Masuk
Pakiramdam ko ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo ko lahat!
Halos matapilok na ako habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw kong ma-late! Muntik pa akong masaraduhan. Hinihingal na ako pero hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi ko. "Galit na naman si Sir Javier!" "Baka masama lang ang gising." "Masama na talaga ang ugali niya!" Mas lalo tuloy akong kinabahan. Napahigpit ako sa hawak kong folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor. "Uy, Sol, ikaw pala iyan," tawag sa akin ng isa sa mga marites. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hindi dahil sa sikat ako, kung hindi dahil sa— "Secretary ka ni Sir Javier, hindi ba?" Tumango na lang ako. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman ako kaagad sa sling ng ID nila— kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila. "Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bilang CEO hindi ba?" tanong pa niya. Kailan ba siya mananahimik! Intern pa lang pero ang dami nang alam! Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. At kapag minamalas ka nga naman! Hayop! Eksakto namang palabas ng boardroom si Sir Javier. Iyong hallway ng boardroom kasi ay madadaanan ko papunta sa table ko na nasa labas lang ng opisina niya. Cubicle style office ang mayroon kami. Magkakadikit lang at kapag uupo ka ay hindi ka makikita. Tang ina lang talaga. Bakit nauna pa siya sa akin? Dahan-dahan akong lumabas ng elevator. Parang ayaw kong gumalaw dahil pakiramdam ko ay mapapansin niya kaagad ako. Malayo pa lang ay kita ko na ang magkasalubong niyang kilay at ang awra niyang parang napapalibutan siya ng hindi nakikitang itim na usok. Ganoon ang dating niya. Intimidating as always. Na para bang isinumpa siyang mamamatay kapag ngingiti. Sa loob ng limang taon ko bilang secretary niya, not once did I saw him smile! Mabuti na lang at abala siya sa pakikipag-usap sa isang board member kaya pasimple akong naglakad, diretso ang tingin, at nagdadasal na sana ay hindi niya ako mapansin. Pero mukhang hindi kami kampi ni Lord ngayon. "Stop, Rivera." Iyong paa kong hahakbang pa lang ay natigil sa ere. Dahan-dahan ko pa iyong nilapag sa sahig bago ko siya hinarap at hindi makatingin sa kanya nang diretso. "G-Good morning—" "What's good in the morning when you're late by exactly..." Kaagad niyang sinipat ang suot na relo, "...three minutes and eight seconds." Time conscious talaga ang lalakeng ito. Normal naman iyon dahil pinapasahod kami ng tama. Pero hindi naman tinatrato ng tama! "Traffic po kasi—" "Wala akong pakialam sa traffic," sabi niya at hindi na naman ako natapos sa pagsasalita. Kung sa bagay ay hindi niya naman hinahayaang magpaliwanag ang mga staff niya. "Everyone deals with it. So don't give me excuses because you're not an exemption." "S-Sorry po, s-sir..." nakayuko kong saad at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko, damang-dama ko ang init. "Kung sa kada sorry mo ay nababawasan ang mga pagkakamali mo, maiintindihan ko pa," sagot niya. "Pero parami nang parami ang kapalpakan mo." Hindi na ako sumagot. Hindi dahil sa wala akong masabi pero dahil alam kong kahit anong paliwanag ko ay hindi niya iyon tatanggapin. "Is that the monthly report I ask you to finish?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang folder na hawak ko. "Y-Yes, sir." Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa folder, na para bang sinasabi ng mga mata niya na mali na naman ang ginawa ko. "Bring that to my office." Kaagad niya akong nilampasan at dire-diretso ang lakad papunta sa opisina niya. Doon pa lamang ako nakahinga nang maayos. Pakiramdam ko kasi mali rin para sa kanya kapag huminga ako sa harapan niya. Dali-dali akong pumunta sa table ko. "Malas na naman ba?" bungad na tanong sa akin ni Mariz na katapat lang ng cubicle ko. "Isipin mo na lang para sa pinag-iipunan mo iyan!" Mabuti na lang at may karamay akong kaibigan. Tumango ako at inayos muna ang folder. "Para sa future!" Hindi ko na hinintay pang makasagot siya at nagmamadaling pumunta sa opisina ni Sir Javier. Pagpasok ko pa lang ay ramdam ko na ang mainit na titig niya. Sanay naman na ako sa kanya. Tatagal ba ako ng limang taon bilang secretary niya kung basta na lang ako nagpapadala sa emosyon ko? Hindi. Pero may mga araw talaga na gugustuhin mo na lang maglaho kasama ang hangin sa ere. May mga araw na tahimik lang siya. May mga araw na laging sumisigaw. May mga araw na isang mali mo lang ay sisante na kaagad. Maraming beses na rin akong napahiya, nasigawan, at muntik masisante. Pero tiniis ko ang lahat. Nag-iipon kami ng nobyo kong si Randolph para sa magiging kasal namin. Siya naman daw ang gagastos pero gusto ko kasing makadalo ang pamilya ko na nasa probinsya. Kaya kahit anong sigaw at pagsusungit pa ni Sir Javier ay kinakaya ko dahil may goal akong dapat na tuparin. "Hindi lalapit ang mesa ko sa iyo," malamig niyang saad sa akin. Kadalasan talaga ay sarkastiko siya. Kaagad na akong naglakad papunta sa mesa niya at nilapag ang dalang folder. Kinuha niya naman iyon at hindi pa nag-iisang minuto mula nang basahin niya ay kaagad niya na iyong padabog na nilapag ulit. "Incomplete." "But, s-sir, ilang beses ko na po iyang ni-review ulit at—" "Third quarter projections. Where are the comparative visuals? Where is the forecast analysis? And why..." Tumigil ito saglit, tumingin sa akin nang matalim, "...is your formatting inconsistent?" "S-Sir, I followed everything based on the last template you sent," sabi ko habang hindi makatingin sa mga mata niya. "Do you think that makes this acceptable?" malamig niyang tanong, blangko, walang ibang tonong maririnig sa boses niya kung hindi pagkadismaya. "Redo everything," dagdag pa na sabi niya. "You have until five." "S-Sir, l-lahat po ba? Including the raw data cleaning?" "Yes. All. If you can't handle your tasks, tell me. I can easily find someone who can." Kahit ilang beses niya na akong pinagsalitaan na para bang gusto niya na akong patalsikin, masakit pa rin iyong marinig. "Don't put that kind of expression in your face. I'm not firing you... yet." Lumabas na ako matapos kong kunin muli ang report na buong gabi kong ginawa. Ilang oras lang yata ang naitulog ko kaya ako na-late kanina. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa table ko. Hindi ito ang oras para panghinaan ng loob. Kaya inumpisahan ko nang ulitin ang twenty pages ng monthly report. Nang sumapit ang tanghali ay nagyaya si Mariz na mag-lunchbreak. "Mauna ka na at tatapusin ko muna itong isang page." "Sige at ipapa-reserve kita ng paborito mong ulam," sabi pa ni Mariz saka umalis. Sakto namang tumunog ang cellphone ko at may text message si Randolph. Nakangiti ako habang binubuksan iyon. "Magkita tayo mamayang alas sais, sa lagi nating kinakainan." Alas sais. Sakto pa naman dahil alas singko ang out namin. Thirty minutes papunta roon. "Did I told you to take a break?" Isanng tanong mula sa malamig na boses ang narinig ko kaya kaagad akong napatayo. "N-No, sir." "Then why are you on your phone?" Huminga lang ako nang malalim at hind na nag-abalang magpaliwanag. Useless lang din. "When you're working, I expect your full attention. Kaya ka puro mali. Understand?" "Y-Yes, sir." Mabilis nitong tiningnan ang tablet na binigay sa kanya ni Marco— ang personal assisstant nito slash bodyguard. "You will attend the meeting with me at three. Update the decks before that. And finish that report before five." Paano ko matatapos ang report na ito kung may isisingit akong trabaho. Hindi na ako nakasagot dahil parehas na silang naglakad palayo ni Marco. Padabog akong napaupo. "Konting tiis na lang, Sol..." pang-aalo ko sa sarili bago hinarap muli ang nire-revise na monthly report. Hindi ko namalayan ang oras at alas dos na. Kaya naman ay tumayo na ako at pupunta ng boardroom para ihanda ang lahat bago magsimula ang meeting. "Hoy, gaga, hindi ka kumain!" nakapameywang na sabi ni Mariz. Kinawayan ko lang siya. Nang makapasok ako sa boardroom ay umupo kaagad ako sa harap ng laptop na naka-connect sa projector. Ilang sandali pa ay dumating na si Sir Javier kasama pa rin si Marco at ilang staff. Binalik ko ang atensyon sa laptop at sa pag-aayos ng gagamiting slide para sa meeting. "Slide seven, wrong graph." Muntik na akong mapamura. Hindi ko man lang namalayang nasa likod ko na pala siya. Nang mag-umpisa na ang meeting ay alerto akong naghihintay sa bawat senyas niya. "The data is wrong..." bulong niya at kaagad ko namang nilipat iyon. "Switch to the next slide faster," mahina niyang sabi pero halatang nagtitimpi lang na sumigaw. "Are you even listening?" tanong niya nang matapos ang meeting. Nakayuko lang ako. "Next quarter’s performance would drop if we retain incompetent staff. Some might need to be replaced." Parang sinasabi niyang... "Ikaw ang mauuna." "Your performance today was below average," sabi pa niya habang naglalakad na palabas. "At this rate, baka hindi ka umabot sa end of quarter evaluations." Pinigilan kong umiyak. Pagtingin ko sa relo ay alas kwarto na. Hindi ko alam kung anong uunahin sa mga nararamdaman ko. Ang pagod ba o ang gutom. Pero nauna na ang mga luha ko sa pagpatak."Congratulations!" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Tama naman siguro ang narinig ko? "A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado kong tanong. "Finally, buntis ka na Miss Rivera!" tuwang-tuwang sagot ni Dok Marquez. At doon ko lang napagtanto ang sinabi niya. Para akong nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin makapaniwala sa balitang narinig ko. Magiging nanay na ako! Pero... "You’re fired!" Iyon ang unang bumungad sa akin pagtapak ko pa lang sa executive floor. Hindi pa nga ako nakakalapit sa mesa ko pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Javier. Para akong tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal. Napako ako sa kinatatayuan ko at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Javier ay nakatayo sa harap ng mesa ko habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga siya. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot— iyong diretso niyang tingin o iyong sobrang tahimik ng buong office habang pinapanuod ako
Sabado.Pumunta ako sa doktor ko."Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad kong sabi kay Dok Marquez. "P-Pero...""Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya na sa akin noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon.Dahil hindi na matutuloy ang kasal namin ng hayop na iyon ay gagamitin ko na lang ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi ako sa amin. Sapat na ang perang naipon ko para magsimula roon."Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko kong sagot, nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?""Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot."Talaga po?" Bakas sa boses ko ang labis na pag-asa."Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..."Nakikinig ako habang pinapaliwanag ni Dok Marquez ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation.Extraction.Daily monitoring.Ang pagturok pa raw sa akin kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. I
Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang telepono. Nakita ko sa screen na galing sa opisina ni Sir Javier ang linya. Kaagad ko naman iyong sinagot. "Y-Yes, sir?""Bring me the report, now."Hindi na ako nakasagot pa ng kaagad niya iyong binaba."Shit..." mahina kong nasabi. Hindi ko pa tapos.Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at pumunta sa opisina niya."Oh? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Mariz na dala na ang shoulder bag niya at mukhang handa nang umuwi."Mag-o-overtime na lang siguro ako," malumanay kong sagot, ubos na ang lakas ko.Hindi na nakasagot si Mariz nang bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Javier at niluwa niyon si Marco. Nakatingin lang siya sa akin at alam ko na ang ibig sabihin niyon— galit na naman ang demonyo.Kumaway na lang ako kay Mariz at saka pumasok sa opisina ni Sir Javier.Sumalubong sa akin ang mga mata niyang nagtatanong at para bang hinahanap kung saan ang report na hinihingi niya."H-Hindi ko pa po tapos, s-sir..." Nakayuko lang dahil baka mawala na a
Pakiramdam ko ay nagpaulan ng kamalasan sa buong mundo ngayon dahil salong-salo ko lahat!Halos matapilok na ako habang tumatakbo papunta sa elevator. Diyos ko, ayaw kong ma-late! Muntik pa akong masaraduhan. Hinihingal na ako pero hindi nakatakas sa akin ang pag-uusap ng dalawang staff sa tabi ko."Galit na naman si Sir Javier!""Baka masama lang ang gising.""Masama na talaga ang ugali niya!"Mas lalo tuloy akong kinabahan. Napahigpit ako sa hawak kong folder at parang maiihi na sa paghihintay kung kailan titigil ang elevator sa executive floor."Uy, Sol, ikaw pala iyan," tawag sa akin ng isa sa mga marites.Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Hindi dahil sa sikat ako, kung hindi dahil sa—"Secretary ka ni Sir Javier, hindi ba?"Tumango na lang ako. Siguro nasa ibang department sila. Napatingin naman ako kaagad sa sling ng ID nila— kulay dilaw. Ibig sabihin ay intern pa lang sila."Mabuti at natagalan mo siya? Ikaw na kaagad ang naging secretary niya mula nang umupo siya bila







