Share

Chapter 32

Halos madurog ang puso ko nang marinig ko 'yon sakanya mismo.

Ang sakit... Ang sakit sakit na marinig na hindi ako ang gusto niyang makita rito.

The way kung papano niya sabihin ang salitang 'yon ay parang tinutusok ng karayom ang puso ko.

Kung hindi ako, sino? Sino at para kanino ang text message na 'yon?!

Para na akong maiiyak sa harap niya ngunit pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Ayokong mapahiya sa harap niya ngayon. At ayoko rin na makahalata siya tungkol sa nararamdaman ko para sakanya.

I look at him in the eye and i smiled.

Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit sakit na.

"Gano'n ba," sabi ko. 

Nahiya ako sa sarili ko dahil sa inasta ko. Nag assume ako na para sakin talaga 'yon. Sinabi ko pa naman kay Kevin ang tungkol sa text. Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sakanya na hindi pala para sakin 'yon at na wrong send lang si Wesley.

"Sorry, Hindi ko na check matapos kong i-send. Hindi ko tuloy na bawi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status