แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Author Jonalyn
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-09 13:11:05

Alas onse ng umaga ay nagpaalam na si Araceli sa mga kasamahan at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho. Saglit siyang tumigil upang silipin ang kanyang cellphone. Nag-chat siya kay Jaxon, sinabihan itong break time na nila. Inaya kasi siya nito na lumabas para sabay silang mag-lunch ngayon.

Wala pang reply. Malamang ay may ginagawa pa ito. Ito ang unang beses na siya ang nagyayang kumain sa labas kaya hindi maikakaila ang excitement na nararamdaman niya. Palagi kasi itong abala, kaya matagal na rin niyang iniintindi ang kakulangan nito sa oras.

Nabalik ang isip niya sa kasalukuyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Black SUV. Sa dami ng puwedeng pagparadahan, sa harapan pa talaga niya ito tumigil. Hindi niya alam kung tanga lang ba ang driver o sadyang nagyayabang lang ng mamahaling sasakyan.

Hindi na sana niya ito papansinin nang bumukas ang pinto. Dalawang lalaking nakasuot ng all black ang lumabas. May mga earpiece silang suot sa tenga. Sa unang tingin, aakalain mong mga bodyguard ng mafia ang mga ito.

Huminto ang isa sa harapan niya mismo. Sumunod agad ang isa pa.

"Ikaw ba si Araceli Gonzalo?" tanong ng nasa unahan.

Napaatras si Araceli. Nabigla siya nang marinig ang pangalan niya mula sa bibig ng hindi kakilala. Paano nito nalaman ang pangalan niya? At teka lang, huwag sanang mafia talaga ang mga ito. Pero bakit siya? Ni wala siyang atraso kahit kanino.

Hindi naman nabanggit ni Jaxon na may pinapunta ito para sunduin siya. Siguradong hindi galing kay Jaxon ang dalawang lalaking ito.

Kahit kinakabahan, sinikap niyang itago iyon. "H-Hindi. Hindi ako 'yan."

Nagkatinginan ang dalawa. Parang nag-uusap gamit lang ang mga matang natatakpan ng shades.

Akala ni Araceli ay tatantanan na siya ng mga ito. Sinubukan niyang lumakad palayo pero nagulat siya nang hawakan siya ng isa sa braso habang ang kasama nito ay pumuwesto sa likuran para itulak siya papasok sa kotse.

"N-No! Bitiwan n'yo ako! Ano ba 'to?!"

Pinilit niyang pumiglas pero masyado silang malalaki para sa kanya. Anong laban ng katawan niyang payat sa mga ganoon? Anong problema ng mga lalaking ito?

"Hindi nga ako 'yung hinahanap n'yo!" sigaw niya. "Bitiwan n’yo ako kung hindi, tatawag ako ng pulis! Kidnapping 'to!"

Wala silang pakialam sa mga sinasabi niya. Hindi niya kilala ang mga ito, at hindi niya rin alam kung ano ang gusto nila. May masamang kutob siya.

Nasaan na si Jaxon? Nag-usap silang magkita sa lunch, pero hindi pa rin ito nagpapakita.

"Hoy!" isang sigaw ang pumunit sa hangin.

Natigilan ang mga lalaki. Lumingon din si Araceli. Ang katrabaho niyang si Jonas. Patakbo itong lumapit sa kanila at halatang nabigla sa nakita.

"Bitiwan n'yo siya!" sigaw nito. "Anong kailangan n’yo kay Araceli?"

Muntik nang maiyak si Araceli. Pakiramdam niya ay may pag-asa na, pero agad din iyong nawala.

"Gago ka talaga," bulong niya sa isip. Bakit kailangan pa nitong banggitin ang pangalan niya?

Gumalaw si Jonas para tulungan siya pero hinarang siya ng isa. Tumigil ito sa harapan ni Jonas, saka marahas na tinaas ang damit para ipakita ang baril na nakasukbit sa bewang.

Pareho silang napako sa kinatatayuan. Nanatiling humihila ang isa kay Araceli habang ang takot ay gumagapang sa buo niyang katawan. Hindi na siya nakapagsalita. Wala na siyang nagawa nang tuluyan siyang kinaladkad papasok sa kotse.

Isinakay siya sa likod. Ang mga lalaki ay naupo sa unahan.

"Sino ba kayo? Anong kailangan n’yo sa akin? Wala akong ginagawang masama!" galit niyang kalampag sa bintana. Pero lalo lang siyang nainis nang maramdamang halos manhid ang kamao niya. Bulletproof ang bintana.

"Sa kanila wala, pero sa akin meron."

Napalingon siya sa kaliwa nang marinig ang boses. Nanglaki ang mga mata niya.

"I-Ikaw?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Si Uncle Sixto.

"A-Anong... ibig sabihin nito? Huwag mong sabihing ikaw ang nag-utos sa kanila na kidnapin ako?" nanginginig ang boses niya sa galit.

Nalukot ang mukha ng lalaki. "Hindi kita kinidnap. Gusto lang kitang makausap kaya pina-pick up kita."

Tiningnan siya ni Araceli na parang baliw.

"Sino bang matinong tao ang nagpapakuha ng babae na parang kriminal? May baril pa ang mga tauhan mo!"

Tumalikod siya at tinangkang buksan ang pinto. Sarado. Hindi man lang gumalaw ang lock.

"Pagbuksan mo 'to!" sigaw niya. "Kapag hindi mo ako pinalabas, tatawag talaga ako ng pulis! Kidnapping—hindi, attempted murder na 'to!"

Wala siyang pakialam kung OA siya. Mas okay na ang magmukhang OA kaysa makulong sa loob ng kotse kasama si Sixto.

"Can you please stop overreacting? Naiirita na ako sa ingay mo."

"Ano ba kasing gusto mo sa akin?!"

Wala na dapat silang pag-usapan. Ang nangyari noong gabing iyon ay matagal nang dapat nilibing sa limot. Araw-araw ay kinukuwestiyon niya ang sarili niya dahil sa guilt na dala-dala niya.

"I’ll be straight to the point. I want you to break up with my nephew."

Napatitig siya rito. "Anong sabi mo?"

"I want you to break up with Jaxon. Be with me at iwan mo siya."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Caught In Uncle's Arms   Chapter 4

    Alas onse ng umaga ay nagpaalam na si Araceli sa mga kasamahan at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho. Saglit siyang tumigil upang silipin ang kanyang cellphone. Nag-chat siya kay Jaxon, sinabihan itong break time na nila. Inaya kasi siya nito na lumabas para sabay silang mag-lunch ngayon.Wala pang reply. Malamang ay may ginagawa pa ito. Ito ang unang beses na siya ang nagyayang kumain sa labas kaya hindi maikakaila ang excitement na nararamdaman niya. Palagi kasi itong abala, kaya matagal na rin niyang iniintindi ang kakulangan nito sa oras.Nabalik ang isip niya sa kasalukuyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Black SUV. Sa dami ng puwedeng pagparadahan, sa harapan pa talaga niya ito tumigil. Hindi niya alam kung tanga lang ba ang driver o sadyang nagyayabang lang ng mamahaling sasakyan.Hindi na sana niya ito papansinin nang bumukas ang pinto. Dalawang lalaking nakasuot ng all black ang lumabas. May mga earpiece silang suot sa tenga

  • Caught In Uncle's Arms   Chapter 3

    Napaatras si Araceli nang lumapit si Sixto. Wala sa sarili, napaatras pa siya muli. Kumakabog ang dibdib niya sa biglaang paglapit nito.“A-Anong ginagawa mo?” tanong niya, pilit itinatago ang kaba.Ngumisi si Sixto. “Stop fooling around, Araceli. You know very well what I'm doing right now,” aniya sa mapang-asar na tono. “Tell me, is it fun? Is it fun playing with me and my nephew at the same time?"Kalmado ang boses nito pero ramdam ni Araceli ang panganib sa presensya nito. Parang isang maling galaw lang at baka tuluyan na siyang saktan.“H-Hindi... ko alam ang mga pinagsasabi mo, Uncle Sixto. K-Kailangan ko nang balikan si Jaxon. Mauna na ako sa iyo,” nanginginig ang boses niyang sagot.Tinangka niyang lampasan ito pero agad siyang hinarang. Mabilis siyang itinulak ni Sixto sa pader ng restroom at kinorner, dahilan upang hindi siya makalayo. Napaigik siya sa sakit. Walang pakialam ang lalaki kung masaktan man siya.“A-Aray! Anong problema mo?!” reklamo niya habang masakit ang liko

  • Caught In Uncle's Arms   Chapter 2

    What does he mean by that?Teka, kilala ba niya ito? Pero paano?Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pamilyar sa kanya ang kulay ng mga mata nito. Brown. Parang nakita na niya ito noon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung saan. Kaya pala parang pamilyar ang boses. Siya. Siya ang lalaking kasama niya kagabi. Ang estrangherong kumuha ng kanyang pagkabirhen.“I-Ikaw?!” bulalas niya, halos hindi makapaniwala.Hindi niya akalaing ang lalaking iyon ay si Sixto Borbon, ang Uncle ng kanyang nobyo. Palagi niyang naririnig ang pangalan nito kay Jaxon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sixto Borbon? Sa edad na treinta y uno, punong-puno na ito ng tagumpay. May negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Araceli. Sa lahat ng lalaking puwedeng makasama niya sa isang gabing pagkakamali, bakit pa kailangang siya ang mapili ng tadhana? Ang Uncle pa mismo ng nobyo niya?“You know each other?” tanong ni Jaxon ha

  • Caught In Uncle's Arms   Chapter 1

    Pinilit ni Araceli na imulat ang mga mata sa kabila ng panlalabo ng mga ito at pinagmasdan ang binatang nagbibigay init sa kanyang katawan. Siguro nga tama ang sabi nila, mas matindi pa sa ligaya ang nararamdaman kapag ang taong minamahal mo ang kasama mo. Ngunit iyon lang ang akala niya. Dahil pagkatapos ng gabing iyon, natuklasan niyang hindi ang lalaking mahal niya ang nasa tabi niya sa kama.Madilim ang kuwarto kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsilbing ilaw niya, pero naging balakid ito, lalo na't malabo pa ang paningin niya dahil sa epekto ng alak."Hindi ka ba napapagod?" naitanong niya kahit ramdam na ramdam ang pagod sa katawan dahil sa walang tigil na pag-akit ng lalaki sa kanya.Kaninang umaga nila ito ginawa, pero tila hindi ito nakararamdam ng kapaguran. Para kay Araceli, para siyang lantang gulay sa sobrang pagod. Parang may balak pang laspagin siya ng lalaki.Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ga

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status