Share

Kabanata 2

Author: Vinaaarae
last update Last Updated: 2025-10-21 19:15:53

Arielle's Point Of View

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nangingibabaw ang puti sa paligid—puting kisame, puting kurtina at puting ilaw ang bumungad sa akin. Nasa hospital ba ako? Pinilit kong inaalala ang mga huling nangyari, ang pagdating ni Uncle Magnus… ang pag-uusap namin… ang biglaang pagkahilo ko. At pagkatapos, wala na. Wala na akong maalala.

Nilibot ko ang tingin sa paligid bago ako mapatingin sa kamay kong naka-IV, may benda na rin ang daliri ko mula sa pagkasugat sa basag na frame. Malakas akong napabuntong hininga habang iniisip kung sino ang nagdala sa akin dito.

Si Uncle Magnus ba?

Natigilan ako sa pag-iisap ng ilang sandali lang, bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang isang nurse.

"Mabuti naman po at Gising na po kayo, Ma’am. Na-confine po kayo kagabi dahil sa sobrang pagod at stress," wika nito. "Mabutina lang at may kasama po kayong nagdala sa inyo dito kaagad."

Napakunot ang noo ko. “S-Sino po ang nagdala sa akin?”

“Yung Uncle n’yo raw po. Siya ang naghatid at nag-asikaso ng admission n’yo.”

Uncle…

Napabuntong-hininga ako. “S-Salamat po.”

Tumango ang nurse at nagpaalam na umalis. Nang maiwan ako, napansin ko ang aking cellphone na nasa lamesa, mabilis ko 'yung kinuha kahit nagtataka kung paano 'yon napunta rito, pero paniguradong si Uncle ang nagdala nito. Hinanap ko ang number ng kaibigan ko at mabilis na tinawagan.

"Hello, Arielle?" wika ni Lisha sa kabilang linya. "Mabuti naman napatawag ka, ilang araw na tayong hindi nag-uusap dahil parehas tayong busy. Kamusta ka na?"

"Naka-confine ako sa hospital ngayon. . ."

"Ha? Eh, anong nangyari?"

"Ang sabi ng nurse, isang araw akong walang malay. Ang natatandaan ko lang ay ihahatid ko na si Uncle Magnus paalis, tapos nakaramdam ako ng pagkahilo," pagkwento ko at malakas na bumuntong hininga. "Siya rin ang nagdala sa akin sa hospital."

"Nasaan ba ang asawa mo? Napakawalang kwenta niya talaga!"

"Hindi ko alam, Lisha. Pero paniguradong busy siya, wala rin akong ideya kung sinabi ba ni Uncle ang nangyari."

"Pasalamat ka na lang may Uncle ka na nagdala sa'yo sa hospital, baka kung ano pang nangyari sa'yo dahil palagi ka namang iniiwan mag-isa ni Lucian," inis niyang sagot. "Napakabait talaga niyan ni Magnus, ang guwapo na nga, matulungin pa."

Napairap ako kahit hindi niya ako nakikita. "Lisha, seryoso 'to at isa pa, huwag mo siyang tawagin sa pangalan niya lang. Mas matanda pa rin siya sa atin."

"Girl, tatlong taon lang ang agwat niya sa atin. At saka, ang hirap namang hindi siya mapansin. Parang executive sa Forbes magazine? Tall, handsome, and dangerously hot?"

“Lisha!”

Tumawa siya. “Oo na, sorry na. But seriously, kamusta ka na?”

“Ito, gising na. Okay naman daw sabi ng nurse. Pagod lang talaga ako."

“Kasi naman, 'wag ka masyadong nagpapa-stress d’yan sa Lucian mong malamig pa sa yelo," payo niya. "Ipapasok na talaga kita sa kumbento, napaka-martyr mo."

Napailang na lamang ako sa narinig. "Nagmamahal lang ako, Lisha."

"Pero dapat mas mahal mo ang sarili mo kaysa sa lalaking 'yon. Anyway, let me know kung may kailangan ka, pupuntahan kita kung gusto mo.”

Ngumiti ako. “Thank you, Lisha. I’ll text you later, magpahinga ka na rin.”

Saktong pagkababa ng tawag ay bumukas ang pinto, napa-upo ako nang pumasok si Uncle Magnus. Iba na ang suot niyang damit ngayon, mukhang napadaan lang siya rito para dalawin ako.

"You're finally awake," wika niya, lumapit siya at tinapunan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "How are you feeling?"

"Mas okay na po. Salamat po sa pagdala sa akin dito kagabi. Kung hindi dahil sa inyo ay baka—"

Pinutol niya ang sasabihin ko. “Don’t mention it. I just did what anyone should’ve done," aniya. "Next time, try not to collapse early in the morning. Nakakaabala."

“P-Pasensya na po…”

Sandali siyang natahimik, pero maya-maya ay nagsalita rin. "But I have to ask… Are you pregnant, Arielle?"

Nanlaki ang mga mata ko. “H-Ha? Hindi po! Bakit n’yo naman naisip 'yon?”

Tumango siya, pero nanatili ang sungit sa mga mata. “Good. It's not the best time to get pregnant, you know how irresponsible your husband."

Napayuko ako. “P-Pasensya na po kung—”

“I’m not asking for an apology, Arielle,” putol niya. “Just. . .know your limits. Kung hindi mo kayang ayusin ang sarili mo, huwag mo nang hintayin na may ibang gagawa niyan para sa’yo. Hindi ka na bata."

Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa tono niya o sa mga salitang binitawan niya.

“Kagabi ko pa sinusubukang tawagan ang asawa mo,” patuloy niya, walang emosyon. “Pero kahit isang beses, hindi siya sumagot. How irresponsible, right?"

“B-Baka busy lang po siya…” mahina kong sagot.

“If that’s what you tell yourself to sleep at night, then fine."

Natahimik naman ako, sa lahat ng kamag-anak ni Lucian. Siya ang hindi ko ka-close, dahil masyado siyang malamig nakakatakot. Sa kasal namin ni Lucian sa Canada, hindi siya pumunta pero nagpadala siya ng regalo para sa amin. Bihira ko lang siya makita sa mga okasyon, hindi ko alam kung bakit mailap siya sa mga tao.

“Pwede po bang huwag mong sabihin kila Mommy ang nangyari?” tanong ko sa wakas. “Ayokong mag-alala sila.”

Tahimik siya ng ilang segundo bago tumango. “Fine. It’s your mess anyway."

Tumayo siya, kinuha ang coat niyang nakapatong sa upuan. “I have a meeting to attend. Call me if you need anything."

“Salamat po, Uncle,” mahina kong sabi.

“Don’t thank me.”

Lumingon siya saglit, at sa unang pagkakataon, napansin ko ang pagdaan ng emosyon sa mga mata niya—hindi ko lang 'yon mapangalanan. “Just take better care of yourself, Arielle. Hindi lahat ng tao may oras para tulungan ka.”

At bago ko pa siya masagot, tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Naiwan naman akong may magbigay ang pakiramdam. Hindi ko alam kung dahil sa hiya, stress, o pagod. O baka dahil wala man lang akong natanggap na kahit isang mensahe mula sa lalaking dapat ay nandito sa tabi ko.

Kinuha ko muli ang cellphone ko. Sinubukan ko siyang tinawagan, ngunit hindi niya ito sinasagot. Ilang ulit ko pang sinubukan ngunit nadismaya lang ako. Sa huli, nagpadala na lang ako ng text sa kaniya.

From : Arielle

To : Lucian

Na-confine ako ngayon sa hospital dahil nahimatay ako. Mabuti na lang dahil tinulungan ako ni Uncle Magnus. Kapag hindi ka na busy, tawagan mo ako o bisitahin mo ako rito.

Pagdating ng hapon, na-discharge na rin ako dahil hindi naman seryoso ang nangyari sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng ospital matapos ang clearance, napahinto ako sa may waiting area. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko sa nakita.

Pinanood ko kung paano makipagtawanan si Lucian sa babaeng kasama niya. Naka-akbay pa ito sa babae at tila inaalo. Sa kamay ng babae ay napansin ko ang hawak nitong medical records.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Parang may sumabog na bula sa dibdib ko, lalo na noong nabaling ang tingin ni Lucian sa babae, marahan itong hinalikan sa noo.

Hindi pa nila ako napapansin. Hindi pa nila ako nakikita dahil abala sila sa isa't isa. At hindi ko alam kung gusto ko pa bang makita nila ako. Hindi pa man kami naghihiwalay ni Lucian, pero pakiramdam ko… matagal niya na akong iniwan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 8

    Arielle’s Point of ViewPagkatapos ng lahat ng nangyari sa mansion ng mga Davenhart, parang biglang naging tahimik ang lahat. Tahimik, pero hindi payapa. Dalawang araw na ang lumipas mula nang harapin namin si Sir Herriot pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Lucian—at lalo na ang sinabi niya bago kami umuwi.“Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin, hinding-hindi ’yon mangyayari.”Hindi ko alam kung pananakot ba ‘yon o pangako. Pero alam kong sa alin man sa dalawa, parehas pa rin akong makukulong.Umagang-umaga, nagising ako sa ingay ng ulan. Malakas ang pagbuhos, halos hindi ko marinig ang tunog ng orasan sa kwarto. Tumalikod ako sa kabilang side ng kama, wala na naman siya. Hindi na ako nagulat pa. Mula nang mangyari ‘yon, dalawa araw na rin siyang hindi pa nagpapakita sa akin. Hinatid niya lang talaga ako pauwi.Napabuntong-hininga ako bago bumangon. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin habang bumaba ako. Kinuha ko ang robe at naglakad papunta

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 7

    Arielle’s Point of View“Totoo ba, Lucian?” halos pabulong kong tanong, pero ramdam ko ang panginginig ng boses ko. Hindi ko alam kung kaba o takot ang nangingibabaw, akiramdam ko ay anumang oras na magsalita siya ay mawawasak ako.“Sinungaling si Magnus,” mariin niyang sabi. “Don’t listen to him.”“Lucian, hindi mo naman kailangan magalit. Gusto ko lang malaman kung—”“Kung totoo?” putol niya. “Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?”Napahinto ako. Gusto kong tumawa sa narinig. "Pagkatapos nang lahat ng nangyari, paano mo nagagawang sabihin 'yan?" sarkastiko akong tumawa. "Oo, Lucian. Wala na akong tiwala sa'yo. Kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. Magsisinungaling si Uncle Magnus? Alam mo naman, hindi siya ‘yong tipong—"“He’s always been against me,” madiin niyang sagot. “Gusto niyang pag-awayin tayo. Gusto niyang sirain ang buhay ko. He knows that you're my weakness," dagdag niya. "Minsan ka na niyang niloko, Arielle! Pinaniwala niyang si Abigail ang kasama kong babae hospital at na

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 6

    Arielle’s Point of ViewMabigat pa rin ang dibdib ko kahit ilang araw na ang lumipas. Parang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ‘yung imahe nina Lucian at ng babae sa kama namin. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mangyari 'yon, at hindi pa rin umuuwi ang asawa ko. Hindi ko tuloy siya makompronta tungkol sa sinabi sa akin ni Uncle Magnus.Isang araw, niyaya ako ni Lisha lumabas, hindi na ako tumanggi dahil gusto ko lang makalimot, kahit sandali lang. “Let’s go to the bar, girl,” sabi niya habang nag-aayos sa salamin. “Kailangan mong ilabas ‘yang sakit na ‘yan. Hindi ka pwedeng magmukmok lang sa bahay.”Ngumiti ako ng pilit. “Baka naman ako pa ang maiyak sa gitna ng bar, nakakahiya.”“Hindi kita papayagang umiyak doon,” sagot niya sabay kindat. “Tutal may babaeng iba na ang asawa mo, ito na ang oras para maghanap ka ng bagong lalaki!"Napailang na lang ako sa narinig, pagdating namin sa bar, agad akong sinalubong ng malakas na tugtugin, halong halakhakan at ilaw na kulay pula

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 5

    Arielle’s Point of ViewIlang araw na akong naka-confine sa ospital. Sabi ni Mommy, kailangan ko raw magpahinga, at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Pero paano ko magagawa ‘yon kung bihira lang dumalaw si Lucian? Kapag dumadalaw man siya, sandali lang. Minsan nga hindi pa kami nagkakausap, nag-iiwan lang siya ng bulaklak o prutas, tapos aalis din agad.Wala rin akong balita kay Uncle Magnus dahil hindi na rin siya dumalaw pa. Alam ko namang busy siyang tao kaya inaasahan ko na 'yon.Pagsapit ng hapon, dumalaw sa akin si Lisha. Pagkapasok pa lang niya sa kwarto, halos yakapin niya ako nang mahigpit.“Girl! Halos atakihin ako sa puso nang marinig kong dinala ka na naman sa hospital!"Ngumiti ako. “Buhay pa naman ako, huwag kang OA.”“Hindi ‘yan nakakatawa, Arielle,” umirap siya. “Ang sabi ng Mommy mo, seryoso ang sakit mo at kailangan mong magpalakas. Pero tingnan mo nga ‘yung sarili mo, halatang malungkot ka. At alam kong si Lucian na naman ang dahilan niyan."Napayuko ako. “Hindi ko na

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 4

    Arielle’s Point of ViewMahina kong iminulat ang mga mata ko. Muli na naman akong nakahiga sa puting kama, amoy alcohol at disinfectant ang bumungad sa ilong ko.Ang kisame ay sobrang puti, patunay lang na nasa hospital na naman ako.Mabigat ang katawan ko, parang may nakadagan na mabigat na bagay sa dibdib. Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko, pero parang pagod na pagod ang bawat bahagi ako. Paglingon ko sa gilid, agad kong nakita si Mommy, nakaupo, hawak ang kamay ko, at halatang kagigising lang. Nang mapansin niyang may malay na ako, agad siyang tumayo.“Arielle!” Napahawak siya sa pisngi ko, puno ng pag-aalala ang boses. "Salamat sa Diyos at nagising ka na, anak."Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. “Mommy...” mahina kong sabi. “Gaano ako katagal na walang malay?”“Halos dalawang oras,” sagot niya, bago haplusin ang buhok ko. "Nagulat ako noong tumawag si Lucian, sinabi niyang sinugod ka sa hospital dahil nahimatay ka."“Nasaan po siya?” tanong ko, halos bulong.“Nasa laba

  • Chained To My Husband's Uncle    Kabanata 3

    Arielle’s Point of ViewMabilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin kina Lucian at sa babaeng kasama niya. Para akong binuhusan ng yelo, hindi ako makalagaw sa kinatatayuan ko. Alam ko namang hindi ako ang babaeng mahal niya, pero ang sakit makita no'n sa harap-harapan.Dala ng galit na nararamdaman, malalaki ang naging hakbang ko papalapit sa kanila. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit, isang braso ang pumigil sa akin."Don't make a scene here, Arielle."Mabilis akong napalingon at nakita ko si Uncle Magnus. Mahigpit ang hawak niya sa akin at malamig ang tingin. Magsasalita pa sana ako pero hinatak niya ako paalis sa lugar, narating namin ang canteen ng hospital at nagpupumiglas pa rin ako sa kaniya.“Bitawan n’yo ako, Uncle! Gusto ko lang—”“Gusto mong ipahiya ang sarili mo sa harap ng nila?” pagputol niya sa sasabihin ko, “Huwag mong sabihing magmamakaawa ka sa harapan ng asawa mo habang niya ang kabit niya? Nakakatawa ka."Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi niyo naiintind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status