JENINE
As usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom. "Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna. "That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko. Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker. Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad ko itong tinungo at nang makita ko, agad kong pinindot ang power off. "Shit!! Pakialamera ka naman Miss Guevarra eh!" bulyaw ni Sabrina. "Arrange your chairs now and get ready for our lesson," pautos kong sabi. Hindi kumibo ang mga estudyante sa halip tiningnan lang nila ako ng masama. Alam ko na. Hinihintay na naman ng mga ito ang utos ng kanilang lider. Tiningnan ko ng masama si Huxley at nagkatitigan kaming dalawa. "Mr. Baltimore, remember na guidance ka pa kahapon. I guess, hindi mo gugustuhing ma guidance ulit," mahinahon ngunit mariin kong sabi. "Wala ka na bang ibang maisip na ipantakot sa amin Miss Guevarra, kundi ang ipapa-guidance kami?" paismid na sabi ni Sabrina sabay na pinag-arko ang isa nitong kilay. Hindi ko siya pinansin sa halip kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang video record. "From now on, lahat ng ginagawa niyo dito sa classroom ay makarecord na. I already told the principal about this and he agreed. So, once na may ginawa kayong kamalian dito, I'll make sure na makakarating ito sa guidance office." Napatitig silang lahat sa akin. Nababasa ko ang pagkabahala sa kanilang mukha. Mayamaya, sumulyap silang lahat kay Huxley na para bang hinihintay ng mga ito ang sasabihin ng kanilang kinikilalang lider. "At sa tingin mo ba, natatakot kami Miss Guevarra?" Boses ni Huxley ang aking narinig. "Tama, hindi kami natatakot sa 'yo. Magrecord ka hangga't gusto mo. Gusto mo lang yatang magpapapel sa SH department eh," sabat naman ni Marco. "Gusto mo lang magpasikat Miss Guevarra, para taasan ang sweldo mo. Kung 'yon lang ang gusto mo, eh kayang-kaya naman naming gawin 'yan, h'wag mo lang kaming pakialaman," ani ni Sabrina at nakasimangot pa ito. "Hindi niyo alam ang sinasabi niyo. Hindi pera ang pinag-uusapan natin dito, kundi ang tumino kayo. Para lang naman sa inyo ang ginagawa ko," seryoso kong wika. Ngunit ang mga pasaway kong mga estudyante pinagtatawanan lang ako. Kahit nanggagalaiti na ako sa galit, sinikap ko pa ring kontrolin ang aking sarili, dahil teacher ako rito. Nang magsimula na akong magturo, hindi ko inaasahan ang biglang pagtayo ni Huxley at mabilis na kinuha ang cellphone ko na inilagay sa stand. "Huxley, what are you doing?" sigaw ko sa kanya. "Here. It's all gone. Deleted na ang video," nakangising wika nito, at nagsipakpalakpakan ang lahat. "Ayos! You're the best talaga bro!" sambit ni Marco, at nag-aapiran ang dalawa. Biglang kumulo ang dugo ko at nanginginig ako sa galit. "You're stupid jerk, Huxley Baltimore! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya. "Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba?" "Huxley, I said give me back my phone!" pasigaw kong sabi. "Para ano? Para makunan mo kami ng video? No way!" nang-uuyam na saad nito. Talagang inubos ng gagong ito ang pasensya ko. Hindi na talaga ako makakapagpigil at parang sasabog na ang puso ko sa galit lalo na't patuloy pa rin nila akong pinagtatawanan. Napatiim-bagang ako habang nakakuyom ang aking mga kamay. Ano nga ba't nawalan ako ng kontrol sa aking sarili at mabilis kong nilapitan si Huxley. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko, at doon tumama sa kanyang mukha. Nagulat ang lahat at hindi nakakibo. Nang makita kong napangiwi si Huxley, inagaw ko ang aking cellphone mula sa kanya at mabilis akong lumabas ng classroom. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit kaya kailangan ko munang umalis at baka tuluyan akong makalimot at mabugbog ko pa silang lahat. Doon ako dumiretso sa faculty room at kailangan kong uminom ng tubig. "Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't namumula ka?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie. "Okay ka lang ba?" Hindi ako sumagot at pasalampak lang akong umupo sa aking mesa. "Dahil na naman sa mga estudyante mong pasaway sa ABM ano?" muling wika nito. "Napakabastos nilang lahat," gigil kong sabi. "Kaya ayun, di na ako nakapagpigil at nasuntok ko sa mukha si Huxley Baltimore." "Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Leslie sa kanyang narinig. "Si Huxley 'kamo, sinuntok mo?" "Eh, gago 'yon eh, kinuha ba naman ang cellphone ko at binura ang mga video recordings ko sa kanila. Actually, nagpaalam na ako kay sir Salcedo na ibi-video lahat ng kaganapan sa classroom namin at para naman matakot silang gumawa ng kabulastugan sa klase ko. Pero 'yong gagong Huxley na 'yon, masyado namang mapapel porke't siya raw ang lider sa classroom, kaya hindi ako nakapagpigil at nasuntok ko siya." "Naku besh, hindi ako makapaniwalang nagawa mo 'yon. First time in history na may teacher na nanuntok ng estudyante," nakangiting wika niyto. "Alam mo namang napakayaman niyang si Huxley at ang mga magulang niya ang may-ari at major stockholder nitong University na pinagtatrabahuan natin." "Hindi ako natatakot sa kanya. At siguro naman hindi na ako makakasuhan ng child abuse dahil hindi na 'yon minor de edad, di ba?" "Oo, pero—" Napabuntung-hininga ito. "Paano kung magsumbong 'yon sa mga magulang niya at paalisin ka rito?" "Bago pa mangyari 'yon, uunahan ko na siya" seryoso kong wika. "Anong binabalak mong gawin, besh?" "Ipapatawag ko ang parents niya sa guidance office," wika ko, at kinuha ang aking cellphone. "Akala siguro ng gagong 'yon, nabura na ang lahat ng recordings. Hindi niya alam na hindi lang cellphone ang ginamit ko kundi laptop ko rin." "Naku, napaka-wise mo naman besh. Believe na talaga ako sa 'yo," nakangiti nitong wika at naghand salute pa sa akin. "Baka akala siguro ng mga estudyanteng 'yon, uurungan ko sila. Hindi ako katulad ng ibang mga guro na bumahag ang buntot sa kanila. Well, papatunayan ko sa kanilang lahat lalo na sa Huxley na 'yon na kaya ko silang labanan lalo na't alam kong nasa katwiran ako." "Tama yan besh, dapat matuto silang rumespeto sa atin na mga guro. Pero alam mo, sa totoo lang hindi ko kayang gawin 'yong ginawa mo kay Huxley eh," nakangiti nitong wika. "Hindi ko ma-imagine ang mukha nu'n pagkatapos mo siyang suntukin." At humagikgik ito ng tawa. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang na tuluyang humupa ang galit ko. Makaraan ang ilang sandali, bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit naawa naman ako sa Huxley na 'yon. Alam kong masakit ang pagkasuntok ko sa kanya. Palagi kasi akong nagsasanay tuwing umaga dahil may punching bag ako sa bahay namin. "Yon ang nararapat sa kanya," sabi ng isip ko. Mayamaya lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa guidance office.HUXLEY Matapos ang pag-uusap namin ni Jenine, hindi na ako mapalagay. Iniisip ko baka kung ano na naman ang gawin ni Mommy sa kanya."Shit!" mahina kong usal sa sarili. Kung maari nga lang sana akong umuwi ngayon ng Pilipinas, eh kaso hindi dahil naka-freeze ang credit cards ko.Pucha."Huxley, what's wrong?" tanong ni Bianca. Well, I did not expect na dito rin siya mag-aaral sa Harvard at kaklase ko pa. Plinano na talaga ito nina Mommy at Daddy. "Babe, is anything wrong?" muling tanong niya. "I'm fine. Just get out of my way. And don't call me babe. Isa lang ang taong binibigyan ko ng karapatang tawagin ako ng ganyan," malamig kong sagot. "Whatever, Huxley. But let me remind you, you're mine. Ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin," wika niya. "Just give me a chance to love you." "I'm sorry Bianca, my heart only belongs to Jenine." Mariin kong sabi saka mabilis siyang tinalikuran. Hindi na ako nakapag focus sa klase ko. Walang ibang laman ng aking isip kundi si Jenine. I miss
JENINEKinahapunan, naunang umuwi sa akin si Leslie dahil as usual may usapan na naman sila ng jowa niya. Hindi ko mapigilang malungkot kasi naisip ko, kung nandito lang sana si Huxley, I'm sure na sinusundo na niya ako ngayon. Napabuntung-hininga na lamang ako habang nagpapatuloy sa aking ginagawa. Four thirty pa lang naman kaya, mamaya nalang akong alas singko lalabas ng school.Ilang minuto pa ang lumipas at bigla naman akong nakatanggap mula kay sir Salcedo na gusto raw makipag-usap sa akin ang Mommy ni Huxley."Ano kaya ang kailangan niya sa akin?" tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung tungkol ba ito sa trabaho ko o may kinalaman sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko maiwasang mangamba dahil Chairman ng De la Salle ang makakaharap ko. Matapos akong nakapag-ayos, lumabas na ako ng faculty room. Wala pa ring patid ang kaba sa aking dibdib habang tinutunton ko ang daan papunta sa opisina ng Chairman.Nang makarating na ako sa doorstep, huminga muna ako ng malalim, saka mah
JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni nanay nang maabutan niya akong nag-iisa sa balcony ng aming bahay. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang paglapit niya."Uhm, nay...kayo po pala," mahina kong sagot. "Okay lang po ako nay.""Anak, h'wag mo ng masyadong isipin ang pagkakalayo ninyo ni Huxley. Hayaan mo't masasanay ka rin. Bukas na ang unang araw ng pasukan ninyo sa eskwela, sigurado akong hindi ka na gaanong malulungkot lalo na't meron ka na namang bagong mga estudyante.""Opo nay.""O sya, anak, kakain na tayo para makapagpahinga ka ng maaga. Tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa 'yon nakaluto si Anna."Tumango na lamang ako at dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko sa balcony. Ramdam ko pa rin ang lungkot
JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kanya. Sa Lunes na rin ang umpisa ng klase namin kaya may pagkakaabalahan na rin ako at hindi na gaanong malulungkot sa pagkakalayo naming dalawa. "Anak, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni nanay habang kumakain kami ng almusal."Opo nay," mahina kong tugon."Naintindihan kita anak. Alam kong nahihirapan ka dahil aalis na si Huxley papuntang Amerika," aniya. "H'wag ka ng malungkot ate, I'm sure na palaging tatawag ang boyfriend mo sa 'yo," sabat naman ni Anna.Saglit akong natahimik. Sinabi pala ni Huxley kahapon na ngayon ang alis niya kaya alam nila."Ate, sa umpisa lang mahirap 'yan, pag nagkalaunan, unti-unti mo ring makasanayan ang lahat," wika naman ni Ronnel."Aba... ang galing, parang
HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang ang lungkot mo na?"Umiling lang ako saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya."Don't be sad okay? At baka maiyak pa ako dito. Sige ka," pabirong sabi niya. Alam kong pinapatawa lang niya ako."Iniisip ko lang kasi magkakalayo na tayo eh," sabi ko."Four years lang naman di ba?""Lang?"Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Basta mabilis lang naman lumilipas ang mga araw di ba? At hindi mo lang namamalayan four years na pala."Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Sana nga lang ganu'n kadali. Parang matutulog lang ako tapos pag gising ko, nasa piling ko na siya ulit.Napabuntung-hininga ako. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang desisyon nila Mommy eh.""Babe, listen. Kailangan mo
HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatitig ako sa kanya. Maamo ang kanyang mukha tila isang anghel na ipinadala sa akin para magbigay ng direksyon sa buhay ko. Napakaganda niya talaga at hindi ako magsasawang titigan siya. Maingat kong inaalis ang braso kong nakaunan sa kanya, dahan-dahan, para hindi siya magigising saka kinumutan ko siya.Napangiti ako nang bahagya, habang iniisip ang lahat ng nangyari kagabi, kung paano ko siya inangkin at kung paano niya ipinadama sa akin sa unang pagkakataon ang kaganapan ng aking pagkalalaki. Alam kong nasaktan ko siya, ramdam ko ang mga luha niya, pero hindi ko na nakuha pang tumigil, dahil hindi ko na rin kayang kontrolin ang magkahalong pananabik at pagmamahal ko sa kanya. Napansin ko an