ILANG araw matapos ang proposal ni Syete ay napagpasyahan nilang bumalik sa Baguio. Tinapos nito ang trabaho sa Maynila ng mga isang linggo, nagpasalamat pa ito dahil pinakawalan siya ng mommy nito. Dalawang buwan na ang lumipas mula n'ong naging fiance niya ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na silang ikasal. Napag-usapan na rin ng pamilya kung kailan at saan gaganapin ang pinakamasayang parte ng kanilang buhay. Hindi niya ang pagiging mabilis ng mga pangyayari dahil sigurado siyang mahal niya ng labis ang nobyo kaya't handa siyang makasama ito habang buhay. "Ga, breakfast is ready," rinig niyang tawag ni Syete. Nakaharap siya sa kanyang vanity mirror habang tinititigan ang napakagandang singsing sa kanyang daliri, hindi pa rin makapaniwala na nagpropose na nga ito sa kanya. Walang humpay na ligaya ang ipinaparanas nito sa kanya. Parang napakagandang fairytale matapos ang malungkot na buhay. Nakangiti siyang
AKMANG lalapit ito sa kanya pero sumigaw siya. Ayaw niyang makita ito, ayaw niyang muling mapalapit sa balat nito. "Layuan mo ako, layuan mo ako." Halos magwala na siya. Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito, pero wala iyon sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamilipit siya sa paghagulhol. Pakiramdam niya ay lumulutang ang kanyang isip, wala siyang matinong maisip. Para siyang paulit ulit na pinapatay habang humihinga. Mariin niyang kinagat ang labi, kuyom ang mga kamao. Mas lalo siyang napapahikbi kapag nakikita ang mga larawang nagkalat sa sahig. Siguro'y itinapon iyon ng kung sino sa dalawa habang nagtatalo. "La-Langga," sambit ni Syete. Nagtangka ulit itong lumapit sa kanya pero umatras siya upang mapalayo dito. Kung noon ay ayaw niyang makita ang mga luha nito, ang nasasaktan nitong ekspresyon ngayon ay nasasabi niyang dapat lang iyon sa lalaki. "Wag mo akong tawaging langga," umiling siya habang pinagsisisihan a
NANGINGINIG ang kanyang tuhod ngunit pinilit niyang tumayo. Malalaki ang naging hakbang niya upang lapitan si Syete bago pa man ito tuluyang makapunta sa veranda. Mahigpit niya itong niyakap. Hindi niya alam kung kaya niya itong patawarin ngayon pero ayaw niyang makita itong masaktan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang luhaang mukha sa likod nito. Sabay bulong. "Ma-May babalikan ka." Natigilan ito. Nanlaki ang mga matang humarap sa kanya. Nagsisinungaling siya, pero mas pipiliin niyang magsinungaling dito kaysa ang saktan nito ang sarili. "Sumuko ka, wag mong saktan ang sarili mo."Mahigpit siya nitong niyakap. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Iniiwas niya ang mukha ng akmang hahalikan siya nito. Hindi siya makatingin diretso sa mukha nito. Nakakalungkot na ang dating halik nito na hinahanap hanap niya ay pinandidirian na niya. "Pangako? Magpapakabait ako, pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanan ko sa'yo." Bago pa man
NAG-IWAS ito ng tingin. "Pero, nahuli ako. Hindi ko siya napigilan."Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop na inaabot nito. "Siya lang diba? N'ong mga panahon na 'yon alam kong hindi lang iisang tao ang pumasok sa kwartong pinagdalhan sa'kin."Kinabahan siya dahil hindi pa rin ito makatingin deritso sa kanyang mga mata. "Marami sila pero pakiramdam ko iisang tao lang ang gumalaw sa'kin. Diba?" Pilit niyang kinukumbense ang sarili. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng mga pangyayaring 'yon, maraming boses ang narinig niya kaya't naguguluhan siya kung tama ba ang pakiramdam. Seryosong ibinalik nito ang tingin sa kanya. "Bakit parang hindi ka sigurado?""Sigurado ako," diin niya. "Pero gusto kong makumpirma mula sa'yo. Si Syete lang diba?" Natatakot siya sa magiging sagot nito. Nagkibit balikat ito. Napamura siya, nagulat rin siya sa lutong ng mga salitang lumabas sa kanyang bibig. "Bakit ayaw mong sabihin? Gusto kong kasohan ang iba
NAKAYUKO si Syete habang nakatulala sa pader. Napakainit ng lugar, walang kain, walang ligo, at walang pahinga. Pagod na pagod ang buong pagkatao niya. Di niya mapigilan ang mapaluha habang iniisip niya si Mari at ang anak nila. Kung normal na araw kayakap niya sana ngayon ang fiancee, pinagsisilbihan ito sa abot ng kanyang makakaya at oras oras na pinaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Masaya sana sila ngayon habang nag-uusap tungkol sa pagkakaroon nila ng anak. Pinunasan niya ang luha gamit at kwelyo ng damit. Lubos niyang pinagsisisihan ang nagawa noon, kung maibabalik lang niya ang mga araw hinding hindi niya gagawin 'yon. Pati sa kanyang ina ay nahihiya siya, hindi ito nagkulang ng paggabay sa kanya pero naligaw pa rin siya ng landas. Napakawalang kwenta mong tao. Hayop ka. Mas masahol pa sa demonyo ang kasamaan mo. Mapait siyang napangiti habang pinapakinggan ang mga boses sa kanyang isipan. Sa sobrang da
HINAHAPLOS ni Maria ang kanyang tiyan habang nakatanaw sa bintana ng hospital. Kagigising niya lang at nag-iisa siya sa kanyang kwarto, taimtim siyang nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos na ligtas ang kanyang anak. Wala siyang sakit na nararamdaman sa sinapupunan kaya't alam niyang mabuti ang lagay nito. Narinig niya ang pagbukas ng pinto ngunit hindi niya iyon nilingon. Naluluha siya, ramdam niya ang mga bisig ni Syete na nakayakap sa kanya bago siya tuluyang mawalan ng malay. Kailan kaya darating ang araw na magagawa niyang makalimutan ang mga haplos nito? Gusto niya nga bang kalimutan?"Mari," pamilyar na boses ni Tari. Pinahid niya ang mga luha at humarap dito. Kasama nito ang doktor. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa labi. "Glad you are awake, Mrs. Castillion."Natigilan siya sa sinabi nito, may kirot na dumaan sa kanyang dibdib. "Ba-Bayubay po." Hindi siya nagtaka kung bakit iyon ang itinawag nito sa kanya, naging laman sila
NAKAYUKO si Maria, nakakuyom ang mga kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Walang ideyang pumapasok sa isip niya kung ano ang dapat sabihin kay Syete. Napagpasyahan niyang dalawin ito bago siya umuwi sa kanilang probinsya. Tutol ang isipan niya sa desisyong ito ngunit hindi niya matiis ang puso. Gulat na gulat ito ng makita siya. Mag-isa siyang dumalaw, ni hindi niya sinabihan ang kanyang abogado pati na si Tari kung saan ang punta niya. Hindi niya magawang matitigan sa mata ang binata, samantalang ramdam niya ang titig nito mula n'ong makita siya nito. "Ku-Kumusta si baby?" Tumikhim pa ito ng ilang ulit, binasag ang katahimikan. Nasa loob sila ng isang silid, nakaupo sa magkaharap na silya na pinapagitnaan ng lamesa. Huminga siya ng malalim bago tinatagan ang kalooban, tumingin sa mga mata nito. Hinaplos niya ang tiyan. "Ayos lang siya, malusog at walang problema.""Hindi ka ba niya pinapahirapan?" Nangangalumata ito, itim a
KAHIT NA BUNTIS ay nagawa pa rin niyang tumakbo papasok sa morgue kung nasaan ang bangkay ni Doktora Elena. Pagkarating na pagkarating sa Baguio ay agad silang tumuloy doon. Naabutan niya ang mga papalabas na pulis. Hindi niya pinansin ang mga ito at tumuloy sa kung nasaan ang labi. "Calm down," bulong ni Tari sa tabi niya. Dahan dahan siyang lumapit, nanginginig na itinaas ang kamay upang alisin ang kumot sa mukha nito. Gusto niyang masiguro na si Doktora Elena nga iyon.Napatakip siya sa bibig nang bumungad sa kanya ang mukha nito, nakapikit ang mga mata. Dumako ang tingin niya sa leeg nito. Bakas doon kung saan nakatali ang lubid. Halos matumba siya sa sobrang emosyon. Napasandal siya kay Tari, habang ito ay hinahaplos ang likod niya. Umiyak siya ng umiyak. Kahit sandali lamang niya itong nakilala ay malaki ang utang na loob niya dito. "Maricris Bayubay?" Humiwalay siya kay Tari at lumingon sa lalaking tumawag sa pangalan niya. "I'm Esquivel