Kanina pa kami naririto sa opisina niya. Wala pa ngang limang minuto nang mag-usap kaming dalawa kanina.
Nakasimangot na naman siya. Seryoso na naman ang ibinibigay niyang ekspresyon. Hindi na ako magtataka dahil ganito naman lagi ang ginagawa niya kapag walang nakakakita.
Wala naman siyang sinabing pag-uusapan namin, hindi na rin ako nagtanong.
“Anyway, ngayon ang flight nang mga kapatid mo." Nagtama ang paninhin namin nang mapatingin ako sa kaniya.
Sa puntong ito, nagpakawala ako nang isang malalim na paghinga.
Mukhang hindi pa ako handang mas mapalayo sa kanila. Ayoko rin naman maging hadlang para matupad nila ang kanilang mga pangarap.
Pero, gusto ko silang makita bago sila mapalayo nang tuluyan sa akin.
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita muli. “Don't worry, they're on their way here.” Seryoso ang tinig niya. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa isinusulat.
Hindi na ako muling kumibo pa, mahigit isang
Falling is real na ba? Happy reading!
Sa bilis nang pagpapatakbo niya'y kaagad kaming nakarating sa paroroonan. Napakunot ako ng noo nang makita ang mga dati kong katrabaho rito sa hasyendang sinasabi niya. Dito ako dating nagtatrabaho. Dito din ‘yung lugar na tinitirahan namin. Teka nga, bakit kami nagpunta rito? Para saan? Para kanino? Awtomatikong bumukas ang bibig ko sa mga naisip na tanong. “Anong ginagawa natin dito, Zeke?” Tama ba ang naiisip ko? Napako na naman ang titig ko sa kaniya. “This is yours now, napag-desisyunan kong ito na lang ang bilhin dahil sigurado naman akong mabilis paki-usapan ang mga tao rito. Isa pa, kilala ka na rin dito.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama nga ang naiisip ko! Anong sasabihin ko sa kanila kapag tinanong nila kung paano ko nabili ang ekta-ektaryang lupa gayong pare-parehas lang naman kaming hasyendero noon? Nanalo sa lotto? Nagtrabaho sa isang malaking kompanya? Napalunok ako
“Great.” Muling bumalik sa seryoso ang mukha niya, itinuon na niya ang atensyon sa pagmamaneho. Katulad nang inaasahan ay hindi na kami muli pang nag-usap hanggang sa makarating kami sa mansyon. Napakunot ako ng noo nang makita ang nagkakagulong mga tao sa mansyon. Hindi pa ako bumababa sa sasakyan dahil iniaayos pa ni Zeke ang kaniyang sasakyan dito sa Parking lot. “Shit.” Nagtama ang paningin namin nang mapatingin ako sa kaniya, kalmado at halos walang mabasang emosyon sa ekspresyon niyang ibinibigay sa akin ngayon. “Be prepared. They're here.” Sa puntong ito, alam ko na ang ibig sabihin niya. Nandito si Mrs. Elizabeth. Hindi na ako masyadong kinabahan dahil alam ko naman na ang gagawin ko. Isa pa, matagal ko na ding pinaghandaan ang bagay na ito. Napatango na lamang ako sa kaniya. Binuksan niya ‘yung pinutuan nang kotse para alalayan akong makababa. “Hey, dear.” Pag pasok na pasok pa lamang sa pintuan ay
“Tell me, mahirap ba akong mahalin?” Muling nagtagpo ang titig naming dalawa. Mariin akong napalunok, parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig iyon mismo sa kaniya. Iyon ba ang tingin niya sa sarili niya? Na mahirap siyang mahalin dahil sa kinagawian niya? “Answer me, Bri!” Tila bombang sumabog sa tenga ko ang malakas na tinig niya. Sa puntong ito, para bang ako ‘yung pinagbubuntongan niya nang galit. Humugot ako ng isang malalim na paghinga, sapat na ito para titigan siya sa kaniyang mga mata. His blue eyes says it all. Lahat nang galit at poot ay nagagawa kong basahin kaniyang mga mata. “H-hindi, Zeke. You're just giving me false hopes. Umaasa ako, Zeke. Pero alam ko namang ginagawa mo lang ‘to para sa misyon nating dalawa.” I said in a fragile tone. Nanatili ang tinginan naming dalawa sa isa't-isa. Ang dalawang makakapal na kilay niya'y halos magsalubong na. “Iyan ba ang ikinakatakot mo kay
Tila pati ang paglunok ay nahihirapan na rin ako, sinabayan pa ito nang malakas na pagkabog ng dibdib. “Alam niya ang tungkol sa misyon?” Kumunot ang noo ko nang titigan ko siya sa kaniyang mga mata. Bahagya siyang umiiling-iling. Nanatili pa ring blangko ang kaniyang mukha. “Alam kong dadating ang panahon na papipiliin niya ako sa mga nakakasama ko. Manang Ester has been with me since when I was a kid kaya alam ni Mrs. Elizabeth na malapit ang loob ko sa kaniya. She said to me that if this shit happen, piliin ko ang magpapasaya sa akin.” Napako ang titig ko sa kaniyang mga mata. Nakita kong nag-ngangalit ang kaniyang mga mata nang simulan niyang paandarin ang kotse. Itinuon niya ang pansin sa dinaraanan namin. Nabasag ang katahimikan nang simulan niya ang magtanong. “How old are you again?” “Twenty.” I said, hindi ko siya nilingon. “Great. You're old enough.” Kumunot ang noo ko nang biglaan akong mapatingin sa ka
“Does it still hurt?” Malaking boses niya ang bumungad sa akin matapos kong maimulat ang mga mata mula sa pagkakatulog. Marahan kong ikinuskos ang likod ng mga palad sa mga mata ko dahil sa nanlalabo pa ang paningin ko. “O-oo.” Matipid na sagot ko. Mula sa pagkakahiga ay marahan akong sumandal. Napahawak na lamang ako sa ibaba ng tiyan ko nang maramdaman ang labis na sakit na idinulot nito. “Relax, gonna cook for you.” Marahan akong napalunok sabay na tumango-tango. Ibang klase ang sakit na idinudulot ng tiyan ko. Napapangiwi ako sa t'wing nagagalaw ito. Sa puntong ito, pumasok sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi. May nangyari sa aming dalawa ni Zeke. What the hell, Brielle Isabella? Isinuko mo ang sarili mo para sa kaniya?! Hindi mo siya nobyo! Walang kayo! Ano na lang kung iwan at takasan ka niya kapag nalaman niyang nabuntis ka?! Napatigil ako sa naisip, lumunok ako kahit pa nah
“Zeke, itigil mo na ‘to!”Napatitig ang nanlilisik niyang mga mata sa akin. Madilim ang mukha niya nang humarap ito sa akin. Patuloy ang pag-buhos ng luha galing sa mga mata ko.“What?! Pagkatapos ka niyang saktan, kakampihan mo pa siya?! What the hell is happening?!” Marahan niyang ibinaba ang baril mula sa pagkakatutok kay Cindy.“Gan'yan ka ba talaga? Wala ka na bang gagawin kung hindi ang pumatay ng tao?! Ket her go, Zeke!” Sigaw ko.Nakita ko ang pagkagat niya sa ibabang parte nang kaniyang labi. Hindi rin nagtagal ay tumalikod na siya, padabog siyang naglakad papalayo sa amin.“C-cindy, I-i'm sorry...” Tinulungan ko siyang makatayo sa kinauupuan. Napatitig ako sa kaniyang mga mata, puno ng galit at poot. Wala siyang nagawa kung hindi iiyak na lamang ang lahat.“Aalis na lang ako, Ma'am Bri. Hindi ko na kaya ang ginagawa ni Sir Zeke. Pasensya na rin.” Kaagad niya ak
“Where the hell are you?”Sa hindi inaasahan ay biglang tumunog ang telepono ko, lumabas kaagad ang text ni Zeke sa akin, napakunot ako ng noo. Naiimahe ko ang ekspresyon ng mukha niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.Mariin akong napalunok. Ipinasok ko ulit ang telepono sa bulsa ko.“Boyfriend mo?” Nagtama ang paningin naming dalawa nang mabigla ako ng titig sa kaniya.Napailing ako nang bahagya. “Hindi pa.”Muli akong nag-iwas nang tingin sa kaniya. Narinig ko ang mahinang bungisngis niya.“Bakit hindi pa? Jowain mo na, mag-asawa ka na o baka hinihintay mo lang ako?” Pabirong aniya. Napangiwi ako.“Yuck, Damian. Alam mo namang kapatid ang turing ko sa ‘yo, hindi ba?” Napangisi siya sa sinabi ko. “Ito naman, masyadong seryoso. Nagbibiro lang eh!” Sinabayan iyon nang malakas na halakhak niya.Ilang saglit pa nang muling tumunog ang t
“You bitch!”Isang malakas na sampal ang naramdaman kong tumama sa aking mukha, sapat na iyon para magising ako mula sa pagkakatulog.Nanlalabo ang mga mata kong bumangon mula sa pagkakahiga. Kukusitin ko na sana ito nang maramdaman kong nakagapos ang mga kamay sa isang makapal na lubid.Kumunot ang noo ko.“Teka, nasaan ako?”Nanginginig na bulong ko sa sarili. Nagsimulang magtubig ang mga palad ko. Mayroong piring ang mga mata ko at wala akong ibang nakikita kung hindi ang madilim.Napalunok ako.What the hell, Bri?! Nanaginip ka ba?!Natigil ako nang muling dumampi ang palad sa mukha ko. Sa oras na ito, mas malakas naman ang naramdaman ko. Mula sa pagkakaupo ay muli akong napahiga.“Ano? You both liars! Kailan niyo pa kami lolokohin?!” Awtomatikong kumunot ang noo ko sa narinig na tinig. Pamilyar ang boses nito sa pandinig ko.Sa puntong ito, mas nahirapan akong lumunok