Share

Chapter 40

Author: Celeste Voss
last update Last Updated: 2025-07-15 20:53:20
Seraphina's POV

Wala akong ibang ginawa kundi matulog buong hapon. Bukod sa pagod ang katawan ko, mabigat din ang dibdib ko. Paulit-ulit na gumugulo sa isip ko ang mga nangyari kanina—ang pananahimik niya sa mga tanong ko, ang sapilitang pag-angkin niya sa akin na para bang wala akong karapatan tumanggi.

Alas otso na ng gabi. Tahimik ang paligid, pero ang bigat ng dibdib ko ay hindi pa rin mawala. Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga at nakatitig sa kisame, sinusubukang kalmahin ang sarili.

Napalingon ako sa orasan. Kumakalam ang sikmura ko. Wala pa akong kinain mula kaninang umaga. Pilit kong tinapangan ang loob ko at bumangon. Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa kusina. Ngunit hindi ko inaasahang mas magiging mabigat pa ang nararamdaman ko sa makikita ko.

Nakita ko sila.

Si Ivy at si Cayden, magkasama sa salas. Nakaupo si Ivy sa tabi niya habang abala si Cayden sa laptop. Nakakunot ang noo ni Cayden, tila seryoso sa ginagawa, samantalang si Ivy naman ay nakatingin sa kanya na p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Chained by the Billionaire   Chapter 140

    Seraphina's POVHindi mawala sa isip ko ang sinabi ni tito Calyx. Kahit na anong baling ko sa ibang bagay ay hindi ko ito magawang alisin sa aking isipan. Habang abala kaming lahat sa paghahanda ay siya namang saktong pagdating nila Cayden kasama sila Fordy. May napansin akong kakaiba sa kanila. Para bang nag-iba ang kanilang mga damit."Good evening" bati ni Cayden dahilan upang makuha nila ang atensyon ng iba. Nakangiti akong sumalubong sa kanya saka mabilis na niyakap. Natigilan siya sa aking ginawa ngunit maya-maya pa ay naramdaman ko ang kanyang kamay na yumakap din sa akin pabalik."Bakit ang tagal niyo?" tanong ko sa kanya. Inakay niya ako papunta sa kinaroroonan nila tita na mukhang nag-aantay din ng magandang balita."I'm sorry wifey, nahirapan kasi kami sa paghahanap ng CCTV dahil hiarang kami ng ilan sa mga tauhan ng Buenavista. Mabuti na lang at mabilis na dumating din si Efren" pauna niyang paliwanag sa akin."Nakakuha naman ba kayo ng lead?" tanong ni tito Calyx."Yes an

  • Chained by the Billionaire   Chapter 139

    ⚠️ Trigger Warning: Violence This story contains scenes of physical violence that may be disturbing or triggering to some readers. Reader discretion is advised.Fordy's POVDahil sa pagsenyas ni Edwin, mas lalong napa-iyak ang ilan sa kanila habang ang iba ay nangigigil na sumugod sa amin. Tila walang takot na nararamdaman ang mga ito gaya na lamang ni Lander."Traidor ka! Mamatay ka na!" sigaw ng isa sa kanilang kasamahan sa lalaking sumuko na upang magsabi kung ano ang kanyang nalalaman."How about ikaw ang unang mamatay?" malamig na wika ni Efren. BANG!Para kaming napipi sa lakas ng tunog ng iputok ni Efren ang baril sa noo ng lalaki kanina. Tumalsik ang mga dugo sa kanyang katabi dahil sa lakas ng pagsabog ng bungo ng lalaki. Sa ginawa ni Efren ay mas lalong natakot ang mga kasamahan niya. Mas sumidhi sa kanilang kalooban ang matinding pagnanais na maka-alis na sa lugar na ito. Napa-iling ako dahil sa kawalan ng pasensya ni Efren, ang mga kaibigan ni sir Cayden na itong mga it

  • Chained by the Billionaire   Chapter 138

    ⚠️ Trigger Warning: Violence This story contains scenes of physical violence that may be disturbing or triggering to some readers. Reader discretion is advised.Seraphina's POVPasado alas tres na pero wala pa din sila Cayden. Hindi pa din sila umuuwi. Siguro nga at nahihirapan silang magview kung sabagay, kung ako siguro nandoon baka maduduling ako."Sera, did my son treat you well or puro pakitang tao lang?" napatingin ako kay tito Calyx na kasama ko ngayong naiwan dito sa sala. Hindi siya nakatingin sa akin at abala ito sa pagbabasa ng magazine pero halatang naghihintay kung ano ang aking isasagot sa kanya."He treats me well naman po" magalang kong wika sa kanya. Hanggang ngayon ay naiilang pa din ako sa kanilang mag-asawa. Kapag kasi iniisip ko na inasawa ko lang ang kanilang unica iho at kabilang pa sa top richest man ay nanliliit na ako sa aking sarili."Is that so?" tanong niya sa akin na mukhang hindi kumbinsido sa aking sinasabi at mukhang may inaantay pang sagot sa akin.

  • Chained by the Billionaire   Chapter 137

    Allen's POVNandito kami ngayon sa Buenavista Airlines para puntahan mismo ang control room upang makatiyak kung iyon lang talaga ang totoong CCTV footage ng araw na iyon. Hindi pa din ako naniniwala dahil halatang nacut iyon. Ang lamig ng mga monitor, ang ingay ng mga technician — parang lahat ay bumagal nang may isang lalaking naka-uniform ang humarang sa aming daan. Hindi pa naman namin nakakalahati ang daan papunta doon."Sino kayo? Paano kayo nakapasok dito?" striktong wika ng lalaki."Good afternoon, we are here today to get CCTV footages" bati ni Fordy sa aking tabi."At sino naman kayo para makakuha ng CCTV? Hindi iyon basta-bastang binibigay ng kung sino-sino lang" napataas ang sulok ng aking labi saka umalis sa kanyang harapan upang makita niya kung sino ang kasama namin. Halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata pero agad din niya iyong ikinubli. Mabilis akong makaramdam kung mayroong itinatagong lihim ang isang lalaki at kagaya na lamang ng lalaking ito. Parang hindi mapa

  • Chained by the Billionaire   Chapter 136

    Seraphina’s POVPagkaalis ng mga magulang at tita ni Cayden sa sala, muling ipinatawag ni Cayden ang natitirang tatlong security na kasama nila noong insidente. Hindi siya nakuntento sa naunang paliwanag—at hindi rin ako. Pakiramdam ko ay may mga detalyeng hindi pa lumalabas.Tahimik silang pumila sa harap ng mahaba at mabigat na mesa. Ramdam ang kaba sa bawat galaw, pawisan ang mga palad, at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Cayden.“Uulitin natin,” malamig na sabi ni Cayden. “Step by step. Bago tayo sumakay ng eroplano, ano ang napansin ninyo?”Unang nagsalita ang pinakabata. “Sir, habang naglo-load ng bagahe, may dalawang mekaniko na hindi ko pamilyar. Akala ko replacement lang sila dahil naka-uniporme naman… pero parang iba ang galaw nila. Hindi sila nag-usap masyado, parang nagmamadali.”Napakunot ang noo ni Fordy. “Hindi ba’t kilala natin halos lahat ng ground crew?”“Opo, sir,” sagot ng guard, nanginginig ang boses. “Pero hindi ko naisip na itanong pa dahil… official a

  • Chained by the Billionaire   Chapter 135

    Seraphina's POVDalawang araw lang ang itinagal nila Cayden at Allen sa ospital. Ayon sa mga doktor, puro minor injuries lang ang tinamo nila, pero para sa akin, kahit simpleng gasgas lang iyon ay parang sugat sa mismong puso ko. Dalawang gabi akong halos hindi nakatulog sa pagbabantay—pinagmamasdan ang bawat paghinga ni Cayden, pinapakinggan ang bawat pintig ng monitor, at ipinagdarasal na hindi na muling mauulit ang bangungot na iyon.Nang tuluyan na silang makalabas, inihatid namin sila pabalik sa Deveraux mansion. Malawak ang bakuran, maririnig ang lagaslas ng fountain, pero kahit anong ganda ng paligid, hindi nito natatakpan ang bigat ng katahimikan. Ang bawat hakbang papasok ng bahay ay may dalang kaba.Kasama namin si Allen na pansamantalang mananatili sa mansion habang nagpapagaling din. Nakita ko ang tikas niya kahit may benda sa ulo at pilit na itinatago ang sakit. Pero higit sa lahat, nakita ko kung paano tumigas ang panga ni Cayden, kung paano lumalim ang mga mata niya—par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status