Share

Chapter 1

"Callie!"

Lumingon ako para tingnan kung sino 'yong tumawag sakin. Mula sa dulo ng hallway, nakita ko si Carlo–este Carla pala na tumatakbo papunta sakin.

May hawak siyang mga hard copy na nakalagay sa isang folder na tila para yata 'yon sa research report nila.

Hinintay ko lang siya hanggang sa makarating siya sa harap ko.

"Uy kamusta? " tanong ko nang makalapit ito.

Isang malalim na buntong hininga ang binungad niya bago Ito nag salita. “Ito, sobrang stress. Ang dami kong tinatapos ngayong semester."

"Ako nga rin eh. Okay lang 'yan. Ganyan talaga ang buhay." sabi ko sabay tapik sakanya sa balikat.

"Sinabi mo pa. Nga pala, may klase ka pa ba bakla?" dagdag pa niya.

"Wala na bakla. Pero mamayang alas dos meron." sabi ko't napa tingin pa sa relo ko. 

Napatingin sa paligid si Carla na tila may hinahanap kaya nag taka ko siyang tiningnan.

"Asan na pala sina Kaye at Sarah?" tanong niya.

"Nasa Cafeteria. Nag l-lunch." 

"Ay, 'di man lang tayo hinintay?" sabi niya saka napa nguso.

"Pinauna ko na lang sila. Busog pa kasi ako." pagsisinungaling ko.

"Sure ka? Parang 'di ka naman nag meryenda kanina ah." nagtatakang tanong nito kaya nag isip ako ng pwedeng i dahilan sakanya.

"Ano ka ba. Ganito talaga kapag diet." sabi ko habang napapa hawak sa beywang ko.

"Naks! Ikaw talaga. Baka sa sobrang diet mo malamangan mo pagiging sexy ko ha." baklang-baklang sabi ni Carla. "Nga pala, kamusta 'yong kumpanya ninyo?" dagdag pa niya.

Napatigil ako ng kunti no'ng itinanong sakin ni Carla 'yon ngunit naka isip din naman agad ng maisasagot.

"Uhm... Ayos lang naman." sabi ko't nag isip ng ibang topic. "Nga pala, Alis na ako. May nakalimutan pa kasi akong kunin sa library."

"Okay. Bye bakla!" pa alam niya saka nag wave ito sakin gamit ang kaliwang kamay niya.

"Bye!" mahinang sambit ko't dahan dahang naglakad papalayo.

Matapos ang pitong taon, Ito na ako.

Tama, pitong taon na ang nakalipas simula no'ng mangyare ang isang aksidenteng naging dahilan ng pagka matay ng mga magulang ko.

Isa na akong college student dito sa isang sikat na University. Pero scholarship lang ang dahilan kung papano ako naka pasok dito.

Na baon kami sa utang dahil nalugi ang kompanya namin simula no'ng 

namatay sa aksidente ang pamilya ko.

Kung kaya't heto ako ngayon, nagpapanggap bilang isang mayaman sa harap ng mga kaibigan ko at sa lahat ng mga tao.

Hindi ko naman talaga intensyon ang mag panggap. Pero dahil nga, isang anak mayaman ang pagkakakilala at akala nila sakin sa simula pa lang ay nadala ako sa tukso na magpanggap na lamang.

Kasi alam ko na kapag sinabi ko ang totoo, wala nang gustong makipag kaibigan pa sakin dahil sa hindi ako mayaman katulad nila.

Isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ako napilitang magpanggap.

Natuto akong mamuhay mag isa at walang akong ni isang naging karamay simula no'ng mangyare ang aksidenteng 'yon. Hindi na rin ako pinatulog ng maayos sa Gabi simula no'n. Natuto akong magtrabaho para makapag aral at para na rin may pambayad sa apartment na tinutuluyan ko.

Lahat ng 'yon ay kinaya ko. Kasi wala namang ibang tutulong sakin kundi ang sarili ko lang.

Alas otso ng Gabi no'ng matapos ang last class ko. Diretcho agad ako sa isang Videoke bar kung saan ako nagta-trabaho bilang isang waitress.

Maliit na sahod lang ang natatanggap ko rito ngunit naging sapat na Ito upang mabayaran ang apartment na tinutuluyan ko at may pambili ng pagkain sa pang araw-araw.

Pagdating ko do'n, nag palit ako ng uniform ko sa trabaho at nagsimulang mag trabaho.

Nagpunta ako sa kabilang kuwarto dahil may umorder ng beer.

No'ng nasa harap na ako ng pinto ng kuwartong 'yon ay kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nagsi tahimik silang lahat no'ng makita nila ako. 

Pumasok ako tapos nilapag 'yong dalawang beer sa table.

"Excuse me, ito na po 'yong order niyo." saad ko.

Puro sila mga highschool students. Mga naka suot pa nga sila ng school uniform nila. At iisang school lang ang pinanggalingan nilang lahat. Di ko lang alam kung mga mag kaklase din ba sila o magkakabarkada lang. Di ko akalain na sa edad nilang 'yan ay nagagawa na nilang uminom. I'm sure walang alam ang parents nila sa ginagawa nila't nag aalala na sakanila 'yong mga 'yon.

Kawawa naman.

Napa pout na lamang ako no'ng tumalikod ako saka lumabas sa kuwartong 'yon at inasikaso na naman 'yong ibang costumers.

Madaling araw na ako umuuwi. Siguro mga tatlong oras lang 'yong tulog ko lagi tapos pagdating ko sa school lagi akong puyat. 

Alas sais ng umaga nang umalis ako ng apartment at naglakad patungong University. Habang naglalakad ako sa hallway, nagulat ako no'ng magtilian bigla 'yong mga babae habang naka tingin sa entrance.

Napa lingon ako sa likuran ko para tingnan kung sino 'yon.

Napa nganga na lamang ako out of the blue no'ng makita ko kung gaano ka gwapo 'yong lalakeng nasa likod ko na siyang kinababaliwan ng mga babaeng nandito ngayon.

Mula sa dulo habang papalapit siya sa gawi ko kung saan ako nakatayo ngayon habang titig na titig sa lalakeng 'yon, ay pakiramdam ko sa bawat hakbang ng lalakeng 'yon ay parang nag s-slow motion katulad sa mga napapanood ko sa pelikula. Lumakas ang ihip ng hangin, tipong nag w-wave pati buhok ko at tila wala na akong nakikitang ibang tao sa paligid kundi siya lang.

Sa sobrang tulala ko that time, 'di ko namalayan na sobrang bilis niya't nasa harap ko na siya.

Napa kurap pa ako ng mga ilang beses habang nakatingin sakanya. And it takes a seconds bago ako pumagilid para makadaan ang lalakeng 'yon. 

Kahit yata lumagpas na siya sakin ay nakasunod parin ang mga tingin ko sakanya.

He's such a perfect Man! A tall, dark and handsome. 

Ang pinapangarap ng mga kababaihan,

Grabe! Sobrang perfect niya.

Bakit ngayon ko lang siya nakita sa campus? 

"Callie!!" Sigaw nina Sarah, Kaye at Carla habang patakbong papalapit sakin.

"Sino 'yon?" Tanong ko nang makalapit sila sakin.

"Si Zaiden. 'Yong pinaka gwapo sa Engineering Department!!"

"Correction, sa buong Campus bakla!" singit ni Kaye.

"Ay oo nga pala. Wala na palang mas pogi sakanya dito. Bakit mo pala natanong?—Don't tell me, may Crush ka do'n?"

"A-ano? H-hindi ah." pa iling iling kong sabi.

Muli akong napatingin sa lalakeng 'yon, nagulat na lamang ako no'ng lumingon siya sa gawi namin at nagtama ang paningin namin pareho.

Ako?

Seriously?!

Ilang segundo kaming nagkatitigan, kahit ako hindi ko maalis ang mga tingin sakanya oras na mapatingin ka sa mga mata niya. Para bang na h-hypnotize ka.

"Naku mga Bakla! Nakita niyo 'yon!" saad ni Carla sabay hampas ng pamaypay na hawak niya sakin.

Masyadong malakas 'yong pagka hampas pero 'di man lang ako napa aray. Ewan ko ba, pero masyado yatang naagaw ng attensyon ko 'yong Zaiden na 'yon kaya hindi ko man lang magawang makaramdam ng sakit. 

"Nakatingin siya sayo bakla!" kilig na kilig na sabi ni Sarah at tinulak pa ako.

Muntik na akong matumba pero buti na lang nahawakan ako ni Kaye.

"Oo nga! Inggit kami do'n ah." sabi naman ni Kaye saka tunusok tusok ako sa tagiliran.

"Naku, Malay natin 'di talaga ako 'yon." pag tanggi ko.

"Bahala ka d'yan, pero kung ako sayo landiin mo na bago pa ma agaw ng iba." 

"Anong landiin? Grabe ka naman. Landi talaga?" ani ko.

"Hay naku! Wag ka nang choosy. Kapag may opportunity, grab mo na bakla!"

Natawa ako sa mga sinabi nila. Pero parang meron sa loob loob ko na parang umaasa ako na sana tama 'yong sinasabi ng mga kaibigan ko na nakatingin talaga siya sakin gano'n din sa nakita ko. Ngunit ayoko naman mag assume sa harap ng mga kaibigan ko dahil ayokong mapahiya kung saka sakali.

"Ano ba kayo, tumigil nga kayo nakakahiya." ani ko.

"Hala! Namumula ka." sigaw ni Sarah at napa turo pa sa mukha ko.

Shet! Ano ba 'tong pinag sasasabi nila sakin? At talagang namumula pa ako?!

Kahit 'di ko kasi tingnan sa salamin ay alam ko namang kung namumula talaga ako o hindi. Pano ko nalalaman? Well, nararamdaman ko. 

Napatingin na lamang ako sa ibang lugar at inisip 'yong kung papano ako magkakaroon ng chance na makausap 'yong Zaiden na 'yon.

Never akong naging fangirl ng mga kung ano anong boyband o girlband noon o kahit ano pa 'yan. Pero ngayon, feeling ko ito 'yong pakiramdam ng pagiging isang fangirl.

Hays. Parang gusto ko tuloy umasa na sana ako talaga 'yong tinitingnan ng lalakeng 'yon.

At dahil nga parang gusto kong paniwalain ang sarili ko na type ako ng lalakeng 'yon, pag uwi at pag uwi ko ng apartment ay agad ko namang kinuha ang cellphone ko at sinearch 'yong lalakeng 'yon sa f*. Kaso lang, 'di ko mahanap 'yong F******k account niya since 'di ko pa naman alam 'yong full name niya. Zaiden lang 'yong sinearch ko tapos kung ano-ano pa 'yong mga lumalabas. Binato ko 'yong cellphone ko sa malambot kong higaan saka tumayo ako at kumuha ng baso at nilagyan ng tubig saka uminom.

Nag daydreaming ako buong magdamag since wala akong work ngayon dahil day off ko.

***

Nagulat na lang ako no'ng malaman kong ka org. ko na pala 'tong si Zaiden.

May org. na daw siya dati pero lumipat siya at akalain niyo 'yon, ka org. ko na siya ngayon. 

Pinag lalapit kaya kami ng tadhana?

O baka naman coincidence lang 'to?

At dahil do'n, may mga bagay na akong nalalaman tungkol sa kanya.

Alam ko na rin 'yong buong pangalan niya, Zaiden Villanueva 'yan ang buong pangalan niya.

Sinubukan kong mag friend request sakanya sa F* kaso 'di pa niya ina-accept 'yon.

Ewan ko ba, baka 'di lang niya napansin 'yong Friend Request ko o baka naman talagang ayaw lang niya akong I accept.

Nalaman ko din na marami na daw siyang naging Girlfriend dati, at usap usapan na may pagka play boy daw itong si Zaiden. Pero parang ‘di naman halata? O baka ako lang 'di nakaka halata.

Pero sa ngayon, single daw siya. 'Yan ‘yong sabi niya sa mga nagtatanong sakanya na mga ka org. namin.

Well, tingin ko naman magaganda lang hanap ng isang ‘to.

Compared sakin, wala akong panama sa mga babaeng natitipuhan nitong lalakeng ‘to. At isang napaka impossible kapag mapansin niya ang isang babaeng katulad ko.

Dumating 'yong mga iba pa naming ka org. at nagsimula naming pag usapan 'yong planong gagawin namin this week. Isang party sa isang Bar.

Simple lang naman 'yon, gusto lang nila ng peace of mind at mag enjoy. Nakaka sawa na rin kasi 'yong puro aral na lang. Dapat walang kill joy at lahat kasama.

Habang nag uusap usap ang mga org. ko, malaya kong napag masdang maigi si Zaiden. Pero sa tuwing mapapa tingin siya sa gawi ko ay umiiwas agad ako at nagkukunwaring may ka text para 'di niya mahuling naka tingin ako sakanya.

Natapos 'yong pinag usapan naming plano at nagsi alisan na 'yong mga ka org. ko. Naiwan kaming dalawa ni Zaiden do'n.

Nag pa iwan ako kasi nililigpit ko pa 'yong gamit ko at may isang oras pa ako para sa susunod kong klase. Siya naman parang wala namang ginagawa kundi ang mag laro ng video games sa phone niya.

"Callie!" tawag ni Sarah sakin.

Lumapit siya samin at na lipat ang tingin kay Zaiden.

"Uy, nandito ka pala. Hi!" bati niya kay Zaiden.

"Hello." malamig na sambit nito kay Sarah.

Halatang kinilig si Sarah no'ng binati siya pabalik ni Zaiden.

Grabe! Tingin ko, magkakaroon ako ng maraming karibal dito.

Char lang. Alam ko namang wala akong panama sa mga babae dito. Lalo na kay Sarah, sobrang ganda niya at nanggaling siya sa isang mayamang pamilya. Hindi katulad ko na mag isa lang sa buhay at nag papanggap pang mayaman.

"Uhm... Itatanong ko lang sana kung busy ka ngayon?" 

"Oo." malamig na sambit nito habang busy parin sa kaka pindot sa cellphone niya.

Napa pout si Sarah at sumimangot ng kunti.

"Ah... Okay."

Umalis si Zaiden at naiwan naman kami ni Sarah.

"Ang cold naman ng lalakeng 'yon."

"Gano'n talaga. Baka busy lang talaga 'yong tao."

"Siguro."

Kinuha ni Sarah 'yong bag niya tapos umalis din agad pagkatapos.

No'ng umalis si Sarah, nakita kong bumalik si Zaiden at umupo sa tabi ko.

Wait... Pano ulit huminga?

Ugh! Ang awkward. Di ko alam Kung papano siya kausapin kahit na gustong gusto nang bumuka ng bibig ko. Di ko nga lang alam kung papano ko simulan.

Napatingin ako sakanya, at nahuli na naman niya akong nakatitig sakanya.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Ah... Wala naman, akala ko ba busy ka?"

"Ah," nahihiya nitong sabi at napa kamot pa sa ulo niya. "Nakalimutan kong 'di pala ako busy."

Ano daw?

"Ang weird mo." sabi ko sabay tawa.

Ang awkward no'n kasi ako lang 'yong tumawa tapos nagtaka siyang napa tingin sakin kung bakit ako tumawa kaya natahimik agad ako.

"Ah sorry." nahihiya kong sabi saka tumayo para mag CR. "CR lang ako."

Umalis ako't nag puntang CR. Nag hilamos ako ng maraming beses bago ulit bumalik do'n kaso pag balik ko wala na siya do'n.

Pagkatapos no'n, wala nang exciting na nangyare sa araw ko.

Dumating ang araw kung kelan gaganapin 'yong pinag planohan ng org. namin.

Alas otso ng Gabi na no'n, saktong may work ako.

Di ako pwedeng umabsent or else matatanggal ako sa trabaho.

Nasa work ako no'ng tumawag sakin ang mga kaibigan ko.

"Hello, asan ka na?"

Rinig ko 'yong background music sa kabilang linya kaya alam kong nasa Bar na sila.

"Ah sorry, 'di ako makaka punta."

"What?! Hello, 'di pwede kill joy remember?"

"Alam ko, pero may emergency lang kasi talaga—"

"Wait, asan ka ba? Bakit may naririnig kaming back ground music? Teka, nasa Videoke Bar kaba?"

Nag panic ako no’ng tinanong nila sakin ‘yon kaya nag isip agad ako ng pwedeng mairarason.

"Ha? H-hindi, 'yong pinsan ko lang 'yon. Kumakanta kasi siya."

"Hay naku, mag ready ka na. Sunduin ka namin sa bahay niyo—"

"Hindi!" mabilis at halatang kabado kong sabi. "Ah, ano kasi... May emergency talaga sa bahay."

"Seriously?! Di ka talaga pupunta?"

"Oo. Sorry, enjoy na lang kayo."

"Nandito kaya si Zaiden."

Parang lumiwanag ang paligid no'ng marinig ko ang pangalan niya.

"Talaga?"

"Yeah! Kaya mag bihis ka na d'yan at pumunta dito, okay?"

"Teka lang—hello? hello?"

Napatingin na lamang ako sa cellphone ko no'ng binabaan nila ako.

Pano ba 'to? Pupunta ba ako o hindi?

Ugh! Ang hirap naman mag decide.

Hello Callie?! Mag isip ka nga, una may work ka. At importante 'yon dahil pag no work, no pay! Pangalawa magagalit sayo 'yong boss mo kapag umalis ka ng walang pa alam.

Kaya lang, nando'n si Zaiden. Pag 'di ako naka punta, i will miss the half of my life. Hay grabe! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko?! Nasisiraan na yata ako ng bait.

Wala sa sariling tumakbo ako at nag pa alam sa boss ko. Nag hanap ako ng pwedeng i dahilan para payagan niya ako. Sinabi kong sinugod 'yong Lola ko sa hospital kahit na wala naman talaga akong Lola at buti na lang naniwala 'yong boss ko't pinayagan akong umalis.

Umuwi ako tapos nag bihis.

Nag punta ako sa sinabi nilang Bar.

Suot ko 'yong Mini dress na kulay Pula na binili ko lang sa mamurahing dress shop no'ng nakaraan. Siguro mga nasa 70 pesos lang siya. 

Pagdating ko do'n, nasa entrance pa lang ako rinig na rinig ko na agad 'yong mga ingay nila at background music.

Pumasok ako sa loob, nakita ko 'yong mga ka org. ko na nagsasayawan tapos 'yong iba may mga dalang inumin.

Ang gagara pa ng mga suot nila.

Di katulad ko na sobrang cheap lang at nabibili lang sa mumurahing tindahan ng mga damit.

Nakakasama ko nga ang mga mayayamang katulad nila, ngunit 'di ko ramdam kong ano ang pakiramdam ng maging isang mayaman.

Pakiramdam ko, 'di talaga ako bagay dito.

Hinanap ko sina Sarah at mula sa dulo, nakita ko si Zaiden kasama 'yong bar tender na nag mi-mix ng inuming alak.

Di ko alam na umiinom pala siya.

Ewan ko ba, pero kasi kung ibang tao 'yong makikita kong umiinom nandidiri at na tu-turn off ako. Pero no'ng makita ko siya, napa ngiti at kinilig na lang ako bigla.

Lalapitan ko sana siya kaso lumapit sakin si Kaye.

"Buti naman naka punta ka."

Naka suot siya ng black mini dress at high heels. Tapos may mga alahas pa. Ang ganda niya.

"Ah oo."

"Kamusta 'yong emergency? Anong emergency ba 'yon?"

"Ah. Ayos na 'yon, wag mo nang intindihin."

"Okay."

Napatingin kami sa harap no'ng umakyat si Sarah sa stage.

"Anong gagawin niya?"

"Mag aalay ng kanta."

"Really? Para kanino?"

"Para kay Zaiden."

Ngumiti ako kay Kaye, kunware ayos lang ako. Di naman sa nag seselos ako, Pero kasi sa tuwing may mga babaeng lumalapit o mag aalay ng mga kung ano para kay Zaiden, pakiramdam ko wala talagang pag asa ang isang katulad ko para sa isang katulad ni Zaiden.

Muli kong ibinaling ang mga tingin kay Sarah.

Naka suot siya ng kulay pulang dress at may hawak na microphone. Kahit malayo siya samin, makikita mo 'yong hikaw at relo niya na nakakasilaw dahil sa kulay nitong ginto.

Nag salita siya at napatingin na lamang ako kay Zaiden no'ng ibinanggit niya ang pangalan nito.

Kita ko sa mukha ni Zaiden ang pagka gulat kasabay ng pag lagok niya ng alak na kaka bigay lang sakanya ng bar tender.

Nagsimulang kumanta si Sarah.

Maya maya pa ay tumayo si Zaiden at pumunta sa labas. Hindi ko alam kung mag papahangin o susuka? 

Lumapit sakin 'yong isa sa mga kaibigan niyang si Prince.

Di kami gano'n ka close ni Prince pero since Ex girlfriend niya 'yong kaibigan kong si Kaye, nagkaka usap din kami minsan. At nitong mga nakaraan ko lang din nalaman na close pala silang dalawa.

"Nakita mo ba si Kaye?" tanong ni Prince.

"Ah. Kasama ko siya kanina lang, umalis siya para mag CR."

"Ah, pwede mo bang hawakan muna 'to." tapos pinahawak niya sakin 'yong cellphone niya. "Hahanapin ko lang si Kaye."

"Okay." 

Saktong umalis si Prince no'ng naramdaman kong nag v-vibrate 'yong cellphone niya.

Nakita kong may tumatawag at laking gulat ko no'ng makita kong si Zaiden 'yong tumatawag.

Nagdadalawang isip akong sagutin 'yon. Kasi una sa lahat, wala akong karapatang sagutin 'yong tawag nang hindi sakin. Pangalawa, 'di ko alam kung ano sasabihin ko like, Hi? Hello? Uhm hi Zaiden, wala dito si Prince. Umalis siya para hanapin 'yong ex niya. At pangatlo, nahihiya ako!

Pero dahil naka ilang tawag na siya, wala sa sariling na sagot ko 'yong tawag.

Papatayin ko pa sana kaso lang baka may emergency tapos kailangan niya ng tulong or something.

"Hello?"

"Sino ka?"

"Si Callie 'to–hello?–hello? And'yan ka pa ba?"

Napatingin ako sa screen ng cellphone, binaba na niya 'yong tawag. Siguro 'di talaga niya ako marinig dahil sa background music.

Maya't maya pa ay nakatanggap ako ng text.

Zaiden: Di kita marinig.

Napangiti na lang ako no'ng nabasa ko 'yon. Pakiramdam ko kasi, magka text lang kami.

Niyakap ko pa 'yong cellphone ni Prince no'ng mga oras na 'yon.

Halos mapa talon talon ako sa tuwa at napapa kagat ng labi dahil sa pinag halong saya at kilig na nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos kong maramdaman lahat ng 'yon ay bigla akong nagkaroon ng bright idea.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status