"SYETE? Nasaan ka?" Walang sumagot. Ilang ulit siyang kumatok pero wala pa rin. Pinihit niya ang door knob, bukas iyon kaya dahan dahan siyang pumasok. Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Hindi niya ito nakita. Bukas ang laptop nito na nasa gitna ng kama. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig, humakbang siya papalapit sa isa pang pinto kung saan nanggagaling ang ingay. Akmang bubuksan niya iyon nang mauna itong buksan ng tao sa loob. Si Syete. Nanlaki ang mga mata niya.Labis ang gulat niya nang makita ang hubad nitong katawan. Walang saplot ni isa, malinaw na malinaw sa kanyang paningin ang kabuuhan nito. Pati ang pagkalalaki nito na nakaturo sa kanya. Nakaturo sa'kin? "Bakit ako?" nausal niya. Naging blangko ang isip niya, hindi malaman ang dapat na gawin. Naikuyom niya ang mga kamao sa sobrang kaba. "Sa shopee pi pi pi pi Ang dami mi mi mi mi. Bumili li li li li," hindi niya namalayan na sa sobrang kaba kinakanta na niya ang isang online
NGITING ngiti siya nang makitang papasok si Syete. Tama nga si Princess na babalik ito sa tanghali. Kung galit ito ay hindi niya alam. Mukha namang okay ang aura maliban sa seryosong mukha. "Ready na po ang lunch, Sir," pormal niyang sabi. Kahit na ayos na ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito ay gusto niya pa ring pangatawanan na katulong lang siya ang walang lugar sa buhay nito. Tanggap niya kahit masakit.Tango lang ang natanggap niyang sagot. Ngumiti pa rin siya. Sumunod siya nang maglakad ito patungo sa dinning. Hindi niya makita si Princess matapos nitong sagutin ang tawag ng asawa. Tumikhim siya, kumuha ng plato para sa amo at ihinanda ito ng maiinom.Tamihik sila pareho, tanging kaluslos ng mga galaw niya lang ang maririnig. Gusto niyang kausapin ito pero mukhang mapapahiya siya. Baka pagsalitaan na naman siya nito ng hindi maganda."Where's Princess?" basag nito sa katahimikan. Muntik siyang mapaigtad sa gulat dahil sa bigla bigla nito
"WE HAVE to go," imporma ni Uno. Dala nito ang mga gamit nilang mag-asawa habang silang dalawa ni Syete ay nakasunod dito. "Ingat ho kayo," sabi niya at ngumiti pero agad ding umiwas nang mapansin ang masamang tingin ni Syete sa kuya nito. Humawak siya sa braso ni Syete at hindi na tumingin, ibinaling niya ang atensyon ng Princess. "Mamimiss kita."Naluluha itong yumakap sa kanya. "Kapag bumalik na kayo ng Maynila bisita kayo sa house namin, okay? Take care of Pitong Bansot, he's mabait but full of kaartehan sa katawan." Pareho silang natawa. Parang wala sa harapan nila ang pinag-uusapan. Noon naiinis siya kay Princess dahil sa pananakit nito kay Syete pero nang makasama niya ito at nakita kung gaano nito kamahal si Uno ay naiintindihan na niya ang sitwasyon. Kitang kita ang saya sa mata ng mga ito kapag tumitingin sa isa't isa. Dalangin niya na balang araw maging gan'on din sila. "Hindi kami babalik ng Maynila, we will stary her
LUTANG pa rin siya hanggang sa makarating sila sa destinasyon, town of Kibungan in Baguio. Dala dala niya ang basket ng strawberries. Nakatingala sila sa peaks na aakyatin nila. "Ang ganda pala ng Mount Tagpew, ano?" tanong niya kay Syete, pero hindi siya nakatingin sa mga mata nito. Kahit hirap ay nagpumilit itong dalhin lahat ng gamit nila mag-isa, gusto niyang tumungol pero lagi nitong sagot. Ayokong mapagod ka.Bakit pa sila nagbalak na maghiking at mountain climbing kung ayaw pala nitong mapagod siya?"Siguro kung naging bundok ka mas mataas ka pa sa Mount Tagpew." Kunot noo siyang napalingon dito, nagtataka."Bakit?"Nagkibit balikat ito. "Kasi mas maganda ka."Sabay sabay niyang naisubo ang tatlong strawberries sa pagmamadaling magpanggap na wala lang sa kanya ang sinabi nito. Napangiwi siya ng muntik siyang mabulunan. Paulit ulit na nag-echo sa tenga niya ang banat nito. "Hindi ko napaghandaan," nasab
"WAG po hindi ko na po kaya," pagmamakaawa ng babae. Tinakpan ni Syete ang kanyang tenga, nandoon na naman ang boses na pilit niyang tinatakbuhan. Ayaw niyang marining 'yon, gusto niyang lumayo sa boses ng babae. Hindi niya kayang pakinggan ang pagmamakaawa nito gabi gabi. "Parang awa mo na."Napasabunot siya, pinagpapalo ang kanyang ulo para alisin ang nasa isip. Basang basa na ng pawis ang kanyang mukha. Mariin siyang napapikit. "Lubayan mo ako," sigaw niya."SYETE! Syete, gumising ka." Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman ang malakas na sampal sa kanyang mukha. Agad niyang iginala ang tingin sa paligid. Nang makita niya ang nag-aalalang mukha ni Maria, niyakap niya ito ng mahigpit. "Stay with me," bulong niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pawis na pawis ang buo niyang mukha. Naalala niyang nasa loob sila ng tent. Hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon siya dadalawin ng masamang panaginip
LAHAT ng pagod sa pag-akyat baba sa mga bundok ay naipon sa katawan ni Mari. Napapaigik siya kapag humahakbang. Hindi siya sanay sa mga activities na ginawa pero hindi maipagkakailang nasulit at naenjoy niya ang hiking kasama si Syete.Napasigaw siya ng sa wakas ay lumapat ang likod sa malambot na kama. "It's pahinga time."Pumikit siya ngunit hindi makatulog, tumulala sa kisame. Napapangiti habang inaalala ang ilang araw nila sa hiking. Wala siyang makapang lungkot sa dibdib, purong kaligayahan. Kakatapos palang pero gusto na agad niyang maulit ang gan'ong mga tagpo. Halatang halata sa mga ngiti niya ang pagiging inlove. Ganito pala ang maging inlove 'no? Ngumingiti ng walang dahilan, masaya kahit walang ganap at maaliwalas ang tingin sa buhay. Si Syete ang nagsilbing ilaw niya, ito ang nagpaliwanag sa madilim niyang mundo na kailan may hindi niya inakalang mararanasan niya. Kahit pagod pero makatulog kaya bumangon nalang siya.
MADALING araw ng maalimpungatan si Mari. May narinig siyang malakas na kalabog. Napatingin siya sa buong paligid sa pag-aakalang may nasagi siyang bagay. Wala. Kunot noo siyang bumangon, maliwanag ang kanyang silid dahil hindi siya nagpapatay ng ilaw. Ayaw na ayaw niya sa dilim. Muli na namang kumalabog, tumayo siya upang sundan ang ingay. Paglabas niya sa kanyang silid nakita niyang bukas ang pinto ng kwarto ni Syete. Ilang hakbang palang ng mapatingin siya sa sahig, may naapakan siyang likido. Mainit at malapot iyon. "Dugo?" Bigla siyang nangilabot at nilukob ng takot. Sinundan niya ang bakas niyon, pababa ng hagdan. Malalaki ang mga hakbang niya hanggang sa napatakbo siya sa takot na baka may masamang nangyari kay Syete. "Syete?" sigaw niya. Patuloy ang kalabog at pagkabasag na naririnig niya. "Syete? Nasaan ka?" Ang dalawang baitang ay nagawa niyang hakbangin ng isa. Kahit na liwanag ng buwan na nagmumula sa labas lamang ang
"MABUTI nalang hindi pa nakabalik si Tari sa Maynila kaya agad siyang nakapunta dito." Hindi pa rin mawala sa dibdib niya ang labis na pangamba sa nangyari dito kagabi. Nasasaktan pa rin siya para dito sa tuwing nakikita ang benda sa pulso nito. Inilapag nito ang baso ng juice sa harap niya. Nasa kitchen counter sila dahil nag-aya itong magmeryenda, ayaw niya itong maggagalaw pero hindi niya ito napigilan."Did he tell you something? I mean, did he talk to you?" Nagsalubong ang kilay niya, inalala kung meron nga ba silang pinag-usapan ni Tari. Ilang sandali pa ay umiling siya. Uminom ng juice. "Wala naman, sinabi lang na alagaan kita. Bakit meron ba siyang dapat sabihin?"Umupo ito sa tabi niya, sumandal sa balikat niya. Paborito nitong gawain. "Nothing, I just thought he teases you. He's a fan of playing around.""Kahit naman gan'on ayos lang hindi naman ako seryosong tao."Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa. "Are you re