Napaatras si Araceli nang lumapit si Sixto. Wala sa sarili, napaatras pa siya muli. Kumakabog ang dibdib niya sa biglaang paglapit nito.
“A-Anong ginagawa mo?” tanong niya, pilit itinatago ang kaba.
Ngumisi si Sixto. “Stop fooling around, Araceli. You know very well what I'm doing right now,” aniya sa mapang-asar na tono. “Tell me, is it fun? Is it fun playing with me and my nephew at the same time?"
Kalmado ang boses nito pero ramdam ni Araceli ang panganib sa presensya nito. Parang isang maling galaw lang at baka tuluyan na siyang saktan.
“H-Hindi... ko alam ang mga pinagsasabi mo, Uncle Sixto. K-Kailangan ko nang balikan si Jaxon. Mauna na ako sa iyo,” nanginginig ang boses niyang sagot.
Tinangka niyang lampasan ito pero agad siyang hinarang. Mabilis siyang itinulak ni Sixto sa pader ng restroom at kinorner, dahilan upang hindi siya makalayo. Napaigik siya sa sakit. Walang pakialam ang lalaki kung masaktan man siya.
“A-Aray! Anong problema mo?!” reklamo niya habang masakit ang likod. Pakiramdam niya’y may nabaling buto sa lakas ng pagtulak nito.
Sa gilid ng mata, napansin niyang may tatlong kababaihang mukhang mga estudyante ang dapat sana’y papasok sa restroom. Ngunit nang makita ang sitwasyon, nag-atubili ang mga ito at agad na tumalikod.
Kailangan niyang makaalis bago pa makita ni Jaxon ang ganitong tagpo.
Lalo pang bumagsik ang tingin ni Sixto. “Stop acting so innocent. A woman like you can’t fool me. I know you were the woman last night.”
Napaigtad siya nang marahas nitong hatakin ang kanyang braso.
“Gold digger. Stay away from my nephew. After seducing me last night, now you're planning to get under Jaxon's pants too?”
Pinilit niyang bawiin ang braso mula sa kanya. “A-Ano ba! Nasasaktan ako!”
Sobrang higpit ng pagkakahawak nito. Ramdam niya ang pamumuo ng pasa sa balat.
“Masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo pa tinigilan ang kabaliwan mo. Bitches like you will never bring any good. Alam ko na ang mga taktika ng mga kagaya mo.”
Kinabahan siya sa banta pero pinilit niyang lakasan ang loob. Itinulak niya si Sixto palayo at sa wakas, binitawan na siya nito.
“Hindi ako kagaya ng iniisip mo. I'm not a gold digger!” sigaw niya habang nagsisimula nang mamuo ang luha sa mga mata.
Hindi na niya napigilan. Lahat ng frustration, takot, at pangamba ay sumambulat sa kanya. Hindi na niya kayang itago pa.
Napatingin si Sixto sa kanya, halatang natigilan sa pag-iyak niya. Pinilit niyang punasan ang sariling luha, ayaw niyang magmukhang kaawa-awa.
“Hindi ko alam kung bakit ako ang sinisisi mo! You should be the one to be blamed here. Ano sa tingin mo ang iisipin ni Jaxon kapag nalaman niyang nilapastangan mo ang girlfriend ng pamangkin mo?!”
Hindi makapaniwalang tumitig si Sixto sa kanya. “What? Seriously? Now you're putting the blame on me? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang bigla na lang pumasok sa kuwarto ko kagabi.”
“I-I was drunk...” bulong ni Araceli.
Tama siya. Siya nga ang may kasalanan. Hindi sapat na rason ang pagkalasing para ma-justify ang ginawa niyang pagtataksil kay Jaxon.
Ang totoo, ni hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari noong gabing iyon. Mababa lang ang alcohol content ng ininom nila at hindi naman ganoon karami, pero bigla na lang siyang nakaramdam ng hilo at panlalabo ng paningin. At pagkatapos, wala na siyang maalala.
Tinakpan niya ang mukha gamit ang mga palad at tuluyang humagulhol. Sinasakal siya ng guilt.
“I-I thought I was with Jaxon that night. I-If only I knew this would happen... I-I...” Hindi na niya natapos ang sinasabi, dahil hindi na niya kinaya pa at napasubsob na lang sa pag-iyak.
Naglabasan ang lahat ng emosyong matagal na niyang kinikimkim.
Naawa si Araceli sa sarili niya. Isa na siyang maruming babae sa paningin ni Jaxon, at baka hindi na rin matuloy ang kasal nila dahil sa nangyari. Tatlong taon na sila ni Jaxon. Sa totoo lang, ang petsa ng kasal sana nila ay dapat naging anibersaryo ng relasyon nila. Pero mukhang hindi na ito mangyayari. Ang kinabukasang pinangarap niya kasama ang lalaking mahal niya... lahat ng iyon ay posibleng maglaho na lang dahil sa isang gabing pagkakamali.
Tama ang Lola niya. Siya ang magdurusa sa pag-ibig bilang kapalit ng pagtataksil ng kanyang ama sa kanyang ina. Nakakatawang isipin na siya ngayon ang naghihirap, kahit wala naman siyang ginagawang masama. Akala niya may pagkakataon na rin siyang maging masaya.
"What's happening here? Ara? Uncle?"
Napahinto siya sa pag-iyak nang marinig ang papalapit na boses ni Jaxon. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa pisngi pero huli na. Nakatayo na ito sa harapan niya, at kita sa mukha ang pagtataka at pag-aalala.
"Ara, bakit ka umiiyak? What happened?" Tanong nito, puno ng pagkabahala, sabay yakap sa kanya.
Wala pa rin itong ideya sa katotohanan. Hindi inaasahan ni Araceli na mararamdaman pa niya ang init ng yakap nito. Nakakapanatag, nakakakonsensya.
Ni hindi alam ni Jaxon kung ano ang nagawa niya... at heto siya, niyayakap siya nang buong lambing. Mas lalo lang gumapang ang guilt sa dibdib niya. Kung sakaling malaman ng binata ang totoo, baka tuluyan na siyang kamuhian. Pero kung darating man ang araw na mangyari iyon, tatanggapin niya nang buo. Mas kaya pa niyang tiisin ang galit ni Jaxon kaysa makita itong nasasaktan. Ganun kalalim ang pagmamahal niya rito.
"Jaxon..." Mahinang tawag niya habang patuloy pa rin sa pagyakap.
Sandaling tumingin si Sixto sa kanya, saka muling ibinaling ang paningin kay Jaxon.
Hinintay ni Araceli ang mga susunod nitong sasabihin. Hinanda na niya ang sarili na mabisto sa harap ng taong mahal niya. Pero laking gulat niya sa sumunod na sinabi ni Sixto.
"It's nothing. I'm just telling her that I will give my blessing and support to the both of you... she suddenly felt emotional."
Nagulat siya. Hindi niya inakalang pagtatakpan siya nito. Akala niya ay tuluyan na siyang ilalaglag. Pero hindi. Hindi siya ipinahamak ni Sixto, taliwas sa inaakala niyang mangyayari.
"Mabuti pa't bumalik na tayo sa table natin. We should celebrate this lovely occasion," dagdag pa ni Sixto.
Wala nang nagawa si Araceli kundi sumunod kay Jaxon habang hinila siya pabalik sa mesa. Puno ang dibdib niya ng halo-halong emosyon habang naglalakad sila.
Kasunod pa rin si Sixto, ngunit hindi na ito muling naupo.
"I have something important to attend to. Maiwan ko na kayo."
"This instant?" gulat na tanong ni Jaxon.
"Yes. It's an emergency. I will go now."
Bago pa tuluyang umalis si Sixto, napatitig pa ito sa kanya. Sandaling titig na hindi niya mabasa kung may galit, awa, o lungkot. Tahimik itong lumabas ng restaurant.
Nakahinga siya ng maluwag. Para bang may tinik na natanggal sa lalamunan niya. Wala na si Sixto, at kasama nito ang bigat na naramdaman niya kanina.
Hindi niya alam kung bakit pinili ni Sixto na manahimik, pero sigurado siyang ayaw rin nitong masaktan ang anak niya. Kaya siguro pinili nitong magtimpi.
Tinangka niyang kainin ang pagkaing nasa harap niya. Wala na siyang ganang kumain, pero pinilit pa rin niya ang sarili. Para kay Jaxon. Para sa kanilang dalawa, kung meron pa ngang "sila."
"I've already talked with our event organizer. Naayos na ang lahat kaya wala na tayong iintindihin pa," wika ni Jaxon. "Thanks to your ideas. Mas nakilala ako bilang rightful heir ng business namin. It was all because of you."
Tinutukoy nito ang mga project na siya mismo ang nagplano. Bahagyang ngumiti si Araceli. Isang mapait na ngiti.
Hinalikan siya ni Jaxon sa pisngi. Mabilis at marahan ang mga halik nito, pababa sa leeg niya. Malamyos, may kasamang init.
"I can't wait to spend a night with you."
Bago pa ito tuluyang bumaba ulit, pinatigil na niya.
"S-Stop it, Jaxon..."
Umungot ito. "Don't be shy, babe. Ilang araw na lang ay ikakasal na tayo. Magagawa na natin ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin sa 'yo..."
Bakas sa mga mata nito ang pagnanasa. Noon ay nasasabik din siya, pero ngayon ay wala na. Wala na ang sigla. Wala na ang pananabik. Natatakot siya.
"P-Paano k-kapag nalaman mong hindi ikaw ang makakauna sa akin?"
Nangunot ang noo ni Jaxon sa tanong niya. "Ayoko sa babaeng natikman na ng iba. I hope you won’t disappoint me, Ara."
Napayuko siya. Alam niyang may karanasan na rin si Jaxon, pero sa mga sinabi nito, malinaw na hindi ito patas. Para sa lalaki, iba ang kalakaran. Iba ang pamantayan. At hindi na siya nagulat. Pero mas lalo lang bumigat ang dinadala niya.
Hindi na siya birhen gaya ng inaakala nito. May nakauna na sa kanya. Paniguradong madidismaya ito.
Kahit matagal na silang nagsasama sa iisang bubong, wala pa ring nangyayari sa kanila. Naniniwala kasi si Araceli sa kasal bago ang lahat. Ngunit isang gabi, nadala siya ng emosyon. Bumigay siya sa maling pagkakataon.
"Why did you ask, anyway?"
"W-Wala. Napaisip lang ako. M-Mabuti pang kumain na tayo."
Tahimik na lang silang kumain. Si Jaxon, parang wala lang. Pero para kay Araceli, iba ang katahimikang iyon. Masakit. Mabigat.
At hindi na niya alam kung paano pa malalampasan ang lahat ng nangyari.
Alas onse ng umaga ay nagpaalam na si Araceli sa mga kasamahan at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho. Saglit siyang tumigil upang silipin ang kanyang cellphone. Nag-chat siya kay Jaxon, sinabihan itong break time na nila. Inaya kasi siya nito na lumabas para sabay silang mag-lunch ngayon.Wala pang reply. Malamang ay may ginagawa pa ito. Ito ang unang beses na siya ang nagyayang kumain sa labas kaya hindi maikakaila ang excitement na nararamdaman niya. Palagi kasi itong abala, kaya matagal na rin niyang iniintindi ang kakulangan nito sa oras.Nabalik ang isip niya sa kasalukuyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Black SUV. Sa dami ng puwedeng pagparadahan, sa harapan pa talaga niya ito tumigil. Hindi niya alam kung tanga lang ba ang driver o sadyang nagyayabang lang ng mamahaling sasakyan.Hindi na sana niya ito papansinin nang bumukas ang pinto. Dalawang lalaking nakasuot ng all black ang lumabas. May mga earpiece silang suot sa tenga
Napaatras si Araceli nang lumapit si Sixto. Wala sa sarili, napaatras pa siya muli. Kumakabog ang dibdib niya sa biglaang paglapit nito.“A-Anong ginagawa mo?” tanong niya, pilit itinatago ang kaba.Ngumisi si Sixto. “Stop fooling around, Araceli. You know very well what I'm doing right now,” aniya sa mapang-asar na tono. “Tell me, is it fun? Is it fun playing with me and my nephew at the same time?"Kalmado ang boses nito pero ramdam ni Araceli ang panganib sa presensya nito. Parang isang maling galaw lang at baka tuluyan na siyang saktan.“H-Hindi... ko alam ang mga pinagsasabi mo, Uncle Sixto. K-Kailangan ko nang balikan si Jaxon. Mauna na ako sa iyo,” nanginginig ang boses niyang sagot.Tinangka niyang lampasan ito pero agad siyang hinarang. Mabilis siyang itinulak ni Sixto sa pader ng restroom at kinorner, dahilan upang hindi siya makalayo. Napaigik siya sa sakit. Walang pakialam ang lalaki kung masaktan man siya.“A-Aray! Anong problema mo?!” reklamo niya habang masakit ang liko
What does he mean by that?Teka, kilala ba niya ito? Pero paano?Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pamilyar sa kanya ang kulay ng mga mata nito. Brown. Parang nakita na niya ito noon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung saan. Kaya pala parang pamilyar ang boses. Siya. Siya ang lalaking kasama niya kagabi. Ang estrangherong kumuha ng kanyang pagkabirhen.“I-Ikaw?!” bulalas niya, halos hindi makapaniwala.Hindi niya akalaing ang lalaking iyon ay si Sixto Borbon, ang Uncle ng kanyang nobyo. Palagi niyang naririnig ang pangalan nito kay Jaxon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sixto Borbon? Sa edad na treinta y uno, punong-puno na ito ng tagumpay. May negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Araceli. Sa lahat ng lalaking puwedeng makasama niya sa isang gabing pagkakamali, bakit pa kailangang siya ang mapili ng tadhana? Ang Uncle pa mismo ng nobyo niya?“You know each other?” tanong ni Jaxon ha
Pinilit ni Araceli na imulat ang mga mata sa kabila ng panlalabo ng mga ito at pinagmasdan ang binatang nagbibigay init sa kanyang katawan. Siguro nga tama ang sabi nila, mas matindi pa sa ligaya ang nararamdaman kapag ang taong minamahal mo ang kasama mo. Ngunit iyon lang ang akala niya. Dahil pagkatapos ng gabing iyon, natuklasan niyang hindi ang lalaking mahal niya ang nasa tabi niya sa kama.Madilim ang kuwarto kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsilbing ilaw niya, pero naging balakid ito, lalo na't malabo pa ang paningin niya dahil sa epekto ng alak."Hindi ka ba napapagod?" naitanong niya kahit ramdam na ramdam ang pagod sa katawan dahil sa walang tigil na pag-akit ng lalaki sa kanya.Kaninang umaga nila ito ginawa, pero tila hindi ito nakararamdam ng kapaguran. Para kay Araceli, para siyang lantang gulay sa sobrang pagod. Parang may balak pang laspagin siya ng lalaki.Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ga