Mag-log inSabado.
Pumunta ako sa doktor ko. "Dok, gusto kong magbuntis through IVF," kaagad kong sabi kay Dok Marquez. "P-Pero..." "Wala kang sapat na pera?" Siya na ang nagdugtong. Pinaliwanag niya na sa akin noon kung gaano kamahal ang procedure na iyon. Dahil hindi na matutuloy ang kasal namin ng hayop na iyon ay gagamitin ko na lang ang pera para sa IVF. Kapag naging successful ay uuwi ako sa amin. Sapat na ang perang naipon ko para magsimula roon. "Meron naman po, pero n-naghiwalay kami ng p-partner ko..." nakayuko kong sagot, nahihiya ako sa hindi ko malamang dahilan. "Posible kayang makahanap ng free donor?" "Actually may tatlong donor na libre..." nakangiti niyang sagot. "Talaga po?" Bakas sa boses ko ang labis na pag-asa. "Pero syempre, kailangan nating mag-extract ng eggcells mo..." Nakikinig ako habang pinapaliwanag ni Dok Marquez ang sunod-sunod na steps para sa IVF stimulation. Extraction. Daily monitoring. Ang pagturok pa raw sa akin kung sakaling na-fertilized na ang mga cells. Iyon daw ang pinakamasakit. Pagktapos ay ultrasound. At lahat ng iyon ay kailangang simulan ngayon. Pero ang utak ko ay nasa iisang direksyon lang. Paano ko ito ipapaliwanag kay Sir Javier? Hindi nga ako pinapayagang mag-break ng sampung minuto, paano pa ang araw-araw na pagpunta ko sa ospital? "Ms. Rivera." Nag-angat ako ng tingin kay Dok Marquez. Nakatingin siya nang direkta sa mga mata ko. "Your window of opportunity is narrowing. You must decide immediately. Sayang iyong libreng donor." Tumango ako. Kailangan kong patunayan kay Randolph na kaya kong mabuntis. "I’ll do it, dok." "Good. We will proceed sa extraction. Pahintay na lang ng tawag ng nurse sa waiting area." Paglabas ko sa consultation room, iniisip ko kung paano magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko. Paano ko ito ipapaliwanag kay Sir Javier? Kung mag-resign na lang kaya ako? Sayang pa ang isang buwang sahod. Pero paano? Bago pa man ako makaupo sa may waiting area ay bumukas ang katabing consultation room. Lumabas mula roon si Sir Javier. At ang presensya niya ay parang bagyong walang ulan pero kayang manira ng buhay ng kahit sinong makita niya. Intimidating as always. Lahat ay napapatingin sa kanya. Malakas ang dating niya kahit ayaw ko mang aminin. He's a head-turner. Pero hindi nga lang marunong ngumiti. Napansin ko ang hawak niyang folder. Iyon ang folder na nakita ko sa opisina niya. Iyong may surrogacy. Hmm. Sa pagkakaalam ko ay may girlfriend siya. But I didn’t dare assume anything. Hindi ko dapat pakialaman ang buhay niya. Mula sa folder ay umangat ang tingin ko sa mukha niya. Hindi ko alam pero kaagad na kumabog nang malakas ang puso ko nang magtagpo ang mga mata namin. "What are you doing here?" Iyang kaagad ang lumabas sa bibig niya. Tang ina lang talaga. Hanggang dito ba naman? Walang introduction. Walang hi or hello. Walang ibang tonong maririnig kung hindi ang kalamigan. "I-I have a personal appointment, sir." Hindi niya na ako sinagot at kaagad na umalis kasama ang isang doktor habang nakasunod naman si Marco sa kanila. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Ano kayang ginagawa niya rito? Ilang saglit pa ay tinawag na ako ng nurse. Pagkatapos ng extraction ay umuwi rin ako kaagad. Tatawagan daw nila ako kapag naging successful na ang fertilization. Kailang ko raw alagaan ang sarili ko at huwang magpaka-stress at para kapag naging successful ang pagturok sa akin ay makakaya ng katawan ko ang pagdadala sa sanggol. Pagkarating ko sa boarding house ay damang-dama ko na naman ang lungkot. Ilang araw pa lang simula nang maghiwalay kami ni Randolph kaya masakit pa rin. Pero kailangan kong alagaan ang sarili ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahanap ng trabaho na work at home lang. Para kapag nabuntis na ako at nakauwi na sa amin ay may trabaho pa rin ako. ---- Lunes. Kailangan ko ulit pumunta sa hospital para sa another extraction. Para kapag hindi naging successful ang unang extraction ay naka-process na kaagad ang isa pa. Sa ganoong paraan ay hindi na kailangang maghintay pa. Mabuti na lang at wala si Sir Javier kaya naisingit ko sa lunchbreak ang pagpunta sa hospital. Pero pagbalik ko... "Saan ka na naman nagpunta?" Ang galit na tono kaagad ni Sir Javier ang sumalubong sa akin. Nasa tapat siya ng table ko. "Kanina pa kita hinahanap!" Ang sigaw niyang iyon ay halos pumuno sa buong executive floor. "P-Pumunta po ako sa hospital—" "You left work," sabi niya sa mahinang boses pero alam kong hindi iyon kalmado. "And that is the reason?" "Y-Yes, sir." Hindi ako makatingin sa kanya. "Your personal matters are beginning to interfere with your job," sabi niya pa at ibinagsak ang ilang folder na hawak-hawak niya sa harapan ko. Gusto kong lamunin na lang ako ng sahig. "S-Sir, I—" "Don’t explain!" sigaw niyang muli. Na kahit ang ibang staff ay ayaw tumingin dito sa gawi namin. "Finish revising all that. Hindi ka uuwi hangga't hindi natatapos ang lahat ng iyan!" Umalis na siya pero ang parang naiwan pa ang awra niya. Damang-dama ko pa rin ang nagngangalit niyang tingin sa akin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang pinupulot ang mga nagkalat na papeles sa sahig. Kaagad naman akong tinulungan ni Mariz at ng iba pa. At doon ay napahagulhol na ako. Hindi naging madali sa akin ang mga sumunod na araw. Ganoon pa rin si Sir Javier, laging galit, parang pinaglihi sa sama ng loob. Dumating sa puntong parang ayaw ko na lang ituloy ang IVF. Ilang linggo na rin kasi. Pero wala pa ring magandang balita. Mauubos na ang ipon ko sa extraction pa lang. Pagkatapos ay may boss pa akong parang papalitan yata si satanas sa trono nito. Pero... "Successful na ang fertilization," pagbabalita sa akin ni Dok Marquez. "Prepare for injections." Wala na akong sinayang na oras at kaagad na nagpaturok. Gustuhin ko mang magpasalamat ay hindi ko na rin inalam kung sino ang donor. Masakit ang unang inject. Hindi iyon normal na injections lang. Dahil parang may side effect siya sa akin. Pero tiniis ko ang lahat ng sakit. "Rivera! The board meeting file. Now!" Sigaw iyon ni Sir Javier at nagmamadaling pumunta sa boardroom. Napakapit ako sa mesa dahil parang umikot ang paningin ko nang bigla akong tumayo. But I forced myself to stand. Dinala ko ang folder papunta sa boardroom. Pag-abot ko ng files ay hindi nakalampas kay Sir Javier ang hitsura ko. "What’s with your face?" malamig niyang tanong. "You look pale. Don’t get sick on me. Not now." Tumango lang ako. Hindi na ako nagpaliwanag pa. Pero nang makabalik ako sa mesa ko, hindi ko na talaga kinaya. Nanginig ang tuhod ko. Kailangan ko na yatang pumunta sa hospital. Malala na itong side effects na nararamdaman ko.Lumipas ang ilang araw.At sa panlabas, parang naging normal ang lahat.Gigising ako sa umaga, ihahanda ang baon ni Janine, ihahatid siya sa paaralan, babalik sa bahay, maglilinis, magluluto, mag-iisip ng mga dapat gawin. Parang ordinaryong buhay. Parang wala akong dinadalang sikreto. Parang walang lalaking akala kong patay na na ngayon ay nakatira ilang bahay lang ang layo.Pero sa loob ko ay araw-araw may bagyong dumadaan. Napapadaan pa rin kami ni Janine sa bahay nila Liza. Hindi na ako kinakabahan tulad ng unang beses. Hindi na ako napapahinto. Hindi na ako napapalingon nang biglaan. Panatag na ako sa isang bagay—naipaliwanag ko na kay Janine na hindi niya ama si Solomon. Na kamukha lang. Na nagkamali siya.At tinanggap niya.Hindi niya na tinatawag si Javier na “Daddy.”Hindi na niya tinatanong kung bakit magkamukha.Hindi na niya inuulit.Pero araw-araw naman siyang tumitingin.Araw-araw, sa tuwing dadaan kami sa harap ng bahay nila, mapapansin ko ang pagbagal ng hakbang niya. A
“Daddy?”Parang may kumalabog sa loob ng ulo ko. Isang salita lang iyon. Isang tawag lang. Pero sapat para gumuho ang mundo ko sa harap ng gate ng maliit naming bahay.Narinig ko ang sarili kong paghinga—mabilis, mabigat, parang may humahabol. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Janine. Halos mapisil ko ang maliliit niyang daliri sa kaba.“Daddy?” ulit niya, mas malinaw, mas sigurado.At doon ko nakita.Ang gulat sa mga mata nilang dalawa.Si Janine ay nakatingin kay Javier. Diretso. Walang alinlangan. Walang takot. Parang sigurado siya sa nakita niya.At ako? Parang tinamaan ng kidlat.“Janine...” bulong ko, nanginginig ang boses ko. Lumuhod ako sa harap niya, hinawakan ang magkabilang balikat niya, pilit na ngumiti kahit ramdam kong nanginginig ang labi ko. “Nagkakamali ka, anak.”Tumingin siya sa akin, kunot ang noo. “Pero mommy... kamukha niya si daddy...”Parang may sumaksak sa dibdib ko.Oo. Kamukha.Dahil siya nga iyon.Pero hindi ko puwedeng sabihin.“H
Sakto ang oras nang dumating ako sa tapat ng maliit na paaralan. Alas-kuwatro ng hapon, at unti-unti nang nagsisilabasan ang mga bata, may mga bitbit na bag na halos mas malaki pa sa kanila, may mga magulang na nakatayo sa gilid, may mga batang tumatakbo diretso sa bisig ng ina.Hinahanap ng mga mata ko si Janine.Hindi ako nagtagal. Kita ko agad ang maliit niyang ulo, ang buhok niyang naka-ponytail, at ang dilaw niyang bag na halos kasing laki ng likod niya. Nakikipag-usap siya sa isang batang babae, mukhang animated, parang may kinukuwento.“Janine,” tawag ko.Lumingon siya, at sa sandaling nakita niya ako, lumiwanag ang buong mukha niya. Parang may sinindihang ilaw.“Mommy!” sigaw niya, sabay takbo papunta sa akin.Lumuhod ako at sinalubong siya ng yakap. Mahigpit. Parang ayokong bitawan. Parang kailangan kong ipaalala sa sarili ko na ito ang dahilan kung bakit ako matatag.“Kamusta ang first day mo?” tanong ko habang inaayos ang buhok niya.“Masaya po!” sagot niya agad. “May frien
Sakto pa lang na tuluyan akong nakapasok sa bahay at naisara ang pinto sa likuran ko ay doon bumigay ang tuhod ko. Hindi ako umiyak. Hindi ako sumigaw. Basta na lang akong napaupo sa sahig, nakasandal sa pinto, at nakatitig sa kawalan.Tahimik ang loob ng bahay.Masyadong tahimik.At sa katahimikang iyon, mas lalo kong naririnig ang tibok ng puso ko—mabilis, magulo, parang may hinahabol na sagot na ayaw magpakita.Si Javier.Buhay na buhay. Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko.May amnesia.May bagong pangalan.May “asawa.”At may kwentong hindi tugma sa katotohanan.Hindi ko puwedeng sarilinin ito. Hindi ko kayang sarilinin ito.Huminga ako nang malalim at tumayo. Parang may apoy sa dibdib ko na hindi mapakali. Kinuha ko ang cellphone sa mesa, nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang pangalan ni Eli sa contacts.Isang tawag lang.Isang tawag para sabihin ang katotohanan.Isang tawag para hindi ako mabaliw.Pinindot ko ang call.Isang ring.Dalawa.Tatlo.“Sol?” sagot niya, halat
Naupo ako sa upuang kahoy na inialok ni Liza habang inilapag ko sa maliit na mesa ang dala kong lalagyan ng tinola. Maingat ang kilos ko, parang bawat galaw ay pinag-iisipan. Hindi dahil sa kaba—kundi dahil sa katotohanang ang bawat segundo sa loob ng bahay na ito ay may dalang panganib.Sa gilid ng paningin ko, naroon siya. Tahimik. Nakaupo sa wheelchair. Nakatingin sa bintana na parang wala siyang pakialam sa mundo. Pero alam ko. Ramdam ko. Kahit pa nakatalikod siya, siya iyon. Si Javier.At oo nga pala, dalawang beses kaming nagkita. Noong nasa mall at noong nasa sementeryo. Kaya kahit hindi niya alam na ako si Soleign, pero dapat maalala niya pa rin ako. Ibig sabihin ay nawalan siya ng alaala.Hindi ko alam kung paano ko nagagawang huminga nang normal. Parang may nakapatong na mabigat sa dibdib ko, pero kailangan kong magmukhang kalmado. Kailangan kong magmukhang normal. Kailangan kong magmukhang kapitbahay lang na naghatid ng ulam.“Salamat talaga,” sabi ni Liza habang kinukuha a
Hindi pa man tuluyang nagsasara ang pinto sa likuran ko ay ramdam ko na ang pangangalay ng buong katawan ko. Parang may humigop ng lahat ng lakas ko sa iisang iglap. Napasandal ako sa pinto, ipinikit ang mga mata, at pilit hinabol ang paghinga.Si Javier.Buhay na buhay!At ang mas nakakagulat ay hindi niya ako kilala.Pero ngayon ko lang din napagtanto na iba na pala ang mukha ko kaya hindi niya talaga ako makikilala.Jusko ka Sol! Kinabahan lang pala ako sa wala! Tang ina ko talaga!Pero ang malamang buhay pa siya ay parang may gumapang na malamig sa gulugod ko. Hindi ako makagalaw agad. Hindi dahil sa takot—kundi dahil sa pagkabigla. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam ko ay nanaginip lang ako. Na kapag iminulat ko ang mga mata ko, babalik ang lahat sa dati. Tahimik. Normal. Walang multong galing sa nakaraan.Pero pagmulat ko, naroon pa rin ang katahimikan ng bahay. At naroon pa rin ang bigat sa dibdib ko.Lumakad ako papasok nang mabagal, parang bawat hakbang ay may kasamang alan







