What does he mean by that?
Teka, kilala ba niya ito? Pero paano?
Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pamilyar sa kanya ang kulay ng mga mata nito. Brown. Parang nakita na niya ito noon.
Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung saan. Kaya pala parang pamilyar ang boses. Siya. Siya ang lalaking kasama niya kagabi. Ang estrangherong kumuha ng kanyang pagkabirhen.
“I-Ikaw?!” bulalas niya, halos hindi makapaniwala.
Hindi niya akalaing ang lalaking iyon ay si Sixto Borbon, ang Uncle ng kanyang nobyo. Palagi niyang naririnig ang pangalan nito kay Jaxon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sixto Borbon? Sa edad na treinta y uno, punong-puno na ito ng tagumpay. May negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Araceli. Sa lahat ng lalaking puwedeng makasama niya sa isang gabing pagkakamali, bakit pa kailangang siya ang mapili ng tadhana? Ang Uncle pa mismo ng nobyo niya?
“You know each other?” tanong ni Jaxon habang palipat-lipat ang tingin sa kanila.
Umiling siya agad. “H-Hindi. Nakita ko lang siya sa mga magazines. Ngayon lang talaga kami nagkakilala..."
Hindi niya alam ang dapat gawin. Natatakot siyang malaman ni Jaxon ang totoo. Paano kung malaman nito ang nangyari sa kanila ng sariling Uncle niya? Baka isipin nitong isa siyang babaeng walang hiya. Inilaan niya ang sarili para sa kasal nila, pero dahil sa isang gabing kahinaan, ibinigay niya ito sa isang estranghero. At ngayon, nalaman niyang ang estrangherong iyon ay si Sixto Borbon.
“Uncle Sixto, meet my fiancée, Araceli Gonzalo,” sabi ni Jaxon sabay yakap sa bewang niya.
Napansin niyang sumunod ang mga mata ni Sixto sa pagkilos na iyon. Hindi niya alam kung guni-guni lang, pero biglang nag-iba ang aura ng lalaki. Parang mas naging matalim ang tingin nito.
“Babe, this is my father’s younger brother, Uncle Sixto,” dagdag ni Jaxon. “You can call him Uncle.”
Hindi alam ni Araceli kung paano siya magpapakilala. Parang kagabi lang ay 'Daddy' ang tawag niya rito habang binabayo siya nito sa kama. Ngayon, kailangan na niyang tawaging 'Uncle.'
Nagbalik lang siya sa ulirat nang bahagyang higpitan ni Jaxon ang yakap sa kanya. Parang sinenyasan siyang magsalita gamit ang mga mata nito.
Napabuntong-hininga siya at iniabot ang kamay kay Sixto. “N-Nice to meet you po, Uncle. I’m Ara... Araceli..."
Pinilit niyang ngumiti. Tiningnan ni Sixto ang kamay niya nang matagal, kaya akala niya ay hindi nito tatanggapin iyon. Mabuti na lang at inabot rin sa huli.
“I’m Sixto Borbon, Jaxon’s Uncle.”
Nagtagpo ang mga mata nila. Lalong humigpit ang kaba sa dibdib niya. Magkapareho sila ng mata ni Jaxon, ngunit mas matingkad at halos itim ang kay Jaxon. Kay Sixto, maliwanag at halos kumikislap ang light brown nitong mga mata kahit hindi pa nasisinagan ng araw.
Napansin niyang hindi rin sila magkamukha. Mas halatang banyaga si Sixto. May dugong Italiano ito at natural brunette.
Nagulat siya nang bahagyang pisilin ni Sixto ang kanyang kamay bago pakawalan. Ngumiti ito sa kanya, isang ngiting magaan na tila walang nangyari. Hindi niya alam kung pinipilit lang ng lalaki ang pakikitungo o sadyang hindi siya nito nakilala.
Sana nga ay hindi siya nito namukhaan. Madilim ang paligid kagabi. Posible rin naman na nagkamukha lang sila ng ibang babae sa paningin nito. Siya nga ay hindi rin ito agad nakilala, kaya sana ganoon din ang sa kanya.
“Then, let’s eat,” sabi ni Jaxon.
Naupo sila ni Jaxon sa tabi ng isa’t isa habang sa tapat nila nakaupo si Sixto. Hindi siya makatingin nang direkta sa lalaki. Sa tuwing nagtatawiran ang kanilang mga mata, naiisip niya lang ang lahat ng nangyari kagabi.
Sobrang awkward ng paligid. Hindi siya mapakali habang binabagabag ng matinding guilt. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi, ang pagkakamali na hindi niya na dapat pinayagang mangyari.
Kasabay ng takot na baka maalala ni Sixto kung sino talaga ang babaeng kasama niya sa hotel. Ayaw niyang malaman ni Jaxon ang totoo. Ayaw niyang isipin ng nobyo na tinraydor niya ito—at hindi lang basta tinraydor, kundi sa sarili pa nitong uncle.
"Buti naman at naisipan mong bumalik ulit dito sa Pilipinas, Uncle Sixto, after sixteen years," bungad ni Jaxon habang nakangiti. "Are you planning on staying here for good?"
Nanatiling tahimik si Araceli sa tabi. Hinayaan lang niyang mag-usap ang dalawa. Alam niyang wala siyang mukhang maihaharap kay Sixto, lalo na’t pagkatapos ng nangyari kagabi. Kung alam lang niya kung saan hahantong ang lahat, sana hindi na siya sumama kay Kanata nung gabing iyon.
Sana lang puwedeng ibalik ang oras. Kung puwede lang, babaguhin niya ang desisyon niya. Hinding-hindi siya sasama sa club, at mananatili na lang sana siya sa bahay.
“Yes,” tipid na sagot ni Sixto. “I’m planning to settle down here in the Philippines.”
Mas gusto pa nga niya sana na doon na lang ito tumira sa ibang bansa. Kahit doon na lang mamatay si Sixto. Basta huwag lang dito. Para kahit papaano, mabawasan ang bigat ng konsensya niya.
Natuwa si Jaxon sa sagot ng kaniyang uncle. “Good to hear that. Where are you planning to stay then? Why don’t you live with us in the mansion? Mas marami, mas masaya, at sigurado akong matutuwa si Mommy at Daddy kapag nalaman nilang dito ka na sa Pilipinas titira.”
Nanlaki ang mata ni Araceli nang marinig ang mungkahing iyon. Ano raw? Sa iisang bahay? Kasama si Sixto?
Hindi puwede.
“B-Babe... ahm, sa tingin ko b-baka hindi maging comfortable si Uncle Sixto sa mansion. I just don’t want him to feel awkward with us,” ani Araceli, pilit na pinapakalma ang sarili.
Ngayong katabi pa lang niya si Sixto sa iisang mesa ay hindi na siya makahinga ng maayos. Paano pa kung sa iisang bubong sila titira?
“Well, I don’t have a problem with that,” sagot ni Sixto habang pinupunasan ang labi ng towel. Napalingon sa kanya si Araceli. “Mas maganda rin na magkakasama tayo. In that way, I can protect my nephew from any bitches that will try to shackle him.”
Alam ni Araceli kung sino ang tinutukoy nito. Wala nang paligoy-ligoy pa, siya ang pinapatamaan ni Sixto. Ayaw nito sa kaniya. At alam niya kung bakit.
“Come on, Uncle. I’m not a kid anymore. You don’t need to worry about me. I can handle myself,” sagot ni Jaxon, clueless sa tensyon sa pagitan ng dalawa.
“I’m just making sure,” muling tugon ni Sixto.
Muling binalot ng katahimikan ang paligid. Dumating ang waiter. Habang inaasikaso ni Jaxon ang order, nagdesisyon si Araceli na bumangon.
“M-Magba-banyo lang muna ako..."
Hindi na siya naghintay ng sagot. Nagmadali siyang tumayo at tinungo ang restroom. Hindi siya makahinga ng maayos habang kasama ang dalawa. Parang may nakapatong sa dibdib niya. Marahil ay dahil sa konsensya. Habang tumatagal na kasama niya si Jaxon, mas lalo siyang nilalamon ng guilt.
Tumingin siya sa salamin. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi niya maintindihan kung anong nagustuhan ni Jaxon sa kaniya. Sa dami ng babaeng magaganda at modelo na gusto ito, bakit siya pa?
Naglabas siya ng face powder mula sa pouch at nagsimulang mag-retouch. Ayaw naman niyang magmukhang multo sa harap ni Jaxon. Baka lalo pa siyang iwan nito. Kahit madalas sabihing maganda siya, palagi pa rin siyang nai-insecure kapag kasama si Jaxon.
Sinigurado niyang hindi halata ang mga kiss marks na iniwan sa kanya ni Sixto. Para yatang sinadya nitong punuin ang katawan niya ng marka. Buti na lang at natakpan ng foundation.
Napabalik siya sa ulirat nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone. Kinuha niya ito mula sa pouch. Pangalan ni Kanata ang lumitaw.
Agad niya itong sinagot.
“Ara,” bungad ni Kanata. “Nasaan ka?”
“I’m with Jaxon. Why?”
Nagpatuloy siya sa pagre-retouch habang kausap ito.
“You’re with him?” tila gulat ang tanong ni Kanata. “I mean, bigla ka na lang nawala kagabi. Wala ka sa room kung saan kita iniwan. Hindi rin kita macontact kaya nag-aalala ako... Iyon pala kasama mo lang pala siya.”
“Actually... something happened.”
Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Kanata. Kaibigan niya ito. Pinsan niya sa father’s side kaya simula bata pa lang ay malapit na sila.
“Why? May nangyari ba? Tell me.”
Napabuntong-hininga si Araceli. “It’s nothing.”
Kailangan muna niyang ayusin ang sarili bago sabihin kay Kanata ang totoo. Hindi dahil hindi niya ito pinagkakatiwalaan, kundi dahil gusto niyang siguraduhin ang mga bagay-bagay.
“Sige, ibababa ko na muna ang tawag. Baka naghihintay na sina Jaxon sa table. Nakakahiya naman kung patagalin ko pa ang future in-laws ko.”
Hindi na siya naghintay ng sagot at pinutol na ang tawag. Ibinalik niya sa pouch ang gamit, at nang matapos sa pag-aayos, lumabas na siya ng restroom.
Napansin niyang siya na lang ang tao roon. Kanina lang ay may mga babaeng sabay niyang pumasok, pero ngayon ay wala na.
Hindi na niya ito pinansin. Tumalikod na siya at palabas na sana, pero natigilan nang makita ang taong pinakaayaw niyang makita sa sandaling iyon.
“U-Uncle Sixto…”
Ano ang ginagawa nito rito? At sa lahat pa ng lugar, sa labas pa ng restroom ng babae?
Sigurado siyang siya ang ipinunta nito rito.
Alas onse ng umaga ay nagpaalam na si Araceli sa mga kasamahan at nagmamadaling lumabas ng eskwelahan kung saan siya nagtatrabaho. Saglit siyang tumigil upang silipin ang kanyang cellphone. Nag-chat siya kay Jaxon, sinabihan itong break time na nila. Inaya kasi siya nito na lumabas para sabay silang mag-lunch ngayon.Wala pang reply. Malamang ay may ginagawa pa ito. Ito ang unang beses na siya ang nagyayang kumain sa labas kaya hindi maikakaila ang excitement na nararamdaman niya. Palagi kasi itong abala, kaya matagal na rin niyang iniintindi ang kakulangan nito sa oras.Nabalik ang isip niya sa kasalukuyan nang biglang huminto sa harapan niya ang isang itim na Black SUV. Sa dami ng puwedeng pagparadahan, sa harapan pa talaga niya ito tumigil. Hindi niya alam kung tanga lang ba ang driver o sadyang nagyayabang lang ng mamahaling sasakyan.Hindi na sana niya ito papansinin nang bumukas ang pinto. Dalawang lalaking nakasuot ng all black ang lumabas. May mga earpiece silang suot sa tenga
Napaatras si Araceli nang lumapit si Sixto. Wala sa sarili, napaatras pa siya muli. Kumakabog ang dibdib niya sa biglaang paglapit nito.“A-Anong ginagawa mo?” tanong niya, pilit itinatago ang kaba.Ngumisi si Sixto. “Stop fooling around, Araceli. You know very well what I'm doing right now,” aniya sa mapang-asar na tono. “Tell me, is it fun? Is it fun playing with me and my nephew at the same time?"Kalmado ang boses nito pero ramdam ni Araceli ang panganib sa presensya nito. Parang isang maling galaw lang at baka tuluyan na siyang saktan.“H-Hindi... ko alam ang mga pinagsasabi mo, Uncle Sixto. K-Kailangan ko nang balikan si Jaxon. Mauna na ako sa iyo,” nanginginig ang boses niyang sagot.Tinangka niyang lampasan ito pero agad siyang hinarang. Mabilis siyang itinulak ni Sixto sa pader ng restroom at kinorner, dahilan upang hindi siya makalayo. Napaigik siya sa sakit. Walang pakialam ang lalaki kung masaktan man siya.“A-Aray! Anong problema mo?!” reklamo niya habang masakit ang liko
What does he mean by that?Teka, kilala ba niya ito? Pero paano?Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pamilyar sa kanya ang kulay ng mga mata nito. Brown. Parang nakita na niya ito noon.Nanlaki ang mga mata niya nang maalala kung saan. Kaya pala parang pamilyar ang boses. Siya. Siya ang lalaking kasama niya kagabi. Ang estrangherong kumuha ng kanyang pagkabirhen.“I-Ikaw?!” bulalas niya, halos hindi makapaniwala.Hindi niya akalaing ang lalaking iyon ay si Sixto Borbon, ang Uncle ng kanyang nobyo. Palagi niyang naririnig ang pangalan nito kay Jaxon. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Sixto Borbon? Sa edad na treinta y uno, punong-puno na ito ng tagumpay. May negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.Parang binuhusan ng malamig na tubig si Araceli. Sa lahat ng lalaking puwedeng makasama niya sa isang gabing pagkakamali, bakit pa kailangang siya ang mapili ng tadhana? Ang Uncle pa mismo ng nobyo niya?“You know each other?” tanong ni Jaxon ha
Pinilit ni Araceli na imulat ang mga mata sa kabila ng panlalabo ng mga ito at pinagmasdan ang binatang nagbibigay init sa kanyang katawan. Siguro nga tama ang sabi nila, mas matindi pa sa ligaya ang nararamdaman kapag ang taong minamahal mo ang kasama mo. Ngunit iyon lang ang akala niya. Dahil pagkatapos ng gabing iyon, natuklasan niyang hindi ang lalaking mahal niya ang nasa tabi niya sa kama.Madilim ang kuwarto kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsilbing ilaw niya, pero naging balakid ito, lalo na't malabo pa ang paningin niya dahil sa epekto ng alak."Hindi ka ba napapagod?" naitanong niya kahit ramdam na ramdam ang pagod sa katawan dahil sa walang tigil na pag-akit ng lalaki sa kanya.Kaninang umaga nila ito ginawa, pero tila hindi ito nakararamdam ng kapaguran. Para kay Araceli, para siyang lantang gulay sa sobrang pagod. Parang may balak pang laspagin siya ng lalaki.Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ga