Share

Chapter 6

Author: Celeste Voss
last update Huling Na-update: 2025-06-29 09:16:59

Sayaw ng Pag-aalipin 

Seraphina’s POV

Kinabukasan, habang nakaupo ako sa tabi ni Elara sa ospital, hindi ko maiwasang tingnan muli ang text na natanggap ko kagabi. Hindi ko pa rin ito mabura.

“Your debt isn’t paid. I want my dance. Tomorrow. Same place.” —C.D.

Bumigat ang dibdib ko. Parang may tanikala sa leeg ko, humihigpit habang lumilipas ang oras. Ayaw kong iwan si Elara, pero may usapan akong kailangang panindigan. Isang sayaw. Isang gabi. Kapalit ng ₱100,000 na halos nakapagligtas sa buhay ng kapatid ko.

“Ate?” Mahina ang tinig ni Elara, bagong gising. “Kailangan mo bang umalis?”

Napalingon ako. Pinilit kong ngumiti. “Oo, saglit lang. May aasikasuhin lang ako, pero babalik din ako agad.”

Pagpatak ng alas singko ay kaagad akong umuwi upang maghanda. Binalikan ko ang lugar na gusto kong takasan.—ang bar, at lalo na ang VIP Room 1.

Pagpasok ko sa silid, nandoon siya. Nakaupo sa sofa, may hawak na baso ng alak, malamig ang tingin.

“You came,” he said simply, voice low.

Hindi ako sumagot. Pumasok ako nang tahimik, isinara ang pinto, at lumapit sa gitna ng silid. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko. Para akong nahuhulog sa isang bangin na walang hangganan.

“Just the dance,” bulong ko. “Nothing else.”

He gave a single nod. “Just the dance.”

Huminga ako nang malalim. Isang beses lang. At nagsimula akong gumalaw.

Ang bawat hakbang ay parang laban sa sarili. Ang bawat indayog ng balakang ay pilit kong inilalayo sa kahulugan. Hindi ito para sa kanya. Para ito kay Elara. Para sa mga gamot. Para sa susunod na araw na may pag-asa pa siya.

Tahimik siya habang pinapanood ako habang umiinom ng alak. Walang salita. Walang galaw. Pero ramdam ko ang tensyon sa hangin, ang matalim na titig na halos sunugin ang balat ko.

Ipinikit ko ang mga mata. Mas madali kung hindi ko siya makikita.

Sinayaw ko ang bawat beat—hindi bilang alindog kundi bilang sakripisyo. Isa, dalawa, tatlong minuto. Parang oras ang lumipas.

Nang matapos ang musika sa aking isipan, tumigil ako. Tumalikod, hindi makatingin sa kanya.

“Tapos na,” mahina kong wika.

Walang sagot.

"Okay" tipid niyang wika sa akin. “Pero hindi ka pa tapos. Ngayong gabi ay akin ka” para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi.

“A-ano po?” natatakot kong tanong sa kanya.

“Don’t overthink yourself. Pagsilbihan mo ako ngayong gabi hindi sa iba. Wala na akong alak” malamig niyang wika sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa paglilinaw niya sa kanyang sinabi.

“Sige po kukuha ako” mahina kong wika at iniwan siya sa kwarto at kaagad na bumaba kupang kumuha ng kanyang alak.

 “So how is your performance? Did you satisfy him?” napatingin ako kay Sir Janus na sinabayan ako sa paglalakad papunta sa room 1 na may kasama na namang babae.

“Hindi ko po alam sir” nakayuko kong wika.

“Alright. Just be careful Sera” parang babala niyang wika sa akin. Magtatanong pa sana ako pero mabilis na silang naglakad ng kasama niyang babae papasok sa kanyang office.

Pagpasok ko sa loob ng room 1 ay nakapatay na ang ilaw.

“Sir?” sa aking pagkakasabi ay bumukas ang dim light sa kwarto at nandoon pa din siya sa kanyang upuan. Nilapitan ko ito at mukhang lasing na siya ng kaunti.

Kaagad kong sinalinan ng alak ang kanyang shot glass saka binigay sa kanya. Bumalik ang takot ko nang hinila na naman niya ako paupo sa kanyang tabi at humawak na naman ang kanyang isang kamay sa aking balakang.

“S-sir” naiiyak kong wika sa kanya

“Shhhh wala akong gagawing masama sayo” ani nito. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil sa takot na nararamdaman. Pinapanood ko ang kanyang mga galaw habang umiinom ng brandy.

“You have a fucking small waist. Kumusta ang kapatid mo” malamig niyang tanong sa akin.

“Umayos naman po kunti ang lagay niya. Maraming salamat po sa pera niyo kung hindi dahil doon hindi kami aasikasuhin ng buo ng hospital” hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya at parang nabunutan ako ng tinik mula sa kabang nararamdaman sa kanya kasi parang may concern siya sa aking kapatid.

“Nagpapasalamat ka sa akin samantalang hindi naman libre iyon” malamig niya pa ding wika sa akin. Kinuha ko ang baso sa kanyang kamay na wala ng laman at sinalinan. Ramdam kong nakatingin lang siya sa akin at ako naman ay parang nasasanay na sa kanyang mabigat na presensya.

“Nagpapasalamat pa din po ako sa inyo sir kasi sobrang laking halaga ng binigay niyo tapos sayaw lang ang kapalit” tipid ang ngiti kong binigay sa kanya ang alak.

-----------

 Halos madaling araw nang maka-uwi ako sa boarding house. Ang tagal kong pinagsilbihan si Cayden parang hindi siya nalalasing kahit naka-ilang bote na siya ng alak. Nagpapasalamat din ako sa panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan ngayong gabi. Napatakip ako sa mukha dahil naalala kong hindi nilubayan ng kanyang kamay ang aking bewang at yun ang ipinagpapasalamat ko dahil hindi niya ako ginawan ng masama kahit na kayang-kaya naman niyang gawin ang bagay na iyon kung tutuusin.

 -------------

Cayden’s POV

“The transfer has been made,” sabi ni Allen, ang assistant ko, habang inaayos ang mga papel sa mesa.

Tumango lang ako. Hindi ko siya tinignan. Ang isipan ko, nasa kanya pa rin. Sa sayaw. Sa paraan ng paggalaw niya, pilit mang itago ang kahihiyan at panghihina. I’ve seen women dance. But never like that. Never with defiance in every sway and his fucking small waist.

“Sir” tumingin ako sa kanya na parang may gustong sabihin sa akin

"What?" 

“As I was investigating the Deveraux Holdings Mall Branch, I found something odd when we reviewed old applicant records since sa issue nila na mga kakilala lang nila ang tinatanggap nila kaya maraming nadidismaya sa mga employees doon dahil hindi sila dumadaan sa tamang screening dahil sa uso ang backer backer. There was a file from one year ago—an application at Deveraux Branch Mall, under cashier positions. The name: Seraphina Liam.”

Napalingon ako. “She applied?”

“Yes, sir. She was rejected due to age—she was just twenty then. Didn’t request forwarding to HQ. But I feel that's not the reason why the manager of the mall declined her application. She graduated as a summa cum laude and is a certified public accountant. She only wanted work experience to support her qualifications. The manager preferred hiring only recommended applicants. Internal referrals. No matter how qualified Seraphina was, she didn’t have connections. That’s why she was turned away.”

Tahimik ako ng ilang sandali. Humigpit ang hawak ko sa folder na binabasa ko.

So she tried. And the system turned her away.

“I want her working for me,” mariin kong wika. “Send an offer.”

Allen blinked. “Under what role, sir?”

I leaned forward. “As my personal secretary.”

He hesitated. “Sir… are you sure? That might be—”

“I said secretary. And Allen,” nanlamig ang tono ko, “make sure she can’t say no.”

“Yes, sir.”

“At sesantihin lahat ng empleyado sa mall na may kinalaman sa hiring scam. I want a clean slate. Hire new people. I don’t care who they are—just not someone with ties.”

“Yes, Mr. Deveraux.”

Humigpit ang panga ko. My system failed her.

So now… she will work directly under me.

And this time—she won’t escape.

---------------

Seraphina's POV

Habang naglalakad ako papasok ng ospital, napalingon ako sa kabilang kalsada—sa Deveraux Branch Mall. Siksikan ang media, at sa loob ay tanaw ang ilang lalaking naka-itim na tila bodyguards. Kita rin ang mga empleyado na mukhang nagmamadaling umalis.

“Dapat lang talaga na linisin nila ang mall na ’yan. Napakasusungit ng mga tao riyan,” narinig kong bulong ng isang ginang.

“Matagal na ’yang reklamo sa mga backer-backer na empleyado. Buti at tinanggal na silang lahat,” sagot ng isa.

Nakinig ako sa bawat salita nila, tahimik lang. Sa dami ng mga naririnig ko, tila isang bagay ang malinaw: may ginagalaw si Cayden.

Nakakapagtaka. Branch lang ito ng kompanya niya, pero ngayon niya lang pinansin? Posible bang ngayon niya lang nadiskubre ang mga nangyayari rito?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chained by the Billionaire   Chapter 99

    Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.

  • Chained by the Billionaire   Chapter 98

    Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy

  • Chained by the Billionaire   Chapter 97

    Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan

  • Chained by the Billionaire   Chapter 96

    May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N

  • Chained by the Billionaire   Chapter 95

    Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i

  • Chained by the Billionaire   Chapter 94

    Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status