~Agathe~
"Nasaan ang aking ina, doktor Farah?" Tanong ko kaagad pagdating ko sa Snowflake Hospital makalipas ang labinlimang minuto.
Muntik ko nang makalimutang bayaran ang taxi. Buti na lang nakilala ako ng driver ng taxi at hinayaan na niya ako.
Tumakbo ako papasok sa loob ng pasilyo ng ospital, kahit na ako ay lubos na gulong gulo. Nakasuot pa rin ako ng aking waitress uniform at ang aking mahaba at kulot kulot na pulang buhok ay nakakalat sa aking buong mukha.
Natuyong luha at umaagos na sipon sa aking ilong ang makikita sa aking mukha ngunit wala akong pakialam. Nanginginig ako ng lubusan, takot na takot na may nangyaring hindi katanggap-tanggap sa aking ina.
"For now, she's stable, Miss Capucine."
Thank god.
"Ginawa namin ang lahat para mapabuti ang kalagayan niya. Pero, natatakot ako na isang huling pag-atake at hindi na makakaya ng nanay mo.”
Hindi ko namalayang nalaglag ang mga tuhod ko sa sahig. Humihikbi ako, nasasaktan ang puso ko. Humahagulgol ako na parang batang paslit. Nanginginig ang aking mga balikat sa sobrang pag-iyak.
“She was at her limit. Hindi na kaya ng kanyang mahinang katawan ang tanggapin ang mga gamot. Ang surgery na kailangan niya ay hindi pwedeng maisagawa dito at alam mo iyon. Kailangan natin siyang mailipat sa mas malaki at mas de kalidad na ospital.”
Bigla kong naalala ang aplikasyon ng aking ina para sa sponsorship program ng Silvestri Medical Hospital. Itinayo ko ang aking sarili, nakakapit ang aking mga kamay sa braso ni Dr. Farah.
"Ano ang sinabi ng Silvestri Medical Hospital tungkol sa follow-up para sa aplikasyon ng aking ina, doktor? Pakiusap, nakikiusap ako sa inyo. Sabihin mo na sa wakas ay naaprubahan na nila ito.”
Mukhang napanghinaan ng loob, umiling si Dr. Farah. "Hindi. Tinanggihan nila ang iyong ina sa pang-apat na pagkakataon.”
Iyon lang ang tanging pagkakataon na napagtanto ko kung gaano kamiserable ang buong buhay ko. Nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa, panlulumo, at pagkawasak.
Paano ako mabubuhay kung wala ang aking ina? Kung mamamatay siya, ano ang mangyayari sa akin?
Iyon ay isa sa mga pinaka-nakakatakot na mga isipin na nag uunahan sa aking isip sa mga sandaling iyon. Pinipilit akong mawala sa katinuan.
"Hindi ito maaari." Pinunasan ko ang mga luha ko, pinipigilan ang sarili kong umiyak. Kailangan kong sumubok ng kahit na ano kung nais kong pahabain ang buhay ng aking ina.
“Ako mismo ang pupunta sa Stonewood City at makikipag-negotiate sa mga Silvestri.”
Ako ay lubos na pamilyar sa katotohanan na ang paglalakbay sa isang lungsod na wala akong alam ay talagang delikado. Mataas ang mga panganib at puno ng hindi ko gustong uri ng mga tao.
Higit sa lahat dahil nakatira ako dito sa Snowflake Village sa nakalipas na dalawampung taon ng aking buhay kaya wala akong masyadong alam sa mundo sa labas ng aming nayon. Sa kabila nito, gusto ko pa ding gawin ang lahat para lamang sa ikabubuti ng aking ina.
"Pwede ko bang makita ang nanay ko, doc? Magpapaalam lang ako sa kanya."
"By all means, Miss Capucine. Take your time.”
Pagkabukas ko ng pinto sa kanyang ward, nakita ko ang aking ina na malungkot na nakahiga sa kama. Tila siya ay sobrang hirap na hirap na. Muling bumagsak ang mapapait na luha mula sa aking mga mata.
Hindi ko man lang maibigay sa kanya ang pinakamahal na kwarto sa maliit na ospital na ito. Lumapit ako kay mama at umupo sa tabi ng kama niya.
“Mama. .”
Akala ko ay mahimbing na ang tulog niya, pero sinubukan ni mama na idilat ang kanyang mga mata para lang batiin ako at kilalanin ang presensya ko. "Agathe, sweetheart. My darling. ."
Itinaas ng aking ina ang kanyang kamay at hinaplos ang aking mukha na puno ng luha.
"Ohh, mama. Patawarin mo ako." Ang bawat parte ng aking katawan ay sumisigaw sa sobrang paghihirap habang nakatingin sa kanya. Hindi niya deserve ito.
"Darling, don't be. Hanggat nandito ka, I could not be any better.”
Binibigkas niya ang mga salitang iyon nang paunti-unti, sa mabagal na paraan, as if she was taking her time. Hindi ako makapagsalita dahil ang malambing niyang boses ang nagpapalakas sa aking nadudurog na pagkatao.
"Pakiusap, huwag mo na akong iwan muli sa loob ng selda na kwartong ito.”
Isa iyong bagay na hindi ko maipapangako. Halos hindi kami nagkikita dahil masyado akong abala sa pagtatrabaho mula nang ma-diagnose siya ng kanyang sakit.
Hinalikan ko ang noo ng aking ina as gently as possible. "I won't, mama. Pangako.”
Nagsinungaling ako, ayaw kong gawin iyon. Ngunit kailangan kong tumalikod sa sarili kong mga salita dahil tiyak na wala akong pribilehiyong manatili dito kahit gustuhin ko pa iyon.
Nang muling makatulog ang aking ina, tumayo ako, sobrang sakit ng puso ko.
"Gagawin ko ang lahat para iligtas ka, mama. Kahit buhay ko pa ang kapalit. At, dignidad ko.”
~~~
"Nandito na tayo, miss. Silvestri Medical Hospital."
Eksaktong anim na oras ang inabot ko bago makarating sa aking destinasyon. Naubos ko na ang lahat ng ipon ko para sa paglalakbay na ito kaya minabuti kong huwag mag-fuck up.
Inabot ko ang huling pera ko sa driver ng taxi. Habang nakatayo ako sa harap ng marangyang ospital na pag-aari ng pinaka-maimpluwensyang angkan sa bansang ito, pakiramdam ko ay sobrang liit ko at walang kwenta.
Ang ospital sa Snowflake Village ay walang tsansang makipag-kompetensiya sa ospital na ito. Lahat ng bagay sa lungsod na ito ay sumisigaw ng lubos na karangyaan.
Kahit saan ako tumingin, ang nakikita ko lang ay mga kumikinang na street lamp at kumikinang na mga dingding na salamin. Lahat ay nakasuot ng mga kumikinang na damit at perpektong plantsadong three-piece suit habang ako ay nakasuot pa rin ng kulubot kong pink, waitress uniform.
Quarter to seven na ng gabi pero parang buhay na buhay pa rin ang lungsod na ito. "Aray naman."
May nakabangga sa akin pero hindi man lang nag-sorry. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko.
Dapat akong maging matatag at hindi matitinag sa mga panahong ganito. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Sa pag-iisip na iyon, humakbang ako patungo sa pangunahing pasukan ng Silvestri Medical Hospital.
Agad akong tinignan ng isang staff nurse sa reception desk mula ulo hanggang paa. She has this condemning look sa kanyang mga mata. Silently telling me na hindi ako bagay doon.
"Excuse me." Pilit na ngiti ang bati ko sa staff nurse. "Nandito ako para makita ang nagmamay-ari nitong ospital, please."
Mapanuksong ngiti ang nabuo sa mga labi ng staff nurse. "Ibig mong sabihin si Mr. Gunther Percival Silvestri?”
"Yes, I'm here to speak with Mr. Silvestri. Saan ako pupunta?"
"May appointment ka ba sa kanya?"
Bigla akong nawalan ng masasabi. Paano ko sasagutin iyon?
"Wala pero-" Pinutol niya ako.
"Kung wala kang appointment sa big boss, umalis ka na, miss. Protocol yan. Busy siyang tao.”
Hindi ako natinag sa pwesto ko. I won't go home without negotiating with Mr. Silvestri, whoever the bloody hell he was.
Higit pa rito, hindi na ako makakapunta sa ibang lugar dahil wala na akong pera.
Diyos ko, pakiusap. Padalhan mo ako ng himala. Naliligaw na ako at malapit na akong masiraan ng bait.
"Dear me. Nandito si Mr. Silvestri."
Narinig kong bumulong yung ibang staff nurse sa kausap ko. Napatingin ang staff nurse sa likod ko at napabuntong hininga.
"Hell's bells! Akala ko ba hindi siya papasok ngayon?”
Nagsalubong ang kilay ko at ginalaw ang aking katawan para tumingin din sa likuran ko. Agad kong napagtanto na ito na ang aking pagkakataon! Sinagot agad ng Diyos ang aking panalangin!
Gayunpaman, nang makita ko ang lalaking pinag-uusapan ng mga staff nurse, nanlaki ang mga mata ko sa pagkabalisa. Kilala ko siya!
Siya ay ang parehong napakarilag, at may madidilim na amber eyes na lalaki na sinubukang landiin ako mula sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho bilang isang waitress sa Snowflake Village. Siya si Mr. Silvestri? Paano nangyari iyon?
Ang napakarilag na lalaking may madidilim na amber-eyes ay kaswal na pumasok sa bukana ng ospital na parang isang regal na hari. Ang kanyang mga kamay ay ipinasok niya sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon at ang kanyang gwapong mukha ay stoic, walang anumang emosyon.
Napapaligiran siya ng dalawa hanggang tatlong bodyguard at goddamn, malalaki sila. Sapat na para mapaalis ako sa mapa ng mundo.
Sa kabila niyon, nilunok ko ang nagngangalit kong takot at humarang sa daraanan ni Mr. Silvestri. Nagulat siya kagaya ko bago kumislap ang mga mata niya bilang pagkilala sa akin habang nakatitig sa aking mga mata.
Napuno ng singhapan sa banda ng mga staff nurse ngunit tahasan ko silang hindi pinansin.
"Ikaw? How fascinating."
Heavens. Ang kanyang malalim na boses ay nagpapalimot sa lahat ng aking paghihirap.
"Hi. Oo, ako nga. Alam ko na medyo weird dahil iniwan kita kanina sa restaurant ng walang paalam. Pero, pwede ba kitang makausap? Tungkol ito sa application ng aking ina para sa sponsorship program ng iyong ospital para sa mga cancer patients.”
Ayan, sinabi ko na. Nakakahiya man, nagmamakaawa ako.
Hindi man lang ako nakahinga. Naririnig ko ang malakas na pintig ng puso ko sa loob ng tenga ko habang hinihintay ang sagot ni Mr. Silvestri.
Hinawakan ako ng isa sa mga bodyguard niya. "I'm sorry, miss, but Gunther is feeling a little bit under the weather.”
"Wait. Sandali lang. I just want to talk, please. Please. Pakinggan mo muna ako."
I am almost crying, I fancy the marble floor para lamunin ako ng buo. Hindi ko man ginusto ang paggawa nito, ngunit ito ay isang sitwasyon ng buhay at kamatayan para sa akin.
Hindi ko na inalis ang tingin ko sa napakagandang lalaking may amber na mga mata at ganun din siya. Hanggang sa madilim niyang tinitigan ang bodyguard niya at bumaba ang tingin sa pagkakahawak nito sa braso ko.
"Let her go, Calixto. Kakausapin ko siya.”
Sumaludo ang bodyguard na nagngangalang Calixto kay Mr. Silvestri. "Aye, aye, boss."
Pagkatapos noon, ang napakarilag na lalaki na may amber na mga mata ay ibinalik ang tingin sa akin. "Sundan mo ako."
Ito ay halos tulad ng isang enchantment. Natagpuan ko ang aking sarili na sumusunod nang walang pag-aalinlangan.
I tagged along with him hanggang sa makarating kami sa tapat ng parang sariling office niya, after a few turns and half a minute of suffocating ride on the elevator. Ang malalaking titik C.E.O. ay nakaukit sa pintuan ng kanyang opisina.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makapasok ako sa workroom niya. Hanggang sa isinara niya ang pinto at umupo sa swivel chair niya.
"So, anong maipaglilingkod ko sa’yo?"
Ang kanyang maitim na amber na mga mata ay kumikinang sa pagbabanta, ang kanyang mga labi ay nakakurba sa isang mapanganib na ngiti. Bakit pakiramdam ko bigla ay pumasok ako sa yungib ng isang leon?
~Agathe~“Baby, mapapatawad mo rin ba ako?” Tanong ni Gunther sa aming anak nang medyo kumalma na siya. “Pasensya na kung nabigo akong maging ama sa’yo nitong nakaraang apat na taon. Pasensya na kung ilang ulit kitang tinangkang itaboy at itanggi, na hindi ko na mabilang.”“Naiintindihan ko po, Daddy. Lagi namang sinasabi ni Yennie sa’kin na nasasaktan ka lang dahil sa pagkawala ni Mommy.” Tumahimik kaming dalawa matapos iyon, pero nagpatuloy si Carlyle.“Mahal na mahal ko kayo, Mommy. Mahal na mahal ko rin kayo, Daddy. Pinapatawad ko na po kayong dalawa.” Sabi ni Carlyle, habang pinagdudugtong ang kamay ko at ni Gunther. “Please, Mommy, huwag mo na kaming iwan ulit. Huwag mo na kaming iwan ni Daddy. Kailangan ka namin ni Daddy dito. Kailangan ka namin.” Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit sa kanya.Alam kong aabutin pa ng mahabang panahon bago niya ako lubusang mapatawad, pero handa pa rin akong gawin ang lahat para mabawi ang panahong nawala sa amin ni Gunther kasama si Carlyle.“Ma
~Agathe~[Present Time]Binuksan ko agad ang aking mga mata at napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Tumigil ang mga alaala na umiikot sa aking isipan, pero wala na akong pakialam dahil bigla akong kinabahan.Parang may kaguluhan, at ang tanging mga taong naiwan sa loob ng bahay ay sina Graziella at Thaddeus.Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay, hindi man lang lumingon sa libingan ng aking mga magulang. Binuksan ko ang likurang pinto ng kusina at pumasok sa loob, desperadong hinahanap sina Graziella at Thaddeus.Paano kung sinundan kami ni Gunther at sinaktan sina Grazie at Thad dahil hindi niya ako makita sa loob ng bahay? “Grazie? Thad?”Napasinghap ako at parang hinugot ang kaluluwa ko sa aking katawan nang makita kong nag-aaway sina Gunther at Thaddeus sa sahig. Nanikip ang dibdib ko sa sakit nang mapansin kong puno ng pasa at galos ang gwapong mukha ni Gunther.“Nasaan ang asawa ko, Thaddeus!” Sinuntok ni Gunther si Thaddeus sa
~Agathe~Naalala ko ang aking pagkabata na puno ng galit na nakaukit sa puso ko.Kahit napapalibutan ako ng mabubuting tao, hindi ko kailanman nakalimutan ang pangako ko sa sarili noong ako’y limang taong gulang.[Flashback, five years ago]“Huli ka na naman, Miss Capucine.” Sabi ng aming guro sa Ingles pagkapasok ko sa silid-aralan.“Pasensya na po, Miss Kim.” Paghingi ko ng paumanhin bago umupo sa aking upuan. Binuksan ko ang aking aklat sa panitikan sa pahina singkuwenta’t tatlo gaya ng nakasulat sa pisara.Gaya ng inaasahan, nagsimula na namang magbulungan ang aking mga kaklase tungkol sa akin. “Naku. Hindi ko siya matiis. Nakakaawa siya. Pinapamukha niya na mumurahin ang ating nayon sa suot niyang mumurahing damit.”“Walang saysay ang ganda niya kung patay na rin naman ang tatay niya. Sino ba namang namamatay sa avalanche?” Sabay tawa ng lahat, at wala man lang ginawa si Miss Kim para pigilan sila.“Alam naman ng lahat na may sakit ang nanay mo at nagtatrabaho ka sa isang restawr
~Agathe~“Dapat maligo ka muna, Agathe, at magpalit ng malinis na damit.” Suhestiyon ni Graziella sa akin nang sa wakas ay makapasok kami sa bahay.Napasinghap ako at halos muling mapuno ng luha ang aking mga mata. Napakalinis at maayos ng lahat sa loob ng aking bahay.Tinapik ni Graziella ang aking likod. “Bumabalik ako rito araw-araw para maglinis at diligan ang mga halaman mo, umaasang kahit anong araw ay uuwi ka. Alam kong ilang linggo ka lang nawala, pero ang pag-iisip na baka hindi na kita muling makita ay labis na bumagabag sa akin.”Mabilis na isinuot ni Graziella ang sapatos sa aking mga paa. “Inisip ko na gusto mo munang bisitahin ang iyong ina at ama, kaya isuot mo ito. Diyos ko, ang lamig ng mga paa mo.”Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi at muling tumayo. Inakay niya ako papunta sa kusina, kung saan naroon ang pinto patungong likuran ng bahay.Tahimik na sumusunod sa amin si Thaddeus habang binubuksan namin ang pinto papunta sa bakuran, at muling
~Agathe~Siguradong magbabago ang lahat ng dahil dito.Paano ko na haharapin si Carlyle ngayon na napatay ko ang sariling mga lolo’t lola niya?Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Graziella ang mga papel mula sa kamay ko at ibato pabalik sa kandungan ni Thaddeus.“Hindi na siya babalik sa mansyon na ‘yon. Idiretso mo kami sa Snowflake Village, Silvestri. Itatago ko siya para walang makasakit kay Agathe ulit.”Isang luha ang pumatak mula sa mata ko hanggang sa hindi ko na mapigilan. Bigla na lang akong napaiyak nang todo at tuluyang bumigay.Paano ito nangyari? Paano ko naging anak si Carlyle?Paano nagkaroon ng ganoong ka-cute at kaakit-akit na bata mula sa akin?Paano niya ako mapapatawad ngayon na posibleng nakita niya na ako ang pumatay sa sarili niyang mga lolo’t lola?“Grazie, anak ko si Carlyle.” Sabi ko na may bahid ng kaligayahan sa boses ko. Pero, alam kong ramdam din nila ang matinding pighati sa kaibuturan ko.Humarap si Graziella mula sa passenger’s seat at tumingin sa
~Agathe~Namangha ako nang bigyan ako ni Yesenia ng isang kakaibang tingin. May bahid ng pagkadismaya sa kanyang mga mata.Parang gumuho ang puso ko nang makita ko ang tingin niyang iyon.Inasahan kong siya ang unang makakaunawa na wala akong intensyon na mangyari ang lahat ng ito.Akala ko pa nga, ipagtatanggol niya ako at aakuin niya na magiging maayos din ang lahat.“Arghhh. .” May narinig akong umuungol sa likuran ko at nang lumingon ako, nakita ko si Calixto na dahan-dahang umuupo.Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang maingat na hinahawakan ang likod ng kanyang ulo, kahit na bahagya pa rin itong dumudugo. Gustong-gusto kong ipakita ang pasasalamat ko na nagising siya, at gusto ko ring tanungin kung ayos lang ba ang pakiramdam niya.Ngunit nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Gunther, napansin kong hindi man lang gumalaw ang tingin niya. Patuloy niya akong tinititigan gamit ang mas malamig pang mga mata.Pakiramdam ko, biglang bumaliktad ang mundo ko. Ayokong nang mabuhay pa