Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Mahigpit ang hawak ni Eunice sa brush habang pinapasadahan niya ang kanyang mahabang buhok. She has a natural midnight black hair that effortlessly shines. Bumagay ito sa maliit na korte ng kanyang mukha, pati sa bilugan niyang mga matang tinernuhan ng makapal at tumitikwas sa haba niyang pilik-mata. Ang kanyang kutis ay parang gatas kaya madalas siyang tawaging manika noon ng mga nakakakilala sa kanya. Hindi rin naman kasi siya tumataba kahit pa anong lakas niyang kumain.

She has the body and the height of a model, but she preferred to flip pages of medical books than her hair while smiling at the camera. Sanay siya sa mga bagay na hindi madalas puriin ng mga tao. Kaya nga naging medic siya kasi hindi naman niya kailangan ng mga parangal. Gusto niyang magligtas ng buhay kahit na babae siya—pero heto naman siya ngayon, hindi magawang iligtas ang sarili nang mag-isa.

Napalunok siya habang nakatitig sa kanyang repleksyon sa salamin. Narinig na niya ang pagpatay ni Terrence sa shower. Isa lang ang ibig sabihin no'n. Magtatagpo na naman ang landas nila at sigurado siyang pipilitin na naman siya ng asawang ibigay ang sarili rito.

Her heart almost jumped out of her chest when Terrence shut the bathroom door. Lumabas ito na tanging itim na shorts lang ang suot at pumapatak pa ang ilang butil ng tubig mula sa basa nitong buhok.

Terrence is handsome as hell. Malaki ang pangangatawan nito at may tangkad na isang pulgada na lang ay six footer na. Matangos ang ilong, singkit ang mga mata nito at manipis ang mga labi habang ang panga nito ay parang nililok nang maayos upang kumpletuhin ang package, pero sa kabila ng lahat ng katangiang iyon, ang Terrence na masiyahin, malambing, at maalaga ang minahal niya. Hindi ang estrangherong kung titigan siya ngayon ay akala mo hubo't-hubad siya.

Lumunok si Eunice nang makitang nagsimula nang humakbang si Terrence palapit sa kanyang direksyon. Nang huminto ito sa kanyang likod at hinaplos ang kanyang mahabang buhok, nahihit niya ang kanyang hininga at nagsitindigan ang kanyang mga balahibo sa katawan.

"You're really beautiful, Eunice." Inamoy ni Terrence ang buhok niya habang nakasara ang mga mata. 

Nangilabot siya sa itsura ng sarili niyang asawa. Para itong baliw na punong-puno ng pagnanasa kung umakto ito at kahit ayaw niyang makaramdam ng takot, nangangatog na ang mga tuhod niya dahil sa ginagawa ni Terrence.

Iminulat nito ang mga mata at tinitigan siya mula sa repleksyon nila sa salamin. Nakakatakot ito kung tumingin at nang iigting nito ang panga saka sinabunot ang kamay sa kanyang buhok, mariin niyang naisara ang kanyang mga labi upang pigilan ang sariling dumaing sa sakit.

"Tell me, Eunice. What did you and Gilbert talk about while I was out, hmm?" Nakakakilabot na tanong nito sa kanya habang pinapadausdos ang dulo ng daliri sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg at balikat.

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay na nanginginig na bago siya umiling. "W—Wala. Hindi kami nag-uusa—"

"Sinungaling!" Terrence snarled. Napadaing si Eunice sa sakit nang hatakin siya bigla ni Terrence paangat habang hawak siya sa kanyang buhok.

Pakiramdam niya ay patatanggal ang anit niya sa higpit ng hawak ni Terrence sa buhok niya. Namuo ang kanyang mga luha at napahikbi siya nang makitang nagtatagis ang panga nito habang matalim ang titig na pinupukol sa kanya.

"T—Terrence, please." Pinagsalikop niya ang kanyang mga palad habang hindi mapigilan ang pagluha. "Maawa ka sa akin. Asawa mo ako."

Nagngitngit ang mga ngipin ni Terrence sa galit at dumilim pa ang kanyang ekspresyon. Mas nilapit niya pa ang mukha kay Eunice habang pahigpit pa nang pahigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito. Tila bingi siya sa hikbi at pakiusap ng sariling asawa. Masyadong malakas ang nagiging epekto ng droga sa kanyang sistema.

"Alam mo palang asawa kita bakit nagpabuntis ka sa iba, ha?!" 

Napapalahaw si Eunice nang akmang sasampalin siya nito. "'Wag! Parang awa mo na kung hindi mo kayang tanggaping iyo ang batang dinadala ko huwag ka namang gumawa ng dahilan para mawala ang anak mo! Terrence please tigilan mo na 'to!" Humagulgol siya at pilit kinalas ang kamay ng asawa sa kanyang buhok pero imbes maawa sa kanya ay kinaladkad pa siya nito patungo sa banyo.

"Sumasagot ka na ngayon?! 'Yan na ang gustong mangyari ng lalake mo?!" Hinatak siya nito palapit sa bath tub na may tubig pa.

Nanlaki ang luhaang mga mata ni Eunice at nagpumiglas siya. "Terrence wag! Parang awa mo na—" 

Natigil ang pagsasalita niya nang idukdok ng asawa ang kanyang ulo sa ilalim ng tubig. Nagpumiglas siya rito ngunit lalo lamang nilulubog ni Terrence ang kanyang ulo.

Napahigop siya ng hangin at napaubo nang iangat siya nito, ang kamay ay nakasabunot pa rin sa kanyang buhok. "W—Wala kang puso!" Puno ng galit at pagsisisi niyang sigaw sa asawa habang walang humpay ang paglandas ng luha sa basang pisngi. "Wala kang puso, Terrence hayop ka!" 

Pinagsasampal niya ang asawa habang humahagulgol. Nakakalmot na niya ang mukha nito pero tila baliw pa itong ngumingisi sa kanya bago siya nito binitawan. Naglakad ito patungo sa bunton ng damit nitong gamit kanina at nang may kunin ito sa loob ng jacket, muli itong bumalik sa harap niya.

Nanlamig ang kalamnan ni Eunice nang makita ang revolver na hawak ni Terrence. Napaatras siya at nanginginig ang mga kamay na sinalat ang kanto ng bath tub upang doon kumuha ng suporta habang ang mga mata niya ay tutok na tutok sa baril na hawak ng asawa.

"A—Anong ginagawa mo, Terrence?!" 

Humalakhak ito at tinanggal ang safety dahilan para magwala sa takot ang puso niya. "May lima pang bala ito, mahal. Uunahin ko munang itumba ang kalaguyo mo at uubusin ko sa kanya ang apat pagkatapos, babalikan kita rito at," binaba ni Terrence ang tutok ng baril sa tapat ng kanyang tiyan.

Naluha siya habang nanlalaki ang mga mata. Napahawak siya sa kanyang tiyan at humikbi habang umiiling. "No, please huwag mong idamay ang bata. Anak mo 'to!"

Biglang dumilim ang ekspresyon ni Terrence at nagtagis ang bagang nito. "Shut up! Just shut up!" Nagngitngit ang mga ngipin nito at sinandal ang bunganga ng baril sa sariling sintido.

Mayamaya ay bigla na lang nitong tinaas ang baril at pinutok sa kisame ang bala. Napapalahaw si Eunice sa sobrang takot. Sumasakit na ang tiyan niya ngunit mas nananaig sa kanya ngayon ang takot para sa kanilang mag-ina. Ngayon niya mas naintindihan ang nangyayari sa asawa niya. Talagang wala na ito sa sariling katinuan.

Ilang sandali siyang humikbi lang at hindi nakagalaw sa kanyang pwesto. Mayamaya ay nakadinig na siya ng malalakas na kalampag sa pinto ng kwarto kasunod ay ang pagtawag ni Gilbert sa pangalan niya.

"Ate! Ate anong nangyayari sayo?!" Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Gilbert.

Parang nanlamig ang katawan ni Eunice nang makita ang pagbaling ng asawa sa pinto ng banyo. Humigpit ang hawak nito sa baril at nang magsimula itong maglakad palabas, napatayo siya at sumigaw sa takot sa gagawin ng asawa.

"Gilbert umalis ka na! May baril na hawak ang asawa ko!"

Ngunit hinawakan ni Terrence ang knob at nang bumukas ang pinto ay bigla na lang siyang dinamba ni Gilbert. Humampas ang likod ni Terrence sa poste ng kama ngunit nagawa nitong iputok sa kisame ang baril. 

Pinagsusuntok siya ni Gilbert at nabitiwan niya ang baril ngunit nagawa rin niyang tadyakan ang lalake. Bumagsak sila sa sahig at nagpambuno. Tumama sila sa mga mwebles at nagsilaglagan ang mga picture frames at vase na nakapatong sa mga iyon.

Takot na takot si Eunice sa nakikita ngunit nang makita niyang dinampot ng asawa ang nabasag na salamin ng isang picture frame at isasaksak na sana kay Gilbert ang tusok nito, mabilis siyang tumakbo para samputin ang baril saka takot na takot itong pinutok kahit wala naman siyang alam sa paghawak ng baril.

Nabitiwan niya ito matapos umalingawngaw ang malakas na ingay, saka siya nanginginig na napaatras nang makitang nagsimula nang lumabas ang dugo sa tiyan ng kanyang asawa. Nanlalaki ang mga mata ni Terrence nang tignan siya nito, ngunit ilang sandali pa ay bigla na itong bumagsak sa sahig at nakabangon si Gilbert.

Eunice screamed in horror with what she'd done but Gilbert ran towards her and supported her trembling body. Inalalayan siya nitong makalabas ng silid at nang makarating sila sa hagdan, naabutan nila ang mga paakyat na trabahador na marahil ay nadinig ang mga putok ng baril.

"Diyos ko, Eunice!" Bulalas ni aling Berna, ang asaw ni manong Lary.

Dinaluhan siya ng mga ito at inalalayang makababa hanggang sa labas ng mansyon. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot at umaagos ang kanyang mga luha kaya nang makalabas sila ay agad siyang hinapit ni aling Berna para yakapin at pakalmahin.

Wala siyang magawang sabihin. Naging pipi siya at hinayaan ang sariling humagulgol at manghina dahil sa mga nangyari. Hindi naman siya binitiwan ni Aling Berna, iyon nga lang ay si Gilbert na ang kumuha ng atensyon niya.

"Ate kailangan ka naming mailayo rito sa lalong madaling panahon."

"Tama si Gilbert, Eunice. Hindi ka maaaring madamay dito. Alam naman natin ang koneksyon ng asawa mo sa mga pulis. Buntis ka baka kung ano pa ang mangyari sa inyo." Ani Mang Lary.

Kumalas si Eunice sa pagkakayakap kay Aling Berna at pinalis ang luha. "A—Ako ang makukulong." Humikbi siya. "Ako ang bumaril sa asawa ko."

"Shhh." Hinawakan ni Aling Berna ang magkabila niyang braso. "Gagawa kami ng paraan para lumabas ang totoo na pinagtatanggol mo lang ang sarili mo. Huwag kang mag-alala marami kaming titistigo pero habang hindi pa tayo nakakahanap ng ibang paraan para hindi mamanipula ni Terrence ang kaso, kailangan mo munang umalis."

"Pero hindi ho ba lalo lang bibigat ang kaso? At saan ako tutuloy?"

Bumuntong hininga si Mang Lary. "Iyong isang anak ng amo ni Rosa, baka matulungan niya tayo. Pansamantala ay doon ka muna sa sinasabi naming amo ng anak naming si Lukas. Gilbert, ang baril, siguraduhin niyong hindi makikita. Palalabasin naming nakita namin ang nangyari at si Sir Terrence mismo ang ididiin sa kasong ito."

"Pero paano kayo?" Nag-aalala niyang tanong sa mag-asawa.

Malungkot na ngumiti ang mga ito sa kanya. "Matagal na kaming napupundi kay Terrence. Marahil ay akala mo nagbago lang ang asawa mo pero ang totoo, Eunice, iyang nakikita mo? Iyan ang tunay niyang ugali. Nagbalat-kayo lang siya para mapaibig ka pero kahit kailan hindi mapagtatakpan ang tunay na kulay ng budhi ng isang tao. Berna, tawagin mo si Domeng. Sabihin mong oras na para ideliver ang truck sa Batangas. Gilbert, ikaw na ang kumuha ng gamit ni Eunice."

Tumango si Gilbert at Aling Berna. Nang nagsipulasan ang mga ito, halos mapaupo si Eunice sa hagdan sa harap ng mansyon. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito sa kanya.

Who would have thought that her life in this hacienda would turn out so wrong? Bakit hindi niya nagawang tukuyin ang tunay na ugali ng taong pinili niya? Ngayon ay nagkanda-letse-letse na ang lahat at heto siya, tatakbuhan ang mga ito.

Nang lumabas si Gilbert dala ang maliit niyang travel bag namay ilang pirasong damit, inalalayan siya nitong tumayo. Ilang sandali pa ay pumarada na sa harap nila ang truck na may kargang bagong pack na coffee beans na siyang produkto ng hacienda. Iyon ang gagamitin para ipuslit si Eunice palabas ng hacienda. Dalawang gwardya lang naman ang nasa main gate. Kung magiging maingat sila, mailalabas nila si Eunice bago pa man nila kailanganing tumawag ng ambulansya para kay Terrence. Kung sila lang ay hindi na nila ito aagapan, pero alam nilang malaki ring kasalanan sa Diyos kung pababayaan nila ito kaya ang nasa isip na muna nila ay ang kaligtasan ng mabait nilang among si Eunice na dumanas na nang sobra sa kamay ng sarili nitong asawa.

Inalalayan ni Lary at Gilbert si Eunice na makasampa sa likod ng truck. Nagtago siya sa likod ng mga saku-sakong coffee beans at yakap ang sarili habang pinipilit na kumalma. 

"Eunice, tatagan mo ang loob mo. Malalagpasan natin ito. Malalagpasan mo ito." Paalala ni Mang Lary.

Muli siyang naluha. She can't believe these people, who are not even related to her, are willing to put their freedom on the line just to help her escape from Terrence. Utang niya ang pangalawang pagkakataong ito sa kanila at pinapangako niya sa sarili na gagawa siya ng paraan maipakulong lang ang kanyang asawa kung mabubuhay man ito.

Kumaway siya sa mga ito bago tuluyang sinara ni Gilbert ang pinto ng truck at nang umandar na nga ang sasakyan, napapikit na lamang siya at lumuluhang nanalangin para sa kaligtasan nilang mag-ina. Halos tawagin na niya ang lahat ng nasa langit nang huminto sila sa main gate. Binuksan ang truck kaya naman kumalabog nang husto ang dibdib niya, ngunit nang muli itong isinara saka kinalampag ng gwardya ang pader nito para senyasang tumuloy na, halos maluha-luha siyang nagpasalamat sa Panginoon.

Hindi na namalayan ni Eunice kung gaano katagal inabot ang kanilang byahe mula Pangasinan hanggang sa Batangas. Nagising na lamang siyang may tumatapik sa kanyang balikat at nang magmulat siya ng mata ay nasilayan niya si Lukas, ang anak nina Mang Lary at Aling Berna.

"Ma'am Eunice? Halina kayo. Ihahatid ko na kayo sa mansyon ng amo ko." Ani Lukas saka ito na ang bumuhat sa kanyang bag.

Inalalayan siya nitong bumaba ng truck. Saka niya pinasalamatan ang driver na nangakong walang pagsasabihan ng tungkol sa lokasyon niya.

Nagtatrabaho si Lukas sa Batangas bilang family driver. Iyon ang sabi ni aling Berna noong pinaplano nila ang tungkol sa pagtakas niya at sabi ni Lukas ay pumayag ang amo niyang siya nalang ang kuning bagong nurse. Ang sabi ni Aling Berna sa kanya ay sa pamilya Caranzo nagtatrabaho si Lukas kaya kahit paano napanatag siya dahil alam niyang walang kaibigang Caranzo ang asawa niya.

Sumakay sila ni Lukas sa kotse ng amo nito saka nila binaybay ang isang pribadong daan malayo sa kabayanan. Kahit paano ay nagawa siyang mapakalma ng magandang tanawin at sariwang hanging humahaplos sa kanyang balat.

"Oo nga pala Ma'am Eunice, hindi ko pala nasabi na iyong pangalan mo noong dalaga ang binigay ko sa amo ko. Hindi ba hindi mo pa naman pinalitan ang apelyido mo sa lisensya mo?" Ani Lukas.

Tumango siya. "Oo. Eunice David pa rin."

Lumiko sila sa isa pang pribadong daan na mas mapuno na. "Mabuti na lang. Nirequest kasi ni Mr. Caranzo na ipa-check muna ang lisensya mo bago siya pumayag."

"Alam ba niyang kasal ako kay Terrence?" Nag-aalala niyang tanong.

"May tiwala sa akin si Sir, Ma'am Eunice. Iyong lisensya mo lang talaga ang tinignan kung hindi pa expire. Ayaw daw kasi nilang mapahiya sa manugang nila." 

Kumunot ang noo ni Eunice. "Manugang? Akala ko ang anak nila ang naghahanap ng personal nurse?"

"Naghahanap nga ang anak nila, kasi nagpapahanap ang asawa nito ng nurse. Iyong bunsong kapatid kasi ng manugang nina Mr. Caranzo, dalawang taon nang comatosed. Eh yung dati niyang nurse kailangang umuwi ng Davao. Didiretso na tayo sa bahay ng anak at manugang ng amo ko." Paliwanag ni Lukas.

"Gano'n ba? Hindi na bale ang mahalaga ay makalayo ako kay Terrence."

Bahagyang ngumiti si Lukas bago niya diniretso ang isa pang daan. "Matutuwa ka sa mag-asawang iyon. Mababait silang tao." 

Ngumiti lang ng pilit si Eunice. Sana nga ay totoo ang sinasabi ni Lukas. Ipapanalangin na lang din niyang huwag sanang mapahamak ang mga taong sumalo sa kanya.

"Under renovation pa ang bahay na 'to. Kakabili lang kasi ng mag-asawa pagkatapos nilang maikasal noong isang buwan." Sabi ni Lukas bago siya nito inalalayang bumaba.

Malaki ang mansyon at halata ngang ginagawa pa kaya hindi niya masabi kung ano ba talaga ang tema nito. Para itong ancestral house dahil sa makalumang mga disenyo ng poste at bintana, ngunit masasabi pa ring napakaganda nito kapag naiayos.

"Halika na, Ma'am Eunice. Huwag kang mag-alala, walang alam ang mag-asawa o ang amo ko sa buhay mo." Ani Lukas nang mapansing hindi siya kaagad gumalaw.

Pilit na lang siyang ngumiti rito at nang alalayan na siya nito papasok, naabutan nila ang mag-asawang nasa sala at tila may kung anong pinag-uusapan.

Tumayo ang mga ito at hinintay silang makalapit, si Lukas naman ay tila ipineprisenta siya sa mga ito. 

"Siya po ang nirekomenda kong nurse, Sir." 

Ngumiti nang matipid ang lalaki sa kanya at doon niya napansing tila may kahawig ito. Guwapk at mestizo ang lalaki na bumagay sa masiyahin nitong espresyon.

Inabot niya rito ang kamay. "Salamat po sa pagtanggap sa akin. I am Eunice David." Pagpapakilala niya.

Tinanggap ng lalaki ang kamay niya at mahinang tinango ang ulo bago nagsalita. "No worries, Miss David. This is my wife, Cassy, and I am Klinn." He smiled wider, showing his perfect set of white teeth. "Klinn Ducani."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status