Share

Call me by my Nickname
Call me by my Nickname
Author: Chreystel

PROLOGUE

Hindi ko maalis sa aking mga labi ang napakalawak at abot hanggang tenga kong ngiti habang naka sakay sa kotse kasama ang mga magulang ko at ang driver namin na nag mamaneho pa uwi.

Galing kami sa isang resort para mag bakasyon ng mga ilang araw at ngayon pa lang kami uuwi.

Napa yakap ako sa pareho kong mga magulang habang nakikinig ng kanta sa radyo.

Aliw na aliw ako habang naka tingin sa labas ng bintana ng kotse at pinagmasdan ang napakaraming puno na nadadaanan namin dito sa mabubukid na lugar. 

No'ng nasa may bandang palikuan na kami malapit parin dito sa lugar kung saan kami nagbakasyon ay may isang truck na mabilis ang pagtakbo nito nang sa hindi namin inasahan ay mabilis itong lumipat sa kabilang lane ng daan na tila may iniiwasan itong kotse upang hindi mabangga at agad na sinalubong ang kotse namin.

Masyadong mabilis ang pangyayare no'ng mga oras na 'yon.

Minulat ko ang mga mata ko't napa hawak sa noo ko at gano'n na lamang ang gulat at takot na naramdaman ko no'ng makita kong dumudugo ang noo ko dahil sa sobrang lakas ng pagka antog ko sa kotse.

Napatingin ako sa pareho kong mga magulang nang mapagtanto kong hindi na sila gumagalaw at parehong puno ng dugo ang mga noo at ulo nila.

Naka amoy ako ng apoy at usok sa hindi inasahang sasabog na ang kotse namin kaya naman agad kong ikinalabit sina Mama at Papa gano'n din ang driver namin subalit hindi na sila gumagalaw at humihinga.

Dahil sa takot, wala akong ibang ginawa kundi ang humagolgol sa pag iyak no'ng mga oras na 'yon.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng kotse subalit naka lock 'yon at mahirap para sakin na mabuksan 'yon lalo na't wala akong lakas para piliting maka labas dito.

Unti unti nang nilalamon ng usok ang loob ng kotse at hirap na rin ako sa pag hinga no'ng mga oras na 'yon.

Tanging isang malakas na hagulgol sa pag iyak na lamang ang na gawa ko. 

Napapa ubo ako dahil sa usok at nahihirapan sa paghinga kaya naman napahawak ako sa kwentas ko na ibinigay pa sakin ng mga magulang ko no'ng 10th birthday ko kung saan ang pendant nito ay nakalagay ang Nickname ko.

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak na lamang ng umiyak dahil sa kawalan ng pag asang mabuhay kaming lahat dito. Ako, si Mama, si Papa at ang Driver namin na tinuring na rin naming isang pamilya.

Ayokong mawala sila sa buhay ko.

No'ng mga oras na 'yon, alam kong wala ng ibang taong tutulong samin dito dahil ang lugar na ito ay parte pa ng isang resort kung saan madalang lang ang dumadaang kotse o sino mang tao.

Pero laking gulat ko no'ng makitang dahan dahang bumukas ang pinto ng kotse namin at may isang lalakeng bumungad sakin.

Isang makisig na lalake. 

Maputi at Matangkad. 

Tanging 'yan lang ang mailalarawan ko dahil sa makapal na usok dahilan para lumabo ang paningin ko.

"T-tulong" Mahinang sambit ko.

Walang alinlangan at binuhat niya ako palabas ng kotse.

Di ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pero habang buhat buhat niya ako ay tanging sakanya lang ako nakatingin. Pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. 

Pinikit ko ang mga mata ko at do'n ko naamoy ang pabango niya.

Naramdaman kong nanginginig siya no'ng mga oras na 'yon at dali dali niya akong isinakay sa isang kotse.

Napapikit na lamang ako no'ng nakasandal na ako sa kotse at pinikit ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kwentas ko at sa hindi inasahang binanggit niya ang palayaw ko.

"Dweyne." sambit niya.

Kumabog ng mabilis ang puso ko no'ng ibinanggit niya ang palayaw kong 'yon.

Dito ko unang beses naramdaman ang pag tibok ng mabilis ang puso dahil sa inlove ka.

At dito rin magisismula ang kwento ko,

kung papano ko siya minahal, ng higit pa sa inaakala niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status