Share

Chapter 77

Author: eleb_heart
last update publish date: 2025-05-25 16:44:20

PARANG itinulos mula sa kanyang kinatatayuan si Lindy sa labis na gulat. Hindi niya akalain na makikita niya sa may pinto ang kanyang biyenan at higit sa lahat, kitang kita niya ang reaksyon nito. Tiyak na malinaw nitong narinig ang mga salitang sinabi niya dahil sa matinding inis niya kay Alexa. Sikreto na dapat ay hindi malaman ng kahit sino lalong-lalo na ni Noah.

Hindi siya nakagalaw at ni hindi niya nagawang habulin ito para magpaliwanag. Bumilis kaagad ang tibok ng kanyang puso. Nagpalaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks author sa pag update sana maka pag txt Ang Mommy ni Noah sa kanya Bago may mangyari sa kanya
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
grabe,,,bka patayin nya yung byenqn nya,,,pra abswelto n n mn sya
goodnovel comment avatar
Analyn Arañez Reyes
tgl ng update ni author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 109

    “What?” hindi makapaniwalang napatitig si Lindy sa lalaking nakatayo sa harap niya. Ito ang unang beses niyang narinig ang bagay na iyon pagkatapos ng ilang taon nila bilang mag-asawa at pre-nup? Wala siyang pinirmahang ganun. Umiling siya at naningkita ang mga mata. “Don’t joke Noah.” matigas na sabi niya. “Asawa mo ako kaya irespeto mo ang desisyon ko at—”“Hell, no!” sagot nito sa kaniya. “Wala kang karapatan na pigilan akong iuwi dito ang mga anak ko.” mariin din nitong sagot sa kaniya at ipinagdiinan pa ang mga huling salita. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya akalain na magdedesisyon itong iuwi doon ang mga anak nito galing sa babaeng iyon.“So, ipipilit mo ang gusto mo?” walang ekspresyon ang mukha niyang tanong dito.Sinalubong nito ang kanyang mga mata. “Yes, at wala kang magagawa tungkol dito.” sagot nito sa kaniya dahilan para mapamura na lang siya ng wala sa oras at lumabas dala ang kanyang cellphone. Kailangan niyang masiguro ang sinasabi nitong pumirma siyang pr

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 108

    MABILIS na dumating si Noah sa bahay nila Kath. kaagad siyang nag-doorbell at hindi nagtagal ay bumukas ang gate. Pinagbuksan siya ng isang nasa mid-fifties ng babae ngunit hindi naman ito ang ina ni Kath at kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kaibigan ng Mommy ni Kath.Tumaas ang kilay nito. “Yes?” tanong nito sa kaniya.Bahagya siyang ngumiti. “Uhm ako po si Noah at—” ngunit bago pa man siya matapos sa kanyang sinasabi ay mabilis siyang pinutol nito. “Kilala kita peroa anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa kaniya. Walang ekspresyon ang mukha.“Well, uhm nandito po ako dahil narinig ko ang tungkol kay Kath at—”“At ano? Magtatanong ka kung nasaan siya? Wala pang nakakalap na impormasyon tungkol sa kanya kung iyon ang gusto mong malaman.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ramdam niya ang animosity sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at hindi niya naman ito masisisi dahil alam niyang malapit ito kay Kath at kung anuman ang nagawa niya rito ay talaga namang hindi kapata-p

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 107

    NANLAKI ang mga mata ni Kath at gulat na gulat ng naramdaman niyang may nagtakip sa kanyang ilong at bibig. Wala siyang nagawa at hindi na nakapag pumiglas pa at unti-unti ng lumabo ang kanyang paningin.Nang muling imulat ni Kath ang kanyang mga mata ay nasa loob siya ng isang silid. Nakahiga siya sa malamig na silid at nakakadena ang kanyang paa. Kaagad na nabalot ang kanyang pagkatao ng labis na takot ng mga oras na iyon dahil sino kaya ang mga taong dumukot sa kaniya.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob at wala siyang ibang makikita kundi silid na walang laman. Tanging isang ilaw lang ang naroon at nakapwesto pa ito sa gitna. Ang pinto ay walang sara kaya sa labas ay rinig na rinig niya pa ang tawanan ng mga lalaki. Naging madilim ang kanyang mga mata, sila ang dumukot sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi mapaisip kung ano kaya ang kailangan ng mga ito sa kaniya.Tiningnan niya ang bintana at nakita niyang madilim pa ng mga oras na iyon. Ano na kaya ang iniisip ng kanyang in

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 106

    INIS na inis na naghihintay si Lindy sa may kotse ni Noah. kanina ay apurang apura itong umalis pero ngayon na nakabihis na siya ay ito naman ang babagal bagal. Kung bakit kasi hindi na lang nito hayaan ang batang iyon sa nag-aalaga hindi yung siya pa mismo ang magpapatulog rito. Nainis na naman tuloy siya ng wala sa oras.Hindi nagtagal ay bumaba na rin naman ito. May hindi ito maipintang mukha ngunit hindi niya na lang ito pinansin at pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod din naman ito sa kanyang sumakay ngunit bago nio paandarin ang sasakyan ay nilingon muna siya nito. “Hindi mo man lang hinalikan ang anak mo bago ka umalis. Anong klase ka ba talagang ina?” bakas sa mga mata nito ang galit sa kaniya ng mga oras na iyon. Siya naman ang naging matalim ang mga mata ng mga oras na iyon dahil sa narinig niyang tanong nito.Anong klaseng tanong iyon? Hindi pa ba sapat na ina siya nito? Isa pa, kailangan ba talaga niyang alagaan ang batang iyon oras oras e wala na itong ibang ginawa kundi a

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 105

    MUGTO na ang mga mata ni Viviane sa kaiiyak ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin silang makuhang impormasyon tungkol sa dumukot sa kanyang anak. Wala siyang kaalam-alam na lumabas ito. Dahil sa nangyari ay hindi niya maiwasang matakot. Habang lumilipas ang oras ay patindi ng patindi ang nararamdaman niyang pagka balisa.“Wala po ba kayong alam na may galit sa kaniya?” muling tanong ng pulis sa kaniya. Sunod-sunod lang siyang napailing. “Wala naman po.” sagot niya habang nagpupunas ng mga mata. Wala siyang kasama sa istasyon ng pulis kundi tanging si Thirdy lamang. Ito raw ang pinuntahan ni Kath. Ayon sa kwento nito ay kalalabas lang nila ng gate ng mga oras na iyon dahil nagpaalam na nga itong umalis kaya nga lang ay bago pa man ito makasakay sa kotse nito ay dumating nga ang mga lalaking dumukot sa anak niya.“Pamilya? Kaibigan? Wala po ba?” muling tanong sa kaniya nito. Kanina pa siya tinatanong ng mga pulis kung meron bang kaaway ang anak niya na pwedeng gumawa ng ba

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 104

    PALINGON lingon sa kanyang likod si Lindy. Baka kasi mamaya ay sumunod sa kaniya si Noah. alam niya na hindi rin naman ito magtatagal sa bahay nila dahil babalik din ito kaagad sa burol ng kanyang ina. Alam niyang wala naman itong pakialam sa kanya kaya hindi na niya pinansin pa ang kakaibang titig nito sa kaniya kanina nang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya pwedeng hindi sagutin iyon dahil ang tauhan niya ang tumatawag at tiyak na may balita ito sa kaniya.Mahigpit niyang isinara ang pinto at nagtungo sa banyo para sagutin ang tawag. Nanatiling bukas ang pinto ng banyo para makita niya kung papasok ba doon si Noah o ano. Nag-iingat na lang din siya at baka marinig pa nito ang pag-uusapan nila ang taong tumatawag sa kaniya. “Anong balita?” kaagad niyang tanong pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag.Narinig niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. “Success boss, nakuha ko na siya.” masayang balita nito sa kaniya at masasabi niyang kahit papano ay hindi pa rin siya nito binig

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 52

    “Ano sa tingin mo?” tanong ni Melinda pagkatapos niyang maglapag ng ilang milyon sa ibabaw ng mesa. Nakita niya naman kung paano nagliwanag ang mga mata ng kaharap niya kaya sa loob loob niya ay hindi niya maiwasang hindi maging masaya.Pera lang talaga ang makakapagpasaya sa lahat. “Mukhang napala

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 51

    PABAGSAK NA UMUPO si Kath sa kanyang swivel chair pagdating niya sa kanyang opisina at pagkatapos ay napasapo sa kanyang noo. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa mga nangyari. Mabuti na lang at hindi bumagsak sa sahig si Thirdy kanina. Ang sabi naman ng family doctor ng mga ito ay hindi pa daw nakak

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 50

    HABANG KUMAKAIN SINA Kath kasama ang ama ni Thirdy at ito ay napakatahimik nilang tatlo. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita. Tanging ang kalansing lang din ng mga kubyertos ang tanging maririnig sa kusina. Hanggang sa mga oras na iyon ay paulit-ulit pa rin niyang naririnig mula sa kanyang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 49

    NAPATINGALA SI KATH sa malaking bahay na nasa harapan niya pagbaba niya ng kanyang kotse. Halos malula siya sa laki ng bahay mula sa labas dahil mukha na itong mansyon sa laki. Hindi niya akalain na ganito kayaman ang pamilya ni Thirdy.Agad siyang lumapit sa may gate dala ang bulaklak. Hindi siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status