Seraphina's POV“Do you have a boyfriend, Sera?” tanong ni Alexander, isa sa mga pinsan ni Cayden habang nakaupo kami sa loob ng grand library ng kanilang mansion. Para na lang akong napairap sa sarili ko. Ano ba 'tong mga pinsan niya—lahat ba naman puro ‘speaking dollar’?“I don’t have po,” sagot ko nang magalang habang hawak-hawak ang librong hindi ko na rin nababasa.“You’re really Filipina, huh?” sabat naman ni Irish, isa pa sa mga pinsan, sabay tawa.Tahimik akong ngumiti, sinusubukang i-maintain ang respeto kahit medyo nakakailang na ang kanilang mga tanong. Nandito lang talaga ako para magbasa at maibsan kahit kaunti ang bigat sa dibdib, pero ayan—may audience na naman ako.“Sera. Come here,” malamig na tinig ni Cayden ang pumunit sa usapan. Napatingin kaming lahat sa kanya. Tahimik agad ang grupo nang marinig ang tono ng boses niya. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila.“Bakit po?” tanong ko habang lumalapit sa kanya.“Halika na,” sagot niya, nananatiling malamig. Nasa tabi pa ri
Seraphina's POVBuong araw na hindi ko kinibo si Cayden. Sumasagot lang ako kapag may tinatanong siya. At kung may kailangan akong sabihin, saka ko lang siya kinakausap.Nawala bigla ang tiwala ko sa kanya. Ang dating konting kapanatagan na nararamdaman ko ay napalitan ng kaba at takot. Ngayon, alam ko na—kaya niya akong kontrolin gamit lang ang isang salita.Kay Allen lang at sa mga taga-Finance Department ako malayang nakakapagsalita. Kahit paano, sila ang nagsisilbing distraction para hindi ko maisip ang halos naganap sa pagitan namin ni Cayden.--------Gumaan kahit paano ang loob ko nang hindi ko siya nakasabay pauwi. May partnership meeting daw siya, at siya lang ang kailangan. Ayaw raw ng kasosyo niya ng may kasama—na labis kong ipinagpasalamat.Dahil mag-isa lang ako, kaunti lang ang niluto ko. Pero habang abala ako sa kusina, biglang bumukas ang pintuan. Dumating si Cayden… kasama si Ivy. Blanko ang mukha niya, gaya ng dati.“Oh, hindi kami kakain ni Cayden. Nag-dinner na kas
Seraphina's POV "Birthday party? Pwede bang ano maiwan na lang ako. Day off ganun" tumingin ako kay Cayden na parang sumeryoso ang kanyang mukha. Si Ivy naman ay parang nasiyahan. "See? Narinig mo yung sinabi niya Cayden?" nasisiyahang wika ni Ivy at hinawakan pa sa kamay si Cayden. "No. Sasama ka. Kung nasaan ako nandun ka din" mariing wika niya saka ako tinignan ng masama. Napalunok naman ako sa uri ng kanyang titig. Kung nakamamatay lang ay matagal na akong nakabulagta sa paligid. "Para saan Cayden? Eh ayaw nga niya. Saka hindi naman business ang pupuntahan mo kaya hindi na siya kailangan pa" bakas sa kanyang tinig ang pagkainis. Hinilot ni Cayden ang kanyang sentido na tila sumasakit ang ulo niya sa kakulitan ni Ivy. "Get the f*ck out here in my g**d*amn office!" punong-punong bulyaw ni Cayden kay Ivy. Si Ivy naman ay mukhang natakot dahil sa presensya ngayon ni Cayden. Halata na kasi ang galit sa kanyang boses. "Why Cayden? Wala naman akong masamang ginagawa" nanlulumong wi
Seraphina's POV Maaga akong nagising upang magluto. Nadatnan ko pa si Ivy sa salas na nakatulog pa din at halatang hindi comfortable sa kanyang higaan. Minatamisang baboy ang aking iniluluto. Habang nagluluto ako ay muli kong tinignan ang oras ng meeting ni Cayden. "Morning" napatingin ako kay Cayden na nakabihis na at lumapit sa kinaroroonan ko. Tumango lang ako saka pinagtimplahan siya ng kape at binigyan ng toasted bread. "Wala ba akong kape?" malumanay na tanong ni Ivy na kakagising lang. "Magtimpla ka ng sarili mo" malamig na wika ni Cayden. Bakas naman sa mukha niya ang pagkakapahiya. "Pasensya na" bakas sa kanyang tinig ang sakit. Naiiling akong pinagtimplahan saka binigyan din siya. Maya-maya pa ay luto na ang minatamis na baboy kaya kaagad ko iyong sinerve. Nakatingin lang sa akun si Ivy na pinagseserve si Cayden. Pagseserve an ko pa sana si Ivy pero pinigilan ako ni Cayden. "Hindi mo siya pinagsisilbihan. Hayaan mo siyang kumuha ng sarili niya" Parang n
Seraphina's POV Pabalik na ako ngayon sa penthouse ni Cayden. Kinailangan ko na kasi nakakahiya naman. Yung usapang isang gabi lang eh nauwi sa isang linggo. Hindi naman niya ako tinatawagan pero may hiya pa din naman ako. "Anong meron?" tanong ko sa mga security kasi parang gulat sila ng makita ako "Magandang hapon miss Sera" ani nito na tila balisa "Magandang umaga din." hindi ko na lang sila pinansin at pumasok. Pagpasok ko ay nagulantang ako kasi may babae sa loob. "Sino ka?" mataray niyang tanong saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Personal secretary po ni sir Cayden. Kayo po?" tanong ko naman dito. Ang kanyang mataray na istura ay biglang nawala. "Come here iha, I am Cayden's mother" nakangiting wika niya sa akin. "Tita andyan na ba si Cayden? Kanino yung mga gamit pambabae sa kabilang kwarto?" napatingin pa kami sa babae na pababa sa hagdan. "Who are you miss?" wika nito sa akin. "Oh she's Cayden's personal secretary" ngiting wika ng ina ni Cayden.
Warning: This chapter contains mildly sexual themes and suggestive content. While it does not depict explicit sexual acts, it includes moments of physical tension and emotional intimacy that may not be suitable for younger or sensitive readers. Reader discretion is advised.Sa Gitna ng Init at TakotSeraphina’s POVMainit. Mabigat. Parang may bumabalot sa dibdib ko habang pilit kong idinidilat ang mga mata. Maliwanag ang paligid, pero nanlalabo ang paningin ko. Ilang segundo ang lumipas bago ko maramdaman ang malamig na hangin sa ilong ko at ang bigat ng sarili kong katawan.Saan ako?Ang kisame… hindi ito sa bahay. Hindi ito sa club. Amoy gamot. Malinis. Maputi. May tunog ng monitor.Ospital.Napakuyom ang mga daliri ko. Mabigat. Mahina. Pero gumagalaw. Sa gilid ng paningin ko, agad kong nasilayan ang isang lalaking nakaupo—nakayuko, mahigpit ang hawak sa kamay ko.Cayden.Hindi siya gumalaw agad, pero ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya. Parang ayaw niyang bitiwan kahit saglit