“Don't ask–call me love." Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ‘yung mga sinabi niya kanina, para bang hindi siya nahihiyang sabihin ‘yon, ‘yung tipong parang matagal na niya akong kakilala.
Love? Ang wirdong pakinggan, nakangingiwi.
“Hoy, kanina ka pa nakatulala!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang matinis na boses ni Cindy, muli akong nagkunot noong tumitig sa kaniya. “Ah–wala may naisip lang kasi ako!" Nginitian ko siya, bahagya pa akong napakamot sa ulo.
Nanlaki ang kaniyang mga mata, “Ano?" Natutuwang sambit niya. “What if magluto tayo ng miryenda para sa mga trabahador?" Ani ko.
“Iyan ang wag na wag mong gagawin!" Nanlaki ang mga mata niya ng sambitin iyon.
Napakamot ako sa ulo dahil sa pagtataka.
Bakit naman? Kasi ba baguhan pa lang ako dito kaya baka akalain nila ay pumapapel na ako? Hindi naman iyon ‘yung intensyon kong gawin.
“B-bakit?" Kinakabahan kong tanong, nag-iba kasi ‘yung reaksyon niya nang sabihin ang mga kataga, para bang bigla siyang natakot.
Gusto kong malaman ang dahilan kaya nagtanong ako.
“Nu'ng kasing huling nagpakin kami sa mga trabahador ay nagalit si Sir, natakot na ako sa kaniya simula noon, kaya hindi na ako muling nagmarunong pa." Pumait ‘yung hitsura niya matapos sabihin iyon.
Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa lalaking sing-tigas ng yelo ang puso? Sa lalaking daig pa ang binagsakan ng langit at lupa? Nakatatakot naman talaga siya kung tutuusin.
“Tara na nga! Lumibot na lang tayo sa hasyenda! Sigurado akong matutuwa ka sa makikita mo!" muling nagbalik iyong enerhiya niya, hindi na ako muling nakatanggi pa dahil hinila na niya kaagad ‘yung kamay ko.
Natutuwa ako sa mga nakikita, palabati ‘yung mga trabahador, hindi katulad sa pinagtatrabahuhan ko dati, makasarili't walang iniisip kung hindi ‘yung pansariling kapakanan nila.
“Mang Ernesto! Kamusta na po kayo?" Napatingin ako sa matandang binati ni Cindy, kung ako ang tatanungin ay mga nasa sisenta na ang edad nito, malakas pa naman siya ngunit hindi na talaga maitatago ‘yung pagiging matanda niya.
“Maayos naman, Deng! Kamusta ka na ba? Antagal mo ng hindi napupunta dito ha?" Nagmano si Cindy sa kaniya habang ako naman ay nanatiling nakatayo sa likod niya, hindi umiimik.
Napapansin ko din kasi ‘yung mga tinginan ng ibang mga tao sa akin, para bang hinuhusgahan ako.
“Maayos din naman po ako, kayo kamusta po ang tuhod ninyo? Nakaiinom naman po ba kayo ng gamot sa tamang oras?"
“Eto matibay pa din ‘yung mga buto ko sa tuhod, batak na batak kasi sa trabaho!" Nginitian ko siya nang makita kong tumitig siya sa akin. “Siya nga pala, sino iyang dalaga sa likuran mo? Bagong trabahador ba iyan ni Boss Zeke?"
Tiningnan ko ang sarili mula ulo hanggang paa atsaka muling tumitig sa kanila.
Simple lang ‘yung damit ko, isang bestida lang na hindi lalagpas sa tuhod, nakalitaw din ‘yung balikat ko kaya mahahalata iyong pagiging probinsyana ko.
Wala naman akong nakikitang masama sa trabahador ngunit bakit parang nainsulto ako sa sinabi niya? Bakit parang may kirot na dumampi sa puso ko nang marinig kong sabihin niya iyon? Kasi ba dahil ang papel ko dito ay ang pagiging fiance niya? Kaya ako nainsulto dahil napagkamalan akong trabahador at hindi bilang fiance niya?
“Ah hindi po– siya po ‘yung pakakasalan ni Sir Zeke!" Pabiro niya akong tinabig sa balikat kung kaya't nagkusa akong abutin ang kamay ng matanda para magmano.
“Ah kung ganoon ay magaling palang pipili si Boss? Simpleng babae ang nabingwit niya ngunit maganda, sigurado akong mabait din itong batang ito!" Natawa ako sa sinabi niya.
Maganda? Unang beses ko pa lang masabihan ng ganito sa buong buhay ko, iyon nga lang ay anak na ang nagsabi nito sa akin.
“Ako po si Brielle, Bri na lang po ang itawag ninyo sa akin!" Ganadong sambit ko. “Mang Ernesto po ang pangalan ko, Ma'am Bri!"
Ma'am? Ang pormal naman ng ganoong tawag, hindi ako sanay.
“Wag ninyo na po akong tawaging Ma'am, Bri na lang po!" Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.
“Hindi talaga nagkamali si Sir ng pagpili sa iyo!"
Hindi ko man nakita ngunit naramdaman ko ang tinginan ng iba sa mga tao dito, nahiya na naman ako.
Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga bulungan mula sa hindi kalayuan.
“Iyan ba ‘yung magiging asawa daw ni boss? Ang simple naman! Halatang mahirap!" Narinig ko din iyong mga mahihinang tawanan nila. “Mas gugustuhin ko pa ‘yung dating hitsura nu'ng nobya niya kaysa sa hitsura nitong babaeng ito! Ang tapang ng hiya!"
Yumukom ang mga kamay ko, nararamdaman ko ‘yung mga nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata ko.
Sa bagay sino ba naman kasi ako para magustuhan niya? Atsaka isa pa, alam ko namang hindi seryoso itong pagpapanggap na ito!
“Oh bes, okay ka lang?"
Aksidente akong napatingin kay Cindy. “Ah oo–nga pala mauna na ako ha may nakalimutan lang akong gawin!" hindi ko na hinintay pa ‘yung sasabihin niya at kaagad na tumakbo papalayo sa kinaroroonan nila.
Iba't-ibang mga negatibong komento ang tumatakbo sa isipan ko.
Bakit ako nahihiya? Bakit ko ikinahihiya ‘yung pagiging mahirap ko? Bakit ako naiinis sa kanila? Dahil ba nagagawa nilang laitin ako kahit parehas lamang kami ng estado sa buhay? Parehas lang din naman kami ng mga kinakain ngunit bakit ganoon sila magsalita? Bakit sila ganoon manghusga na para bang kilalang kilala na nila ako?
Hindi ko inaasahan ang pagkawala ng mga luha matapos kong makapasok sa kwarto, hindi ko ito mapigilan, nagiging mahina na naman ako, nagpapakain na naman ako sa sistema ko! Nagpapakain na naman ako sa kahinaan na hindi naman dapat!
Hindi ganito ‘yung itinuro ni Papa sa akin!
Sigurado akong magagalit siya kung nakikita niya akong umiiyak dahil sa sinasabi ng ibang tao.
“Kailangan mong maging malakas!" Ibinabaon ko ang mga kataga sa isipan, umaasa ako na iyon ang magpapatahan sa akin.
Kailangan kong maging malakas dahil may rason ako para gawin iyon.
Kailangan kong maging malakas para sa mga kapatid ko, kailangan kong maging malakas para sa mga minamahal ko.
At higit sa lahat kailangan kong maging malakas dahil kailangan.
Kusang tumigil ang mga luha ko nang makarinig ng mahihinang katok mula sa pintuan, pinunasan ko ang mga luhang bumasa sa aking mukha gamit ang likod ng aking mga palad.
Sino ba ito? Kung si Cindy naman ay ambilis naman niya akong nasundan? O baka si Manang Ester lang?
Nagmamadali akong buksan ‘yung pintuan at hindi ko inaasahan na makikita ko sa harap ang lalaking kinatatakutan ko.
Nakabukas ‘yung iilan sa butones ng kaniyang suot, hapit na hapit ito sa kaniyang katawan kaya't malaya kong nakikita ‘yung magandang hugis ng kaniyang katawan.
Para siyang nanlalambot, nanlilisik pa din ang kaniyang mga mata nang titigan ko siya. “I forgot to give you this," kasabay no'n ang pag-abot niya sa akin ng isang telepono.
Kumunot naman ang noo kong tumitig sa kaniya. “Para saan po ito?" Nagtatakang tanong ko.
“Nakasave na dya'n ‘yung number ko, call me if there's an emergency." Tumango ako, “isa pa, wag mong ibibigay ‘yung number mo sa kahit na sino okay?" May pagkamalat sa malalim na boses niya nang sabihin ang mga kataga, bagay sa kaniya ‘yung ganoon, mas lalo siyang gumagwapo kung ganoon palagi ang boses niya.
“Thank you for being part of my life, Misis ko. You brought so much happiness. . ." Napapikit na lamang ako nang idantay ko ang ulo sa kaniyang braso. Ipinalupot ko ang braso ko sa katawan niya atsaka ngumiti.“Maraming salamat din dahil sa mga sakripisyo mo," ani ko. Naririnig ko ang pagwawala ng puso nang halikan ako nito sa noo.“This is not the end, I promise you. Simula pa lang ‘to ng buhay mag-asawa natin," bulong niya. He fished his phone underneath his pillow. “Bangon na tayo, may sorpresa ako sa ‘yo," aniya at umakmang babangon na ng kama.Ininat ko ang mga braso atsaka humikab ng ilang segundo bago siya tingnan. “Susunod na ako, mauna ka na." I said as I tied my hair into a bun hairstyle. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa ‘kin habang ako ay hinila ang pang-upo sa dulo ng kama para itiklop at ayusin ang gusot na mga kumot. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Napapansin kong umuumbok na ang aking t'yan, hinimas-himas ko pa ito haba
Gosh, we've made it this far! Una, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ninyong lahat sa istoryang ito at maging sa ‘kin man. To my avid Readers, 12.2k reads na ito! Grabe kayo! Hindi ko man inaasahan na basahin ninyo ito hanggang dulo dahil alam kong sinimulan kong isulat ito noong panahong hindi pa ako masyadong maalam na manunulat ngunit napakasaya ko. From the Reads, Gems, and ‘yung pag-unlock ninyo sa story ko using your purchased coins. Sobrang na-appreciate ko po lahat. I promise that I'll improve my skills more to give you the best reading experiences. And also, bilang pasasalamat, mag-abang kayo sa special chapter na kasunod nitong announcement ko. Comment nga kayo rito, gusto ko kayo mapasalamatan isa-isa! Ang tanong, ilang words ang special chapter? Oops, basta ang sagot ko ay bilang ng mga salita na sa tingin ko ay hindi kayo madi-dissapoint! I have an on-going story ulit, promise maganda at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya. Ang title ay ”Owned by
“Wake up!"Awtomatikong bumukas ang aking mga mata nang makarinig ng bulyaw. Kaagad akong umupo sa kama at mabilisang kinuskos ng palad ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid kapag tapos. “C-Cindy?" bulong ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya kaya't mataman ko siyang kinilatis ng paningin.“Oo, baliw ka! Para kang nakakita ng multo!" biro niya. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan para salubongin siya ng yakap. “Na-miss kita," saad ko. “Bakit ka pala andito?" I asked in a frustrated tone. Kumunot rin ang noo ko.“Ang oa mo naman, wala pa yata akong isang buwan na nawawala, e." she said as she laughed. Siya nga talaga itong nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.“Shabu ka ba? Malamang andito ako kasi araw ng kasal ng best friend ko. Hindi ba ako invited?" she said in a light tone. Umiling-iling ako bilang sagot. “No, I mean, ‘di ba nag-aaral ka na?" I asked. “I was about to," sagot nito. “but go
“Kapag tapos nito, anong pinaplano ninyong dalawa?" Damian asked.Magi-isang oras na kaming nakaupo sa loob ng kwartong ito. Kanina pa nga ako nilalamig sa lakas ba naman ng hangin dito sa loob. Tinanggal ko ang mga braso sa pagkikibit-balikat atsaka ikiniskis ang mga palad upang kumuha ng init mula dito.I sipped my coffee out of being cold. Kaming tatlo lang dito sa VIP room ng coffeeshop, mabuti na lang at mayroong ganitong kwarto sa branch na ito. It's a great way to relax lalo pa't kung gusto mong mapag-isa at lumayo sa mataong lugar. “We want to live alone, malayo sa lugar na ito." Zeke unexpectedly uttered. Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong kaya't nakuha nito ang atensyon ko.Kanina pa kasi siya walang imik at nakatutok sa telepono niya. Hindi ko ba alam kung ano na naman ang pinagkaka-abalahan niya ngunit panigurado akong importante ‘yon.“Hmm, ang ganda ng naisip mong plano. Ilan ba ang gusto mong anak sa best–" naputol ang pagsasalita ni Damian nang madalian kon
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Huh? You planned everything for me not to get out of you?" saad ko. He nodded then simply kissed my neck.“Of course," he whispered.“Pero bakit mo hinayaang mag-training, Zeke? For what? Pati ba ‘yon ay plano mo, nailagay sa kapahamakan ang anak mo sa sinapupunan ko?" I said. Marahan kong hinimas ang tiyan ko.“That's clearly for clout. Marami na akong naririnig na sabi patungkol sa ‘yo na buntis ka raw. Of course, I don't want to risk your life and the baby after it got publicized." he smirked then rolled his eyes. “P-Pero paano nalaman ni Mrs. Elizabeth," tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, “Nandoon ako kanina, narinig ko ang usapan ninyo." I gulped.“I'm well informed about that. That's why I cleared up some things to her. That's the reason why pinuntahan ka rito ni Damian to make sure that you're safe." I nodded slowly. Hindi pa rin ako makapaniwala sa angking kautakan niya.“And do you think, maniniwala siya?" he shook his head as he pout i
Marahan akong napaupo sa sulok ng kwarto nang makarating sa bahay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko–paano ko naman maiiwasan ang pagkabahala kung alam kong hindi ako ang pipiliin niya? Of course, he'll choose what's best for him; the money, the fame, and his safety. Pinaghirapan din niya ang lahat nang ‘yon kaya't sino ako para piliin niya? For sure, pinag-uusapan na nila kung paano ako itatapon na parang kung sino lang. I know na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa ‘kin since we've been together for just. . .months!What if he'll throw me and the child I'm carrying into a hopeless situation? Alam kong alam niya na sa kapangyarihan at ka-sopistakadong pamimikas niya'y maraming nagkakandarapa sa kaniya. Models, Infamous CEOs, Artists? Name it, he'll freaking make it fall in love with him in just a wink. Humugot ako nang isang malalim na paghinga matapos sumandal sa pader; iniisip ang pwedeng kahantungan ng sanggol sa sinapupunan ko. It's either he'll tell me t