MABILIS na umalis si Claire sa kaniyang trabaho pagkatapos magpaalam. Dala-dala ang bag ay dumeretsyo ito sa hospital na sinabi sa kaniya ng kaniyang nanay Lucing. Abot-abot ang kabang nararamdaman ni Claire ng mga oras na iyon dahil nasa panganib ang kaniyang anak. Hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung sakali man na may mangyaring masama kay Zayne.Pagkarating niya sa ospital ay tinanong niya agad sa front desk ang kwarto ng kaniyang anak. Nang makuha ay dumeretsyo ito doon at nakita niya ang kaniyang nanay lucing na nakaupo sa upuan tapat ng pinto nang kwarto at umiiyak.“Nay, anong nangyari?”Agad itong napatingin sa kaniya at tumayo.“C-claire si Zayne...” agad niyang kinuha si Zoey sa bisig ng kaniyang nanay at inilipat sa kaniya.“Nay kumalma ka walang mangyayaring masama kay Zayne okay? Ano po ba ang nangyari?”Buong tapang na sabi ni Claire dito. Kahit na natatakot din ang dalaga at nag aalala para sa anak ay kinailangan niyang tatagan ang kaniyang loob dahil siya na
KINABUKASAN ay maagang pumasok si Claire sa kaniyang pinag tatrabahuhan dati ngunit ang akala niyang masayang araw na pagbalik sa trabaho ay biglang naglaho ng mayroon siyang masamang balitang natanggap. “Ms.Claire! Bumalik ka! Kamusta ka na po?!” Masayang sabi nang gaurd sa kaniya. “Ayos lang ako kuya, kayo dito? Natagalan akong nawala eh pero bumalik na ako,” nakangiti niyang sabi dito at nakita niya ang pagkagulo sa expression nito. “Bumalik ho? Hindi niyo po ba alam? May iba nang manager Ms.Claire pinalitan na po ni Ms. Two days ago,” Nawala ang ngiti sa labi ni Claire dahil sa sinabi ng gaurd sa kaniya. Parang malaking suntok sa kaniya ang narinig na iyon na mayroon ng ipinalit sa trabaho niya. Napapikit siya sa isiping hindi nga pala siya nag paalam nang maayos sa trabaho. “Ang sabi pa nga po ni Ms narinig ko lang po disappointed daw po siya sayo dahil sa biglaan mong pagkawala, hindi ka nila mahanap. Ang tagal ka nilang pinahanap,” Parang mas lalong nanghina si Claire
CLAIRE “Ma'am ito napo ang damit na susuotin niyo, magpalit kana po at ba ka magkasakit kayo,” Napatingin ako sa iniaabot niya saakin na isang paper bag, sa itsura palang nito ay halata mo nang mamahalin ang nasa loob niyon. Nalipat ang aking paningin doon sa babae at nagtataka itong nakangiti saakin. Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang paper bag pagkatapos ay pumasok sa loob ng banyo. Kumpleto ang gamit na nasa loob pati undergarments ay meron kaya napalitan ko lahat ng aking soot. Isa siyang floral dress na hanggang tuhod ko, long sleeve siya kaya nagmuka akong pormal sa aking soot mayroon din itong nasamang black flat shoes. Lumabas na ako sa loob ng banyo at napatingin ako sa salamin na nasa aking harapan. Parang nakita kong muli ang Claire na mayroon pang maayos na buhay, noong nabubuhay pa si mama. Noong mga panahon na maayos pa ang lahat. “Ang ganda niyo po,” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko doon ang babaeng nagbigay saakin nung paper bag na iyon. Nginit
KINABUKASAN ay maaga akong umalis sa bahay upang maghanap ng bagong lilipatan at sa awa ng dyos ay maaga din akong nakahanap kaya agad din kaming lumipat doon. Nagulat pa ang nagpapaupa sa biglaan naming paglipat lalo na at natutuwa ito sa kambal, nag offer pa nga ito na kahit kailan kami magbayad ay ayos lang ngunit tumanggi ako. Hindi na namin kakayanin ang limang libong paupahan kaya doon kami sa Isang libo lamang, bukod pa ang tubig at kuryente. Maliit lamang ito kumpara sa dati, dito ay kita mo na ang kusina, para siyang sala sa dati naming inuupahan tapos wala din siyang kwarto, kami nalamang ni nanay ang gumawa ng kwarto na kahoy, ang harap sa pinakang higaan namin. Walang ibang space basta malagyan lamang ng harang ang higaan. Si nanay ay sa sala nalamang daw tutulog. Nag sorry pa ako kay nanay dahil sa sitwasyon namin pero sabi niya basta magkakasama kami ay wala na siyang isasaya pa doon. Maghapon kaming nag ayos ng bahay. Hapon nang matapos at nakatulog si nanay sa so
DALAWANG buwan ang lumipas ang unang buwan na malakas na sahod ko sa trabaho ay nawala ng maging five hours nalamang ang aking trabaho, ang buong akala ko talaga ay tuloy tuloy ang ten hours ngunit hindi pala. The more na dumadagdag ang empleyado ay the more na babawas ang oras mo, ngayon nga ay limang oras nalamang ako. Marami paring nakain sa restaurant kaya kinakailangan ng maraming employee at palitan kami sa shift. Hindi ko muling inaasahan na darating ako sa point na muling mag hihirap kami. Napansin ito ni nanay, ang pagiging madalas ko na sa bahay kesa sa trabaho, sinabi ko na nabawasan ang oras ko kaya ganoon. Nalungkot siya dahil dito ngunit mas lalong ako. Lumipas pa ang ilang linggo at hindi na talaga kinakaya ng kinikita ko ang pagpapalaki sa kambal. Tatlong buwan na ang mga ito at malalakas sa gatas at iba pa nilang pangangailangan. Kung minsan nga ay natitipid ko na sila sa gatas dahil sa kakulangan sa pambili. Hindi ko na alam kung saan pa kukuha ng pera kaya nais
UMIIYAK parin ako ng makarating ako sa tapat nang bahay ni Quinn. Hindi ko mapigilan ang aking luha ngunit hindi naman ako pwedeng magpakita kay Quinn ng ganito. Magtataka ito kung bakit at maaaring malaman niya na ako ang nagiwan ng sanggol sa tapat nila Zekiel. Mas lalo akong napaiyak dahil doon, anak ko si Zayne hindi ko kinakayang mawalay siya saakin pero kung para sa ikabubuti niya ay gagawin ko. Napaupo ako sa may gate at niyakap ang aking tuhod. Nasaakin parin ang bag na pinaglagyan ko kay Zayn ngunit pinalitan ko lamang ang laman upang kung sakaling tanungin ako ay wala silang makuhang ebidensya. Si Zayne, siya ang panganay ko. Mas napaiyak ako dahil doon, tama ba ang ginawa ko? Tama bang ibigay ko si Zayne? "Claire is that you?" Napaangat ang aking muka dahil sa pagkagulat at nakita ko si Quiin na nag tataka ngunit napalitan iyon nang pag-aalala ng makita akong umiiyak. "Claire it's you! Why are you crying?!" Mas napaiyak ako dahil sa tanong niya na halos ikangini
Tinanguan ko na lamang ang mga pulis dahil hindi parin natigil sa pag-iyak si Quinn. Hinayaan ko na lamang siya at tumahimik. Naalala ko nanaman ang anak ko, muling tumulo ang aking luha ngunit agad ko rin iyong pinunasan. Nagpaalam ako kay nanay na aalis ako para nga sa surprise ko sa birthday ni Quinn ang kaso hindi niya alam na sinama ko si Zayne. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas dose na ng madaling araw. "Quinn tumahan kana, wala kang kasalanan okay? Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan dahil basta basta nalang akong umihi sa ganoong lugar," Kailangan ko ring umuwi agad dahil maaaring magwala si nanay kapag hindi niya nakita si Zayne doon, hindi niya alam na isinama ko ito at worst ay ipinamigay ko pa sa ama nito. Humiwalay si Quinn sa pagkakayakap ko at umiling saakin. "H-hindi ito mangyayari kung—" "Shhh, tapos na yun Quinn. Ang mahalaga ay ayos na ako hindi ba? So bakit kapa ma guguilty jan?" Natahimik naman siya sa sinabi ko kaya n
Kinalong ni Zekiel ang sanggol at katulad kanina ay hindi pa 'rin maputol ang titigan nilang mag-ama. Si Zekiel ay parang mapuputol ang kaniyang hininga dahil sa nangyayari, nag uumapaw ang galak sa kaniyang puso sa di malamang dahilan. Lalo na nang buhatin niya si Zayne ay mas lalong napuno ng kasiyahan ang kaniyang puso. "Z-zayne," Hindi alam ni Zekiel pero yan ang naibigkas niya at pagkasabing pagkasabi niya niyon ay nakita nila ang masayang muka ng sanggol na naglilikot at tila inaabot ang muka niya. Hindi napigilan ni Zekiel ang pagngiti rin dahil sa kaniyang nakita na nakakuha ng reaction ng mga kasambahay dahil magkamukang magkamuka sila ultimo pagtawa. Sakto naman na napicturan ni Manang Cecelia ang tagpo na iyon at dahil nga may tunog ang pag click ng camera ay napatingin sa kaniya ang mga ito lalo na si Zekiel. "Hindi ko hahayaan na hindi makunan ang ganoong tagpo!" masayang sabi nito na ikinawala ng ngiti ni Zekiel at tumikhim. "W-where is his mother?" Hindi nap