Share

Chapter 2

Author: Bluish Blue
last update Last Updated: 2025-11-24 13:47:47

Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita ko sa screen na galing sa opisina ni Sir Javier ang linya. Kaagad ko naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?"

"Bring me the report, now."

Hindi na ako nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba.

"Shit..." mahina kong nasabi. Hindi ko pa tapos.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina niya.

"Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Mariz na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi.

"Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay kong sagot, ubos na ang lakas ko.

Hindi na nakasagot si Mariz nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Javier at niluwa niyon si Marco. Nakatingin lang siya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin niyon— galit na naman ang demonyo.

Kumaway na lang ako kay Mariz at saka pumasok sa opisina ni Sir Javier.

Sumalubong sa akin ang mga mata niyang nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niya.

"H-Hindi ko pa po tapos, s-sir..." Nakayuko lang dahil baka mawala na ako ng malay kapag sinalubong ko pa ang mga nakamamatay niyang tingin. "Mag-o-overtime na lang ako, sir, at iiwan sa mesa ninyo kapag natapos ko na po."

Inaasahan ko nang sisigawan niya ako. Pero malamig lang ang boses niya nang magsalita siya. "At dahil hindi mo natapos sa binigay kong oras, wala kang matatanggap na overtime f*e."

Mabuti na iyon kaysa ang masisante.

"Leave."

Hindi na ako nagsalita at kaagad na lumabas ng opisina niya. Wala na rin yata akong lakas magsalita pa. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago umupo muli sa harap ng laptop ko. Walong pages na lang.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang may mensahe si Randolph. "Nasaan ka na? See you later."

Nag-reply ako. "Sorry, mahal, babawi ako bukas. Kailangan ko lang tapusin itong report. Mag-o-overtime ako."

Wala na siyang reply. Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa apartment niya. May susi naman ako kaya sosorpresahin ko na lang siya.

Tinutok ko na ang atensyon sa ginagawa. Alas nwebe nang matapos ko iyon. Napasandal ako sa office chair ko. "Natapos din."

Madilim ang opisina ni Sir Javier nang buksan ko ang pinto. Kaya binuksan ko ang ilaw at saka nilapag sa mesa niya ang revised monthly report.

Nang may mapansin ako.

"Surrogacy agreement, terms and conditions," mahina kong basa sa nakasulat sa isang folder.

May ganoon ba kaming project? Surrogacy? Hindi ba pagbubuntis iyon?

Hindi ko na inusisa pa at baka malaman pa ni Sir Javier na nakialam ako.

Masaya akong naglalakad palabas ng El Zamora building. Pagod man pero ayos lang. Makikita ko naman si Randolph. Dumaan muna ako sa isang fast food at nag-order ng burger saka fried chicken.

Doon na lang din ako matutulog, tutal may mga gamit naman ako roon. Magkarelasyon na kami noong college years pa namin. Sabay na nagtapos at sabay na bumuo ng mga pangarap.

Nag-taxi na lang ako para hindi na ako mahirapan mag-abang ng jeep. Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng apartment ni Randolph. Pagkatapos ng kasal namin ay lilipat na rin ako rito. Pagkatapos ay sabay kaming mag-iipon para sa magiging bahay namin.

Gamit ang susi na mayroon ako ay nabuksan ko ang pinto ng apartment ni Randolph. Tulog na kaya siya? Bukas kasi ang ilaw sa loob ng kwarto niya at nakaawang naman ang pinto.

Nilapag ko ang dalang pagkain sa mesa na nasa kusina at masiglang dumungaw sa kwarto niya. Pero wala siya sa kama. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Napakunot ang noo ko. Naliligo siya sa ganitong oras?

Ilalapag ko na sana ang bag ko sa kama nang may narinig akong ungol mula sa banyo. Para akong sinabuyan nang malamig na tubig. Sobrang bilis na rin ng pagtibok na puso ko.

Nasundan pa iyon nang malalakas na ungol. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Ahh... Randolph! Sige pa!"

Putang ina.

Saka ko pa lang naisipang tingnan ang buong kwarto ni Randolph. Doon ko pa lang napansin ang isang bag na nasa paanan ng kama.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at marahas na binuksan ang pinto ng banyo. Nakatuwad ang babae habang bumabayo naman sa likuran niya si Randolph.

Natigilan silang dalawa. Nang mapagtanto kung anong nangyayari ay kaagad na lumayo si Randolph sa babae. Hindi ko siya kilala pero nakikita ko siya sa building kung saan nagtatrabaho si Randolph.

Kaagad na nagtakip ng tuwalya si Randolph habang nasa likuran niya pa rin ang babae. Para bang proud pang ibalandra ang hubad niyang katawan.

"Mga hayop kayo..." gusto kong isigaw iyon pero bulong lang yata ang lumabas sa bibig ko.

Pagod na ako mula pa kanina. Tapos ito pa.

"Mahal, let me explain." Sinubukan ni Randolph na hawakan ang kamay ko pero awtomatiko kong nilayo ang sarili ko sa kanya.

Hindi ko maatim na may iba siyang hinahawakan maliban sa akin.

"Explain?" sarkastiko kong tanong. "No need to explain. I saw enough."

"Nagkakamali ka—"

"Buntis ako."

Natigilan kaming dalawa ni Randolph. Siguro matatanggap ko pa kung isang gabi lang. Pero putang ina! Buntis!

Hindi na ako nagsayang ng oras pa at lumabas sa kwartong iyon. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga habang nakatingin sa kanila.

Gusto kong manumbat. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Pero pagod na pagod na ako.

"Sol, sandali—"

Buong lakas ko siyang sinampal.

"That was ten years of my life!" Pinilit kong pigilan ang mga luha ko pero ayaw nilang sumunod. Hilam na sa luha ang mukha ko. "P-Paano mo nagawa sa akin ito?"

"Kasi nakakasawa na!" sigaw niya sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako nagulat. Sa pagsigaw niya ba o sa sinabi niya.

Anong nakakasawa?

"Gusto kong magkapamilya na pero ang tagal mong mabuntis!"

Kanina lang ay nagso-sorry pa siya. Pero ito siya ngayon, sinusumbat ang isang bagay na alam niyang kahinaan ko bilang babae.

"Hindi tayo pabata, Sol," dagdag niya pa. "Gusto kong magkaanak, pero sa loob ng sampung taon ay hindi man lang tayo nakabuo dahil sa deperensya mo!"

Para akong sinampal sa panunumbat niyang iyon sa akin.

"Babe..." Tawag ng babae mula sa kwarto.

Putang ina lang talaga. Bakit parang kasalanan ko pa? Hindi ko naman ginusto maging ganito ako!

Walang sabi-sabi ay tinalikuran ko sila pero bago pa ako lumabas ng apartmen niya ay nagsalita ako sa huling pagkakataon. "Go, bumuo ka ng sariling pamilya. Maghintay ka lang at isasampal ko sa mukha mo na kaya ko ring mabuntis."

Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa ere. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi sa boarding house ko. At doon, napasalampak ako sa sahig at humagulhol.

Nagtiis ako sa maliit na boarding house kahit pa kaya ko namang kumuha ng apartment. Pero tiniis ko iyon! Dahil nag-iipon kami para sa kasal namin!

Dahan-dahan akong tumayo at kinuha mula sa drawer ang isang maliit na envelope. Laboratory test result ko iyon.

Low fertility.

Sa isang daang porsyento ay isang porsyento lang ang posibilidad na mabuntis ako.

"But we can do IVF," iyon ang sabi ng doktor. "A fertility treatment where eggcells fertilized by sperm inside a laboratory. Will extract your eggcells and your partner's spermcell. Kapag successful na silang na-fertilized ay saka natin ituturok sa iyo. Maaari ka namang magdala ng sanggol dahil walang deperensya sa matris mo."

At doon ay nakabuo ako ng desisyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 4

    "Congratulations!" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Tama naman siguro ang narinig ko? "A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado kong tanong. "Finally, buntis ka na Miss Rivera!" tuwang-tuwang sagot ni Dok Marquez. At doon ko lang napagtanto ang sinabi niya. Para akong nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin makapaniwala sa balitang narinig ko. Magiging nanay na ako! Pero... "You’re fired!" Iyon ang unang bumungad sa akin pagtapak ko pa lang sa executive floor. Hindi pa nga ako nakakalapit sa mesa ko pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Javier. Para akong tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal. Napako ako sa kinatatayuan ko at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Javier ay nakatayo sa harap ng mesa ko habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga siya. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot— iyong diretso niyang tingin o iyong sobrang tahimik ng buong office habang pinapanuod ako

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 3

    Sabado.Pumunta ako sa doktor ko."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad kong sabi kay Dok Marquez. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya na sa akin noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal namin ng hayop na iyon ay gagamitin ko na lang ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi ako sa amin. Sapat na ang perang naipon ko para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko kong sagot, nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ko ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig ako habang pinapaliwanag ni Dok Marquez ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Extraction.Daily monitoring.Ang pagturok pa raw sa akin kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 2

    Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita ko sa screen na galing sa opisina ni Sir Javier ang linya. Kaagad ko naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na ako nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina kong nasabi. Hindi ko pa tapos.Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina niya."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Mariz na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay kong sagot, ubos na ang lakas ko.Hindi na nakasagot si Mariz nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Javier at niluwa niyon si Marco. Nakatingin lang siya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin niyon— galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang ako kay Mariz at saka pumasok sa opisina ni Sir Javier.Sumalubong sa akin ang mga mata niyang nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niya."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir..." Nakayuko lang dahil baka mawala na a

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 1

    Pakiramdam ko ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo ko lahat!Halos matapilok na ako habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw kong ma-late! Muntik pa akong masaraduhan. Hinihingal na ako pero hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi ko."Galit na naman si Sir Javier!""Baka masama lang ang gising.""Masama na talaga ang ugali niya!"Mas lalo tuloy akong kinabahan. Napahigpit ako sa hawak kong folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Sol, ikaw pala iyan," tawag sa akin ng isa sa mga marites.Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hindi dahil sa sikat ako, kung hindi dahil sa—"Secretary ka ni Sir Javier, hindi ba?"Tumango na lang ako. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman ako kaagad sa sling ng ID nila— kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status