Share

Chapter 4 CONTINUATION

Author: Lyka
last update publish date: 2026-05-11 16:19:05

Pagkalabas niya,

"Diana" mahinang tawag ni Tyrone. Akmang hahawakan niya ang balikat ni Diana pero mabilis na umiwas ang babae, tila takot na takot na mahawakan muli.

"Huwag... please, huwag muna." bulong ni Diana habang nakayuko. "Gusto ko lang mapagisa. Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko."

Tumigil si Tyrone. Ang kaniyang kamao ay nag igting. Bilang isang Mafia Boss, sanay siyang kumuha ng gusto niya, pero ang makitang ganito kawasak ang babaeng nasa harap niya ay nagdulot ng isang hindi pamilyar na kirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ito ba ay awa o ang kaniyang pagiging possessive na nasasaktan dahil nasaktan niya ang kaniyang Asawa.

"I'll leave you for a while," malamig ngunit may bakas ng pag-aalinlangan na sabi ni Tyrone. "Mag-ayos ka na. May mga katulong na magdadala ng pagkain mo rito. Huwag kang lalabas hangga't hindi mo kaya."

Nang marinig ni Diana ang pagsara ng pinto at ang pag-click ng electronic lock, hindi siya agad gumalaw. Nanatili siyang nakayuko nang ilang minuto, sinisiguradong wala nang matalas na pandinig na nakikinig sa kaniya.

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang ulo. Ang mga mata niyang kanina ay puno ng luha ay biglang naging tuyo at matalim. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi gamit ang likod ng kaniyang kamay.

Tumayo si Diana at naglakad patungo sa banyo nang may pag-iingat, tinitiyak na kung may nakamasid man sa camera, makikita nilang hirap siyang maglakad at tila sugatan ang kaniyang damdamin.

Pagpasok sa banyo, binuksan niya ang shower para malunod ng tunog ng tubig ang kahit anong ingay.

Humarap siya sa salamin habang ang tubig ay bumabalot sa kaniyang katawan. Ang markang iniwan ni Tyrone sa kaniyang balat ay nagsilbing paalala ng kaniyang pagkatalo sa gabing iyon. Pero sa likod ng inosenteng mukha ni Diana Ross Lynch, nabuo ang isang pangako.

Gagamitin niya ang kaniyang kahinaan para lalong mapalapit kay Tyrone, para makuha ang kaniyang tiwala, at kapag nakuha na niya ang lahat ng impormasyong kailangan niya... sisiguraduhin niyang ang huling mararamdaman ni Tyrone bago mamatay ay ang haplos ng mahinang asawa na minaliit niya.

Samantala, sa kabilang bahagi ng mansion, hinarap ni Tyrone si Sallee.

"One more trick like that, Sallee, and I will personally see to it that your face is erased from every screen in this country." banta ni Tyrone na may dalang nakamamatay na aura

Marahas na winakli ni Tyrone ang kamay ni Sallee. Ang kanyang mga mata ay nananatiling nakapako sa pintuan ng silid kung saan narinig niya ang mahihinang hikbi ni Diana kanina. "I don't care about your excuses, Sallee. Diana is my wife now. My property. At ang kahit na sinong magtangkang sirain ang mga pag-aari ko kaibigan man o ka business partner ay dadaan sa akin."

"But Tyrone"

"Get out!" bulyaw ni Tyrone na nagpaalingawngaw sa buong mansion. "Bago pa magbago ang isip ko at hindi lang career mo ang tapusin ko ngayong araw."

Namumula sa galit at hinding-hindi matanggap ang pagkatalo, mabilis na naglakad paalis si Sallee. Ngunit bago siya pumasok sa elevator, lumingon siya nang may mapanganib na ngiti. "Enjoy your little doll for now, Tyrone. Dahil sisiguraduhin kong malalaman mo rin kung anong klaseng dumi ang dala ng mga Lynch sa buhay mo.

Samantala, sa loob ng banyo, dahan-dahang pinatay ni Diana ang shower. Nagbalot siya ng puting bath robe at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Pinilit niyang mamaga ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng marahang pagkusot dito. Kailangan niyang magmukhang galing sa mahabang pag-iyak.

Lumabas siya ng banyo at saktong bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang katulong na may dalang tray ng pagkain, kasunod si Tyrone.

Agad na napayuko si Diana, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang hinihigpitan ang kapit sa kanyang robe. "T-Tyrone... I thought you have something to do?" mahina at paos niyang tanong, tila isang sugatang ibon na takot muling mahawakan.

"I just wanted to make sure you eat." sabi ni Tyrone sa mas malambot na tono, isang bagay na bihirang marinig mula sa isang Mafia Boss. Sinenyasan niya ang mga katulong na lumabas.

Lumapit si Tyrone at inilapag ang tray sa side table. Tiningnan niya ang namamagang mga mata ni Diana. "I already sent Sallee away. She won't bother you again."

Salamat..." bulong ni Diana, hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Pero hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin muli... o kahit ikaw."

Ang bawat salitang binitiw ni Diana ay parang patalim na bumaon sa konsensya ni Tyrone. "Stay here. Magpahinga ka lang. I have some business to attend to, but I'll be back tonight. Huwag kang magvalala, walang papasok sa silid na ito kundi ako."

Diana pov:

Nang muling lumabas si Tyrone. Dinig ko ang bawat mabigat na hakbang ni Tyrone palayo sa pinto. Nang masiguro kong wala na ang presensya niya sa hallway, dahan-dahan kong ibinaba ang kutsara at sumandal sa upuan. Ang nanginginig kong kamay? Biglang tumigil. Ang mga luha sa mata ko? Tuyong-tuyo na.

“Ang daling maniwala ng isang Tyrone Glad,” sa loob-loob ko habang tinititigan ang mamahaling pagkaing inihanda para sa akin.

Hindi ko itatangi, masakit ang katawan ko. Ang bawat galaw ko ay may kasamang tunay na hapdi na nagpapaalala sa akin ng nangyari kagabi. Ang lalakeng kumuha ng kaisa isang bagay na itinira ko para sa sarili ko.

Tumayo ako at lumapit sa bintana, maingat na hindi makita ng mga guards sa baba. Mula rito, tanaw ko ang imperyo ni Tyrone. Napakaganda, napakayaman... at napakadaling sunugin.

"Kailangan ko pang magtiis." bulong ko sa sarili ko habang hinahaplos ang leeg ko kung saan naroon ang marka ni Tyrone. "Kailangang manatili ang Diana na mahina, ang Diana na takot, ang Diana na kailangang protektahan."

Dahil kapag nakuha ko na ang tiwala niya, kapag ibinigay na niya sa akin ang susi ng kaniyang kuta, doon ko ipapakita sa kaniya kung sino talaga ang pinakasalan niya. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang mahina ay ang mismong buwaya na lalamon sa kaniya nang buo.

"Maghintay ka lang, Tyrone. Ang bawat haplos mo ay kabayaran ng iyong unti-unting pagbagsak sa ilalim ng aking mga kamay."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 5 NEW MISSION

    Dahil sa nangyariing yun, hindi na nagdalawang-isip si Tyrone. Marahil ay dala na rin ng matinding guilt, pinayagan niya si Diana na lumabas ng mansion sa loob ng isang araw para raw makalanghap ng sariwang hangin at mabisita ang kanyang ama. Ngunit paglampas pa lamang ng sasakyan sa border ng teritoryo ng mga Glad, mabilis na lumipat si Diana sa isang blind spot. Doon ay naghihintay ang isang itim na van. "Ms. Goat, Master Zero is waiting," bungad ng kaniyang kasamahan. THE HIDDEN HEADQUARTERS Sa loob ng isang abandonadong bodega na puno ng high-tech monitors, humarap si Diana kay Master Zero. Wala na ang mahinang boses; ang kaniyang tindig ay tuwid at ang kaniyang aura ay nakamamatay. "Hindi ka lang pinalabas para magpahinga, Diana," malamig na sabi ni Zero. "May bagong target. Isang Russian arms dealer ang dadalo sa maskara gala ngayong gabi sa Diamond Hotel. He holds the secondary codes to the Glad offshore accounts. We need him dead, and we need those codes." "Underst

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 4 CONTINUATION

    Pagkalabas niya, "Diana" mahinang tawag ni Tyrone. Akmang hahawakan niya ang balikat ni Diana pero mabilis na umiwas ang babae, tila takot na takot na mahawakan muli. "Huwag... please, huwag muna." bulong ni Diana habang nakayuko. "Gusto ko lang mapagisa. Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko." Tumigil si Tyrone. Ang kaniyang kamao ay nag igting. Bilang isang Mafia Boss, sanay siyang kumuha ng gusto niya, pero ang makitang ganito kawasak ang babaeng nasa harap niya ay nagdulot ng isang hindi pamilyar na kirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ito ba ay awa o ang kaniyang pagiging possessive na nasasaktan dahil nasaktan niya ang kaniyang Asawa. "I'll leave you for a while," malamig ngunit may bakas ng pag-aalinlangan na sabi ni Tyrone. "Mag-ayos ka na. May mga katulong na magdadala ng pagkain mo rito. Huwag kang lalabas hangga't hindi mo kaya." Nang marinig ni Diana ang pagsara ng pinto at ang pag-click ng electronic lock, hindi siya agad gumalaw. Nanatili siyang nakayuko na

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 3 MY VIRGINITY!

    Hindi nagtagal, naramdaman ni Diana na tila nawawala ang kanyang sarili. Ang kanyang mga tuhod ay nanghina. Agad siyang inakay ni Tyrone na kapapasok lang muli sa hall. "Diana? what happened to you?" tanong ni Tyrone, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makitang namumula ang pisngi ng asawa at mabilis ang paghinga nito. "Tyrone... mainit... hindi ko kaya." bulong ni Diana habang kumakapit sa tuxedo ni Tyrone. Ang kanyang mahinang persona ay naging totoo sa pagkakataong ito dahil sa epekto ng gamot. Walang sabi-sabing binuhat ni Tyrone si Diana sa harap ng lahat ng bisita. "The party is over for us. Excuse us." Dinala ni Tyrone si Diana sa master's bedroom at mabilis na ni-lock ang electronic door. Inihiga niya si Diana sa kama, pero bago pa siya makalayo, hinila ni Diana ang kanyang necktie. Ang gamot na inilagay ni Sallee ay umabot na sa peak nito. "Diana, stop. You're not yourself." babala ni Tyrone, ang kanyang boses ay naging paos. Kahit siya ay nahihirapan na ring pig

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 2 MRS. GLAD

    Ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Glad Mansion ang gumising kay Diana. Mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag, tanaw ang malawak na garden na punong-puno ng mga guards na may bitbit na assault rifles. Hindi ito basta mansion; isa itong kuta na nakatago sa tuktok ng bundok, malayo sa ingay ng sibilisasyon. Mabilis na nag ayos si Diana. Isinuot niya ang isang puting silk dress na mukhang simple at inosente ang perpektong disguise para sa isang mahinang asawa. Pagbaba niya sa grand staircase, ang amoy ng mamahaling kape at breakfast ang sumalubong sa kanya sa dining hall. Doon, sa dulo ng isang mahabang mahogany table, nakaupo si Tyrone. Nakasuot na ito ng kanyang black suit vest, seryosong nagbabasa ng mga papeles. "You're late by five minutes." malamig na sabi ni Tyrone nang hindi tumitingin sa kanya. "Sa mansion na ito, oras ko ang sinusunod." "S-sorry, Tyrone... hindi lang ako nakatulog nang maayos," pagpapanggap ni Diana. Humila siya ng upuan, sinisigur

  • CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE    Chapter 1 FIRST GOAL IS TO BECOME HIS WIFE

    AUTHOR POV: Sa loob ng isang madilim na warehouse sa Port Area, tanging ang patak ng ulan sa bubong at ang mabibigat na hininga ng isang lalaki ang naririnig. Ang lalaki ay nakatali sa isang bakal na upuan, duguang-duguan at halos hindi na makadilat. Sa harap niya, nakatayo si Tyrone Zyrtec Glad. Kahit madumi ang paligid, mukhang perfect pa rin ang kanyang black suit. Hawak niya ang isang luma at kupas na picture ng kanyang ina. "I’ll ask you again." malamig na sabi ni Tyrone. Ang boses niya ay parang babala ng kamatayan. "Sino ang nag utos sa inyo nung gabing iyon? Sinong pumatay sa ina ko!?" "H-hindi ko alam, Boss Tyrone! Tauhan lang kami!" pagmamakaawa nung lalaki. Hindi nagbago ang mukha ni Tyrone. Sa isang mabilis na galaw, bumaon ang hawak niyang pocket knife sa balikat ng lalaki. Isang nakakabinging sigaw ang pumuno sa bodega. "Wrong answer." bulong ni Tyrone habang pini pikit ang kutsilyo sa loob ng sugat. "15 years akong naghintay para mahanap kayo. Huwag mong uu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status