"Ano ba kasi 'yong bagay na matagal ng hinahanap ni Stephen? Ang labo naman niya, eh! Ako 'yong best friend niya, pero 'yong kutong lupa na 'yon ang kasama niya!"Napailing na lamang si Shantel nang muling salinan ni Ashter ng alak ang baso nitong kauubos lamang ng laman.Hindi na niya mabilang kung nakailang baso o bote na ba ito. Nagtatampo kasi ang loko dahil hindi ito ang isinama ni Stephen sa lakad nito.Sa totoo lang maging siya ay nahihiwagaan sa kung ano ba ang matagal ng hinahanap ng kaibigan. Sadyang may mga bagay talagang nilalakad si Stephen na hindi nila alam.Pero wala sila sa lugar para magtampo. Dahil nasisiguro niya na mayroon itong malalim na dahilan kung bakit nito inililihim ang tungkol sa bagay na 'yon."Ang ingay mo naman, Kuya! Para kang babaeng ngawa ng ngawa riyan," reklamo naman ng nakababatang kapatid ni Ashter na si Rhyz.Napailing ito sabay salpak ng earphones sa magkabilang tainga bago naghalungkat ng kung ano sa cellphone nito.The two of them may have t
Stephen's POV"Sinabi ko naman kasi sa 'yo. Wala tayong mapapala rito. Tingin mo ba ay basta-basta lang niya ibibigay ang bagay na 'yon sa kung sino?"Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon at ang naiirita niyang mukha ang agad na bumungad sa 'kin."Pero hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko mismo na hawak ng matandang Romero ang bagay na 'yon no'ng isang araw na minanmanan namin siya. Saka ginamit din niya 'yon para mapasunod sa mga plano niya ang iba pang miyembro ng organisasyon."Napakamot siya sa batok. "Siguro nga ay nasa kanya 'yon no'ng panahon na nakita mo siya. Pero nasisiguro ko na wala na 'yon sa kanya bago pa man kami sumugod rito kanina. Malaki ang posibilidad na iba-iba ang pinapahawak niya ng bagay na 'yon. Para na rin hindi ito direktang mag-lead sa kanya."Malalim akong napabuntong hininga. Naisip ko na rin naman ang tungkol do'n. Kaya lang ay hindi ko pa rin naiwasan ang umasa. Saka may isa pa kong dahilan kung bakit ako pumunta ri
Nathalia's POVNagising ako nang dahil sa samot saring mga boses na tila nagtatalo. Pilit ko sana itong iignorahin dahil inaantok pa ko, pero palakas naman ng palakas ang kanilang mga boses.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata upang malaman kung sinu-sino ba ang mga ito na kay aga kung manggulo. Ngunit halos mapatalon ako sa kinahihigaan ko nang bumungad sa 'king paningin ang isang lalaking nakamaskara. Napahawak pa ko sa kanang dibdib ko nang dahil sa kaba."Good morning, Thalia!" Inalis ng lalaki ang suot na maskara at ang nakangising mukha ni Harold ang bumungad mula ro'n.Napakurap ako. Hindi makapaniwala na kaharap ko ngayon ang isa sa mga kaibigan ko.Nang makabawi sa pagkabigla ay naiinis na pinaghahampas ko siya ng unan."Wag mo naman akong gugulatin ng gano'n! Paano na lang kung may problema ako sa puso?" Sinamaan ko siya ng tingin.Tatawa-tawang itinaas niya ang dalawang kamay. "Chill. Alam ko naman kasing healthy ang puso mo."Napailing na lang ako. Puro talaga kalok
Tahimik kong sinasagutan ang isang take home activity namin sa school, nang bigla akong mabulabog sa marahas na pagbukas ni Mama ng pinto ng kuwarto ko."Ma?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso siya sa cabinet ko at basta na lamang kumuha ng mga damit ko roon, bago hinila ang isang maleta at inihiga ito sa kama."Anong ginagawa mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makalapit."Aalis tayo." Mababakasan ng pagkataranta ang kanyang boses.Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na lakad namin ngayong araw. Isa pa ay gabi na."Saan po tayo pupunta?" Sinusundan ko lamang ng tingin ang basta na lamang niyang pagsasalansan ng mga gamit ko.Saglit siyang tumigil sa ginagawa para harapin ako. Nagulat pa ko nang mahigpit niyang hawakan ang magkabila kong balikat."Nathalia, listen to what Mama will say, okay?"Napatango na lang ako. Still clueless of what's happening.Malalim siyang napabuntong hininga bago nagsalita. "We need to get out of here as soon as possi
Tatlong araw na ang lumipas magmula ng pumunta kami sa private resort ng pamilya ni Stephen. Pero hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng naging sagot niya sa tinanong ko sa kanya."Kasi mahal kita."Malalim akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kisame. Kanina pa ko gising pero hanggang ngayon ay hindi ko magawang kumilos para bumangon.Pagkatapos niyang sumagot ng gabing 'yon ay dali-dali siyang tumayo at umalis. Hindi na namin nagawang tapusin pa ang laro at tahimik na bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming mga kuwarto. Hanggang sa naging biyahe namin pauwi ay wala ng salita na namagitan sa bawat isa sa 'min. Hindi ko na tuloy nagawang komprontahin sina Damon at Mads nang dahil sa mga nakakalokang tanong na ibinato sa kanila nina Harold at Albert.Magmula ng araw na 'yon ay tuluyan na kong hindi kinibo ni Stephen. Magkasama nga kami sa iisang bahay at magkatabi sa iisang kama. Pero pakiramdam ko ay wala naman siya.I should be happy. Dahil bukod sa hindi na niya ko k
Napabuntong hininga ko habang nakatitig sa puting envelope na naglalaman ng imbitasyon galing sa kaibigan ni Stephen na si Oliver Garcia. Katatapos ko lang itong basahin at imbitado kaming dalawa ni Stephen para sa gaganapin na charity ball na inasikaso mismo ng kanilang pamilya sa isang hotel.Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. The charity ball's purpose is to help the street children and the oldies from the home of the aged.But as what Stephen has told me, most of the attendees are members of the underground society.With that, I can't help but to think if that event is just a front for their illegal activities.Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Stephen. Kumunot ang noo ko nang mapansin na mayroon siyang dala-dala na dalawang malaking box."Wear this for the event later. I'll just wait for you outside. Just be prepared within an hour.""Kailangan ko ba talagang sumama ro'n?" tanong ko sa kanya bago pa man siya
Masakit ang ulo at mga mata ko nang magising kinabukasan. Halos hindi kasi ako nakatulog nang dahil sa sinabi ni Stephen kagabi. Mabuti na lang at maaga siyang umalis ngayon. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko ba siya haharapin.Natatakot ako na baka traydurin ako ng sarili kong puso. Dahil sa bawat araw na dumaraan, pakiramdam ko ay unti-unti na 'tong lumalambot at nahuhulog.That can't be.Hindi na kami nag-usap pa hanggang sa makauwi kami kagabi. Pero hawak-hawak niya ang kamay ko buong biyahe, habang ang isa naman niyang kamay ay nagmamaneho. Gustuhin ko mang alisin 'yon ay hindi ko naman nagawa. Kahit anong tanggi ko naman kasi ay alam ko sa sarili ko na magaan sa pakiramdam ang gano'ng simpleng gesture niya.It almost made me forget that the man beside me is my kidnapper. How I wish that we met in a different circumstances.Humihikab na bumaba ko ng hagdan. Pormal naman akong binati ng ilang tauhan ni Stephen na nakasalubong ko.Ngiti at tango lang ang naging tug
My eyes automatically closed the moment our lips met. He lifted me up that made me encircled my arms around his neck and wrapped my legs around his waist. His hands went down on my butt, supporting my weight.Our lips were still locked to each other the moment he starts to walk. In a snap of a finger, I suddenly found myself lying on our bed.His kisses were aggressive, as if he was longing for this moment to happen. He then bit my lip that made moan. We are both catching our breath the moment he pulled away. I opened my eyes and found his that is already staring at me."I love you, Nathalia."This is the second time that he said those words directly. Still, his voice sounds so sincere that made my heart flutter. Since the very first time those words slipped out of his mouth up until now, nothing has been changed in the way he said it.God. I still can't believe that this guy really loves me. I was trying really hard to stop the foreign feeling that's starting to bloom inside of me th