Share

Chapter 23

"Uy Cailee, kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na raw?"

Sa dinami-rami naman nang makakasalubong, si Aling Norma pa. Kay aga-aga nag-uumpukan na naman sila. Pero hindi katulad ng dati ang paraan ng mga tingin nila, kung noon ay puno ng panghuhusga, ngayon ay ngiting-ngiti sila. Maaamo at nagmukhang maalalahaning kapitbahay pero hindi naman mukhang mapagkakatiwalaan.

Nagkunwari ako na walang nakita. Ni hindi ko nagawang bigyan kahit na isang sulyap man lang si Aling Norma. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ang anak ko at si Josephine kasi nauna na sa akin at naghihintay na sa labasan ng eskinita.

Ayaw ko ring makapagbitiw ulit ng masasakit na salita katulad noong nakaraang buwan kaya mas minabuti ko na lang na umiwas.

"Alam mo Cailee, ang totoo kasi hindi naman talaga ako galit sa iyo no. Medyo nagtampo lang noon, pero kalimutan mo na 'yon." Nahinto ako nang muli siyang magsalita. Isang tango lang ang ginawa ko at nagsimula nang muli maglakad.

"Baka gusto mong bumili ng chorizo at em
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status