Share

Chapter 20

Kinabukasan at sa sumunod pang mga araw ay hinayaan ko si Greg na halos ibuhos ang oras sa bahay. Hinahatid niya ako tuwing umaga sa store, sa gabi naman ay hinahatid at hinihintay niyang matapos ang trabaho ko sa club. Si Angela naman ay sinasamahan nila ni Josephine sa paaralan. Unti-unti nang nawawala ang pagkailang ko sa kaniya. Masarap siyang kasama, masaya. Mabait din siya at hindi nga ako nagkamali dahil mas lalong lumalalim ang pagiging malapit nila ng anak ko sa isa't-isa.

"Bantay-sarado si pogi sa iyo ah?"

"Nagmamagandang loob lang po 'yong tao." Pinipigilan ko ang sarili na kumawala ng ngiti. Pakiramdam ko kasi biglang tumalbog ang puso ko. Iyon agad ang naramdaman ko nang tukuyin niya si Greg sa tanong niya. Hindi ko alam pero kusa ko lang naramdaman ang kaligayahan sa dibdib ko.

Nasa loob ako ng maliit na kuwarto ni Madam Bernadette at naghihintay na maibigay niya ang sahod ko. Sigurado ako na kapag napansin nito na masaya ako ay hindi ito titigil sa pag-uusisa.

Ilang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status