Unti-unti nang dumarami ang tao bar at lumalalim na ang gabi. Sa sobrang pag-iisip ko sa sinabi ni madam ay nakalimutan ko nang tawagan ang anak ko. Madalas alas nuebe y medya siya natutulog, saka ko na lang naalala nang alas onse na kaya hindi ko na sila tinawagan pa upang hindi na maistorbo ang kanilang tulog.
"Miss, puwede ka bang i-table? Ang sexy mo naman ah, dapat ito 'yong tipo ng babae na binibigyan ng libreng drinks eh," saad ng isang lasing na customer sa akin nang maghatid akong muli ng ini-order nilang alak. Kanina kahit na hindi pa siya lasing ay nakakaasiwa na ang paninitig niya pero hindi ko na lang gaanong pinansin.
"Salamat po, pero hindi po 'yon ang trabaho ko rito," turan ko matapos na mailapag ang mga lulan na alak at yelo. Tatalikod na sana ako ngunit napasigaw ako nang maramdaman kong may kamay na tumapik sa pang-upo ko.
"Bastos ka ah? Buwisit ka!" bulyaw ko matapos siyang dampian ng isang malakas na sampal sa pisngi. Muli akong ibina
"M-mama.." Nagising ako nang marinig ang tila nahihirapang tinig ni Angela. Bumalikwas ako ng kama nang maramdaman ang matinding init ng kaniyang katawan. Nanginginig din ang kaniyang katawan at ang mga biluging mata ay mapungay habang nakatingin sa akin. Kinapa ko ang kaniyang leeg at noo at nakumpirma na inaapoy siya ng lagnat. Maputi ang balat ng anak ko katulad ng kaniyang ama kaya mapapansin kaagad ang pamumula ng kaniyang pisngi at labi."Anak ko ang taas ng lagnat mo!" Dali-dali akong bumangon at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng gamot at malamig na tubig. Naabutan kong nagluluto sa kusina si Josephine at nagtataka itong pinagmamasdan ako."Dai, anong nangyayari?" tanong nito."Ang taas ng lagnat ni Angge!""Ano?!" Iniwan nito ang pinipritong isda at mabilis na tinungo ang aming kuwarto.Kumuha agad ako bimpo at binasa ito sa malamig na tubig na inilagay ko sa maliit na palanggana.Si Josephine naman ang naghanda ng gamot na ipap
Wala gaanong customer ngayon dahil weekdays kaya hindi gaanong busy. Pinaikot-ikot ko ang mga mata sa paligid at isa-isang pinagmamasdan ang mga tao. Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni madam at gusto kong matiyak kung totoo ba narito sa loob ng club gabi-gabi ang lalaking tinutukoy niya. Bawat sulok ay hindi ko pinalagpas ngunit wala naman akong nakitang tao na kakaiba ang ikinikilos. Simple lang rin naman ang hitsura ng mga naririto ngayon at wala naman akong makitang sobrang guwapo. Kung sabagay, lahat naman yata ng lalaki na pumapasok dito ay guwapo sa paningin ng bakla kong amo. Basta't alam niyang mapera ay pasadong-pasado na sa kaniyang panlasa.Alas nuwebe pasado na nang bigla akong nakatanggap ng tawag mula kay Josephine. Inaasahan ko nang anak ko ang bubungad sa akin sa kabilang linya, dahil sa sobrang sabik na makausap si Angela ay sinagot ko na muna ang tawag bago naisipang ihatid sa table ng customer ang tangan kong alak. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang marin
Kinaumagahan ay iniwan ko na muna sa hospital si Josephine upang bantayan ang anak ko. Nagdala na rin kasi ako ng mga susuotin sa pagpasok sa trabaho, pero bago pa man ako tumuloy sa pinagtatrabahuhang grocery store ay dumaan muna ako sa paaralang pinapasukan ng anak ko upang ipaalam sa kaniyang guro ang nangyari."Naku, kawawa naman po si Angela, mommy. Pakisabi na lang po sa kaniya na magpagaling siya kaagad ha," malumay ang tinig na sambit ni Teacher Gladys. Bakas ang lungkot at awa sa kaniyang maamo't magandang mukha. Kaedad ko lang siya kaya napakabata pa ng kaniyang hitsura, hindi katulad sa akin na mabilis nag-matured ang mukha dahil maagang namulat sa iba't-ibang uri ng trabaho."Huwag po kayong mag-alala mommy, susubukan ko pong dalawin siya sa hospital upang iabot ang mga kopya ng mga lessons namin para hindi po siya mahuli sa topic namin," dagdag pa niya. Matalino ang anak ko kaya sigurado akong madali lang siyang makaintindi kahit na hindi na muna makakapasok. Kinder 1 pa
"Ako ba talaga 'yang nasa salamin madam?" Maging ako ay hindi makapaniwala sa repleksyon ng mukha ko sa salamin. Ibang-iba pala talaga ang nagagawa ng make-up at pag-aayos sa sarili. Siguro kung ganito na ako mag-ayos noon ay mas marami pa ang mangungulit sa aking matandang mayaman. "Heto oh, alak pangpalakas ng loob mo mamaya."Hindi na ako sanay sa alak kaya nag-alangan akong inumin ang inabot niya. Pero dahil kailangan ko nga ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha ay wala akong choice kun'di ang inumin ang alak. Makakatulong din ito upang mabawasan ang pagkaasiwa ko.Kailangan ko ring kapalan ang mukha ko dahil sa plano ko. Hindi ko na ipapaalam kay Madam Bernadette na iyon ang gagawin ko mamaya.Nakatatlong bote ng ladies drink sko kaya medyo tumama na ang epekto ng alak. Nakausap na ito ni madam sa kabilang linya at sinabi nito na susunduin ako sa labas ng club.Paglabas namin ni madam sa kaniyang kuwarto ay halos sa akin agad nakapako ang tingin ng lahat.Nang maupo kami sa is
Nagulantang ako sa kaniyang ginawa kaya pilit ko siyang itinutulak upang mabawi ang labi kong nakalapat sa kaniyang bibig. Subalit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at ginalugad ang aking labi. Unti-unti akong nakakaramdam ng init. Unti-unti ko ring nararamdaman ang nakakalunod na sarap kaya sa halip na magpumiglas ay nagawa kong makipagsabayan sa mga iginagawad nitong halik.Para akong sinilaban ng apoy at dahan-dahan nang nararamdaman ang epekto ng alak na nainom ko kanina. Para akong nalalasing at nahahalina sa kaniyang mabangong hininga. Napakapit ako ng mahigpit sa kaniyang braso hanggang sa tuluyan ko nang ipinulupot ang mga kamay ko sa kaniyang leeg. Napahingal-ngal ako nang sipsipin niya ang aking labi. Naririnig ko ang pagmumura niya habang pinaparusahan ang uhaw kong labi. Kay Daniel ko ito unang naramdaman ngunit pansamantala kong nalimutan ang pakiramdam na iyon.Tuluyan na akong nadarang sa apoy ng pagnanasa nang dumausdos ang mainit niyang labi sa aking
Nahuli ng mga mata ko ang pagsiko ni Aling Paloma sa kaniya kaya naalis ang tingin nito sa akin. Nang wala ng naglakas loob na magsalita ay marahas ko na silang tinalikuran.Bumuntong hininga ako pagdating sa bahay. Pinilit kong alisin sa isipan ang mga narinig ko kanina. Masama ang loob ko pero ayaw ko na silang pagtuunan ng pansin. Siguro naman titigil na sila sa pag-iinsulto matapos ko silang komprontahin. Nakitaan ko ng hiya at awa ang mga mata ng tatlong matatanda nang binanggit kong nasa hospital ang anak ko, sana lang totoo ang awang 'yon.Nagsimula na akong nagpalit ng damit at inihanda ang mga dadalhin sa hospital dahil doon ako muling matutulog. Hindi ako papasok bukas dahil kailangang nasa tabi ako ng anak ko sa operasyon niya. Napapagod at inaantok na rin ako pero nagawa ko pa ring silipin ang sobreng inabot ng lalaking kasama ko kanina. Manipis lang ito kaya sinilip ko. Nakita ko ang pangalan ng bangko kung saan ito maaaring i-withdraw. Hindi ko na pinansin pa kung magka
Balisa ako nang makalabas sa bangko. Ilang beses ko na ring kinurot ang sarili ko upang matiyak kung nananaginip lang ba ako o totoo ba ang nangyayari ngayon. Dalawang oras na lang bago ang operasyon ng anak ko pero nandito pa rin ako at nakatulala. Saan ko naman gagamitin ang limampung milyon na ibinigay ng misteryosong lalaking 'yon kung sakali mang tinuloy ko na mapalitan ang tsekeng 'to? Bumaba ako ng tingin at pinagmasdan ang puting sobre sa kamay ko.Hindi ko kayang tanggapin ang ganito kalaking halaga, hindi ko alam kung saan nanggaling ang perang 'to at hindi ko siya kilala. Ayaw ko siyang husgahan pero hindi ko maiwasang isipin na maaari ring galing sa masamang paraan ang pinanggalingan ng perang 'to. Nasa hitsura nga naman niya na mukha siyang mayaman, pero sobrang laki naman kung ipamimigay niya lang ang ganito kalaking pera para lang sa akin. Sino ba naman ako para bigyan niya ng nito? Napakalayo ng diperensya ng fifty thousand pesos sa fifty million. Ang isang daang libo
"Iniwan ko kayo para makapag-usap noong isang araw, ang sinabi niya sa akin ay magkaibigan kayo." Napaawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata nang marinig ang sinabi ni Doc. Manuel. Halos hindi kami magpang-abot sa tuwing nag-iikot siya upang kumustahin ang mga pasyente niya kabilang na ang anak ko kaya ngayon ko lang na tiyempuhan upang kausapin. Umaalis kasi ako upang bumili ng mga pangangailangan namin o 'di kaya ay umuuwi sa bahay upang kumuha ng gagamitin ng anak ko at ni Josephine."Hindi niya po kasi nabanggit dok.""Napakabuting tao ng lalaking 'yon, inalam pa niya kung sinu-sino sa mga pasyenteng nandito ang nangangailangan ng tulong financial upang maabutan niya ng tulong."Marahas akong napalunok. Ang taong pinag-isipan ko ng masama ay ang taong nagligtas sa buhay ng anak ko. At hindi lang anak ko ang gusto niyang tulungan, pati na rin ang mga kapos na nangangailangan. Nakagat ko na lang ang ibaba kong labi. Mali na hinusgahan ko siya kaagad, pero hindi niya ri