Share

Chapter 7

Author: Celeste Voss
last update Huling Na-update: 2025-06-29 22:23:27

Pag-aari ni Cayden

Seraphina's POV

Nitong nagdaang araw maganda ang aking araw dahil sa ngayon stable pa ang panggastos sa mga gamot ni Elara. Hindi ko na din nakikita si Cayden sa bar na pinagtatrabahuan ko. Ang huli kong balita sa kanya ay nasa Canada siya ngayon.

"Ate, papasok ka na naman ba mamayang gabi?" tanong ni Elara habang nakatingin sa akin. Tumango ako

"Oo bunso. Kailangan magtrabaho ni ate" nakangiting wika ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

"May naghahanap kasi sayo kanina ate. Noong lumabas ka" bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan.

"Kilala o namumukhaan mo ba?"

"Hindi ate. Ngayon ko lang siya nakita. Saka naka office attire siya ate" ani nito sa akin. Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Hayaan mo na. Baka kakilala ko lang" ani ko sa kanya. Pinagbalatan ko siya ng orange saka sinubuan.

"Ate, kung pwede tumigil ka na sa trabaho" bigla akong natigilan sa kanyang sinabi

"Hindi ako pwedeng tumigil magtrabaho Elara. Kailangan kong magtrabaho para sa panggastos natin sa darating na opera mo"

"Saan ka naman kukuha, ate, ng ganoong kalaking halaga? Dalawang milyon ate. Alam kong nahihirapan ka na. Sapat na sakin ang makita ang pag-aalala mo" umiiyak niyang wika.

"Saan mo nalaman ang mga iyan?" gulat kong tanong sa kanya

"Narinig ko noong nag-uusap kayo ng doctor ate. Ayokong makitang nahihirapan ka saka sapat na itong sakripisyo mong ito ate para madagdagan ang buhay ko" napaiyak ako sa kanyang sinabi

"Shhh wag ka ngang ganyan. Hahanap ang ate okay? Hindi kita pababayaan. Ikaw ang buhay ko Elara kaya paki-usap wag kang mawalan ng pag-asa. Naghahanap nga ako ng trabaho ngayon eh. Trabahong pang umaga" hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay

"Hindi ako sumusuko Elara, sana ganun ka din. Mahal na mahal kita kapatid ko" umiiyak kong wika.

------

"Sera, tawag ka ni boss. Dalhan mo daw sila ng maiinom sa taas" tumango lang ako kay ate Cherry at agad na kumuha ng maiinom nila sa itaas.

Kumatok muna ako bago ako pumasok sa VIP room 1. Yun lang naman ang room nila kasi sila lang ang pwedeng umukupa doon ayun sa kagustuhan ni Sir Janus.

"Sir inumin niyo po" magalang kong wika sa kanila. Kasama niya ngayon ang kanyang mga kaibigan. Maingat kong nilagay ang mga inumin sa kanilang table at naiilang ako sa paraan ng pagtingin ng kanyang mga kasama.

"Woah, you didn't tell me na may bottle girl ka palang ganito kaganda Janus" mas lalo akong nailang nang tumingin sa akin ang isa sa kanila na parang hinuhubaran ako.

"Sir Janus, tawagin niyo na lang po ulit kami sa baba kapag may kailangan pa po kayo" magalang kong wika saka aalis na sana, ngunit nagulat ako nang hablutin ako sa braso ng isa sa kanyang mga kasama.

"Miss, wag ka muna umalis. Stay here para naman maging masaya ang gabi namin" nakangiting wika niya sa akin

"S-sir pasensya na po kailangan ko nang umalis. Marami pa po kaming kailangang gawin sa ibaba" natatakot kong wika sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay na nasa aking braso upang alisin.

Narinig ko ang tawanan sa loob dahil sa aking pagtanggi sa kanya.

"Did you hear that Janus? Tinatanggihan ako ng isa sa mga employee mo oh" pagalit na sumbong niya kay Sir Janus. Tumingin ako ng humihinging tulong kay Sir Janus na nakatingin lang din sa amin habang may nakapulupot sa kanyang isang babae.

"Let her go bro. She's off limits. Hindi yan ang trabaho niyan" seryoso niyang wika sa kanyang mga kasama

"Ganun ba? Oh sige miss, bayaran na lang kita. Twenty thousand isang gabi" malagkit niya akong nginitian. Nakaramdam naman ako ng pandidiri sa kanya.

"Pasensya na po talaga" pagmamatigas ko sa kanya.

"I said let her go Dylan! Hindi mo naman siguro gugustuhing magalit ako" seryosong wika ni sir Janus na nakatayo na at mukhang galit na.

"Chill. Masyado ka namang protective. Babae mo ba to Janus?" nakangising wika ng lalaki saka ako binitawan.

"None of your business. Pwede mong hawakan o ayain ang mga tao ko kapag gusto nila. Ayaw niya kaya layuan mo" seryosong wika niya. Lahat ng tao ay nakatingin sa tensyong namamagitan kay Sir Janus at sa kanyang kaibigan.

"Lumabas ka na" tipid na wika ni Sir Janus. Yumuko ako at agad na umalis sa room at agad na bumaba.

"Okay ka lang? Parang namumutla ka a" ani sa akin ni Ate Cherry.

"Okay lang po ako ate" magalang kong wika sa kanya saka kumuha na naman ng mga bagong inumin at tumulong sa aking mga kasamahan.

Dylan's POV

"Sino ba yun? Babae mo ba? Bakit parang ayaw mong magalaw?" naiinis na tanong ni Layka kay Janus

"She's not but she's owned by Cayden" lahat kami ay nagulat sa kanyang sinabi. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.

"Are you for real? Si Cayden? May gusto sa isang bottle girl?" tanong ko ng hindi makapaniwala.

"Yes he is"

"So ibig sabihin mga babaeng madungis ang gusto ni Cayden?" tanong ni Sheena

"Nope. As far as I know hindi pa yun nagagalaw. Nagtatrabaho lang siya sakin dahil sa kanyang kapatid na may sakit. Of course she didn't have the choice since malaki ang pa sweldo ko" ani ni Janus habang umiinom ng alak.

What an interesting lady. Ano naman kaya ang nakita ni Cayden sa kanya? I mean maganda naman talaga siya. Nang mahawakan ko nga ang kanyang braso ay malambot and also matangkad siya at maputi.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chained by the Billionaire   Chapter 99

    Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.

  • Chained by the Billionaire   Chapter 98

    Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy

  • Chained by the Billionaire   Chapter 97

    Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan

  • Chained by the Billionaire   Chapter 96

    May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N

  • Chained by the Billionaire   Chapter 95

    Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i

  • Chained by the Billionaire   Chapter 94

    Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status