NAKATINGIN lang si Toni sa chandelier. Tapos na silang maghapunan. Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin tumitigil ang ulan.
Mabuti na lang at hindi pa rin umuuwi si GB. Baka kung naroon ang lalaki ay pinalayas na siya nito. Pero hindi niya rin napigilan ang sarili na isipin kung saan ba ito pumunta. Kung sino ang kasama nito. Baka si Shaira. Naiinis niyang ibinalik ang pansin sa mga libro na tinitingnan sa isang international website. Matagal na niya iyong gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil nagtitipid siya. Pero ngayon, bibilhin na niya iyon. Yes, she’s brokenhearted pero hindi niya kailangang magmukmok. Ang kailangan niya ay mga libro. Maraming-maraming libro. Matapos ma-i-check out ang mga nasa cart ay inilapat ni Toni ang likod sa sofa. Her mind and body felt tired. Kumuha siya ng libro sa kanyang bag at sinimulan iyong basahin. Eventually she felt sleepy so she closed her eyes. Gusto niyang ipahinga iyon saglit. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya. ---- “SINO`yang nasa sofa, Manang Carla?” tanong ni GB sa kasambahay nang makita niyang may babae doon na nakahiga. “Ah…” Atubili nitong kinuha ang susi ng kanyang sasakyan mula sa kanya. “Si Toni, sir. Ano kasi… kumuha siya ng mga gamit niya. Umulan kaya hindi siya nakauwi.” Kunot-noo siyang lumapit sa sofa at nakumpirma niyang si Toni nga iyon. And he noticed there’s a book fallen from her hands. “Ano ang gagawin natin, sir? Hayaan lang natin siya diyan? Baka kasi mahulog. Kawawa naman,” sabi ni Manang Carla. Pinulot nito ang libro. “Ako na ang bahala sa kanya.” He carefully scooped her up and brought her to his room. Inilapag niya ito sa kanyang kama. She stirred but didn’t wake up. --- NAPADILAT si Toni nang maramdamang may tumatapik sa kanyang balikat. “Wake up!” Napabalikwas siya ng bangon nang mabungaran si GB. Nailagay niya ang kamay sa dibdib. Inilibot niya ang paningin sa paligid. “Oh, no!” Nasa loob siya ng silid nito! Pinilit niyang inaalala ang mga nangyari pero wala siyang natatandaan na umakyat siya at natulog sa silid nito. “Pasensiya ka na. Hindi ko alam na nakatulog ako,” hinging paumanhin niya rito. Umiling si GB at dumeretso sa cabinet. Binuksan nito iyon. “Mauna ka nang mag-shower,” sabi nito. Napakurap si Toni. “Ha?” Umikot si GB paharap sa kanya. “Bilisan mo na at baka ma-late ka.” Napatingin si Toni sa wall clock. Mag-alas siyete na ng umaga! Napangiwi siya at pinaikli ang kanyang leeg. “Sir, pwede ba akong um-absent ngayon? Kasi uuwi pa ako sa apartment ko at marami akong aayusin.” “No can do,” mabilis na sagot nito. Napasimangot si Toni sa kawalang-konsiderasyon ng kausap. “Bilisan mo na diyan at maligo ka na,” utos pa ni GB sa kanya. May ibinigay ito sa kanya na towel. “Hindi ko talaga alam kung paano ako napunta dito sa silid mo, sir. Ang alam ko lang ay nasa sofa ako kagabi at hinihintay na tumigil ang ulan,” mahina niyang sabi rito. Hindi ito nagsalita. Parang matamlay itong naupo sa kama. Pinagmasdan niya itong mabuti at napagtanto niyang may problema ito. Hindi siya sanay na ganoon ito kaya naglakas-loob na siyang lapitan ito. “May problema ba?” tanong niya at naupo sa kama sa tabi nito. Nakita niyang napakurap ito na tila bumalik ang kamalayan. “What makes you think so? “Kasi parang malungkot ka. What’s wrong?” tanong niya. “Ah… it’s nothing,” kaila pa rin nito. “Come on. Tell me,” pamimilit niya. Pumaikot pa ang mga kamay niya sa braso nito. “Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?” Bigla na lang tumayo si GB kaya nagulat siya. Pero mabilis din itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I’m sorry.” Napahiya siya. Wala na siyang karapatan dito. Kaya hindi na siya dapat mag-usisa pa. "Pasensiya ka na. Aalis na ako." Pagkasabi niyon ay mabilis siyang naglakad palabas sa silid nito. “Toni. Wait!” sigaw ni GB. Napatigil si Toni sa paglalakad. Bumalik siya sa silid. “Mabuti naman at naisipan mong bumalik,” sabi sa kanya ni GB. Kinuha niya ang mga libro na nasa bedside table. “I came back for the books, not for you,” sabi niya rito bago siya lumabas. Kapal ng mukha ng sundalo na iyon. Inisip ba naman nitong bumalik siya para rito. Feelingero!“TALAGA bang hiwalay na kayo ni Toni, sir? Umalis kasi siya dala ang mga gamit niya. Umiiyak din. Kawawa nga,” kausap kay GB ni Manang Carla. Hindi siya sumagot. Ang dami niyang iniisip. Kararating lang niya mula sa kanyang meeting sa Fort Bonifacio. Kakatawag lang ng katiwala nila na nasa ospital. Ito ang nagbabantay sa kanyang lola doon dahil hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang ina. Maayos na kanina ang kalagayan ng kanyang lola. Ang problema, hinahanap nito si Toni. Ibibigay raw niya ang engagement ring nito kay Toni. Sinasabi rin nito na gusto nitong magpakasal na sila ni Toni. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang katotohanan sa kanyang lola. Nakukunsensiya kasi siya dahil sa kasunduan nila ni Toni. Nag-alibi na lang siya na nasa opisina si Toni at hindi niya puwedeng isama sa mga meeting niya at papunta sa ospital. Napahinga siya nang malalim at kinuha ang kanya cell phone. Abala siya sa pag-chat sa kanyang ina para i-monitor ang kalagayan ng kanyang lola. Mali
Yumuko si Toni. “I’m sorry. Pero alam kong hindi `yon ang totoong issue natin. K-kung may iba ka nang nagugustuhan, sabihin mo lang sa akin.” Her voice came out like whisper. “M-matatanggap ko naman.” Hindi umimik si GB. “I k-know that it will come to this. It’s only a matter of time,” pagpapatuloy ni Toni kahit na nananakit na ang kanyang lalamunan. “Alam kong may babaeng mas higit sa akin. Na mas bagay sa `yo. Tanggap ko naman iyon. Ang hindi ko lang matanggap kapag niloko mo ako. Kasi unfair `yon. Kasi ako, hindi naman kita niloloko so hindi ko deserve na lokohin.” Hindi pa rin nagsalita si GB. She slowly lift her head so she can look at him. “So, ?” tanong niya rito. “Hindi ko sinasadya…” Sa gilid niya nakatingin si GB nang sabihin nito iyon. Tumayo si Toni. “Please, makinig ka sa akin. Hindi ko naman ginusto `tong nararamdaman ko. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili pero hindi ko nagawa. Please, forgive me,” pagsusumamo nito. “Pinag-isipan kong mabuti `to k
NAKATINGIN lang si Toni sa chandelier. Tapos na silang maghapunan. Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Mabuti na lang at hindi pa rin umuuwi si GB. Baka kung naroon ang lalaki ay pinalayas na siya nito.Pero hindi niya rin napigilan ang sarili na isipin kung saan ba ito pumunta. Kung sino ang kasama nito. Baka si Shaira. Naiinis niyang ibinalik ang pansin sa mga libro na tinitingnan sa isang international website. Matagal na niya iyong gustong bilhin pero hindi niya mabili-bili dahil nagtitipid siya. Pero ngayon, bibilhin na niya iyon. Yes, she’s brokenhearted pero hindi niya kailangang magmukmok. Ang kailangan niya ay mga libro. Maraming-maraming libro. Matapos ma-i-check out ang mga nasa cart ay inilapat ni Toni ang likod sa sofa. Her mind and body felt tired.Kumuha siya ng libro sa kanyang bag at sinimulan iyong basahin. Eventually she felt sleepy so she closed her eyes. Gusto niyang ipahinga iyon saglit. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog si
“YOU CAN’T use your grandma’s health as a reason to marry someone,” komento ni Case nang ikuwento ni GB na magpapakasal na siya. Pagkatapos niyang makausap ang kanyang abogado para maayos ang prenuptial agreement ay tinawagan niya ang mga senior niya dati sa PMA na sina Case at LA. Pinapunta siya ni LA sa bahay nito at doon na sila nagkuwentuhan. Inimbita niya rin ang mga ito sa kanyang nalalapit na kasal.“That contract will surely backfire,” sabi naman ni LA.Tumawa si Case. “Katulad sa nangyari sa inyo ni Mace. Kinontrata mo rin.”“At least hindi kami naghiwalay,” tugon ni LA. Natahimik si Case at sa kanya na tumingin. “What if you’ll get attached?”“Protektado kami ng kontrata. There’s no complications. We have clear boundaries. Isa pa hindi kami magsasama sa isang bahay. Toni wanted a sole access to her house,” sagot niya rito. Nakita niyang ngumisi si LA. His eyes sparkled as he leaned towards him.“Talaga? Eh di ba dadalawin n’yo ang lola mo kada Linggo? Where would you li
“AYOS KA lang ba? Bakit parang pumayat at matamlay ka?” salubong kay Toni ni Manang Carla—na kasambahay ni GB— nang makarating siya sa bahay nito. Pagka-out niya sa trabaho ay dumeretso siya kaagad sa bahay nito para kunin ang kanyang mga gamit. Para kasing uulan. Ayaw niyang ma-stuck sa traffic at maabutan ng ulan.Noong isang araw pa sana niya kukunin ang kanyang mga gamit kaya lang marami siyang inasikaso. Naghanap siya ng mga documents niya para sa kasal nila ni GB. Kailangan pa daw kasi nitong mag-apply ng permit to marry. Hindi lang iyon, pabalik-balik din sila sa ospital. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras dahil hindi siya isinama ni GB sa ospital. May iba daw kasi itong pupuntahan.“May sakit ka ba?” tanong ni Manang Carla. “Okay lang po ako. Baka napagod lang. Sabi ni GB ay naayos n’yo na ang lahat ng gamit ko.” Naging malungkot bigla ang aura ni Manang Carla. “Nag-away ba kayo ni Sir GB? Isang linggo ka yatang hindi umuwi dito.” “Hiwalay na po kami,” deretsahang sa
“I WANT nothing and nothing but good news.” Iyon agad ang bungad ng Lola Corazon ni GB nang bisitahin niya ito sa bahay nito sa Tivioli Royale sa Quezon City. Nagkita kasi sila ng mga mistah at senior niya kagabi sa BGC. May inuman nang kaunti at sa condo ni Case na siya nagpalipas ng gabi kasi ayaw niyang mag-drive dahil nakainom siya. “Well, malapit na po akong ma-promote mula sa pagiging kapitan—” “Hindi ‘yan ang gusto kong marinig,” putol ng kanyang lola sa gusto niyang sabihin. “Ano ho ba ang gusto ninyong marinig? Napakunot-noo ito at napatingin sa likuran niya, tila may hinahanap. “Nasaan si Toni? Bakit hindi mo kasama si Toni?” tanong nito. Hindi kaagad nakasagot si GB. Alam niyang gustong-gusto ng lola niya si Toni. Ayon sa kanyang lola, wife material si Toni. Maganda, mabait, masipag, at marunong makisama. Ang sabi pa nito, kapag si Toni ang maging asawa niya, magiging tahimik at smooth sailing ang kanyang buhay. Sang-ayon naman siya roon. Mabait si Toni, walang masy