang paningin ay nagsimulang lumabo at ang kanyang katawan ay uminit sa paraang hindi niya maipaliwanag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 5 NEW MISSION

    Dahil sa nangyariing yun, hindi na nagdalawang-isip si Tyrone. Marahil ay dala na rin ng matinding guilt, pinayagan niya si Diana na lumabas ng mansion sa loob ng isang araw para raw makalanghap ng sariwang hangin at mabisita ang kanyang ama. Ngunit paglampas pa lamang ng sasakyan sa border ng teritoryo ng mga Glad, mabilis na lumipat si Diana sa isang blind spot. Doon ay naghihintay ang isang itim na van. "Ms. Goat, Master Zero is waiting," bungad ng kaniyang kasamahan. THE HIDDEN HEADQUARTERS Sa loob ng isang abandonadong bodega na puno ng high-tech monitors, humarap si Diana kay Master Zero. Wala na ang mahinang boses; ang kaniyang tindig ay tuwid at ang kaniyang aura ay nakamamatay. "Hindi ka lang pinalabas para magpahinga, Diana," malamig na sabi ni Zero. "May bagong target. Isang Russian arms dealer ang dadalo sa maskara gala ngayong gabi sa Diamond Hotel. He holds the secondary codes to the Glad offshore accounts. We need him dead, and we need those codes." "Underst

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 4 CONTINUATION

    Pagkalabas niya, "Diana" mahinang tawag ni Tyrone. Akmang hahawakan niya ang balikat ni Diana pero mabilis na umiwas ang babae, tila takot na takot na mahawakan muli. "Huwag... please, huwag muna." bulong ni Diana habang nakayuko. "Gusto ko lang mapagisa. Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko." Tumigil si Tyrone. Ang kaniyang kamao ay nag igting. Bilang isang Mafia Boss, sanay siyang kumuha ng gusto niya, pero ang makitang ganito kawasak ang babaeng nasa harap niya ay nagdulot ng isang hindi pamilyar na kirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ito ba ay awa o ang kaniyang pagiging possessive na nasasaktan dahil nasaktan niya ang kaniyang Asawa. "I'll leave you for a while," malamig ngunit may bakas ng pag-aalinlangan na sabi ni Tyrone. "Mag-ayos ka na. May mga katulong na magdadala ng pagkain mo rito. Huwag kang lalabas hangga't hindi mo kaya." Nang marinig ni Diana ang pagsara ng pinto at ang pag-click ng electronic lock, hindi siya agad gumalaw. Nanatili siyang nakayuko na

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 3 MY VIRGINITY!

    Hindi nagtagal, naramdaman ni Diana na tila nawawala ang kanyang sarili. Ang kanyang mga tuhod ay nanghina. Agad siyang inakay ni Tyrone na kapapasok lang muli sa hall. "Diana? what happened to you?" tanong ni Tyrone, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makitang namumula ang pisngi ng asawa at mabilis ang paghinga nito. "Tyrone... mainit... hindi ko kaya." bulong ni Diana habang kumakapit sa tuxedo ni Tyrone. Ang kanyang mahinang persona ay naging totoo sa pagkakataong ito dahil sa epekto ng gamot. Walang sabi-sabing binuhat ni Tyrone si Diana sa harap ng lahat ng bisita. "The party is over for us. Excuse us." Dinala ni Tyrone si Diana sa master's bedroom at mabilis na ni-lock ang electronic door. Inihiga niya si Diana sa kama, pero bago pa siya makalayo, hinila ni Diana ang kanyang necktie. Ang gamot na inilagay ni Sallee ay umabot na sa peak nito. "Diana, stop. You're not yourself." babala ni Tyrone, ang kanyang boses ay naging paos. Kahit siya ay nahihirapan na ring pig

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 2 MRS. GLAD

    Ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Glad Mansion ang gumising kay Diana. Mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag, tanaw ang malawak na garden na punong-puno ng mga guards na may bitbit na assault rifles. Hindi ito basta mansion; isa itong kuta na nakatago sa tuktok ng bundok, malayo sa ingay ng sibilisasyon. Mabilis na nag ayos si Diana. Isinuot niya ang isang puting silk dress na mukhang simple at inosente ang perpektong disguise para sa isang mahinang asawa. Pagbaba niya sa grand staircase, ang amoy ng mamahaling kape at breakfast ang sumalubong sa kanya sa dining hall. Doon, sa dulo ng isang mahabang mahogany table, nakaupo si Tyrone. Nakasuot na ito ng kanyang black suit vest, seryosong nagbabasa ng mga papeles. "You're late by five minutes." malamig na sabi ni Tyrone nang hindi tumitingin sa kanya. "Sa mansion na ito, oras ko ang sinusunod." "S-sorry, Tyrone... hindi lang ako nakatulog nang maayos," pagpapanggap ni Diana. Humila siya ng upuan, sinisigur

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 1 FIRST GOAL IS TO BECOME HIS WIFE

    AUTHOR POV: Sa loob ng isang madilim na warehouse sa Port Area, tanging ang patak ng ulan sa bubong at ang mabibigat na hininga ng isang lalaki ang naririnig. Ang lalaki ay nakatali sa isang bakal na upuan, duguang-duguan at halos hindi na makadilat. Sa harap niya, nakatayo si Tyrone Zyrtec Glad. Kahit madumi ang paligid, mukhang perfect pa rin ang kanyang black suit. Hawak niya ang isang luma at kupas na picture ng kanyang ina. "I’ll ask you again." malamig na sabi ni Tyrone. Ang boses niya ay parang babala ng kamatayan. "Sino ang nag utos sa inyo nung gabing iyon? Sinong pumatay sa ina ko!?" "H-hindi ko alam, Boss Tyrone! Tauhan lang kami!" pagmamakaawa nung lalaki. Hindi nagbago ang mukha ni Tyrone. Sa isang mabilis na galaw, bumaon ang hawak niyang pocket knife sa balikat ng lalaki. Isang nakakabinging sigaw ang pumuno sa bodega. "Wrong answer." bulong ni Tyrone habang pini pikit ang kutsilyo sa loob ng sugat. "15 years akong naghintay para mahanap kayo. Huwag mong uu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status