Share

CHAPTER 4

Author: DÁRKVLADIMIR
last update Last Updated: 2021-11-16 14:45:13

Kaagad niya akong tinalikuran matapos niyang ibigay itong teleponong ito sa akin.

“Hoy bes, Anong nangyari? Bakit ka umalis kaagad?" Nag-aalalang tanong ni Cindy nang makasalubong ko siya papunta sa kusina, naghahabol siya ng hininga na animo'y tumakbo ng malayo.

“Wala naman, may nakalimutan lang akong gawin." Ngumiti ako sa kaniya, kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon. “Teka nga," Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, kinikilatis ‘yung hitsura niya.

“Bakit parang hingal na hingal ka? Ano bang ginawa mo?" Kumunot ang noo niya, “Bes hinabol kita! Hindi lang kita naabutan dahil ang haba ng mga biyas mo!" Natatawang sambit niya.

Kumuha siya ng inumin at diretsong nilagok iyon. “Nakita ko si Sir Zeke na lumalabas mula sa kwarto mo," Tumaas ‘yung isang kilay ko. “Anong ginawa no'n sa kwarto mo?" Pabirong tanong niya.

“May sinabi lang siya, ‘di rin naman siya nagtagal dahil umalis siya kaagad." Nakangiting sambit ko.

“Hayaan mo na ‘yon, ganoon lang talaga ‘yung ugali niya, tipid lang talaga siya kung magsalita." Itinali niya ang buhok.

“Oh nandidito pala kayo!" Nakita naming nasa tapat ng pintuan si Manang Ester,  may bitbit siyang mga plato kaya't kaagad kong kinuha iyon. “Sa'n po kayo galing, Manang?" Tanong ko matapos ilagay ang mga pinagkainan sa lababo.

“Dya'n lang sa labas, pinakain ko ‘yung mga guwardya." Nakangiting sagot niya.

“Nga pala ija," Kumuha siya ng mga topperware mula sa cabinet. “Binibilin ni Zeke na mag-ayos ka daw mamaya." Aniya.

Nagtataka naman akong muling napatitig sa kaniya.

Mag-ayos? Bakit naman? May pupuntahan ba kami?

“Bakit daw po, Manang?" Takang tanong ko kaya't muli siyang huminto sa ginagawa para lingunin ako. “Ang sinabi lang niya'y magbihis ka, gusto niya na simple lang ‘yung isusuot mo." Nagpatango-tango na lang ako sa sinabi niya.

Nagtataka pa din akong lumaba sa kusina para iayos ‘yung lamesa, tanghali na at kakain na kami ng tanghalian.

“Mukhang may date kayo ni Sir Zeke ah?" Kantsaw ni Cindy sa kabilang banda, trabaho niya talaga ang manukso. “Siguro may pupuntahan lang? Hindi naman siguro date ‘yon!" kunwari akong natawa sa sinabi ko ngunit nagtataka pa rin ang isip ko.

Date? Ako idadate niya? Ako idadate ng isang milyonaryo? Para namang wala sa kaniyang hitsura ang makipagdate sa isang simpleng babae.

“Kain na tayo, Sir Zeke!" Nabaling ang atensyon ko sa lalaking naglalakad papalapit sa akin, ngumiti na lang ako dito.

“Hi love, How's your day?" Malambing ‘yung tono niyang  yumakap sa akin. “Sumakay ka na lang." Bulong niya.

Rule number one, kailangan kong sumakay sa mga lambing niya lalo pa't mayroong ibang taong nakaharap.

“Okay naman love," Hinalikan ko ‘yung pisngi niya matapos ay dahan-dahan siyang itinulak para mapalayo sa akin. “Nga pala, naglunch ka na? Sakto kakain na." 

Tumulong kasi akong magluto sa kanila kanina, ‘yung isa sa mga itinurong luto ni Papa sa akin, alam ko namang magugustuhan niya iyon kahit pa simple lang ulam na ito.

Nanatiling seryoso ang mukha niyang tumingin kay Manang Ester. “Manang, naayos mo na ba ‘yung pinagagawa ko sa'yo?" Tanong niya.

Angas! Para akong kumausap sa hangin ah!

“Naayos ko na lahat, anak!" Nginitian siya nito at muli naman niyang ibinaling ang atensyon sa akin matapos no'n. “We're going to have a lunch with them." 

Them? Kanino? Sa pamilya niya? Hala!

“Be ready, kapag tapos ka ng maligo nasa opisina lang ako." Bulong niya sabay talikod.

Muli kong naamoy ‘yung mabangong amoy niya, matapang ang pabango na iyon at amoy lalaki, mahahalata sa amoy no'n na mamahalin ang pabango niya.

“Oh ano pang hinihintay mo?" Tukso ni Cindy, napansin kong namumula ang kaniyang mukha, kinikilig na naman siya.

Hindi na ako kumibo at dumeretso na agad sa kwarto para maligo, binilisan ko ‘yung kilos ko.

Ayaw pa naman niya nang naghihintay, baka kapag pinaghintay ko siya ay barilin na lamang niya ako, oo gano'n nga. Maikli lang ang pasensya niya kaya madaling mag-init ang kaniyang ulo.

Kaagad akong nagbihis matapos kong maligo, syempre isinuot ko ‘yung paborito kong bestida, itinali ko lang ‘yung buhok ko para hindi hanginin sa mukha ko at isinuot ko ‘yung sandalyas ko. Hindi na ako naglagay ng kung ano-anong kolorete sa mukha dahil wala naman ako no'n at hindi ko din alam kung paano gumamit.

Kaagad kong tinungo ‘yung opisina niya, huminga pa ako ng malalim bago kumatok. “Come In." Malamig na boses ang narinig ko sa loob noon kaya kaagad akong pumasok.

Kinilatis niya ‘yung buong pagkatao ko at bahagyang tumango-tango.

Ang ibig sabihin ba no'n ay nagustuhan niya ‘yung suot ko? Mabuti naman kung gano'n, wala na kasi akong maisusuot pang maganda sa paningin ko kapag hindi pa niya nagustuhan.

“Here wear this." Pabagsak niyang inihagis ‘yung maliit na kahon sa kaniyang lamesa kaya kaagad akong lumapit para tingnan kung ano iyon.

Isang kwintas ang nakita ko matapos kong buksan iyon, isang kulay gintong kwintas, alam ko namang mamahalin iyon kaya gulat akong napatingin sa kaniya. “What? Just wear that ng makaalis na tayo." Masungit na aniya sabay hilig sa kaniyang swivel chair.

Gaya nga ng sabi niya'y isinuot ko na ‘yung kwintas sa leeg ko.

Walang kibo-kibo niyang pinasakay ako sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Sweet ‘di ba? Syempre may nakakikitang ibang tao kaya kailangan niyang magpanggap na sweet siya sa fiance niya.

Mabilis kaming nakarating sa paroroonan namin sa bilis ng pagpapaandar niya at isa pa hindi rin naman malayo ito, lumagpas lang ng konti sa pinuntahan namin kanina.

Sinalubong kami ng mga trabahador niya. “Boss siya na po ba iyong sinasabi n'yong pakakasalan ninyo?" Anang isang lalaki, nakita ko naman siyang tumango't inilapag ‘yung mga dalang pagkain sa lamesa.

Wala siyang nabanggit na kakain pala kami kasama ang mga trabahador niya, buti na lang at tama lang ‘yung sinuot ko at hindi ako nagpantalon, nakahihiya kung gano'n ang isinuot ko!

“Tikman n'yo ‘to!" Inilabas niya ‘yung niluto kong ulam, ‘yung binagoongang baboy. “Si Bri ng nagluto n'yan!" Bahagya akong tumawa sa sinabi niya, nakita ko naman ang pagtango niya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa.

Nice acting! Parang totoo ah! Bakit kaya hindi siya mag-artista?

Nagsimula na kaming kumain matapos no'n hanggang sa matapos ay pinag-uusapan pa rin nila ‘yung tungkol sa magiging kasal namin.

Nakita kong namumula ang mukha niya nang titigan ko siya, napakakamot siya sa kaniyang leeg, nakita kong may mga pantal iyon. “Love, okay ka lang?" Ala-lang tanong ko sa kaniya.

“Yes, don't worry ayos lang ako." Sambit niya sa akin, hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil alam kong nanlilisik na ang mga iyon.

Nako patay! Allergic yata siya sa bagoong! Hindi niya naman sinabi na may ganoon palang problema ang balat niya kapag kumakain siya ng mga ganoong pagkain. 

Ako ‘yung nagluto kaya sigurado akong ako din ‘yung pagagalitan.

Ano kayang magiging reaksyon niya sa akin mamaya pag-uwi namin? Kinakabahan ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana lagi na lang may taong nakatingin sa kanila para laging sweet si mr.zeke kay brielle
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Special Episode:

    “Thank you for being part of my life, Misis ko. You brought so much happiness. . ." Napapikit na lamang ako nang idantay ko ang ulo sa kaniyang braso. Ipinalupot ko ang braso ko sa katawan niya atsaka ngumiti.“Maraming salamat din dahil sa mga sakripisyo mo," ani ko. Naririnig ko ang pagwawala ng puso nang halikan ako nito sa noo.“This is not the end, I promise you. Simula pa lang ‘to ng buhay mag-asawa natin," bulong niya. He fished his phone underneath his pillow. “Bangon na tayo, may sorpresa ako sa ‘yo," aniya at umakmang babangon na ng kama.Ininat ko ang mga braso atsaka humikab ng ilang segundo bago siya tingnan. “Susunod na ako, mauna ka na." I said as I tied my hair into a bun hairstyle. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad papalayo sa ‘kin habang ako ay hinila ang pang-upo sa dulo ng kama para itiklop at ayusin ang gusot na mga kumot. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin. Napapansin kong umuumbok na ang aking t'yan, hinimas-himas ko pa ito haba

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   Words from the Author!

    Gosh, we've made it this far! Una, nagpapasalamat ako sa patuloy na pagtangkilik ninyong lahat sa istoryang ito at maging sa ‘kin man. To my avid Readers, 12.2k reads na ito! Grabe kayo! Hindi ko man inaasahan na basahin ninyo ito hanggang dulo dahil alam kong sinimulan kong isulat ito noong panahong hindi pa ako masyadong maalam na manunulat ngunit napakasaya ko. From the Reads, Gems, and ‘yung pag-unlock ninyo sa story ko using your purchased coins. Sobrang na-appreciate ko po lahat. I promise that I'll improve my skills more to give you the best reading experiences. And also, bilang pasasalamat, mag-abang kayo sa special chapter na kasunod nitong announcement ko. Comment nga kayo rito, gusto ko kayo mapasalamatan isa-isa! Ang tanong, ilang words ang special chapter? Oops, basta ang sagot ko ay bilang ng mga salita na sa tingin ko ay hindi kayo madi-dissapoint! I have an on-going story ulit, promise maganda at kapana-panabik ang magiging takbo ng istorya. Ang title ay ”Owned by

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 43

    “Wake up!"Awtomatikong bumukas ang aking mga mata nang makarinig ng bulyaw. Kaagad akong umupo sa kama at mabilisang kinuskos ng palad ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid kapag tapos. “C-Cindy?" bulong ko nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya kaya't mataman ko siyang kinilatis ng paningin.“Oo, baliw ka! Para kang nakakita ng multo!" biro niya. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan para salubongin siya ng yakap. “Na-miss kita," saad ko. “Bakit ka pala andito?" I asked in a frustrated tone. Kumunot rin ang noo ko.“Ang oa mo naman, wala pa yata akong isang buwan na nawawala, e." she said as she laughed. Siya nga talaga itong nasa harapan ko. Hindi ako nananaginip.“Shabu ka ba? Malamang andito ako kasi araw ng kasal ng best friend ko. Hindi ba ako invited?" she said in a light tone. Umiling-iling ako bilang sagot. “No, I mean, ‘di ba nag-aaral ka na?" I asked. “I was about to," sagot nito. “but go

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    “Kapag tapos nito, anong pinaplano ninyong dalawa?" Damian asked.Magi-isang oras na kaming nakaupo sa loob ng kwartong ito. Kanina pa nga ako nilalamig sa lakas ba naman ng hangin dito sa loob. Tinanggal ko ang mga braso sa pagkikibit-balikat atsaka ikiniskis ang mga palad upang kumuha ng init mula dito.I sipped my coffee out of being cold. Kaming tatlo lang dito sa VIP room ng coffeeshop, mabuti na lang at mayroong ganitong kwarto sa branch na ito. It's a great way to relax lalo pa't kung gusto mong mapag-isa at lumayo sa mataong lugar. “We want to live alone, malayo sa lugar na ito." Zeke unexpectedly uttered. Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong kaya't nakuha nito ang atensyon ko.Kanina pa kasi siya walang imik at nakatutok sa telepono niya. Hindi ko ba alam kung ano na naman ang pinagkaka-abalahan niya ngunit panigurado akong importante ‘yon.“Hmm, ang ganda ng naisip mong plano. Ilan ba ang gusto mong anak sa best–" naputol ang pagsasalita ni Damian nang madalian kon

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 41

    Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, “Huh? You planned everything for me not to get out of you?" saad ko. He nodded then simply kissed my neck.“Of course," he whispered.“Pero bakit mo hinayaang mag-training, Zeke? For what? Pati ba ‘yon ay plano mo, nailagay sa kapahamakan ang anak mo sa sinapupunan ko?" I said. Marahan kong hinimas ang tiyan ko.“That's clearly for clout. Marami na akong naririnig na sabi patungkol sa ‘yo na buntis ka raw. Of course, I don't want to risk your life and the baby after it got publicized." he smirked then rolled his eyes. “P-Pero paano nalaman ni Mrs. Elizabeth," tumaas ang kilay niya sa sinabi ko, “Nandoon ako kanina, narinig ko ang usapan ninyo." I gulped.“I'm well informed about that. That's why I cleared up some things to her. That's the reason why pinuntahan ka rito ni Damian to make sure that you're safe." I nodded slowly. Hindi pa rin ako makapaniwala sa angking kautakan niya.“And do you think, maniniwala siya?" he shook his head as he pout i

  • CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 40

    Marahan akong napaupo sa sulok ng kwarto nang makarating sa bahay. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko–paano ko naman maiiwasan ang pagkabahala kung alam kong hindi ako ang pipiliin niya? Of course, he'll choose what's best for him; the money, the fame, and his safety. Pinaghirapan din niya ang lahat nang ‘yon kaya't sino ako para piliin niya? For sure, pinag-uusapan na nila kung paano ako itatapon na parang kung sino lang. I know na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya para sa ‘kin since we've been together for just. . .months!What if he'll throw me and the child I'm carrying into a hopeless situation? Alam kong alam niya na sa kapangyarihan at ka-sopistakadong pamimikas niya'y maraming nagkakandarapa sa kaniya. Models, Infamous CEOs, Artists? Name it, he'll freaking make it fall in love with him in just a wink. Humugot ako nang isang malalim na paghinga matapos sumandal sa pader; iniisip ang pwedeng kahantungan ng sanggol sa sinapupunan ko. It's either he'll tell me t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status