LOGINEzekiel's POVNasa opisina ako habang tahimik na nakaupo sa aking swivel chair habang nakatanaw sa malawak na bintana. Mula roon ay tanaw ko ang abalang lungsod sa ibaba, ngunit wala roon ang aking atensyon nakatuon lamang ang isip ko sa event na gaganapin mamaya.Mayroon na lamang isang oras bago magsimula ang event na matagal naming pinaghandaan. Nakalatag sa mesa ko ang ilang dokumento tungkol sa collaboration, ngunit kabisado ko na ang lahat ng detalye kaya hindi ko na iyon gaanong pinapansin.Maya-maya pa ay may marahang kumatok sa pintuan ng aking opisina koNapakunot naman ang aking noo ng marinig ko ito. "Come in," malamig kong saad.Pagkatapos ay dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad sa akin harapan si Erah na may matamis na ngiti sa kaniyang labi."Babe..." saad niya habang papasok sa loob ng opisina. Malamig at kalmado lamang ang ekspresyon ko habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin pagkatapos ay huminto siya sa harapan ng mesa ko bago muling nagsalita."Excit
Kakatapos ko pa lamang maligo at agad akong lumabas ng banyo habang pinupunasan ang basa ko pang buhok gamit ang isang tuwalya.Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto namin at agad na pumasok. Pagkatapos ay tahimik akong naglakad palapit sa kama namin kung saan mahimbing na natutulog ang anak kong si Lily.Nang marating ko ito ay marahan akong naupo sa gilid ng kama at ilang sandali ko lamang siyang pinagmasdan. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniyang inosenteng mukha.Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang buhok pagkatapos nagsalita. "Happy birthday ulit, anak..." mahina kong bulong kahit alam kong hindi niya iyon maririnig.Pagkatapos non ay Hinalikan ko ang kaniyang noo. Nang mahalikan ko na ang kaniyang noo ay tumayo ako muli para magbihis ng pantulog na damit. Ilang minuto ang lumipas ay inantok nadin ako kaya pagkatapos kong magbihis ay pinatay ko na ang mga ilaw at dahan dahan na naglakad papunta sa aming higaan. Pagkahiga ko ay agad akong nakatulog dahil sa pagod. .
Karga ni Ezekiel si Lily habang naglalakad papasok sa loob ng mansyon habang ako naman ay tahmik nakasunod lamang sa kanilang dalawa.Pagpasok pa lamang namin ay agad kaming sinalubong ng masasayang boses ng lahat."Happy Birthday, Lily!" sabay-sabay nilang sigaw.Napahalakhak naman si Lily habang mahigpit na nakakapit kay Ezekiel. "Thank you!" masaya nitong tugon sa lahatPagkatapos ay dahan-dahan na ibinaba ni Ezekiel si Lily at agad namang tumakbo si Lily papunta sa malaking mesa kung saan nakapatong ang napakagandang birthday cake na may disenyong unicorn."Woooow!" manghang-mangha nitong sambit.Napangiti kaming lahat habang pinagmamasdan ang inosenteng saya sa mukha ng bata."Sige na, iho," nakangiting saad ni Nay Ele kay Ezekiel. "Ikaw na ang tumabi sa anak mo." Dagdag nitong sabi. Sandaling natigilan si Ezekiel bago tumango at saka marahan siyang lumapit kay Lily at tumayo sa tabi nito.Samantalang ako naman ay napatayo sa kabilang gilid ng aming anak. "Family picture mun
Ilang segundo munang natigilan si Uncle Emilio habang nakatitig kay Ezekiel. Para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya dahil simula ng nagkaamnesia si Ezekiel ay hindi na niya ito tinawag sa Dad kaya nabigla siya ng marinig niya muli ito. "Dad?" mahinang ulit ni Ezekiel habang nakangiti nang bahagya. Nanlaki ang mga mata ni Uncle Emilio pagkarinig niya nito pagkatapos ay mabilis siyang lumapit kay Ezekiel. "Ezekiel..." halos pabulong niyang sambit. Tumango naman si Ezekiel. "Ako nga, dad." Mabilis niyang saad. Hindi na napigilan ni Uncle Emilio ang kaniyang sarili at agad niya itong niyakap nang mahigpit ng makalapit ito. Ilang sandaling natahimik ang buong paligid habang pinagmamasdan namin ang mag-ama na magkayakap. Napayuko naman si Nay Ele habang pinupunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi. Samantalang si Kiro naman ay napakamot na lamang sa ulo. "Okay, hindi ako prepared para sa family reunion na ito." Pabiro niyang saad Napatawa naman kaming lah
Makalipas ang ikang oras ay pagkabalik namin sa loob ng mansyon ay abala ang lahat sa paghahanda para sa ikaanim na kaarawan ni Lily.Makukulay na dekorasyon ang nakasabit sa paligid, may mga lobo na nakapalibot sa malaking mesa, at sa gitna nito ay nakalagay ang napakagandang cake na espesyal na ipinagawa para kay Lily.Napangisi ako dahil sa maikling oras ay mabilis nilang naihanda ang lahat. Masayang masaya naman ang anak ko habang suot ang kaniyang pang prinsesang damit.Paulit-ulit siyang umiikot sa sala habang ipinapakita sa lahat ang kaniyang kasuotan."Mommy! Look!" Masaya niyang saad habang iniikot ang sarili.Napatawa naman ako."Wow. Ang ganda naman ng little princess ko." Nakangiti kong saad sa kaniyaAgad naman siyang humagikgik bago tumakbo papunta kay Nay Ele upang ipakita rin ang kaniyang damit.Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko maiwasang mapangiti.Anim na taon.Anim na taon kong pinangarap na makita siyang masayang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan kasama ang
Ilang segundo munang natahimik si Kiro sa kabilang linya ng matapos niyang marinig ang naging sagot ko.Pagkatapos ay marahan itong nagsalita."Alam mo ba kung gaano kita hinanap, besh?" may halong tampo sa sabi niya sa akin. Napakagat naman ako sa aking ibabang labi."Sorry, Kiro..." mahina kong tugon habang napapakamot sa aking ulo. "Anim na taon, Vhianne. Anim na taon kang nawala na parang bula. Wala man lang text, tawag, o kahit anong balita. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."saad niya. Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses kaya lalo akong nakaramdam ng pagkakasala."Pasensya ka na talaga. Hindi ko lang talaga kayang magpaliwanag noon." Marahan kong sabi sa kaniya. Narinig ko naman ang mahaba niyang buntong-hininga."Sige na nga. Mukhang mabigat talaga ang pinagdaanan mo." Seryoso niyang sabi sa akin. Bahagya akong napangiti pagkarinig ko nito. Makalipas ang ilang sandali ay muli siyang nagsalita."Pero teka muna... kailan ka pa dumating?" Tanong niya sa akin ulit.
"Gaya ng sinabi ko, I didn't know what happened; ngayon ko lng nalaman. Sa tingin mo kaya kong patayin ang sarili kong kapatid?" Seryoso at galit na tanong niya sa akin.Agad ko naman siyang sinagot. "Wala akong sinasabi sa iyo na ganyan, Erah, but who knows?"Pagkasabi ko sa kaniya, iritang irita
Oh my god! Paano ko siya patatahanin? I don't know what to say to him. Nag aalalang bulong ko sa aking sarili.Kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit. "I'm sorry, Kiro, pero sa tingin ko ay masaya si Mark dahil nakilala ka niya," mahinang bulong ko sa kaniya. Ilang saglit lang ng pagyayakap nami
"Manang Edna! Dito kana po sa tabi ko," alok ko sa kaniya."Sige po, Ma'am Vhianne!" Pumasok agad siya sa kotse sa tabi ko. "Manang Edna! Pasensya na po ahhh, naabala ko pa kayo.""Ayus lang po iyon ma'am, gusto ko din kayong bantayan at alalayan," tugon niya sa akin.Ngumiti ako sa kaniya at saka
Medyo natutuwa ako sa kanilang dalawa; panay ang harutan nila Nay Ele and Uncle. "Nay Ele, I'm going to rest muna sa kwarto, maraming salamat po," pag paalam ko sa kanila. "Sige lang Vhianne, wag ka masyado ma-stress sa mga nangyayari; sige, pahinga kana sa kwarto mo.""Opo!"Naglakad na ako paba







