Share

Chapter 1

After 3 years 

NAGMAMADALI akong bumaba, dahil alam kong late na ako. May interview kasi ako ngayon sa isang kumpanya.

  

"Bakit nagmamadali ka, baka madapa ka o mahulog sa hagdanan," he said. Nilingon ko siya, I better tell him that I already have a job, if matanggap man ako sa kumpanyang ito.

"May interview kasi ako ako ngayon," nagmamadali kong sabi dito. I look at my watch. Late na talaga ako. Kumuha lang ko ng sandwich at umalis na agad sa harapan nito.

"Abby!" tawag nito sa akin. I just smile at him. Bago lumabas sa pinto.

He is Niccolo De Luca. He said he is my cousin. Sa mother side ko. Siya ang nakakita sa akin at nagdala sa akin sa ospital. I didn't know anything to me. Including my name, sa'n ako nakatira, kung sino ang mga magulang ko. Kung may mga kapatid ba ako. Kung sino ako.

He said I am Abby Cullen, Ulila na ako at umalis daw ako ng bahay noong araw na maaksidente ako, dahil nag-away kaming magpinsan. He said that. Pero bakit parang may kulang sa akin. Bakit parang may hinahanap ako na di ko maintindihan.

Why, I feel so empty! Marami akong gustong itanong sa kanya, malaman. Pero alam ko. Di niya iyon sasagutin. He always change the topic, when I ask him about my past na para bang umiiwas ito sa bawat tanong ko, tungkol sa nawawala kong mga ala-ala, three years ago.

Tumanaw ako sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko. Niccolo is a simple guy. Hindi ito mayaman, sakto lang ang sweldo nito para sa aming dalawa. Kaya naisip ko na ding maghanap ng trabaho. Insakto namang nag hire ang Stuart Group of Companies.

Matagal ko ng gustong mag-apply sa kumpanya na iyon o maghanap ng trabaho, pero di ako nakakaswerte. Kaya ngayon, I grab this opportunity. Naghahanap sila ng sekretary. Tinanaw ko ang isang billboard. I always see him. He is like a God, sa sobrang gwapo niya alam kong lahat ng babae mapapasunod at napapaluhod nito isang pitik lang nang kanyang daliri.

My heart skip a beat. My heart beating so fast, everytime na nakikita ko siya o masusulyapan. Kahit sa billboard lang o sa magazine man iyan. Palaging bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang matagal ko na siyang kilala. Para bang nakasama ko na talaga siya, at sobrang pamilyar din siya sa akin.

"Nandito na po tayo." I smile at the driver. Di ko namalayan na nakarating na pala kami, dahil na rin siguro sa lalim ng iniisip ko. Kumuha na ako ng bayad at lumabas na.

Agad akong pumasok sa lobby ng kompanya. Agad kung iginala ang aking paningin sa buong kumpanya. Napakaganda naman ng kumpanya na ito.

Sa lobby pa lang, halata na talaga na di basta-basta ang may-ari o namamahala. Pero bakit parang pamilyar sa akin ang lahat ng ito. Bakit parang nakita ko na ito somewhere.

"Are you Abby Cullen?" Someone ask me. Nakatalikod ako sa nagsalita kaya pumihit ako paharap. Nanlaki ang mga mata nito at may ibinulong.

"Ma'am Amber," She whispered. Pero di ko masyadong narinig.

"Ma'am Amber!" sabi nito.

"Ano po! Hindi po ako si Amber. Abby po ang pangalan ko." Nakatulala pa rin ito sa akin.

"Sure ka ba talaga na di ikaw si Ma'am Amber?" Di makapaniwala na tanong nito sa akin. Kaya mas lalo akong nagtaka.

Kumunot ang noo ko. "N-no, I am Abby Cullen," I said.

Bakit bigla akong kinabahan. "Di ako pwedeng, magkamali. Kamukha mo kasi si Ma'am Amber. Di ka naman si Ma'am Jane di ba?" tanong niya ulit. Sa katunayan nga ay naguguluhan na ako. Di ko alam, kung bakit ganun ang inaasta ng babaeng nasa harap ko.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito?" magalang na tanong nito sa akin.

"May interview ako ngayon," sabi ko sa kanya.

"Then, your hired!" nakangiti nitong sabi sa akin.

"What? Bakit ganun kabilis."

"Kasi, kailangan na kasi nang bagong sekretary ni Sir Isiah. Dahil nagresign na ang dati nitong secretary."

Nang marinig ko ang pangalang Isiah ay may lumitaw na isang malabong imahe sa aking ala-ala. Di ko maaninag ang mukha ng isang lalaki. Masyado iyong malabo at agad naman iyong nawala. Baka nasobrahan lang ako sa init kanina.

"This way Ms Abby," nakangiti nitong sambit sa akin. Sinundan ko siya kung saan ang opisina ng magiging boss ko.

"You will be his secretary Slash assistance. Sa ngayon wala pa si Sir. Nasa seminar pa ito," sabi nito sa akin. Tumango-tango lang ako.

"This will be your table." Itinuro niya sa akin ang magiging table ko. "He need his schedule. When he arrive. Yon lang ang gagawin mo at sa mga dokumento naman ay dadaan muna sayo bago kay boss," puro tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Pag aralan mo muna ang mga bawat detalye. Kasi sa friday pa ang uwi ni boss. Kaya may time ka pang pag aralan ang bawat papeles na nandyan!"

"Nikki! Nandyan na ba si Isiah?" tanong ng isang babaeng kinulang yata sa tela. Di ba uso sa babaeng ito ang damit at bakit parang pamilyar siya sa akin?

"I'm sorry Ms. Pero di pa nakauwi si boss." Hinging paumanhin ni Nikki sa babae.

"And who is this, woman?" tanong ng babae. Nakataas ang kilay nito sa akin.

"New secretary of Sir Isiah po." Tiningnan niya ako ulo hanggang paa.

Ngumisi ito sa akin. "Don't you dare, seduce my fianceé. He is only mine." Tumaas ang kilay ko. 

Fiance? Biglang sumakit ang ulo ko, sa di ko malamang kadahilanan. May isang imahe na naman na lumitaw, pero sobrang blurred talaga.

"Hindi po paglalandi ang pinunta ko dito. Trabaho at isa pa, bakit di po, ikaw ang magsabi niyan sa BOSS KO." Pinagdiinan ko talaga ang Boss ko. Anong akala niya sa akin? Malandi? Di ako katulad niya no.

"I will tell this to Isiah. Nang matanggal ka." Tumaas ang kilay ko.

Nginitian ko siya. "Tanggal agad? Di ba pwedeng kausapin muna."

"Arrrggg! You're insane!" sigaw nito bago ito mag marcha paalis. Napahagikhik si Nikki.

"Buti nga. Akala mo naman, siya talaga ang fiancee. Kung di ko pa talaga alam ang history ng babaeng iyon, baka maniwala pa ako. Napaka ambisyosa naman kasi ng babaeng iyon. Siya kaya ang dahilan kung bakit na di natuloy ang kasal ni Sir noon."

"Di natuloy ang kasal? Bakit?" takang tanong ko.

"Ikakasal na sana si Sir Isiah at Ma'am Amber, 3 years ago, kaso biglang umatras si Ma'am Amber, dahil nahuli niya si Sir Isiah na may kasamang ibang babae sa condo nito. At iyong babaeng iyon ang kasama niya." 

Tumitig ito sa akin. Tapos napa buntong-hininga. "Kaya lang, missing in action na si Ma'am Amber. Kaya akala ko talaga na ikaw si Ma'am Amber. Kamukhang-kamukha mo talaga siya. Masyadong ding assumera ang babaeng iyon. Sa lahat ng naging babae ni boss, yon ang pabalik-balik. She always act like she's the real fianceé."

"Napaka ambisyosa nga naman talaga." Komento ko sa sinasabi ni Ms Nikki.

Isiah POV

KANINA PA ako nakauwi galing sa seminar na pinuntahan ko. Di pa sana ako uuwi kung di lang ako nabored doon.

"Any lead?" tanong ko sa kanya. Umiling ito. Napa buntong-hininga na lang ako.

"You can leave now." Yumuko muna ito bago umalis. Umupo at isinandal ko ang aking likuran sa sofa.

How can I find you, Amber? It's been 3 years since you're gone. Wala man lang trace, bigla ka na lang nawala. Magpahanap ka naman, bigyan mo ako ng sign kung nasaan ka.

"Oh, bakit parang problemado ka?" tanong ng aking kapatid na si Chiennie. Kararating lang nito.

"Di ko pa rin mahanap si Amber. Nakakafrustrate." Sinuklay ko ang aking kamay sa aking buhok.

"Kung di ka naman talagang, isa't- kalahating gago. Di sana nandito pa si Amber. She will never leave that night,"  mariin nitong sambit. Itinapon ko ang baso na may lamang alak sa pader ng pad ko.  This is getting frustrated. I looked at her sa posibleng padpadin niya, wala. She's gone and I can't found her.

When Amber came in my condo ay pinaalis ko agad ang babaeng iyon. Nanatili ako doon hanggang sa tumawag si Chiennie na nawawala daw si Amber. Pero paglabas ko ay nandoon pa rin ang babae.

Umaga na ako umuwi, dahil nagpatuloy pa kami sa paghahanap kay Amber. But I failed. Di ko na mahanap si Amber. Nasuntok pa ako ni Papa that time. Di ko naman gustong gawin iyon kay Amber. I love her so much. Pero kailangan, kahit na magalit pa ito sa akin, kamuhian ako, wag lang ito mawala sa akin ng tuluyan. She is my weakness, Amber is my weakness, ikamamatay ko kung mawawala si Amber sa akin.

Kaya, kahit na labag sa loob ko na saktan siya. I need to do that, I have my own reason, kahit na magalit pa si Papa sa akin at ang buo niyang angkan. My father is so much angry, galit na galit ito sa aking ginawa. Bakit ko daw iyon nagawa. I explain at him my reason. But I don't know if he buy it. My father is a dangerous man, Kaya kahit na  nakakatakot akong kalabanin siya. Ginawa ko pa rin. Kahit anak pa niya ako, wala pa rin akong boses sa sarili naming pamamahay.

"Your disgusting! Ano ang sabi ko sayo? Don't make a move. Di ba sinabi ko sa iyo na wag ka munang gumawa nang pwedeng ikapahamak mo o ni Amber. What have you done? If De Luca will found this, were doom!" sigaw nito sa akin.

Pinahid ko ang dugo sa aking bibig. I know De Luca, there are dangerous. Wala silang sinasanto. My father is eager to merge our company to that family so we have power too. Napalingon kaming dalawa ni Papa ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Chiennie.

"Isiah! Where is Amber! Nahanap na ba." Salubong agad sa akin ni Chiennie. She is my eldest sister. Malungkot ko itong tinignan.

Iling lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Binigo ko siya, binigo ko rin si Amber.

"Bakit kasi bigla na lang siyang umalis ng walang pasabi, baka na pa'no na iyon. HANAPIN MO SIYA, ISIAH!" maluha-luha na sigaw ni Ate Chiennie sa akin.

"What happen, Chiennie?" takang tanong ni Papa kay Ate.

"Amber is missing! She can't be found, 'Pa. Ang kotse lang nito ang nakita at gutay-gutay ang kotse nito, dahil sa pagsabog. Pero wala si Amber," lumuluhang saad ni ate.

I know Amber is her best friend. Sister to be exact. Magkapatid na ang turingan nilang magkakaibigan.

Hinarap ako ni Ate. "This is your all fault, Isiah! This is all your fault!" sigaw nito sa aking mukha. "Kung di mo iyon ginawa, di sana, di aalis si Amber sa bar na lasing." Panisisi sa akin ni ate.

"I'm gonna find her," sabi ko.

Alam kong di ko agad siya makikita. Galit na galit din sa akin si Andrew.  Muntik na niya akong mapatay that time. Pero di ako nawalan ng pag-asa that time. Pag-asa na mahahanap at mahahanap ko din si Amber.

Abby POV

AGAD AKONG bumaba at naabutan ko sa hapag-kainan si Niccolo.

"Oh! bakit nandito ka pa? Akala ko ba first day mo ngayon?" Niccolo ask me.

  

"Wala pa akong pasok, wala pa daw ang boss ko. Kaya di pa ako makakapasok. Pero may sahod naman ako." Pagmamalaki ko sa kanya.

"Ganun ba. Saan ka pala nag-apply. Baka mapahamak ka?" tanong nito sa akin. Abala ito sa pag timpla ng kape nito.

"Sa Stuart Company," nakangiti kong sabi. Nanlaki ang mga mata nito. Tila ba nabigla sa sinabi ko dito.

"Hindi nga at nakapasok ka? Ang alam ko ay mahirap makapasok d'yan," di makapaniwala nitong sabi sa akin.

"Oo nga. 'Yon din ang akala ko nong una. Napagkamalan nga ako na si Amber," natatawa kong saad. Tinitigan ko ang reaksyon nito.

"Bakit naman, baka nga mas hamak na maganda ka sa babaeng iyon," seryoso nitong saad.

Tumayo na ito at iniwan ako sa kusina. Anong nangyari doon. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon. Bigla na lang kasi nanlamig ang binata sa akin.

Niccolo POV

NANDITO AKO sa isang restaurant, kikitain ko kasi ang isang kakilala dito.

"Mukhang, magkikita at magkikita talaga sila. Tita," sabi ko, di ko siya tinignan. Abala ako sa kakatitig sa labas.

"What do you mean! Niccolo?" tanong sa akin ng tao na nasa harapan ko. Nakipagkita agad ako sa kanya ng malaman ko na nagtatrabaho si Amber kay Isiah. Baka masira ang mga plano namin.

"Nag-apply siya as a secretary kay Isiah at natanggap siya." Tumango-tango ito.

"That's good," ngiting sabi pa nito na sa akin. Isinubo nito ang cake na inorder nito kanina.

Kumunot ang noo ko. "Naririnig mo ba ang sinasabi ko Tita! Kay Isiah siya nag-apply." Natigilan ito, sabay ngisi

"Will, let her be," sabi nito. salubong ang kilay ko, dahil sa sinabi nito.

"Are you nuts. Akala ko ba----." Itinaas nito ang kamay. Kaya tumigil ako sa pagsasalita.

"Hayaan mo si Amber. Hayaan mo siya Niccolo. Tsaka she had an amnesia remember? Kahit anong pilit pa ni Isiah kay Amber, hindi niya ito maalala, basta ba patuloy mo lang siyang painumin nang gamot na iyon. Tignan natin kung hanggang saan ang kaya ni Isiah!" Ngumisi ito at sumimsim ng kape.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status