Mag-log inJENINE"Jenine, anak...may problema ka ba?" tanong sa akin ni Nanay. "Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw parang ang tamlay mo.""Nay..." Yon lang ang katagang lumabas sa bibig ko dahil nagsimula ng mag-uunahan ang mga luha sa aking mga mata.Niyakap ako ni Nanay."Anak, kung ano man ang problema mo, sabihin mo sa akin."Patuloy lang ako sa paghikbi, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Nanay ang kalagayan ko.Ilang minuto akong nakayakap sa kanya, hanggang sa biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya dali-dali akong kumalas sa pagkakayakap at nagtungo sa lababo.Nakasunod naman si Nanay sa akin, bakas sa mukha niya ang pag-aalala."Jenine, anak okay ka lang ba?" tanong niya matapos ang ilang minutong pagsusuka."N-nay..." Mahina kong sabi. "I'm sorry po. P-pero b-buntis po ako, nay."Muli na namang nangilid ang mga luha ko."Ano, buntis ka?" gulat na sambit ni Nanay. "Si Huxley ba ang ama?"Marahan lang akong tumango habang nakayuko ang ulo. Iginiya niya akong maupo sa sala
JENINETahimik kaming naglakad pabalik sa hotel. Mahigpit ang hawak namin sa kamay ng isa’t isa, para bang pareho kaming natatakot na mawalay sa isa't isa.Kinagabihan, magkatabi kaming nakaupo sa balkonahe ng hotel. Tahimik ang paligid, tanging malamig na hangin at mga ilaw sa ibaba ang saksi sa bigat na nasa dibdib ko.“Babe,” ako ang unang nagsalita. “Hindi ko kayang maging dahilan para masira ang relasyon mo sa pamilya mo.”Huminga siya nang malalim saka humarap sa akin. “At hindi ko rin kayang isuko ka dahil lang sa gusto nila.” Mahinahon ang boses niya, pero buo ang desisyon. “Hindi kita minahal para talikuran kapag mahirap na.”Tinitigan ko siya, at doon ko muling nakita ang lalaking minahal ko—hindi lang dahil sa lambing niya, kundi dahil sa tapang niya. “Paano kung pilitin ka nila?” tanong ko, halos pabulong.Ngumiti siya nang bahagya. “Matagal na akong pinipilit. Pero ngayon, malinaw na sa akin kung ano ang ipaglalaban ko.”Ilang segundo akong natahimik bago ko isinandal ang
JENINETinupad nga ni Huxley ang sinabi niya na tatawag siya sa akin, kapag nakarating na siya sa LA. Kahit papano'y naibsan ang lungkot na nararamdaman ko, dahil nagvi-video call kami at nakikita ko pa rin siya kahit sa screen lang ng cellphone ko. Hanggang sa unti-unti na akong nakakapag-adjust sa sitwasyon namin, kasi umuuwi naman siya tuwing semestral break. Naka freeze pa rin ang credit cards niya pero sa tulong ng mga kaibigan niya nagawan pa rin ng paraan na kahit twice a year man lang magkakasama kaming dalawa.Minsan sa isang linggo, dinadalaw ako nina Mabel at Rose sa school para lang makipagkwentuhan sa akin. Minsan naman, kumakain kami sa labas at namamasyal sa mall. Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw, buwan at mga taon. Nasa 3rd year college na si Huxley at pati na rin sina Marco. Masaya ako para sa kanila kasi pinagbuti talaga nila ang pag-aaral. Hindi nasayang ang mag itinuro at ipinayo ko sa kanila noon."Hi babe," masayang wika ni Huxley nang magvideo-call
JENINEPasado alas dos ng hapon, at dumating na nga ang napakalungkot na sandali ng muling pagkakalayo namin ni Huxley. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang mapaluha."Babe, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak," wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Napaingos ako. "Hindi ko lang mapigilan, babe.""Naku Ma'am, kapag ganyan kayo, baka hindi na umalis yan si bro Huxley," panunukso ni Marco."Oo, hindi na ako iiyak," mahina kong sabi. Sandali kong isinantabi ang nararamdaman kong lungkot, kailangan kong maging matatag para sa amin ni Huxley kahit ang totoo, sumisikip na ang dibdib ko dahil ilang minuto nalang papasok na siya sa boarding area.Nang magsimula ng mag-announce ang airport staff para sa kanilang boarding time, parang gusto ko na namang maiyak. Pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong mahihirapan si Huxley."Paano babe, papasok na ako," wika niya at muli akong niyakap at kinintalan ng halik sa noo. Pero hindi ko na n
JENINEMabilis na nagdaan ang mga araw ng sayahan kasama si Huxley at ng mga kaibigan niya at ngayon, huling gabi na namin sa Tagaytay. Hindi ko maiwasang malungkot na naman dahil bukas muli na naman kaming magkakalayo ni Huxley. Sa Lunes na rin ang balik ko sa trabaho matapos ang sembreak."Ma'am Jenine, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Daphne. "Naku, I'm sure nalulungkot na naman si Ma'am dahil aalis na tayo bukas lalo na si Huxley," wika naman ni Sabrina."Tumingin silang lahat sa akin na para bang nakikisimpatiya sa nararamdaman ko."Babe," mahinang wika ni Huxley saka masuyong hinawakan ang kamay ko. "Kaya natin 'to di ba?"Tumango lang ako at ngumiti sa kanya."Basta ang masasabi lang namin sa inyo Ma'am, bro..." wika ni Marco. "Maging matatag kayong dalawa.""Yes bro. Tama." Pagsang-ayon naman ni Eduard. "Di ba nga love conquers all?""Yes true." Sabay-sabay na saad ng lahat."O sya, let's enjoy muna. This time, wala munang drama," nakangiting pahayag ni Mabel.Napangiti na
JENINENang magsidatingan ang mga kaibigan ni Huxley, naging mas masaya ang paligid. "Maraming salamat talaga sa inyo guys ha. Kung hindi dahil sa tulong niyo, hindi talaga ako makakauwi ng Pilipinas at hindi ko makakasama si Jenine." "Wala 'yon bro Huxley. Anytime, maasahan mo kami," wika ni Marco sabay tapik sa balikat ni Huxley."Yes tama yan, bro. Hindi ka namin kayang pabayaan," pagsang-ayon naman ni Eduard."Basta we are always here to support you and Ma'am Jenine, bro." Sabat naman ni Sabrina.Narinig ko ang isa-isang pagsang-ayon ng grupo at hindi ko napigilang mapangiti. Parang ang gaan sa dibdib. Sino bang mag-aakala na ang mga estudyante kong pasaway noon, ay siya pa palang magiging tunay kong mga kaibigan ngayon.“Grabe kayo… nakaka-emo naman ’yan,” biro ko, pilit na pinapawi ang init na biglang namuo sa mga mata ko.“Ay, Ma’am, huwag ka ngang umiyak,” agad na sabi ni Daphne, sabay abot ng tissue. “Hindi bagay sa’yo ’yung iyakin. Mas gusto namin 'yong personality mo noon
HUXLEYSadyang kumunot ang noo ko nang makita ko si kuya sa mataas na bahagi ng bleacher. Bakit kaya nandito siya at kanino kaya niya nalalaman na ngayon ang basketball championship namin? Bahala na nga siya basta kailangan kong maipanalo ang laro namin ngayon. Muli akong napasulyap sa kinaroroonan
JENINEHindi ko akalain na alam pala ni Huxley ang nakaraan namin ng kuya niya. At ang mas nakakabigla pa ay ang tanungin niya ako kung may feelings pa ba ako sa kapatid niya. Kahit naman ang totoo, matagal na akong nakapagmove-on, pero ayoko pa ring pag-usapan ang tungkol sa past relationship ko.
HUXLEYIsang minuto na lang at matatapos na ang laro. Medyo tensyonado na rin ang mga teammates ko dahil lamang pa ng dalawang puntos ang kabila. Kaya kailangang maka three points ako para maipanalo namin ang laro.Mas lalong humigpit ang depensa ng aming kalaban pero alam kong kaya ko 'to. Muli ak
JENINE"O beshie, akala ko ba absent ka ngayon? Musta na ang pakiramdam mo?" bungad na tanong kaagad sa akin ni Leslie nang makapasok ako ng faculty room. "Medyo okay na ako beshie," matipid kong sagot."Uhm, alam ko na. May laro sina Huxley ngayon noh?" nakangiti nitong wika.Tumango lang ako hab







