LOGINIlang segundo munang natahimik si Kiro sa kabilang linya ng matapos niyang marinig ang naging sagot ko.Pagkatapos ay marahan itong nagsalita."Alam mo ba kung gaano kita hinanap, besh?" may halong tampo sa sabi niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi."Sorry, Kiro..." mahina kong tugon habang napapakamot sa aking ulo. "Anim na taon, Vhianne. Anim na taon kang nawala na parang bula. Wala man lang text, tawag, o kahit anong balita. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."saad niya. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses kaya lalo akong nakaramdam ng pagkakasala."Pasensya ka na talaga. Hindi ko lang talaga kayang magpaliwanag noon." Marahan kong sabi sa kaniya. Narinig ko naman ang mahaba niyang buntong-hininga."Sige na nga. Mukhang mabigat talaga ang pinagdaanan mo." Seryoso niyang sabi sa akin. Bahagya akong napangiti pagkarinig ko nito. Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nagsalita."Pero teka muna... kailan ka pa dumating?" Tanong niya sa akin ulit.
Mabilis naman kaming napalingon sa direksyon ni Nay Ele.Nakita ko na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kami ni Lily na nakatayo sa harapan niya. Ilang segundo siyang natigilan na para bang hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita."Vhianne..."ulit at mahinang sambit niya habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis na siyang naglakad palapit sa amin."Nay Ele..." mahina kong tawag sa kaniyaNgunit hindi na niya hinintay pang makalapit ako. Agad niya akong niyakap nang mahigpit.Napapikit na lamang ako habang niyayakap siya pabalik."I miss you so much, Vhianne..." nanginginig niyang saad sa akin. Bigla namang yumakap si Lily sa binti ko."Mommy!"mahina nitong tawag sa pangalan ko habang nakatago sa likuran ng mga binti ko. Agad na napalingon si nay Ele kay Lily pagkatapos ay bumitaw si Nay Ele sa akin at lumuhod sa harapan ni Lily."My baby Lilibet I'm your lola Ele!" halos maiyak niya ito hinila ng dahan dahan bago niy
"It's Erah," seryosong saad ni Ezekiel sa akin habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone.Pagkatapos niyang magsalita ay agad niya itong kinuha para sagutin, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Erah."Babe, where are you? Hinahanap ka na ng anak natin," malambing na saad ni Erah mula sa kabilang linya.Pagkarinig ko sa sinabi ni Erah ay napairap na lamang ako. Agad kong hinarap si Lily at marahang hinimas ang kaniyang ulo upang ilihis ang aking atensyon.Napatingin naman si Ezekiel sa akin bago niya sinagot si Erah."Ah, okay. Nandito pa ako sa opisina. May kailangan lang akong tapusin," malamig na tugon ni Ezekiel kay Erah. Bahagyang natigilan si Erah ng ilang segundo bago muling nagsalita."Okay, babe. Huwag mong kalimutan ang cake ng anak natin, ah," paalala ni Erah kay EzekielNang marinig iyon ni Ezekiel ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata, na para bang may bigla siyang naalala."Okay, bye," malamig niyang tugon bago tuluyang pinatay ang tawa
Ano ang mga nangyari sa inyo ng ating anak doon sa singapore?" Dagdag pa niyang tanong habang hawak ang aking kamay.Medyo nabigla ako sa naging tanong ni Ezekiel pero naiintindihan ko naman siya pero sa loob ng ilang segundo ay hindi ako agad nakasagot. Para bang bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari sa loob ng anim na taon na mag-isa kong hinarap ang buhay kasama si Lily ang anak ko na wala kahit anong contact sa Pilipinas. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko habang sa nga oras na ito at hinihintay ang sagot ko.Napabuntong-hininga ako bago tuluyang nagsalita."Mahabang kuwento iyon, Ezekiel..." mahina kong saad sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti sa akin. "May oras tayo." Pabiro niyang boses sa akin. Napatawa ako nang mahina ng marinig ko ang sagot niya. "Sigurado ka?" Saad ko pabalik. Tumango naman siya agad. "Gusto kong malaman ang lahat." Seryoso niyang boses. Natahimik ako sandali bago tumingin sa natutulog kong anak.Ilang segundo akong natahimik bago muling tu
Makalipas ang ilang minuto ay natahimik ang buong silid matapos sabihin ni Ezekiel ang mga salitang iyon. mabigat na katahimikan na namagitan sa amin habang pareho naming pinoproseso ang katotohanang sa wakas ay nalam na namin at nakumpirma na, kung sino ang nasa likod ng lahat ng problemang nagaganap sa pamilya. Nakatulog na si Lily sa isang maliit na sofa sa loob ng silid matapos mapagod sa kakatanong.Mahimbing ang kaniyang tulog, samantalang kami ni Ezekiel ay nanatiling gising sa tabi niya. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang seryosong nakatingin kay Lily. "Ezekiel..." mahina kong tawag sa kaniya. Agad naman siyang lumingon sa akin pagkarinig niya sa boses ko. "Ano ang gagawin natin ngayon?" Mahina kong saad sa kaniya. Natahimik sita ng ilang sigundo pagkatapos ay dahan-dahan siyang huminga nang malalim."Hindi tayo magmamadali." Seryoso niyang boses. Napakunot ang noo ko."Hindi tayo gagalaw hangga't hindi tayo sigurado sa bawat hakbang." Dagdag niyang saadTumingin
Nanatili akong nakatitig kay Ezekiel habang patuloy na tumutulo ang luha mula sa gilid ng kaniyang mata.Mabilis na tumibok ang puso ko."Ezekiel..." mahina kong tawag habang mas hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay.Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang gumalaw.Unti-unting bumukas ang kaniyang mga mata.Napakurap siya ng ilang beses na para bang sinusubukan niyang linawin ang kaniyang paningin. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin hanggang sa tuluyan niyang na niyang nakita ang mukha ko...Bigla siyang natigilan at nanlaki ang kaniyang mga mata."V-Vhianne..." Nauutal niyang boses sa akin. Parang basag ang boses niya habang binabanggit ang pangalan ko. Nang marinig ko ito ay naramdaman kong namuo agad ang luha sa mga mata ko."Ezekiel..." nanginginig kong tugon.Hindi siya agad nagsalita.Tinitigan lamang niya ako na para bang natatakot siyang mawala ako kapag kumurap siya.Pagkatapos ay unti-unting pumatak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata."Vhianne is that you?
pagkatapos kong kumain ay pumunta muna ako sa sala at saka umupo sa sofa.Hindi pa rin maalis sa aking isipan ang natuklasan ko habang pauwi kami ni Nay Ele. Ano kaya ang magiging reaction ni Kiro kapag nalaman niya na pati ang una niyang boyfriend na si Mark ay kinakasama na si Erah. Huminga na l
Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na kami ni nay Ele sa venue at nag lalakad na kami papunta sa labas kong saan nag hihintay si Ronaldo ang driver namin. Habang nag lalakad kami palabas ay bigla kong nakasalubong ko ang boyfriend ni Kiro na si Mark. Nanlaki ang aking mga mata at napahinto ako
"Can we talk, Ezekiel?" Saad ko sa kaniya."We are already talking...Vhianne," Seryoso at malamig na boses niya habang sinusuri ang pagkatao ko.Nang marinig ko ito ay umigting ang aking panga. Oo nga naman nag uusap na kami kumunot ang aking noo at tinitigan ko siya ng seryoso, kailan pa siya nagi
Tatlong araw na ang nakaraan ng gumawa ako ng iksaktong kopya ng contrata na hawak ni Ezekiel, may idinagdag lang akong ilang words doon. Ngayon ay papunta na kami sa companya ni Ezekiel dahil sa may meeting daw, isinama lamang ako ni nay Ele. Ito na ang chance ko para mapalitan na ang kontrata







