ログイン
Arielle's Point Of View.
Isang tunog ng pamilyar na sasakyan ang nagpawala ng aking antok. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ako ng kaba habang hinihintay ang pagdating niya, siguro dahil ilang araw na rin ang nakalipas simula nang umuwi siya rito. Bumukas ang pinto at kaagad kong nakita si Lucian, bumagay sa hugis ng katawan niya ang suot na formal suit at kahit bakas ang pagod sa mukha, hindi pa rin maitatago ang karisma ng lalaki. Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng ipagkasundo kami ng aming mga magulang. Aminado akong may nararamdaman ako para sa kaniya, kaya naman napapayag ako sa kasal. Sa ilang taon naming mag-asawa, bilang lang sa daliri ang pag-uwi niya rito. Mula sa pagkakaupo, tumayo ako upang salubungin siya. "Good evening, Lucian. Nabasa ko ang text mong uuwi ka ngayon," wika ko at mabilis na nagtama an mga mata namin. "N-Nagluto ako ng dinner. Nagugutom ka ba?" Kinabahan ako lalo noong hindi siya nagsalita ngunit bumaba ang tingin niya sa aking labi. Napakurap ako kaagad. "B-Bakit, Lucian?" "Your lipstick is different. . . " Naglakad siya papalapit, mabilis kong naamoy ang alak sa kaniya. At bago pa man ako makapagsalita ay hinawakan niya ang mukha ko. "And you really reminds me of her. . ." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, ngunit mas lalo akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Binitawan niya ang hawak na briefcase bago ako marahas na halikan at yakapin, kaagad akong nararamdaman ng panghihina dahil sa ginagawa niya. Wala akong magawa kundi ang mapakapit na sa kaniya at maya-maya, buhat na niya ako patungong kwarto. Alam kong walang nararamdaman para sa akin si Lucian, pero sa tuwing magtatalik kami, pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako. Pagdating sa kwarto ay mas lalong naging marahas ang pag-angkin niya sa akin, hinang-hina na ang ako ngunit hindi niya ako tinigilan hangga't hindi siya makuntento. Nang matapos ay mabilis itong umalis papunta sa banyo at iniwan ako sa kama. Nakayapos sa kumot ang hubad kong katawan habang iniisip ang nangyari. Sa tuwing uuwi si Lucian dito, ginagamit ako nitong parausan. Sanay na ako sa marahas na pag-angkin nito, ngunit iba ngayon. Gigil na gigil ito at hindi manlang ako nagkaroon ng pahinga, pero kahit ganoon ay nakakainis isipin na hinahanap pa rin ng katawan ko ang init ng paghawak at halik niya. Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay ng paligid, kaagad ko siyang nakita na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya. "A-Aalis ka na, Lucian?" mahinang tanong ko dahilan para huminto ito sa ginagawa at lumingon sa akin. "Yeah, I have to go somewhere important this morning." Natahimik ako sa narinig, paniguradong ilang araw na naman ang lilipas bago siya muling umuwi rito. Ilang araw na naman kaming hindi magkikita. "Pero masyado pang maaga, kumain ka muna," wika ko bago dahan-dahang umupo sa kama. "Magluluto ako ng breakfast. Ano bang gusto mo?" "There's no need for that." "Sandali lang ako magluluto, paniguradong hindi ka ma-lalate sa pupuntahan mo." Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang hulog ng kung ano dahilan para mapahinto ako. Kaagad ang pag-awang ng labi ko nang makita ang wedding frame namin na nasa sahig at basag na. "A-Anong ginawa mo, Lucian?" mabilis kong saad at lumuhod sa sahig upang hawakan ngunit nasugatan lang ang kamay ko. Nanlumo ako habang pinagmamasdan ang frame, ito pa naman ang paborito ko dahil ito lang ang picture namin na nakangiti siya. Kaya sa tuwing tinitingnan ko ang frame, iniisip ko na masaya siyang pakasalan ako kahit alam ng puso ko na hindi iyon totoo. "Bakit ba ang kulit mo, Arielle?" Natigilan ako sa narinig at nilingon siya, kitang-kita ko ang pandidiri sa kaniyang mga mata. "You even wore the same lipstick she always used. Are you really that desperate?" dagdag niya. Mabilis akong napatayo, kunot-noo siyang tinitingnan. "Ano bang sinasabi mo, Lucian?" "You used Abigail's lipstick. Akala mo ba hindi ko mapapansin?" sagot niya bago ngumisi ngunit kitang-kita ko ang inis sa kaniyang mya mata. "I feel bad for you, you tried so hard to seduce me. . . " "Ha? Lipstick lang 'to, hindi ko alam na pareho pala kami ng ginagamit. At kung ako 'tong nanunukso, bakit bumigay ka kagabi? Bakit kinama mo pa rin ako, Lucian?" Nagtiim ang panga niya. "Dahil lang sa alak 'yon, okay? Wag kang umasa. Wala yong ibig sabihin, at lalo na hindi yon dahil may gusto ako sa'yo." Magsasalita pa sana ako ngunit padabog niyang kinuha ang briefcase niya at iniwan akong nanlulumo dahil sa nangyari. Paniguradong nagalit ko siya, ang ibig sabihin lang noon ay ilang linggo na naman siyang hindi magpapakita sa akin. Iyon ang parusa niya sa akin sa tuwing magtatalo kami, dapat sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Lalo na sa tuwing binanaggit si Abigail Carter, ang babaeng una at huling mamahalin niya, na kahit kailan ay hindi magiging ako. Natigilan ako sa pag-iisip noong makarinig ako ng sasakyan, nagmadali akong bumaba para tingnan kung bumalik ba si Lucian ngunit dismayado ako nang makita ang isang Toyota Land Cruiser sa parking lot. Hindi pamilyar sa akin kung sino ang may-ari kaya naman hinintay kong lumabas, at noong nakita ko na ay napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito? Papalapit si Magnus Davenhart, ang Uncle ni Lucian na mailap sa mga tao ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa tuwing tinitingnan siya—matangkad, may tikas, at gwapong-gwapo sa kanyang sleek na Italian cut na shirt at mamahaling relong suot. Tumikhim ako. "Napadalaw po kayo, Uncle Magnus?" wika ko, inayos nito ang salamin na suot bago magsalita. "I'm not here for a visit. I'm just going to tell you something." "Gusto niyo po bang pumasok muna sa loob?" tanong niya bago ituro ang sala, sinundan niya ng tingin ang kamay ko. Kumunot ang noo niya. "What happened to you finger?" Napatingin naman ako sa daliri ko at nakitang kanina pa pala dumudugo 'yon. Nagpilit ako ng ngiti bago umilang. "Nasugatan lang po, Uncle. Gagamutin ko rin 'to mamaya," wika ko. "Tara po, pasok na tayo sa loob. Maghahanda ako ng kape." "It's okay, Arielle. I'm just giving you this invitation for Sir Herriot's birthday party," sagot niya bago ibigay ang isang card, mabilis ko iyong tinanggap. "Oo nga pala, malapit na ang birthday niya. Kamusta pala siya?" Si Sir Herriot ay ang Lolo ng asawa ko, siya ang kumausap sa pamilya ko para ipagkasundo kami ni Lucian. Malapit ako sa kaniya at natutuwa ako sa tuwing sinasabi niyang ako lang ang gusto niyang pakasalan ng apo niya. "He's still under recovery, he told me that he missed you. Magandang bisitahin mo siya kapag nagkaroon ka ng oras." "Palagi kasing busy si Lucian, kaya hindi ako makahanap ng oras para magpasama sa kaniya." Hindi ko alam kung namamalikta lang ba ako pero nakita ko ang pagdaan ng inis sa mga mata niya. "Hindi mo siya kailangan para bumisita ka... That guy is always busy, hindi ka na nga nabibigyan ng oras." Natahimik ako, ang sakit pa ring marinig mula sa ibang tao na hindi ako mahal ng asawa ko. Malakas akong bumuntong hininga bago ngumiti. "Alam ko 'yon, Uncle. Sa susunod na linggo, bibisita ako kay Sir Herriot." Tumango siya bago magpaalam na aalis na. Ihahatid ko na sana siya palabas, ngunit bago pa ako makalakad ng ilang hakbang, may biglang sumikip sa dibdib ko. Napahawak ako sa gilid ng mesa para makakuha ng suporta. Ang paligid ko ay unti-unting nagiging malabo, parang gumagalaw ang lahat kahit ako lang ang nakatayo. "Arielle?" tawag ni Magnus, mabilis siyang lumapit. "What happened?" Narinig ko ang kaba sa boses niya, pero hindi ko na maaninag ang mukha niya. Magsasalita pa sana pero wala nang lumabas na salita sa bibig ko. Ang huling naramdaman ko na lamang ay ang mainit na palad na humawak sa aking braso, bago ako tuluyang mawalan ng malay.Arielle’s Point of ViewPagkatapos ng lahat ng nangyari sa mansion ng mga Davenhart, parang biglang naging tahimik ang lahat. Tahimik, pero hindi payapa. Dalawang araw na ang lumipas mula nang harapin namin si Sir Herriot pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lucian—at lalo na ang sinabi niya bago kami umuwi.“Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi ’yon mangyayari.”Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o pangako. Pero alam kong sa alin man sa dalawa, parehas pa rin akong makukulong.Umagang-umaga, nagising ako sa ingay ng ulan. Malakas ang pagbuhos, halos hindi ko marinig ang tunog ng orasan sa kwarto. Tumalikod ako sa kabilang side ng kama, wala na naman siya. Hindi na ako nagulat pa. Mula nang mangyari ‘yon, dalawa araw na rin siyang hindi pa nagpapakita sa akin. Hinatid niya lang talaga ako pauwi.Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang bumaba ako. Kinuha ko ang robe at naglakad papunta
Arielle’s Point of View“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig. "Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at na
Arielle’s Point of ViewMabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang. “Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula
Arielle’s Point of ViewIlang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad.Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon.Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit.“Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!"Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.”“Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan."Napayuko ako. “Hindi ko na
Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba
Arielle’s Point of ViewMabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan.Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin."Don't make a scene here, Arielle."Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya.“Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—”“Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka."Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintind







