Share

Chapter 6

"Mama! Yehey! Naynay Josephine narito na po si Mama! Tuwang-tuwa ang anak kong si Angela nang sinalubong ako sa labas ng bahay. Kararating ko lang galing sa trabaho bilang tindera sa maliit na grocery store sa bayan. 

Anim na taon na ang nakalipas mula nang isilang ko si Angela, sa tulong ni Josephine, ang baklang nagligtas sa akin at nagdala sa hospital nang himatayin ako noon sa tabing kalsada ay maayos kong napalaki ang aking anak. Mag-isa na lang sa buhay si Josephine at kinupkop niya kami ng anak ko at itinuring na pamilya. Hanggang ngayon ay naging matalik kaming magkaibigan. Habang kumakayod ako upang may maitustos sa pangangailan ng anak ko at sa pang-araw-araw naming makakain, siya naman ang aligaga sa pag-aalaga ng anak ko.

Magmula nang araw na dinala niya ako sa hospital ay hindi na niya ako pinabayaan lalo na nang malaman niyang mag-isa na lang din ako sa buhay. Dinala niya kami rito sa lungsod ng General Santos kung saan siya mag-isang naninirahan. 

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status