Share

Kabanata 4

Kabanata 4

Aligaga ang mag-asawang Klinn at Cassy dahil sa ibinalita ni Eunice. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala kaya naman agad nilang tinawagan ang doktor ni Keios pati na ang ibang kapatid nina Klinn.

Eunice stayed in the room with Cassy and Klinn while they were waiting for the doctor. Minomonitor ni Eunice ang vital signs ni Keios habang kinakausap ito ng mag-asawa ngunit napansin ni Eunice na nakasunod sa kanya ang mga mata ng binata.

Keios has a pair of intimidating and cold brown eyes. Bilugan ang mga ito at tinernuhan ng mahabang pilikmata't makapal na kilay kaya naman kung seryoso kang tititigan nito ay makakadama ka ng takot.

But she wasn't afraid. Tila mas bakas pa nga niya ang pagtataka sa mga mata ni Keios habang nakatingin ito sa kanya.

"How are you feeling, bro? Gusto mo ba ng tubig?" Malumanay na tanong ni Klinn.

Sandaling tinapunan ni Keios ng tingin ang kapatid saka siya mahinang tumango. Tutal ay mas malapit si Eunice sa pitsel ng tubig ay siya na ang nagpresintang kumuha ng inumin. 

Lumapit siya kay Keios dala ang baso ng tubig saka ito inalalayang uminom. Nanghihina pa ang mga kalamnan nito pero nagawa nitong hawakan ang kamay niya habang pinapainom niya ito ng tubig.

Bahagyang pinamulahan ng mukha si Eunice dahil sa ginawa ni Keios ngunit mas napukaw ang atensyon niya ng pagtitig nito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang pangunutan ng noo ang binata nang matapos itong uminom ng tubig.

"Is there something wrong, Sir?" Malumanay niyang tanong.

She watched Keios scan her face before he spoke. "You're real." Paos pa ang tinig nitong sabi na lalong nagpasalubong sa mga kilay ni Eunice.

Matipid niya itong nginitian. "Syempre naman, Sir."

Matipid itong gumanti ng ngiti, ngunit nang bahagyang nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay, bahagya rin siyang nagtaka.

"Y—You're bruised." Puna nito na ang tinutukoy ay ang pasa sa kanyang kanang pisngi.

Naalarma siyang tumingin sa mag-asawa. Shit! Nabura ba ang make up na tinakip niya roon?

"Wala ho ito. Aksidenteng tumama sa pinto namin. Medyo lampa ho kasi ako minsan." Pagsisinungaling niya.

"Ganun ba? Mas mabuti pa yatang lagyan mo muna ng yelo yan, nurse Eunice." Suhestiyon ni Cassy ngunit umiling si Eunice.

"Okay lang po ako ma'am Cassy. Baka kailanganin din ho ako bg doktor ni Sir Keios mamaya."

"Are you sure? But just let us know if you need to excuse yourself. Don't worry. Kaya naman namin ni Cassy i-assist si Doc in case hindi niya kasama ang personal assistant niya. My brothers are on their way here." Ani Klinn.

"And what about Mom?" Sabat ni Keios kaya napatingin si Klinn dito.

"Uhm, Keios, Mom will be here soon. Hindi ko pa kasi siya na-contact." 

"Bakit hindi mo tawagan si Dad? I'm sure bitbit no'n lagi ang phone niya." Ani Keios.

Nagkatinginan ang mag-asawa ba tila hindi alam ang susunod na sasabihin. Nagsalubong ang kilay ni Keios nang mapansin ang batuhan ng mga ito ng tingin.

"Klinn, is there something I need to know?" Seryosong tanong ni Keios.

Napabuga ng hangin si Klinn saka ito pilit na ngumiti. "Why don't you take some rest? We'll talk later, bro."

Puno ng pagtataka ang mga mata ni Keios habang nakatitig sa kapatid. Gusto niyang sabihing sige ngunit nang mapatingin siya sa kamay ni Klinn at nakita ang wedding ring nito, nabaling din ang tingin niya sa kamay ni Cassy. Lalo lamang nalukot ang kanyang noo.

"Why are you wearing matching rings, Klinn?" Tanong ni Keios na tila hindi nagugustuhan ang nakikita.

"Uhm," si Cassy. Hindi rin nito naituloy ang gustong sabihin nang pigain ni Klinn ang kamay nito.

Sa huli ay napabuntong hininga na lamang si Klinn saka ito muling tumingin sa kapatid na halatang naiirita nang maghintay ng paliwanag. Klinn knows Keios pretty well. Mabilis itong mapikon kapag hindi nakukuha ang sagot na gusto at alam niyang nagsisimula na itong mainip base pa lang sa ekspresyong nakaguhit sa gwapo nitong mukha.

"Keios, may tamang panahon para ipaliwanag ko sayo ang lahat." Ani Klinn sa malumanay na tinig.

Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Keios. "Are you saying na marami kang ipapaliwanag sa akin? Kung sabagay," pinasadahan nito ng tingin si Cassy. "you really have to explain why Cassy is here."

Nakagat ni Cassy ang ibabang labi. Alam naman niya kung bakit ganoon ang trato ni Keios sa kanya at hindi niya ito masisisi. Si Klinn ay pinili na lamang ding magpasensya sa kapatid. Alam niyang malaking adjustment ang gagawin ni Keios at kailangan niyang umalalay rito.

Bumuntong hininga si Keios. "Where's my phone, Klinn? Ang coach ko ba darating? Shit. I missed the training. Lagot ako do'n."

Napalunok si Klinn. "Keios, you better take some rest first. Mas mabuting mamaya na tayo mag-usap."

Umiling si Keios. "Give me my phone, Klinn. I have to make some calls. Alam mo naman ang coach ko. Malapit na ang FIFA. I have to keep my track records clean. Nasaan ba? Ako na lang ang—"

Akmang kikilos si Keios para bumaba nang matigilan ito. Nanlamig naman ang katawan ni Klinn nang mapagtantong unti-unti nang nagsink in kay Keios ang totoo nitong kalagayan.

"Puta..." Mahinang napamura si Keios saka nito hinawakan ang kanyang hita. Namutla ang mukha nito at gumapang ang takot sa buo niyang katawan. "B—Bakit hindi ko maigalaw ang mga binti ko?"

"Keios, we—"

"Why can't I fucking move my freaking legs, Klinn?!" Sigaw ni Keios. Frustration and fear were written all over his reddened face.

Hindi alam ni Klinn kung paano niya ipagtatapat kay Keios na naapektuhan ng aksidente ang kanyang mga hita. His bones on his legs were badly broken and the doctors couldn't really tell if he could see be able to walk. They still needed to make more tests pero isa lang ang sigurado ni Klinn, mababasag ng husto ang puso ni Keios dahil sa balitang iyon.

"Keios, you have to calm down." Pag-aalo ni Cassy.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Keios at bumakat na ang mga ugat sa kanyang leeg. "How can I fucking calm down when I can't feel my legs?! Anong nangyari sa akin?!"

"Keios—"

"Shut up, Cassy! Hindi ikaw ang kausap ko! I'm sick and tired of your lies anyway!"

"Hey! Wag kang ganyan magsalita sa asawa ko, Keios." Hindi na napigilang ani ni Klinn.

Natigilan si Keios. "Asawa? Tangina asawa mo na si Cassy? Eh kakabangon mo lang sa coma asawa mo na?"

"Keios, you don't understand." Nanginginig ang tinig ni Cassy dala ng takot sa galit ni Keios. "Y—You were in a coma...for two years."

Tila tumigil ang mundo ni Keios. Two years? A lot of things could have had happened in two years! Ang pinakahihintay niyang tournament, ang playoffs, ang final listing ng kanilang team.

Napahugot ng hininga si Keios habang nakasara ang mga mata at matiim na nakalapat ang mga labi sa isa't-isa. "A—And what about my legs?" Mahina niyang tanong sa paos na tinig.

"Keios, the doctors did their best...pero hindi nila masabi kung panghabambuhay ba ang pagkalumpo mo." Malungkot na balita ni Klinn.

Pakiramdam ni Keios ay pinagsakluban siya bigla ng langit at lupa. Lahat ng mga pinaghirapan niya, tila sa isang iglap ay naglahong parang bula. Sumikip ang dibdib niya at naihiga niyang muli ang sarili sa unan bago niya tinakip ang kanyang braso sa kanyang mga mata.

Sa unang pagkakataon ay hindi niya napigilan ang pamumuo ng kanyang mga luha. Frustration clawed his heart and fear struck his chest like bullets. Nanginig ang ibaba nitang labi at uminit ang sulok ng kanyang mga mata.

"Leave." Garalgal ang tinig niyang utos.

"But Ke—" Ani Eunice ngunit pinutol siya ni Keios.

"I said leave! I don't want to see any of you right now! Putangina sobrang dali na lang niyan baka hindi niyo pa maintindihan?!" Singhal niya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.

Labag man sa loob, inakay ni Klinn ang asawa at si Eunice palabas habang si Keios ay tinabon sa mukha ang unan.

Masakit para sa kanila ang makitang nagkakaganoon si Keios ngunit hindi nila ito masisisi. Masyadong malaki ang bagay na nawala sa kanya at natatakot silang mawalan na ito ng gana dahil sa nangyari.

Nasa pinto na sila ng silid nang huminto si Eunice sa paglalakad. Malungkot niyang tinignan si Klinn saka siya mapaklang ngumiti. Bago pa man siya muling maakay nito palabas ay humakbang na siya pabalik sa tabi ng kama ni Keios at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.

Akmang babawiin ni Keios ang kamay kay Eunice nang bigla nitong ilapat ang palad ni Keios sa kanyang tiyan saka ito nagsalita.

"They said babies bring hope...I hope mine would give you what you need right now."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status