"Sabihin mo saakin nurse ayos lang si mama hindi ba?! Hindi ba ayos lang si mama?!" alog kong sabi sa kaniya na ikinabuntong hininga naman nito. "I'm sorry miss wala na ang mama mo, dead on arrival po siya kanina at nasa morgue na po siya ngayon,"Napaatras ako dahil sa sinabi nung babae at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Napakapit ako sa aking bibig at agad na tumakbo papunta sa morgue na sinasabi nito."Miss! Miss, sandali!"Patuloy lang ang luhang tumutulo sa aking mga mata habang tumatakbo, hindi ko matanggap ang katotohanan, hindi ko kaya!Nang makarating ako sa morgue ay agad akong sumilip sa pintuan at nakita ko mula sa labas ang nag-iisang nakahiga doon at mayroong takip na kumot sa buong katawan. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob at itoy binuksan. Nang makapasok ako ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Humarap ako doon sa katawan at nananalangin na sana ay hindi ito si mama.Dahan-dahang kong tinanggal ang pagkakatakip ng puting kumot dito at tuluyang nanghin
"NAK, sigurado ka ba na sa ganito tayo titira?" Napatingin ako kay nanay dahil sa sabi nito. Hawak hawak niya si Zoey habang ako ay si Zayne naman ang hawak ko. Napatingin ako sa paligid nitong bagong nilipatan namin. Maliit siya kumpara sa bahay namin dati ngunit meron siyang kusina at isang kwarto. Maliit lang ang kwarto kakasya lamang ang higaan at konting space. Ang kusina naman ay maliit lamang din. “Wag mong masamain ang sinasabi ko anak ah? Ang ibig kong sabihin ay ayos ba sayo? Hindi ka lumaki sa ganito,” Pagkasabi ni nanay niyon ay napatingin ako sa labas ng bahay dahil doon. Squatter area. Oo hindi ako lumaki sa ganito at hindi ako sanay pero may magagawa pa ba ako? Pinaalis kami kanina sa bahay ng sapilitan. Wala akong magagawa baon na pala kami sa utang, hindi ko inaasahan iyon. Napabuntong hininga ako at napatingin sa hawak kong sanggol at sa hawak din ni nanay. “Sigurado ako nay, kaya ko ‘to at kakayanin natin. Kakayanin,” hindi rin ako sigurado sa huli kong s
NGAYON ang unang araw ng trabaho ko at excited na akong pumasok. Maaga akong umalis sa bahay para hindi ako ma-late, tulog pa ang kambal ng umalis ako, iniwanan ko nalamang nang pera si nanay para sa panggastos nila sa maghapon kasi seven ng gabi pa ang out ko. Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta sa aking trabaho dahil iisang sakay lamang ng jeep at konting lakad ay andoon na ako sa restaurant. Nakasoot ako ng fitted na palda at fitted na blouse na pinatungan ko nang blazer na black para magmuka akong pormal since I'm a manager. Pagkarating ko sa restaurant ay wala pang tao since one hour before magbukas ako pumunta maganda ng maaga kesa ma-late. Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa aking nakita, ang laki niya at ang ganda ng pagkaka design, maraming tables ang may mga flowers pa sa gitna niyon. Color white ang table cover niya at mayroong mga menu sa ibabaw ng mesa, sa tingin ko ay para makita agad ng mga customer ang list ng menu. Wala pang gaanong tao dito na nagtatrabaho
"O-oo, you we're little when we last met," mas napangiti ako dahil doon atleast meron palang mga naging kaibigan si mama. Natutuwa ako dahil doon akala ko kasi puro trabaho lang ang alam niya e. "Masaya po akong makilala ka Ms. kaso wala na ho si mama, kamamatavy lang po niya one month ago," parehong napasinghan si Talia at si Ms. Kaithy dahil sa sinabi ko. Ngunit ang mas ikinataka ko ay ang pag-iyak ni Ms.Kaithy. "Miss! Talia umiiyak si Miss!" inalalayan namin si Ms. Kaithy paupo sa malapit na upuan at kinuhaan ng tubig dahil iyak ito ng iyak. Mukang close na close talaga sila ng mama ko dahil doon. Ilang minuto itong umiiyak hanggang sa huminto na siya, nakakatuwa ang make-up niya dahil hindi manlang ito nasisira malamang ay water proof ito. "Ayos na po ba kayo?" nagaalala kong tanong sa kaniya na ikinatingin nito saakin."D-dalhin mo ako kay Erin Claire, please gusto ko siyang makita," naiiyak na sabi nito saakin kaya napaiwas ako nang tingin.Tapos na ako jaan, tapos na ako sa
MABILIS na umalis si Claire sa kaniyang trabaho pagkatapos magpaalam. Dala-dala ang bag ay dumeretsyo ito sa hospital na sinabi sa kaniya ng kaniyang nanay Lucing. Abot-abot ang kabang nararamdaman ni Claire ng mga oras na iyon dahil nasa panganib ang kaniyang anak. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung sakali man na may mangyaring masama kay Zayne.Pagkarating niya sa ospital ay tinanong niya agad sa front desk ang kwarto ng kaniyang anak. Nang makuha ay dumeretsyo ito doon at nakita niya ang kaniyang nanay lucing na nakaupo sa upuan tapat ng pinto nang kwarto at umiiyak.“Nay, anong nangyari?”Agad itong napatingin sa kaniya at tumayo.“C-claire si Zayne...” agad niyang kinuha si Zoey sa bisig ng kaniyang nanay at inilipat sa kaniya.“Nay kumalma ka walang mangyayaring masama kay Zayne okay? Ano po ba ang nangyari?”Buong tapang na sabi ni Claire dito. Kahit na natatakot din ang dalaga at nag aalala para sa anak ay kinailangan niyang tatagan ang kaniyang loob dahil siya na
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Claire sa kaniyang pinag tatrabahuhan dati ngunit ang akala niyang masayang araw na pagbalik sa trabaho ay biglang naglaho ng mayroon siyang masamang balitang natanggap. “Ms.Claire! Bumalik ka! Kamusta ka na po?!” Masayang sabi nang gaurd sa kaniya. “Ayos lang ako kuya, kayo dito? Natagalan akong nawala eh pero bumalik na ako,” nakangiti niyang sabi dito at nakita niya ang pagkagulo sa expression nito. “Bumalik ho? Hindi niyo po ba alam? May iba nang manager Ms.Claire pinalitan na po ni Ms. Two days ago,” Nawala ang ngiti sa labi ni Claire dahil sa sinabi ng gaurd sa kaniya. Parang malaking suntok sa kaniya ang narinig na iyon na mayroon ng ipinalit sa trabaho niya. Napapikit siya sa isiping hindi nga pala siya nag paalam nang maayos sa trabaho. “Ang sabi pa nga po ni Ms narinig ko lang po disappointed daw po siya sayo dahil sa biglaan mong pagkawala, hindi ka nila mahanap. Ang tagal ka nilang pinahanap,” Parang mas lalong nanghina si Claire
CLAIRE “Ma'am ito napo ang damit na susuotin niyo, magpalit kana po at ba ka magkasakit kayo,” Napatingin ako sa iniaabot niya saakin na isang paper bag, sa itsura palang nito ay halata mo nang mamahalin ang nasa loob niyon. Nalipat ang aking paningin doon sa babae at nagtataka itong nakangiti saakin. Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang paper bag pagkatapos ay pumasok sa loob ng banyo. Kumpleto ang gamit na nasa loob pati undergarments ay meron kaya napalitan ko lahat ng aking soot. Isa siyang floral dress na hanggang tuhod ko, long sleeve siya kaya nagmuka akong pormal sa aking soot mayroon din itong nasamang black flat shoes. Lumabas na ako sa loob ng banyo at napatingin ako sa salamin na nasa aking harapan. Parang nakita kong muli ang Claire na mayroon pang maayos na buhay, noong nabubuhay pa si mama. Noong mga panahon na maayos pa ang lahat. “Ang ganda niyo po,” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko doon ang babaeng nagbigay saakin nung paper bag na iyon. Nginit
KINABUKASAN ay maaga akong umalis sa bahay upang maghanap ng bagong lilipatan at sa awa ng dyos ay maaga din akong nakahanap kaya agad din kaming lumipat doon. Nagulat pa ang nagpapaupa sa biglaan naming paglipat lalo na at natutuwa ito sa kambal, nag offer pa nga ito na kahit kailan kami magbayad ay ayos lang ngunit tumanggi ako. Hindi na namin kakayanin ang limang libong paupahan kaya doon kami sa Isang libo lamang, bukod pa ang tubig at kuryente. Maliit lamang ito kumpara sa dati, dito ay kita mo na ang kusina, para siyang sala sa dati naming inuupahan tapos wala din siyang kwarto, kami nalamang ni nanay ang gumawa ng kwarto na kahoy, ang harap sa pinakang higaan namin. Walang ibang space basta malagyan lamang ng harang ang higaan. Si nanay ay sa sala nalamang daw tutulog. Nag sorry pa ako kay nanay dahil sa sitwasyon namin pero sabi niya basta magkakasama kami ay wala na siyang isasaya pa doon. Maghapon kaming nag ayos ng bahay. Hapon nang matapos at nakatulog si nanay sa so