Share

Chapter 20

Isa sa magandang dahilan kung bakit masarap manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod ay dahil sa sariwang hangin na mayroon dito. Tila ba bawat ihip ay kasabay na tinatangay ang anumang problemang dinadala mo.

Ibinaba ako ng tricycle driver sa tapat ng basketball court malapit sa barangay hall ng Sta. Monica. Nilakad ko na lamang ang lubak-lubak na daan patungo sa munting kubo, na pilit ipina-memorize ang itsura sa akin ni Cloud kahapon.

Sa aking likod ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Ice. Akala ko ba'y sina Hail at Sun ang magbabantay sa akin? Nasaan ba sila? 

Marahil ay magaling lang talaga silang magtago kaya hindi ko mahagilap ni hibla ng kanilang buhok sa paligid.

Tinanggal ko ang aking blazer at sinubukang maglakad ng sexy katulad ng karakter ni Dona sa script na ibinigay sa akin. 

Hindi ako si Kai ngayon, ako si Dona at kailangan kong umakto bilang siya.

Tumigil ako sa tapat ng isang kubo na napapaligiran ng kawayang-b

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status