Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"My brother's room is right next to yours. Beverly, his last nurse, cleared the room already so you are free to rest now. Mukhang pagod ka pa sa byahe. My wife knows some basic stuff pagdating sa pagmo-monitor sa kapatid ko kami muna ang bahala while you're trying to get a hang of the place." Malumanay at naroon ang kurba sa labi na ani ni Klinn bago nito hinawakan ang knob ng isang kwarto. Mayamaya ay bumuntong hininga ito at pumakla ang ekspresyong nakaguhit sa mukha. "I trust the man who recommended you, Miss David so I hope pwede rin naming ipagkatiwala ang sikretong ito tungkol kay Keios. You see, my brother's career depends on how much we can keep his real state hidden from the world."

Bagama't hindi pa gaanong nagsi-sink in sa utak ni Eunice na ang lalakeng ni-rescue nila noon sa isang aksidente dalawang taon na ang nakararaan ang siya ring magiging pasyente niya, kumunot pa rin ang kanyang nuo sa pagtataka.

Keios is a football star. Aware siya roon dahil sino ba ang hindi kilala si Keios? Bantog ang pangalan nito lalo na sa mga babae at magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya isa sa mga humanga rito kaya nga ganoon na lang ang lungkot niya noong sabihin sa sumundo sa kanya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Eunice na iuuwi ng Amerika si Keios dahil iyon daw ang request ng girlfriend nito.

"I—I thought inuwi siya sa Amerika? Hindi ba iyon ang gusto ng girlfriend niya?" Usyoso niya.

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Klinn, tila nagtatanong paano niya iyon nalaman. Napalabi tuloy siya at nahihiyang umiwas ng tingin. "I saw the news. Kung hindi niyo natatanong ay sikat kasi sa amin ang Huskeez." 

She lied. Hindi niya sa balita nalaman iyon kahit na totoong ibinalita iyon. Sabi pa nga ay "bumubuti na ang lagay ni Keios, thanks to his girlfriend, a famous Amerikan model". She doubted that. Alam niya ang totoong lagay noon ni Keios. Naroon siya mula nang maisalba ang buhay nito. Nasa tabi siya nito nang wala pa itong bantay at muntik malagay sa alanganin ang buhay nang nagkaroon ng bleeding.

She was there for Keios not just a fan nor a medic. She was there because there was something about him. Tila kumukunot ang noo ng lalake noon sa tuwing lalayo siya at rumerelax naman kapag nasa tabi na siya nito.

It was weird, but maybe it was just Keios' way of communicating, o baka nag-ilusyon lang talaga siya kasi crush na crush niya noon si Keios.

"My brother wasn't brought to US. Hindi pumayag si kuya Keeno dahil masyado raw mapanganib for Keios. I experienced coma first hand kaya alam kong hindi madali na gusto mong imulat ang mga mata mo pero hindi makikisama ang katawan mo. Nang makarecover ako, ako na mismo ang nagpresintang mag-alaga sa kanya kaya ako na rin ang sumalo sa ilang legal papers niya. I know my brother loves football and Huskeez more than anything. May ultimatum na lang siya. Kapag hindi siya nakabalik sa team bago magrenew ng contract, he's out." Bumuntong hininga si Klinn at hinilamos ang palad sa mukha. "I don't know when my brother's gonna wake up. Pero hangga't hindi pa siya nagigising, gusto ko namang kahit paano maging tahimik muna ang pangalan niya. Hayaan muna nating isipin ng iba na nagrerecover na siya kesa araw-araw kaming pinagpi-pyestahanng press sa labas ng gate para lang makita ang kawawang kalagayan ng kapatid ko."

Malungkot na ngumiti si Eunice. Sa loob-loob niya ay bilib siya kay Klinn dahil sa dedikasyon nito sa kapatid. Many will say they love you because you're family, but the truth is, kaunti lang naman talaga ang handang ipakita talaga ito. Love, after all, is a strong word. It will take a lot to prove it's true.

Pumasok siya sa cream colored room na may single bed, wooden cabinet, at maliit na mesa. Simple lang ang kwarto at walang kahit anong palamuti maliban sa kulay asul na vase sa ibabaw ng mesa at sa asul na kurtina pero kahit malayo ang silid na iyon sa kwartong nakasanayan niya sa mansyon, mas dama niya ang pagiging komportable sa lugar na iyon.

She massaged the back of her neck before she lied down on the soft mattress matched with white sheets. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng maging payapa sa bawat oras na lumilipas. Iyon bang wala kang aabangang taong darating, wala kang iisiping mananakit sa iyo nang basta na lang.

Mabigat man ang kanyang pakiramdam dahil sa nagawa niya kay Terrence, alang-alang sa sanggol na lumalaki sa kanyang sinapupunan, handa niyang tanggaping nakagawa siya ng malaking pagkakasala sa Diyos.

Hinayaan niyang sumara ang talukap ng kanyang mga mata habang dinadama niya ang lamig ng aircon. The soft bed and the coolness of the place were too comforting. Hinaplos niya ang kanyang tiyan habang mariing sinasara ang bibig. Gusto niyang ngumiti ngunit isang basag na ngiti naman ang lumandas sa mga labi niya.

"It's going to be okay, baby. Mommy will never let anyone hurt you. Hinding-hindi ka lalaking makakagisnan ang pait ng mundo." She whispered to her little one. Humapdi ang sulok ng kanyang mga mata ngunit pilit niya iyong winaksi. Kailangan niyang maging matatag. Hindi niya maaaring hayaang mawalan lang ng saysay ang sakripisyo ng mga taong tumulong sa kanya para makalaya sa impyernong pinanggalingan niya.

Hindi na namalayanni Eunice ang tuluyang pagkatangay sa pagtulog. Nang magising siya ay humahalik na ang kahel na kulay ng araw sa kalangitan senyales na pasapit na ang gabi. Agad siyang bumangon at naligo saka niya isinuot ang simpleng terno ng damit pang nurse na ibinigay ni Klinn sa kanya. Kulay pink iyon na may gray lining sa manggas at laylayan at malaya siyang nakakagalaw. Pinusod niya ang kanyang mahabang buhok bago siya tuluyang lumabas ng silid upang puntahan si Keios.

Hindi niya napigilang kagatin ang kanyang ibabang labi nang marating na niya ang tapat ng silid ng binata. It's been two years. Naroon ang pananabik niyang makita muli ang taong hinahangaan niya lang noon. Nanghinayang talaga siya nang ialis si Keios sa pinapasukan niyang ospital noon sa Bataan dahil ibig sabihin no'n ay hindi na niya ito mababantayan o madadalaw.

She was his illegal nurse when he was in Bataan. Tuwing breaks niya, nakabantay siya palagi lay Keios at kinakausap ang walang malay na binata. Kapag naman uuwi na siya, maggugugol pa siya ng isang oras o dalawa para bantayan ito ulit tapos ay papasok naman siya ng mas maaga para na naman puntahan ang binata sa silid nito.

Kumusta na kaya ang katawan nito? Sana ay hindi ito masyadong nangayayat. Naaalala pa niya kung paano siya noong napapalunok kapag nagpiprisinta siyang punasan ang katawan ni Keios. Man, the guy's been living inside the gym! His muscles were ripped and sculpted in perfect places. He wasn't the bulky type. He was between muscular and lean. Sakto ang pangangatawan nito para sa isang football star.

Pinilig niya ang ulo nang maalala na naman ang eight packs sa tiyan ni Keios. Ano ba iyong mga naiisip niya? Buntis na siya't lahat-lahat nagawa pa niyang pagpantasyahan ang lalakeng nasa coma. Gusto tuloy niyang kutusan ang kanyang sarili.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya tinulak ang pinto. Ang mabangong amoy ng fresh callas ang bumungad sa kanya sa puting silid na pinupuno ng tunog ng aparato.

In the left side of the room, surrounded with beeping machines and vital monitors, she saw one of the most handsome men she'd ever seen in her life. Humaba na ang buhok ng binata at pumayat ang katawan nito ngunit hindi niya alintana ang naging pagbabago sa anyo nito.

His eyes were shut and there was a tube in his mouth with several wires were attached on his chest and head. Pumutla rin ang dati ay morenong kutis ng binata. Klinn has fair complexion. Tingin tuloy ni Eunice ay naging moreno lang si Keios dahil sa paglalaro ng football.

She walked towards the side of his bed and watched him breathe deeply while sleeping peacefully. Her eyes wandered at his symmetrical nose, on point cheek bones, manly brows, thin lips, and chiseled jaw. Keios has inks on his body but her favorite was the one on his left wrist, right on his pulse. It was a shooting star and Eunice thinks it was beautiful, despite her dislikeness with tattoos.

Mapakla siyang ngumiti at hinaplos ang likod ng palad ni Keios. "It's been a while, Keios. Your fans miss to see you in the field. I miss to see you in the field." 

Bumuga siya ng hangin, pinagmasdan ang gwapong mukha ng lalakeng walang malay. Ganito sila noon. She did all the talking. Minsan ay tila kukunot ang noo ni Keios o kaya ay mahinang uungol ngunit wala talagang nangyayari maliban doon.

But she never lost hope with him. Gaya ng dati, hinawakan niya ang kamay ng binata saka ito mahinang piniga. Mapakla siyang ngumiti habang titig na titig pa rin sa binata. "Na-miss kong makipag-kwentuhan sayo, idol." Natawa siya sa sariling biro.

Aalisin na sana nia ang kamay na nakahawak kay Keios nang bigla na lang bumilis ang heart rate nito, hanggang sa tumaas na ng tumaas. Napatayo si Eunice at may kinuhang gamot at syringe sa medicine cabinet. She had to help Keios' heart calm down or else his palpitation could cause him death.

Nilagyan ni Eunice ng gamot ang syringe saka pinitil nang mahina ang karayom bago siya tumingin sandali sa binata. Bakas na ang pag-aalala sa kanyang dibdib ngunit nilakasan niya ang loob alang-alang sa buhay ng lalake.

Lumapit siya ulit sa kama nito bago siya nagsalita. "Stay with me, Keios. Stay with me." Mahina niyang pakiusap gaya noong gabing niligtas niya ito.

Tila ba may mahikang taglay ang mga salitang iyon, dahil bago pa man maiturok ni Eunice ang syringe sa swero ng binata, umayos ang tunog ng aparato senyales na bumalik na sa normal ang tibok ng puso nito.

Napabuntong hininga siya at nangingiting napailing habang nakasara ang mga mata. "God, Keios you scared me." 

She opened her eyes to look at his face. Ngunit halos tumalon palabas ng dibdib niya ang kanyang puso nang masalubong ang pares ng mga matang nakatutok sa kanya.

Her eyes widened in disbelief. He's awake! Keios is awake!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status